Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino: ISIP KILOS-LOOB 1.Pagkakaunawa sa layunin 2.Nais ng layunin 3.Paghuhusga sa nais makamtan 4.Intensiyon ng layunin 5.Masusing pagsusuri ng paraan 6.Paghuhusga sa paraan 7.Praktikal na paghuhusga sa 8.Pagpili pinili 9.Utos 10.Paggamit 11.Pangkaisipang kakayahan ng 12.Bunga layunin Tandaan: Ang moral na kilos ay nagtatapos sa ikawalong yugto MORAL NA PAGPAPASIYA
Ang bawat kilos ng isang tao ay may
dahilan,batayan at pananagutan. Sa anumang isasagawang pasya, kinakilangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot. Ang tao na nagsasagawa ng mga pagpapasiya nang hindi dumadaan sa tamang proseso at hindi nabibigyan ng sapat na panahon ay may malaking posibilidad na hindi maging mabuti ang resulta ng kaniyang pagpapasiya MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA 1. Magkalap ng patunay (look for the facts) Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. 2. Isaisip ang mga posibilidad (imagine possibilities) Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalabasan nito hindi lamang sa sarili kundi para sa ibang tao. 3. Maghanap ng ibang kaalaman ( seek insight beyond your own) Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangang maghanap ng magagandang kaalaman na maaaring magbigay ng inspirasyon upang makagawa ng tamang pagpapasiya. 4. Tignan ang kalooban (turn inward) Tingnan ang sinasabi ng kalooban tungkol sa sitwasyon. Kailangan na maging masaya sa pasiyang gagawin. 5. Umasa at magtiwala sa tulong sa Diyos (expect and trust in God’s help) 6. Magsagawa ng pasiya (name your desisyon) Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya