You are on page 1of 30

NAOL

KUMPLETO
Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya
ng sakit na diabetes, naging maingat na siya sa pagpili ng
kaniyang kinakain kahit gustong- gusto niya ito.

1.Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang


udyok ng kaniyang damdamin?
A.Ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. May kakayahan ang taong mangatwiran
D. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
2. Ayon kay Dy, ano ang kakayahan ng isip na
nagbubunsod upang maunawaan ang mga dapat
maunawaan?
A. Magnilay
B. Manghusga
C. Mangatwiran
D. Mag-abstraksiyon
3. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong
kakayahan upang kilalanin ang mga bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang
paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong
pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o
kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?
A. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
B. Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
C. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
D. Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
4. Ano ang tumutukoy sa kakayahan ng isip na kumuha ng
buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral?
A. Magnilay
B. Manghusga
C. Mangatwiran
D. Mag-abstraksyon
5. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque
Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.
B. Ang katotohanan ang siyang bumabagabal sa atin.
C. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
D.Ang katotohanan ay nangangahulugan na may kasama ako na
makakita sa katotohanan
6. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ito ay
makatuwirang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit
sa mabuti at lumalayo sa masama. Alin sa mga
sumusunod ang tinutukoy dito?
A. Isip
B. Kilos-loob
C. Kalikasan
D. Ispiritwal
7. Makagagawa ka ng angkop na kilos upang
maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan
kung ____________. Alin sa mga sumusunod ang
pinakaangkop sa naunang pahayag?
A. Pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba.
B. Isaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili.
C. Gagamiting mo nang tama ang isip at kilos-loob .
D. Hahayaang mong magkamali sa pasya at magsisi
na lamang sa huli.
8. Alin sa mga pahayag ang hindi nagpapakita ng
wastong paggamit ng isip at kilos-loob?
A. Paggamit ng cellphone habang nagkaklase
B. Pag-unawa at paggalang sa paniniwala ng iba
C. Pakikiisa at pakikilahok sa mga pangkatang
gawain ng klase
D. Pagpapaalam nang maayos sa magulang kung
may pupuntahang okasyon o kasiyahan upang
hindi ito mag-alala
9. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang
kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.”
Ano ang kahulugan nito?
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B.Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na
impormasyon ng isip
C.Kailangang maging matalino ang isip sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-
loob dahil magkakaugnay ang mga ito
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong
paggamit ng kilos-loob o will?
A. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib
pa.
B. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng
COVID-19.
C. Kinuha pa rin niya ang labis na ayuda kahit alam
niyang kailangan ito ng iba.
D. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito
sa kaniya.
PAGGAMIT NG ISIP
AT KILOS-LOOB
TUNGO SA
KATOTOHANAN
KWARTER 1 - MODYUL 1
“Ikaw ay isang
obra maestra ng
Diyos sapagka’t
ikaw ay nilikhang
kawangis Niya.”
TAO

MATERYAL ISPIRITWAL

Pandamdam Emosyon Isip Kilos-loob

Paggusto at Pag-unawa Pagpapasya Gamit


PanlabasPanloob
Pag-ayaw
Pandinig. Kamalayan Pagkatuwa at Pagpili Pagmamahal Layunin
Panlasa. Imahinasyon Pighati
Tapang-Takot Katotohanan Kabutihan Tunguhin
Pang-amoy. Memorya
Saya at
Paningin. Likas na Karunungan Birtud Kaganapan
lungkot
Ayon kay Dy, ang kakayahan ng
isip na MAGNILAY ang
nagbubunsod upang maunawaan
ang mga dapat maunawaan.
Ang isip ay may kakayahan ding mag-isip,
alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito
ay may kapangyarihan ding maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-aalala at
umunawa ng mga bagay.
Ano ang katotohanan na
dapat makita?
matuklasan ang katotohanan.
Ito ay ang mayroon o
ang nandiyan na
kailangang lumabas sa
pagkakakubli at
lumilitaw dahil sa
pagiging bukas ng isip
ng taong naghahanap
nito.
Kilos-loob o Will
Makatuwirang
Ang kilos-loob o willpagkagusto
ay umaasa at
(rational
nagpapasya appetency),
batay sa mga nakalap na
sapagkat
impormasyonitoatay naaakit sa
sa ginagawang
Mabuti at lumalayo
paghuhusga ng isip. sa
masama.
Mga Paraan ng Wastong
Paghubog ng Isip at Kilos-
Loob
Pagsasanay ng Isip:
• Paghahanap ng kahulugan at totoong layunin ng buhay.
• Pag-unawa at pagbibigay-katuwiran sa katotohanan at mga moral na
alituntunin at pag-ugnay nito sa buhay.
• Paghusga at pagpapasiya batay sa malinaw na pamantayan ng
moralidad.
• Pag-unawa sa pangkalahatang katotohanan.
• Pagsusuri sa mga dahilan at epekto ng mga pasiya at gawi
• Makatuwirang paglutas sa mga suliranin
Pagsasanay at Pagganyak ng Kilos-Loob:
• Pagmamahal sa Diyos at kapwa.
• Pagpili ng pinakamabuti, pangkalahatang katotohanan at moral na
pagpapahalaga.
• Pagdaan sa masusing proseso ng pagpapahalaga at pagpapasiya bago
isakilos.
• Pagkilos bunga ng malayang pagpapasiya.
• Paggamit ng kalayaan nang may pananagutan sa kalalabasan ng pasya o
kilos.
• Pagdisiplina sa sarili at pagkontrol sa mga emosyon kung kailangan.
• Pagsusumikap, pagtitiis at pagtitiwala.
• Pagkakaroon ng determinasyon magbago upang umunlad.
• Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ng birtud.
ARAL:
Ikaw ay natatangi. Nilikha sa wangis ng Diyos.
Biniyayaan ka ng kakayahang gamitin ang isip at kilos?
loob. Ang mga ito ang magiging batayan mo upang
makapagsuri, magpasya at kumilos ayon sa katotohanan,
pagmamahal at paglilingkod. Piliin ang tama at wasto.
Mamuhay na mas pinaiiral ang mabuti. Ihinto at baguhin
ang mali.
MAIKLING PAGSUSULIT
Panuto: Patapat-tapatin ang mga katanungan sa Hanay A na tumutugon sa katangian ng
wasto o tamang pag-iisip at pagkilos na nasa Hanay B.
MAIKLING PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga nakalahad. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay
pagpapakita ng tamang gamit ng isip o kilos-loob. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali.

_____6. Nangangalap muna si Alden ng mga impormasyon mula sa mga eksperto at


kinauukulan bago maniwala sa sinasabi ng iba.
_____7. Uminom ng alak si Aldrich sa udyok ng mga barkada. Tanda raw ito ng pakikisama
at pagmamahal sa bawat isa.
_____8. Hinikayat ni Stephanie ang kapatid at mga magulang na magbigay ng tulong sa
kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kahit na nga nangangailangan din
sila.
_____9. Patuloy pa rin ang pakikipagkita ni Gerlie kay Bhoy tuwing gabi kahit kinausap na
ng mga magulang na itigil na ito.
_____10. Hindi na sini-seryoso ni Alvin ang pagbabasa ng modyul. Naisip niya na hindi
naman siya magko-kolehiyo at walang halaga ang matuto pa.
TAKDANG ARALIN
Panuto: Pag-isipan at ibahagi ang iyong mga kilos o gawain na may kinalaman sa paggamit ng isip at kilos-loob. Alin sa
mga ito ang ipagpapatuloy, babaguhin at ihihinto mo tulad ng sa traffic lights o ilaw trapiko? Gawin ito sa isang buong
papel. (Pahina 13 ng modyul)

You might also like