You are on page 1of 1

“Desisyon ang Nagtatakda ng Tadhana”

Ano nga ba ang paggawa ng moral na desisyon? Ngunit bago kung ibahagi sa inyo
kung ano ang paggawa ng moral na desisyon ay sasabihin ko muna sa inyo kung ano ang
moral na desisyon. Ang moral na desisyon ay isang desisyon na ginawa sa isang paraan
upang ang pagkilos o hindi pagkilos ay umaayon sa moral ng isang tao. At ngayon ano nga
ba ang paggawa ng moral na desisyon? Ang paggawa ng moral na desisyon ay ang
pagkakaroon ng kakayahang magpasya kung alin ang tamang pagkilos kapag nakita na natin
ang etikal na isyu. Minsan ito ay maaaring maging mahirap, dahil maraming mga pagpipilian.

Ngayong alam na natin kung ano ang moral na desisyon at paggawa ng moral na
desisyon, ibabahagi ko sa inyo kung paano niyo ito nagagawa. Sa tuwing nagdedesisyon
tayo lagi nating tinatanong ang ating sarili kung tama o mali ba ang ating ginagawa o pinipili
nating choice at kung ano ba ang mga posibleng pwedeng mangyari, resulta sa ating aksyon
na nagawa o sating pagpili ng desisyon. At sa tuwing pag dedesisyon na yan ay hindi nating
maiwasang kumonsulta sa ating mga kaibigan o mas nakakatanda sa atin kung ano ba ang
nakakabuti sa iyo o sa iyong paligid. Hindi lang din mga kaibigan at mas nakakatanda ang
ating kinukonsulta kung di ang Diyos din, nananalangin at humihingi tayo ng gabay sa kanya
upang masilayan natin ang mga mali at tama upang mapagdedesisyonan natin kung ano ang
masnakakabuti o hindi para sa atin o sa ating paligid.

Sa pag dedesisyon natin ay mahalaga ding pakinggan natin ang ating mga damdamin
sapagkat ito'y tumutulong sa ating magising sa realidad ng ating mga aksyong nagawa at
kung pano natin ito napagdesisyonan, tinutulungan din tayo ng damdamin natin sa pagiging
layunin at responsable sating aksyon. Lahat ng ating desisyon na nagawa sa araw na iyan ay
hindi parin nating maiwasang isipin ang ating mga aksyon/desisyon na nagawa natin at kung
ano ang kinahinatnan naharap natin sa kursong iyon at kung ikinabuti ba ito o ikinasama. Sa
huli, hindi natin magagawa ang mga disesyong iyon kung di dahil sa ating pag-iisip,
pagkokonsulta, pagsusuri, pagsisiyasat at sa pagsasamo sa diyos.

You might also like