You are on page 1of 18

Paano mo maiuugnay

ang pagmamaneho ng
sasakyan sa pagkilos
ng tao ?
Mga Yugto ng
Makataong Kilos at
Mga Hakbang sa Moral
na
Pagpapasiya
Moral
na Pagpapasya
Ang mabuting pagpapasiya ay
isang proseso kung saan malinaw
na nakikilala o nakikita ng isang
tao ang pagkakaiba-iba ng mga
bagay-bagay. Ito ay mahalaga
sapagkat dito nakasalalay ang
ating pagpili
Ayon kay Fr. Neil Sevilla, pari ng isang
parokya sa Bulacan, mula ng
magkaroon ng isip ang tao ay
nagsasagawa na siya ng pagpapasiya
araw-araw hanggang sapitin na niya
ang kamatayan.
Sa anomang isinasagawang proseso ng
pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito
ng sapat na panahon.
Mga Benepisyo ng
Pagdedesisyon na
Hindi Minadali
1. Mas nakikita mo ang kalawakan ng
situwasyon at mas naisasaayos mo ang
desiyong dapat gawin

2. Mga maliliit na detalye na lamang ang iyong


babaguhin kung mayroon mang mga bagay na
dapat isaayos at pagtuunan ng pansin. Kapag
ikaw ay nagmadali sa pagdedesiyon, binibilisan
mo ang ibang gawain at napapabayaan ang
kalidad nito.
3. Mas nakakakuha ka ng mahahalagang
impormasyon na kakailanganin mo. Kung
ito'y mamadaliin mo, ang impormasyong
magagamit mo lamang ay ang mga bagay
na natutuhan mo o naranasan mo sa
nakaraan

4. Dahil hindi mo minadali ang pagdedesisyon,


hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong
desisyon at buo ang iyong loob na ang resulta
nito ay makabubuti sa iyo at sa iba pa.
Mga Hakbang Sa Moral
na Pagpapasiya
1. Magkalap ng patunay. Sa unang hakbang ay
nararapat na masagot mo ang sumusunod na
tanong:

a. Anong patunay ang aking kailangang malaman upang makagawa ng


mabuting pasiya?
b. Ano ang nangyayari sa situwasyon?
c. Bakit ito nangyari?
d. Sino-sino ang mga taong kasali o kasangkot?
e. Bakit sila napasali sa situwasyon?
f. Saan nangyari ang situwasyon?
2. Isaisip ang posibilidad. Mahalaga na
tingnang mabuti ang mga kalalabasan ng
iyong pagpapasiya at ang mga maaaring
maging epekto nito sa iyong sarili at ibang
tao.
3. Maghanap ng ibang kaalaman. Hindi sa lahat ng
oras o pagkakataon ay alam natin ang mabuti.
Kailangan maghanap pa rin tayo ng magagandang
kaalaman o magtanong sa ibang
tao na mas marami ang karanasan kaysa sa atin.
4.Tingnan ang kalooban. Tayahin ang
iyong kalooban tungkol sa situwasyon at
suriin ang sinasabi ng iyong konsensya.
Anomang pasiya ang iyong gagawin,
kailangan na ikaw ay magiging masaya

5.Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos. Sa


pamamagitan ng panalangin, tumawag tayo sa
Diyos sa mga oras na dapat tayong gumawa ng
pagpapasiya sapagkat siya lamang ang nakaaalam
ng kung anong mabuti para sa atin
6. Magsagawa ng Pasiya. Dito magsasagawa ka na ng
pagpapasiya. Ang sumusunod na katanungan ay
makakatulong kung nalilito o nagdadalawang isip ka sa
iyong pasiya upang mapag-aralan mong muli ang iyong
pasiya.
a. Bakit iyon ang iyong pinili?
b. Masaya ka ba sa desisyon mo?
c. Ito ba ay batay sa moral na pagpapasiya?
Tandaan:
• Kailangan natin ng gabay ng Diyos sa bawat
pagpapasiyang gagawin sa arawaraw.
• Kailangan ng sapat na panahon sa paggawa ng
desisyon. Ang mga taong
nagsasagawa ng mga pagpapasiya ng hindi
dumadaan sa tamang proseso at hindi nabibigyan
ng sapat na panahon ay may malaking posibilidad
na maging hindi maganda ang resulta ng kaniyang
pagpapasiya.

You might also like