You are on page 1of 8

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Modyul para sa Mag-aaral
Yunit 1

Ang Isip at Kilos-loob


1. Ang isip at kilos- loob ang kambal na kapangyarihan nagpapabukod tangi sa tao.
2. Ang isip ay para sa pag- unawa at pag-alam ng katotohanan.
3. Ang kilos- loob ay pagkilos tungo sa kabutihan.
4. Ang tunay na karunungan ay ang paghahanap ng katotohanan.
5. Upang makamit ang kasukdulang taas ng isip, kinakailangan itong hubugin ng
wasto gayun
din ang kilos-loob.
6. Nasa kalikasan ng isip ang mag-isip, sumuri at mangalap ng iba’t-ibang kaalaman,
upang
magpasya ng tama at mabuti subalit kung minsan ang tao ay pinipili parin mali o
paggawang masama dahil mas madali itong gawin o nasisiyahan siya sa magiging
resulta nito sa
pagkakataong ito. Dapat palakasin ng tao ang kanyang kilos-loob sa pamamagitan ng
wastong paghuhubog nito.
Mga halimbawa ng paghubog ng isip at kilos-loob.
a. Pagkilala sa katotohanan
b. Makatuwirang paraan ng pagtuklas ng suliranin.
c. Pagmamahal sa Diyos at kapwa
d. Pagpapatatag ng kaalaman tungo sa moralidad
e. Pagiging responsable at mapanagutan (Punsalan et. al:2019)

1. Ito ang katangiang nagpabukod-tangi sa tao.


A. Isip at kilos-loob C. Kakayahan at ugali
B. Isip at talino D. Talino at galling
2. Ang isip ay ______ ng tao upang magsuri at tumuklas.
A. biyaya C. kapangyarihan
B. galing D. karunungan
3. Ang ____ ay bunga ng paghubog sa pag-alam ng katotohanan.
A. kaalaman C. kaisipan
B. kabutihan D. karunungan
4. Ang pag-alam sa _______ ay nasa kalikasan ng tao.
A. kabutihan C. katotohan
B. kakayahan D. kayamanan
5. Ang pagmamasid, pag-alam, pagsuri at obhetibong pagtataya ay mga paraan para
sa ______.
A. kapangyarihan C. karunungan
B. kakayahan D. pagpili ng mabuti
Kapangyarihan ng Isip

1. Nilikha ang tao bilang isang rasyonal (makatwiran) na nilalang.


2. Ang isip ng tao ay may kamalayan, may kakayahang umunawa, tumanggap ng
impormasyon, sumuri, tumuklas at magbigay ng kahulugan.
3. Ang isip ng tao ay di lamang tumatanggap ng impormasyon, ito rin ay sumusuri..Ang
pang-unawa ng tao ay nakakatulong sa kanyang paghatol at pagpapasya sa pamamagitan
ng pagkukumpara at pagsuri sa mga impormasyong tinatanggap ng kanyang isip.
4. May kakayahan ang taong pangatuwiranan ang kanyang pasya base sa mga
impormasyong nakalap niya upang magamit sa pagtukoy ng tama at nararapat.
5. May kakayahan ang taong tukuyin ang tama sa mali.
Kapangyarihan ng Kilos-loob

Ang kilos-loob ay ang determinasyon ng tao upang gawin ang isang bagay. Ito rin ay
kakahayang karugtong ng isip upang ipakita o gawin ang kanyang ninanais. Ang kilos-loob
ay ang
rasyonal o makatwirang pagkagusto sa mabuti at pag-iwas sa masama.
1. Ang tao ay nagsusumikap hindi lamang dahil sa kanyang kalikasan (instinct) bagkus dahil
sa kangyang kilos-loob.
2. Dahil sa kanyang kilos-loob kaya ng taong higitan ang kanyang kalikasan gaya ng pag
didisiplina sa sarili.
3. Ang isip ang sumusuri subalit ang kilos-loob ay ang malayang pumipili.
4. Kung ang isip ang nangangalap ng impormasyon ang kilos-loob ang nag-uudyok na piliin
ang mabuti o masama ayon sa pag-unawa ng isip nito. (Babor; 1999)
5. Nasa kalikasan ng kilos-loob ang pagpili ng mabuti. (Punsalan; 2019)

Kakayahan ng Isip at Kilos-loob


Isip Kilos-loob
Pinakamataas na layunin Karunungan Birtud
Tunguhin Katotohanan Kabutihan
Tungkulin Mag-isip Magpasya
Hangarin Pag-alam Pagpili

Ang karunungan ay hindi lamang para sa sariling kapakinabangan, bagkus ito rin ay paraan
para sa tamang pagkilos. Ang karunungan ay pinatitingkad ng pag-alam sa katotohanan.
Ang pagkilos ay karugtong ng kaalaman ng tao, gumagawa ang tao ng tama dahil alam
niyang ito ay tama. Ang kilos-loob ay pinatitingkad sa paghahanap ng kabutihan at ang
paggawa ng mabuti ang kanyang huling layon. Ang kilos-loob ay laging naghahangad ng
kabutihan na nagmumula sa katotohanan tungo sa paglilingkod at pagmamahal, ang Diyos
(ang huling layon ng tao). Ayon sa Banal na Aklat ang ginagawa mo sa kapwa mo ay
ginagawa mo rin sa Diyos.May kapangyarihan ang isip at kilos-loob subalit meron din itong
tungkuling dapat gampanan sa pag-abot sa pinakadakilang katotohanan at kabutihan, ito ay
ang pagmamahal.
Ayon sa aklat ni Glenn may dalawang pakultad o kapangyarihan ng kapasidad sa pagkilos
ang kaluluwa ng tao:
1. Pangkaalamang pakultad (knowing faculty) – Isip
2. Pagkagustong pakultad (choosing faculty) – Kilos-loob

Mga Tungkulin ng Isip at Kilos-loob


1. Paunlarin at gamitin ang isip.
2. Ang isip ay pinauunlad ng kaalaman at katotohanan tungo sa kaganapan nito.
3. Maging makatwirang nilalang.
4. Makamit ang kanyang huling layon batay sa likas na batas.
5. Ang kaganapan ng kilos-loob ay ang paghahanap sa kabutihan

Mula sa bibliya EsP 10 Q1 Week 1-2.pdf

Ang Likas na Batas Moral bilang batayan ng Kabutihan at ng Konsensya. Sa pamamagitan


ng batas na ito ay may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti at masama. Hindi ito malinaw
na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba‟t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang
makita ang halaga ng tao. Sa pamamagitan ng konsensiya nalalaman agad ng tao ang
mabuti at masama sa konkretong sitwasyon. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng
isip ang paghuhusga ng isip kung mabuti o masama ang kilos. Ang tao ay biniyayaan ng
kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinawag na
konsensiya. Ang konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay with o
mayroon at Scientia na ibig sabihin ay knowledge o kaalaman. Ang pinakamalapit na
pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan. Ayon
kay Lipio, gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Ang konsensya ay ang panloob na
bahagi ng isang tao na may kakayahang makaunawa ng sang kaisipan o gawain kung tama
o mali. Ang tao lamang ang may natatanging kakayahan na ito at wala sa hayop o halaman
na kapuwa mga may buhay na nilalang din.

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem, piliin at bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Nakararanas ang lahat ng pandemya, sa pagtitipid pinagluluto ka ng iyong ina ngunit
napaalat ang timpla mo. Napag-aralan mo naman kung paano ang gagawin sa TLE mo
ngunit di mo ito ginawa. Anung uri ng kamangmangan ang ipinakita?
A. madaraig C. visible
B. di-madaraig D. invincible

2. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa: Ito ay


A. sukatan ng kilos
B. nauunawaan ng kaisipan
C. pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
D. personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao

3. Ang sumusunod at mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating
buhay
B. Likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak
C. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na
tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa
pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
4. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan
upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya mayroon
gumagawa pa rin ng bagay na masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya‟t nalilitosiya.

5. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?


A. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay
galing sa masama
B. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng
rugby
C. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
D. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid

6. Ang kamangmangan ay kung walang pamamaraan na magagawa ang isang


tao upang ito ay malampasan.
A. madaraig C. visible
B. di-madaraig D. invincible

7. Ang konsepto ng Bagong Tipan ay mas pumapabor sa pagiging indibidwal ng tao at


kinasasangkutan ito ng tatlong pangunahing katotohanan maliban sa:
A. ang konsensya ay ang kakayahan na ibinigay ng Diyos sa tao upang magsuri ng
kanilang sarili.
B. ang konsensya bilang isang saksi.
C. ang konsensya ay anino ng pananaw sa moralidad at pagpapahalaga ng isang
indibidwal.
D. ang konsensya ay ang sangkap ng ating pagkatao na umuusig sa ating budhi.

8. Ayon sa Bagong Tipan, ano ang tinutukoy ni Pablo na may mahinang konsensiya?
A. Sumasamba sa diyus-diyosan C. Nag-aayuno sa Diyos
B. Sumasamba sa Diyos D. Nag-aalay sa anito

9. Sinabi din niya na ang kanyang konsensya ang nagpapatunay sa kanya na ang kanyang
mga gawa ay hayag sa Diyos at siya ring saksi sa konsensya ng ibang tao Mula sa 2 Corinto
A. 4:11 C. 3:11
B. 5:11 D. 6:11

10. Ang taong may „manhid‟ na konsensya ay hindi na nakikinig sa paguusig ng kanyang
budhi. Makikita sa Bagong tipan sa:
A. 1 Timoteo 4:1-2
B. 1 Timoteo 3:1-2
C. 2 Corinto 5:11
D. 2 Corinto 4:11

Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Ang tao ay may taglay na kalayaan mula pa sa kaniyang kapanganakan.


Ayon nga sa kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino, “ang kalayaan ay
katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari
niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.” Ibig sabihin, ang
tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili. Walang
anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa
kaniya. Gayundin kung wala kang natutuhan sa leksiyon, may paraan na
pwede mong gawin upang maunawaan ang inyong aralin. Ito ay dahil may
kakayahan ang taong isipin kung ano ang nararanasan niya sapagkat mayroon
siyang kamalayan. Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin
kung paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan. Maaari mong piliing
magalit at masira ang iyong araw dahil sa kilos ng isang kaibigan o kaya’y
unawain ang kaniyang kalagayan, patawarin siya, at manatiling maayos ang
inyong ugnayan. Maaari mong piliin ang mabagot at walang matutuhan sa
leksiyon o kaya’y humingi ng tulong sa guro sa bagay na hindi naunawaan at
magkaroon ng pokus upang maunawaan ito. May kakayahan ang taong
magtimpi at may dahilan siya upang gawin ito.
Ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao.
Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya
ayon sa kaniyang nais, sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na
sisirain sa paggawa niya nito. Ito ang madalas na iniisip ng tao tungkol sa
kalayaan – ang paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang
karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin. Karaniwang
sa pag-asam at pagsisikap na makamit ang kalayaan, nakaliligtaan ang
mahalagang hakbang sa pagkamit nito. Karaniwang tinitingnan ang kalayaan
bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao.
Bibihirang kinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang
nagmumula sa labas kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ito ay
hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng “higit” pa sa
malayang kilos-loob upang maging malaya. Ang tinutukoy na “higit” ay
makikita kung titingnan ang kalayaan sa aspektong mayroon itong kakambal
na responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may kasunod na
responsibilidad.

May dalawang aspekto ng kalayaan: ang kalayaan mula sa (freedom


from) at kalayaan para sa (freedom for).
1. Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyang katuturan ang kalayaan bilang
kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais.
Sa ganitong pag-unawa ng kalayaan, masasabing malaya ang tao kapag walang
nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay. Subalit
kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang
nagaganap sa labas niya o sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa kaniyang loob. Ang
nagaganap sa labas ng kaniyang sarili ay pangyayaring wala siyang kontrol at wala siyang
kalayaan upang pigilan ito. Samantalang ang nagaganap sa loob ng tao ay kaya niyang
pigilin at pamahalaan upang maging ganap siyang malaya. Ano kung gayon ang
nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao? Ito ay ang mga negatibong
katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t kahit mayroon siyang kilos- loob, pumipigil
ito sa kaniya sa pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng kalayaan. Kailangang maging
malaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso, at iba
pang nagiging hadlang upang magawa niya ang ikalawang uri ng kalayaan.
2. Kalayaan para sa (freedom for). Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita
ang kapwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung malaya ang tao mula sa pagiging
makasarili at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang,
magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapwa sa buhay niya. Gagamitin niya ang kaniyang
kalayaan para tumugon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng
pagmamahal sa kapwa. Samakatwid, kailangang maging malaya ang tao mula sa mga
pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng
kaniyang kapwa - ang magmahal at maglingkod.

1. Ano ang tinutukoy na mabuti?


A. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
B. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
C. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti.
D. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.

2.. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes,


pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
A. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang
kalayaan.
B. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong
katangian.
C. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
D. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.

3. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?


A. Para magawa ng tao ang kanyang mga nais gawin na may kaakibat na
pananagutan.
B. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging
malayang tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon.
C. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang
kaniyang nais na walang nakahahadlang dito.
D. Para sa paglinang ng kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya
ibinigay sa kaniya ang kalayaan.

4. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa


pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang
natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa
kaniya?
A. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-
aaral ang leksiyon.
B. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi
nakababagot sa mag-aaral.
C. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
D. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.

Yamang nilalang tayo ayon sa larawan at wangis ng Diyos, dapat masalamin sa atin,
hangga’t maaari, ang dakilang mga katangian ng Diyos sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Ipinahihiwatig sa utos na “ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili”,
samakatuwid, kung ibig nating tayo’y igalang ng iba, dapat nating ipakita na tayo ay
karapat-dapat dito. Ang pagpapanatili ng dignidad ng tao ay hindi nakabatay sa kalagayan
sa buhay o sa pagiging mayaman o mahirap, sapagkat sa Diyos ang lahat ng tao ay pantay-
Pantay. Upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang mga taong may espesyal na
pangangailangan at mga may kapansanan (PWD) na makapag-aral.

Naitatanim sa isip ng mga taong may espesyal na pangangailangan at mga may


kapansanan (PWD) at gayundin din sa kanilang mga pamilya na kinikilala ng pamahalaan
ang kanilang kahalagahan bilang bahagi ng lipunan.
Prinsipyo ng Dignidad Pantao

1. Ang tao ay ibinibilang na banal mula sa kanyang pagkalalang


hanggang sa kanyang kamatayan.
2. Bawat tao ay dapat kinikilalang mahalagang kasapi ng pamayanan
na may materyal at espirituwal na kalikasan,
3. Ang dignidad ng tao ay ipinagtatanggol sa pamamagitan ng
paggalang, pagmamahal, at pag-aaruga ng buhay.

Apat na Pinakamahalagang Aksyon sa Pagsanggalang ng


Dangal Pantao ayon kay Pope John Paul II
1. Pagtatanggol sa kabanalan ng buhay at pinagmulan nito.
2. Pagtatanggol sa dignidad ng paggawa.
3. Pagtatamo ng buong edukasyon at kalinangan.
4. Pagpapaunlad ng kabutihang panlahat at katarungang
panlipunan.

1. Ito ay tinatawag na dangal na sa simula pa lang sa pagkalalang ay


ipinagkaloob na ng Diyos sa tao.
A. Dignidad C. Karapatan
B. Kalayaan D. Konsensya

2. Ang bawat karapatan ay may kaakibat na ____________________.


A. Kabutihan C. Karangalan
B. Kalayaan D. Responsibilidad

3. Ito ay mga gawain na nagpapakita ng paggalang sa sarili MALIBAN


sa:
A. Positibong pagtingin sa sarili.
B. Pagsunod sa mga luho ng katawan.
C. Pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa.
D. Pagpapanatili ng kalusugan sa katawan at pangkaisipan

4. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing pagpapahalaga na


nagpapaangat sa pantaong dignidad.
A. Pisikal, Panlipunan, Politikal
B. Moral, Intelektwal, Panlipunan, Pisikal
C. Esprituwal, Moral, Intelektuwal, Panlipunan, Politikal
D. Esprituwal, Moral, Intelektuwal, Panlipunan, Pisikal,
Ekonomiks at Politikal.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso sa


dignidad ng tao?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Unang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
A. Si Mang Juan na napagbintangan na magnanakaw kaya siya
ay nakulong.
B. Si Peter Kho na nagbibigay ng sapat na pasahod sa kanyang
mga manggagawa.
C. Si Eden na isang kasambahay na pinakikitunguhan nang
maayos ng kanyang mga amo.
D. Si Ramon na may kapansanan (PWD) na binigyan ng
pagkakataon na maghanap-buhay para sa ikauunlad ng
kanyang sarili sa kabila ng kanyang kalagayan.

You might also like