You are on page 1of 6

Life Skills: Decision Making Skills (Proseso at mga Hakbang sa Wastong Pasya)

Layunin
1. Naipapaliwanag ang proseso at mga hakbang sa wastong pagpapasya
2. Nakapagsusuri ng mga kilos at reaksyon batay sa wastong pagpapasya upang makaiwas sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot
3. Nakabubuo ng mga hakbang sa pagtatama ng sariling kilos at pagpapasya upang makaiwas sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot

Activity

Panimulang Gawain (10 Minuto)


Pagganyak: “Paikutin ang Buhay”

Panuto:
1. Bumuo ng pangkat na may anim na kasapi at pumili ng isang tagapagtala.
2. Maghanda ng sampung cards at lagyan ng bilang 1-10 ang bawat card. Isulat naman sa kabilang bahagi
ng card ang mga gawain o katanungan na nasa ibaba.
1- Ano ang gagawin mo kung walang panahon at oras ang iyong mga magulang na pakinggan ang iyong
mga saloobin?
2- Sabihin sa pangkat ang pilosopiya mo sa buhay
3- Umisip ng isang kanta tungkol sa buhay ng kabataan. Awitin ang koro.
4- Bakit sumusubok ang ibang tao na gumamit ng ipinagbabawal na gamot?
5- Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan na nahaharap sa matinding kalungkutan?
6- Kung nakita mong nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang kapitbahay mo, ano ang gagawin mo?
Bakit?
7- Ipaliwanag ang katagang: “Life is what we make it”
8- Buuin ang pangungusap: Para sa akin ang ipinagbabawal na gamot ay_____________________.
9- Magbanggit ng pangalan ng isang tanyag o kilalang tao na dating gumamit ng ipinagbabawal na gamot
ngunit nabago ang buhay dahil sa mabuting pagpapasya
10- Anong mga katangian o ugalli ang dapat ipamalas ng tao kung nais niyang makaiwas sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot?
3. Ilagay ang mga cards sa loob ng kahon
4. Paikutin ang kahon sa bawat miyembro at bawat kasapi ay bubunot ng isang card. Sagutin ang tanong na
nakasulat sa card na nabunot
5. Kapag nasagot ang tanong, ang puntos ng ibibigay ng tagapagtala ay ang bilang na nakalagay sa card
6. Pagsama-samahin ang puntos ng bawat miyembro.

Mga Gabay na Tanong: (Limang Minuto)


Mga gabay na tanong:
1. Ano ang tinutukoy ng gawain? Ipaliwanag.
(Posibleng sagot: Ang gawain ay tumutukoy sa iba’t ibang katanungan o sitwasyon tungkol sa buhay ng
kabataan lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot)
2. Ano-ano ang mga katanungan na nahirapang kayong sagutan? o madali ninyong nasagutan? Bakit?
(Posibleng sagot: Para sa amin ang mahirap sagutin ay ang tanong bilang “2 - Sabihin sa pangkat ang
pilosopiya mo sa buhay”. Nahirapan kaming mag-isip ng pilosopiya sa buhay dahil sa dami ng gusto naming
gawin at makamit, hindi namin alam kung ano ang pinakamahalaga. Madali lang sagutin ang tanong bilang
“4 - Bakit sumusubok ang ibang tao na gumamit ng ipinagbabawal na gamot?” dahil karamihan sa mga
kabataan ngayon ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa problema at barkada)
3. Sa inyong palagay ang mga katanungan ba ay kailangang pag-isipang mabuti o nangangailangan lamang
ng madaliang desisyon? Ipaliwanag.
(Posibleng sagot: Karamihan sa mga tanong ay kailangang pag-isipang mabuti dahil hindi dapat
magpadalos-dalos sa desisyon lalo na pag ang pinag-uusapan ay may kinalaman sa buhay at sa
ipinagbabawal na gamot.)
4. Gaano kahalaga ang wastong pasya sa buhay ng isang tao? Patunayan.
(Posibleng sagot: Napakahalaga ng wastong pasya sa buhay ng isang tao dahil sa bawat pasyang gagawin
ay may epekto sa kaniyang pagkatao at sa kaniyang kinabukasan)

Gawain: “ 3 M’s” (Magbasa, Mag-isip at Magpasya) (25 Minuto)

Bilang kabataan ikaw ay nahaharap sa iba’t ibang hamon ng buhay kung kaya’t kinakailangan mong maging mas
maingat sa pagpapasyang gagawain. Isa sa hamong ito ay ang pasyang may kinalaman sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Paano ka maninindigan na gawin ang tama kung nahaharap sa ganitong sitwasyon?

Panuto:
1. Pangkatin ang mag-aaral sa apat.
2. Bigyan ang bawat pangkat ng task card na kanilang babashin at susuriin.
Pangkat 1 – Sitwasyon A
Pangkat 2 – Sitwasyon B
Pangkat 3 – Sitwasyon C
Pangkat 4 – Sitwasyon D
3. Ipagawa ang hinhingi sa bawat sitwasyon at ipakita sa klase.

Sitwasyon A

Sitwasyon B

Simula pagkabata ay nakikita na ni Renz na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kaniyang nanay at
tatay. Naniniwala siya na ang mga magulang ang nagsisilbing halimbawa para sa mga anak. Gusto niyang
maging katanggap-tanggap siya sa kaniyang mga magulang kaya naisip niya na paggumamit siya ng
ipinagbabawal na gamot ay matutuwa ang kaniyang mga magulang. Ngunit sa tuwing susubukan niya ito ay
naaalala niya ang itinuturo ng kaniyang guro tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot. Kung
ikaw si Renz, gagayahin mo ba ang mga magulang mo para makita nila na katulad ka rin nila? Bakit? (Ipahayag
ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang simbolo at ipliwanag sa klase)
Sitwasyon C

Sitwasyon D
Analysis
Sagutin ang mga tanong: (10 Minuto)
1. Paano ipinakita ng bawat pangkat ang kanilang pasya sa bawat sitwasyon?
(Posibleng sagot: Ipinakita ng bawat pangkat ang kanilang pasya sa pamamagitan ng malikhaing
presentasyon. Malinaw at maayos nilang naipahayag ang kanilang kaisipan. Halos lahat ng kasapi ay
nakiisa at nakibahagi sa gawain.)
2. Aling pangkat ang nagpakita ng tama at hindi tamang pasya? Bakit?
(Posibleng sagot: Halos lahat ng pangkat ay nagpakita ng tamang pasya dahil ang mag solusyong kanilang
ibinigay ay magdudulot ng kabutihan sa kapwa.)
3. Anu-ano ang mga dapat tandaan upang makapagpasya nang tama lalo na sa mga sitwasyon nalilito ang
isang tao kung ano ang dapat niyang gawin?
(Posibleng sagot: Upang makapagpasya nang tama lalo na sa mga sitwasyon nalilito ang isang tao kung
ano ang dapat niyang gawin kinakailangang humingi siya ng tulong sa mga nakatatanda, huwag
magpadalos-dalos, mag-isip na mabuti at suriin ang kahihinatnan ng pasya.)
4. Mahalaga bang malaman ang mga hakbang sa tamang pagpapasya upang makaiwas sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot? Bakit?
(Posibleng sagot: Mahalaga. Dahil kung alam ng isang tao ang mga hakbang sa tamang pagpapasya ay
makakapag-isip muna siya ng mga bagay na dapat niyang isaalang-alang bago gumamit ng ipinagbabawal
na gamot. Hal. Bago siya magsabi ng “oo” sa isang kaibigan na nagyaya sa kaniya na subukang gumamit
ng ipinagbabawal na gamot ay mag-iisip muna siya kung ano ang maaaring maging epekto nito sa kaniyang
kalusugan at sa kanyang kinabukasan.)

Abstraction

Talakayin ang mga sumusunod na Konsepto:


Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya
1. Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasya ay nakasalalay sa mga
katotohanan. Sa iyong kasalukuyang edad, maaring hindi pa sapat ang iyong kaalaman ukol sa mga
katotohanang ito; kung kaya’t mahalaga na ikaw ay sumangguni at humingi ng opinyon sa mga taong
nakakaalam at mayroong sapat na karanasan tungkol sa mga bagay na iyong pinagninilayan.
2. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa anumang pagpapasya ng tao, malahaga ang pagninilay sa mismong
aksiyon. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na gabay:
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon
b. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang iyong personal na hangarin sa
iyong isasagawang aksiyon
c. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayring may kaugnayan sa aksiyon
3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya. Ang panalangin ang pinakamabisang paraan na
maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin. Dahil
sa panalangin, mabibigyan ng linaw sa iyo kung ano talaga ang gusto ng Diyos na iyong gawin.
4. Tayahin ang damdamin sa napiling isasagawang pasya. Mahalaga ring isaalang-alang ang ating damdamin
o kalooban sa ating gagawing pagpipili. Hindi lahat ng lohikal o makatwirang pamimilian ay makabubuti sa
atin. Mahalaga ring isaalang-alang ang ating magiging kasiyahan bunga ng ating ginawang pagpili.
5. Pag-aralang muli ang pasya. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na
maaari kang magsisi sa iyong pasya, kailangan mong pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalapit
panalangin at ibayong pagsusuri.

Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pagpapasya


6. Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang
tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili. Ang pagpili ay
nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon.
7. Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya ay panahon.
Kadalasan ito ang una nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya sa anomang bagay na inaasahan
sa atin.
8. Ang mga instrumento o gamit sa pagpapasya ay ang isip at damdamin. Una, ginagamit natin ang
ating isip. Pinagninilayan natin ang sitwasyon. Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin
ang mga kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian. Hinihinuha natin ang mga maaring kahihinatnan
o maging epekto ng mga ito. Ngunit hindi lamang ang isip ang umiiral sa ginagawa nating pagpili.
Kinukunsulta rin natin ang ating damdamin upang tiyaking kagustuhan nga natin ang ginawang pagpili.
Kung kaya’t sinasala ng ating damdamin ang anomang natuklasan ng ating isip upang pagbatayan ng
pagpili, upang gawin ang ating pagpapasya.
9. Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpaapasya. Kung hinihingi ng
pagkakataon na tayo ay mamili, madalas na tinitimbang natin ang mga pamimilian batay sa kung ano ang
mahalaga sa atin.

Application:

Gawain:” Pasya ko, Laban sa Droga” (5 Minuto)


Panuto:
1. Isipin ang mga karanasan kung saan nakagawa ka ng mga maling pasya. Isulat ito sa unang
hanay.
2. Isulat naman sa pangalawang hanay kung paano mo ito itatama. Maaring gamiting batayan ang
proseso sa mabuting pagpapasya at ang mga hakbang sa wastong pasya.
3. Isulat ang mga paraan kung paano mo magagamit ang naitamang pasya sa pag iwas sa
ipinagbabawal na gamot.

Mga karanasan kung Paraan kung paano ito Paraan kung paano magagamit ang iwinastong pasya sa pag-iwas sa ipinagbabawal
saan nakagawa ng mga iwawasto gamot
maling pasya

Hal. Sumama ako sa Kung sakaling yayain niya uli Magagamit ko ito na makaiwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot kung hindi a
aking kaklase na ako na magcutting classes ay sasama sa kanya dahil baka usigin uli ako ng aking konsensiya
magcutting classes hindi na ako sasama dahil
nakonsensiya ako sa aking
ginawa
Evaluation
Pagtataya:
Itanong ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa paggawa ng wastong pasya?
2. Bakit sinabing ang mabuting pasya ay isang proseso?
3. Paano nakakatulong sa isang kabataan ang pagsasagawa ng mabuting pasya? Sa pag-iwas sa paggamit
ng ipinagbabawal na gamot? Ipaliwanag

Mahalagan ba na paglaanan ng sapat na panahon ang pagpapasya upang makaiwas sa paggamit ng ipinagbabawal
na gamot? Pangatwiranan.

You might also like