You are on page 1of 16

7 Edukasyon

sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Gamit ng Isip at Kilos-Loob
EsP7PS-lla-5.1
Pamilyar ka ba sa mga Sangre ng Telefantasya na Encantadia? Sina Sangre
Amihan, Pirena, Alena at ang kanilang bunsong kapatid na si Danaya? Sila ay
pinagkatiwalaan ng iba’t ibang brilyante na ayon sa kanilang kakayahan. Ikaw din ay
biniyayaan ng kakayahan na magagamit mo patungo sa layunin ng iyong pagkakalikha.
Sa modyul na ito, iyong matutunghayan ang wastong gamit ng Isip at Kilos-Loob
bilang iyong mga brilyante na magiging gabay mo sa pakikisalamuha sa iyong kapwa at
pag-unlad ng iyong sarili.

LAYUNIN:
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
1. Nabibigyang kahulugan ang gamit ng Isip at Kilos-Loob
2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng paggamit ng Isip at Kilos-Loob
3. Nakakagawa ng mga pagpapasya gamit ang Isip at Kilos-Loob.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay kapangyarihan ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihan na mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihan na umunawa.
C. Ang isip ay may kapangyarihan na humusga.
D. Ang isip ay may kapangyarihan na maglapat ng pagpapasya.
2. Ang mga sumusunod ay gamit ng kilos-loob maliban sa:
A. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
B. kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
C. kapangyarihang alamin ang tama sa mali
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
3. Sa pamamagitan ng isip, nagagabayan ang tao patungo sa .
A. katotohanan
B. kabutihan
C. kalokohan
D. kagandahan
4. Sa pamamagitan ng kilos-loob nakagagawa ito nang maayos patungo sa .
A. kabutihan
B. katotohanan
C. kasinungalingan
D. kasamaan

5. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumaabalot sa buong pagkatao ng tao.


A. isip
B. puso
C. kamay
D. katawan
6. Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita
(sa bibig o pagsusulat).
A. puso
B. isip
C. kamay o katawan
D. paa
7. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
D. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
8. Ang tao ay may tungkuling , ang isip at kilos-loob.
A. sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. kilalanin, sanayin at gawing ganap
C. kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. wala sa nabanggit
9. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Ang pahayag na ito
ay:
A. Tama, sapagkat kung wala ang isip, wala rin ang pagkilos.
B. Tama, sapagkat ang isip ang nakakaalam at nakakaunawa sa kung ano ang mas
nakabubuti sa lahat.
C. Mali, sapagkat kaya nito na kumilos mag-isa.
D. Mali, sapagkat may sarili siyang pag-iisip.
10. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamgitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan.
11. Ang isip ay may kakayahang umunawa, ang pahayag na ito ay;
A. Tama, sapagkat may kapangyarihan itong makaalam
B. Tama, sapagkat nalalaman nito ano ang mangyayari
C. Mali, sapagkat nakabatay ang lahat sa nais ng Diyos
D. Mali, sapagkat wala naman nakaalam ano ang maaaring maganap
12. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan, ang pahayag na ito ay winika ni;
A. Dr. Manuel Dy
B. Sto. Tomas De Aquino
C. James Baldwin
D. Howard Gardner
13. Ang katalinuhan ng tao ay nasusukat sa pamamagitan ng;
A. antas na natapos
B. pagkakaroon ng maraming kaibigan
C. paggamit ng kaalaman sa paglilingkod sa kapwa
D. Pagkakaroon ng maraming pera
14. Ang Isip at Kilos loob ay taglay mo simula nang ikaw ay
A. binyagan
B. isilang
C. nagkasakit
D. magdiwang ng iyong ika-pitong kaarawan
15. Ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o
katawan. Ang pahayag na ito ay winika ni;
A. Max Scheler
B. Sto. Tomas De Aquino
C. Dr. Manuel Dy
D. Confucius
Panuto: Tayahin ang mga sumusunod na sitwasyon gamit ang isip at kilos-loob. Isulat kung
ano ang iyong iisipin at gagawin sa bawat bilang.

Tinanghali ka ng gising kakapanood ng Kdrama at unang araw ng inyong pagsusulit


ngayon. Mahigpit na bilin ng inyong guro na huwag mahuhuli sa pagpasok sa klase.
Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Iisipin Gagawin

Nasaling mo ang mamahaling vase na binili ng iyong ina mula sa ibang bansa. Isa
ito sa kanyang mga koleksyon at iniingatang mabuti. Alam mo na magagalit ito kapag
nakita niya itong nabasag. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Iisipin Gagawin

Nangako ka sa iyong best friend na kahit anong mangyari ang sikreto ay


mananatiling sikreto. Alam ng parents niya ang patago niyang paggamit ng sigarilyo at
lubha na itong nakakaapekto sa kanyang kalusugan. Tinanong ka nila kung patuloy pa
rin siya sa paninigarilyo, sa tagpong ito ano ang iyong iisipin at gagawin?

Iisipin Gagawin
Niyaya ka ng iyong kaibigan na pumunta sa mall dahil may bibilhin siya. Sumama
ka kahit di ka nagpaalam sa iyong mga magulang dahil inakala mo na makakauwi kayo
nang maaga. Hindi mo inaasahan ang matinding traffic kaya’t ginabi ka ng uwi. Ano ang
iyong iisipin at gagawin sa sitwasyon na ito?

Iisipin Gagawin

Kinausap ka ng kaibigan mo na pareho kayo ng iboboto na SSG President ngunit


alam mo ang ugali ng gusto niyang kandidato kumpara sa nais mo na ihalal bilang
pangulo. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Iisipin Gagawin
Pasya ng Isip sa Malayang Pagkilos

“Avi Sala Eshma, Agape Avi, Avisala!” mga salitang


Enchanta na ginamit sa teleserye drama fantasy na
Encantadia. Bawat Sangre ay pinagkalooban ng iba’t ibang
brilyante na nagpapatangi sa kakayahan ng bawat diwata.
Ginamit nila ang kapangyarihan ng mga ito upang protektahan
at pangalagaan ang kanilang nasasakupan. May pagkakataon
din na nagamit nila ito sa di mabuting intensyon at nakasakit
sa iba, subalit ang brilyante din ang gumabay sa kanila para
gawin ano ang mas makakabuti para sa lahat.
Gaya ng mga Sangre, ikaw din ay may brilyanteng tinatagaglay ng tayo ay likhain. Sa
pagsilang pa lamang ay taglay mo na ang biyaya ng isip at kilos-
loob, subalit hindi mo pa ito nagagamit sapagkat ikaw ay wala pang
kaalaman sa kapangyarihan at kakayahan na maaaring ibigay nito
sa iyo. Bawat tao na nilikha ng Diyos ay pinagkalooban ng ganitong
uri ng biyaya upang magamit sa pagtamo ng layunin ng kanyang
pagkakalikha.
Anu-ano nga ba ang kakayahan at kapangyarihang taglay ng
Isip at Kilos-Loob? Paano at saan ito maaaring gamitin. Ayon
kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.
Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at
buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng
mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason),
intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya (conscience) at
intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
Ang puso ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang
pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at
kabutihan ng tao ay dito natatago.
Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama,
panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o
pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na
naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan,
ang mahalaga ay maunawaan niya kung ano-ano ang gamit
ng mga ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan,
dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip
at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang
nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating
kapwa.
gamit kumilos tunguhin kabutihan

gamit pag-unawa tunguhin katotohnan

Lahat tayo ay nilikha na kawangis ng Diyos at binigyan ng kakayahang makaalam at


magpasya ng malaya. Ang Isip ay may kapangyarihang mangatwiran at ang Kilos-Loob
naman ay may kapangyarihan na pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili. Tingnan ang
larawan sa ibaba.
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang
nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan.
Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang makamit ang katotohanang ito. Sa
pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang gumawa para sa ikabubuti ng
kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing-perpekto ng
Maylikha, siya ay nakadarama ng kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa
katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin ng isip.
Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay
isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat
ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama. Kung kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay ang
kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi
nito kailanman magugustuhan ang mismong masama.
Nagaganap lamang ang pagpili sa masama kung ito ay
nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-
akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon
ng isip. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi
nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam
o nauunawaan. Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung
kaya’t ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti. Ngunit hindi
lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay
sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit
na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin.
Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay
kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng
mga ito ang kani-kaniyang layunin. Kung hindi,
magagamit ang mga ito sa maling paraan na
makahahadlang sa pagkakamit ng kaganapan ng tao.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin
at gawing ganap ang isip at kilos-loob. Mahalagang
pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob
ang mga ito sa tao. Inaasahang magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at
kilos-loob. Habang marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan
ng pag-aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding
naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang
paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging
mabuting nilalang na may mabuting kilos-loob.
Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng
nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano
ginagamit ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa
pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa
kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.
Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob
na kumilos ayon sa kanyang kalikasan…ang
magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng
kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-
loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad
ng pagkatao.

Ngayon na alam mo na ang gamit ng iyong mga brilyante, inaasahan na pagkatapos ng


modyul na ito ay magagawa mo na ang isang kilos na ginamitan ng pagpapasiya ng isip
patungo sa katotohanan at malayang pagkilos patungo sa kabutihan. Binabati kita!

Panuto: Suriin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang gamit ng Isip at Kilos-Loob?

2. Ano ang tunguhin ng Isip at Kilos-Loob?

3. Ano ang kakayahan o tungkulin na ginagampanan ng puso, kamay at katawan?

4. Bakit mahalaga na kilalanin, sanayin at paunlarin ang paggamit ng Isip at Kilos-


Loob?

5. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang mga hakbang na iyong gagawin upang
maisabuhay ng wasto ang paggamit ng Isip at Kilos-Loob? Magbigay ng 2-3
hakbang.
Pagyamanin

Pang-isahang Pagsusulit Bilang 1


Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay wastong gamit ng Isip
o Kilos-Loob.
A. Isip
B. Kilos-Loob
1. May kapangyarihan na umunawa at makaalam.
2. May kapangyarihan na mag-alala at umunawa ng mga bagay.
3. May kapangyarihan na magpasya at isakatuparan ang pinili.
4. May kapangyarihan na isagawa ang pasya ng isip.
5. May kapangyarihan na maghusga, mangatwiran, at magsuri.

Pang-isahang Gawain Bilang 2


Panuto: Bilugan ang emosyon na mararamdaman sa mga sumusunod na sitwasyon na
may kinalaman sa wastong gamit ng isip at kilos-loob.

1. Pagtatapon ng basura sa tamang tapunan.

2. Pagtulong sa gawaing bahay na may pagkukusa.

3. Pagkuha ng gamit nang hindi nagpapaalam sa may-ari.

4. Paggamit ng Po at Opo bilang paggalang sa mga nakatatanda.

5. Pagsisinungaling para sa kapakanan ng iba.

Pang-isahang Pagsusulit Bilang 2


Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na salita. Piliin ang titik ng tamang sagot na nasa
loob ng kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Isip
B. Kilos-Loob
C. Puso
D. Kamay at katawan
E. Kabutihan

1. Maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.


2. Sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa
bibig o pagsusulat).
3. May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
4. Ugat ng mapanagutang kilos.
5. Tunguhin ng kilos-loob.
Pang-isahang Pagsusulit Bilang 3
Panuto: Piliin ang kilos-loob na isasagawa sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Isip Kilos-Loob
_ 1. Nahulog ang wallet ng iyong guro sa A. Isasauli ito at hihingi ng tawad sa
pasilyo. librarian at papalitan ang aklat na nasira.
2. Itatapon mo na ang plastic na pinag- B. Pupulutin ang basura, itatapon sa
kainan mo, wala kang makitang basurahan at papaalahanan ang kaklase
basurahan. sa kilos na ginawa.
3. Nasira mo ang libro na hiniram mo C. Pupulutin at isasauli sa guro ang wallet.
sa library.
4. Nawala mo ang pera ng iyong kapatid D. Ilalagay ang basura sa bag at itatapon
na pambayad sa kanyang field trip fee. kapag may nakita ng basurahan.
5. Nakita mo ang iyong kaklase na nag- E. Sasabihin sa kapatid ang totoo at
tapon ng basura sa daanan. papalitan ang perang naiwala.

Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag batay sa gamit at tunguhin ng Isip


at Kilos- Loob.

Ang gamit ng isip ay patungo sa .


Ang gamit ng kilos-loob ay patungo sa .
Ang isip at kilos-loob ay nararapat na , ,
.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangugusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang isip ay may kakayahan na ng kilos.


A. gumalaw
B. kumilos
C. umunawa
D. gumanap

2. Maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.


A. kamay
B. puso
C. mata
D. katawan

3. Ang gamit ng kilos-loob ay isagawa ang isang kilos patungo sa:


A. katotohanan
B. kahirapan
C. kabutihan
D. kaunlaran

4. Nagsasagawa ng kilos na ninanais ng isip.


A. puso
B. katawan
C. ulo
D. paa

5. Ang gamit ng isip ay umunawa patungo sa:


A. katotohanan
B. kasaganaan
C. kahusayan
D. katapangan

6. Ang mga sumusunod ay kapangyarihan ng isip maliban sa:


A. Ang isip ay may kapangyarihan na mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihan na umunawa.
C. Ang isip ay may kapangyarihan na humusga.
D. Ang isip ay may kapangyarihan na maglapat ng pagpapasya.

7. Ang Isip at Kilos loob ay tinataglay mo na simula nang ikaw ay


A. binyagan
B. isilang
C. nagkasakit
D. kaarawan

8. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:


A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
D. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
9. Ang kilos-loob ay may kakayahan na:
A. isagawa ang ninanais ng isip
B. isakilos ang pasya ng isip
C. isakatuparan ang desisyon ng isip
D. lahat ng nabanggit

10. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili.
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan.

11. Ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, puso at ang
kamay o katawan. Ang pahayag na ito ay winika ni:
A. Max Scheler
B. Sto. Tomas De Aquino
C. Dr. Manuel Dy
D. Confucius

12. Ang tao ay may tungkuling _ , ang isip at


kilos-loob.
A. sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. kilalanin, sanayin at gawing ganap
C. kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. wala sa nabanggit
13. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan, ang pahayag na ito ay
winika ni:
A. Dr. Manuel Dy
B. Sto. Tomas De Aquino
C. James Baldwin
D. Howard Gardner

14. Ang katalinuhan ng tao ay nasusukat sa pamamagitan ng:


A. antas na natapos
B. pagkakaroon ng maraming kaibigan
C. paggamit ng kaalaman sa paglilingkod sa kapwa
D. pagkakaroon ng maraming pera

15. Ang mga sumusunod ay gamit ng kilos-loob maliban sa:


A. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
B. kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
C. kapangyarihang alamin ang tama sa mali
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dy, Jr., Manuel B., Sheryll Gayola, Marivic Leaňo, Mary Jean B. Brizuela, Ellanore G.
Querijero., et al, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng mga Mag-aaral
(Unang Bahagi), Unang Edisyon. 2013.pahina 103-120
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learnin g Resource Management and Development System (LRMDS) i
Capital Compound, Guinhawa St., Cry of Malalas, Bulacan

Email Address. I rmdsbulacan@deped.qav.ph

You might also like