You are on page 1of 1

Kasagutan

Ang pinaka-iisang bagay na gusto kong ibahagi sa inyo ay tungkol sa moral na mga
desisyon. Araw araw gumagawa tayo ng mga desisyun kahit hindi natin alam kung ano
man ang kakalabasan nito, kung ito man ay maganda o hindi. Ano nga ba ang mga
moral na desisyong ito sa ating buhay?

Inoobserbahan natin ang mga desisyon ng iba sa ating harapan, bago tayo tumungo sa
susunod na hakbang o sa ating desisyon ay binabantayan muna natin ang iba dahil
may mga tao na may parehong konklusyon na ganoon din sa iba. Susunod, magtanong
muna sa iba bago pumili o magpasya sa ating desisyon, dahil alam natin na
magkakaroon tayo ng gabay kung ano o paano tayo pumali sa ating mga desisyun.
Mahalaga ito sa atin dahil matutulungan din tayong mapadali ang pag pili sa ating mga
desisyun.

Isipin ang mga posibilidad at kahihinatnan na maaaring mangyari sa kung anong


desisyon ang napili natin, dahil walang desisyon sa ating buhay na walang mga
posibilidad at kahihinatnan na mangyayari sa huli. Sa iyong sarili, makinig sa iyong
panloob na damdamin, dahil isa sa gabay natin ay ang ating sarili na kung saan alam
natin kung ano ang nakakabuti sa atin. Ginamit ang salita ng Diyos bilang gabay, dahil
lahat tayong mga tao dinadaan sa dasal ang ating mga katanungan ukol sa ating mga
desisyon.

Kaya pillin natin kung ano man ang nararapat, dahil di lahat ng ating mapili ay
nakakabuti o nakakasama. Huwag nating hayaan na husgahan ang ating desisyun sa
buhay, dahil alam nating nasa puso at isip natin ang kasagutan. At sa huli alam nating
importante ang pag usisi sa pag pili ng ating mga desisyon sa buhay.

You might also like