You are on page 1of 2

Sa Module 6 sa Pangalawang Kuwarter ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay tinalakay

ang mga hakbang sa moral na pagpapasiya. Dito natutuhan ko na bahagi ng buhay ng tao ang
magsagawa ng pasiya. Ito ay palagi nating ginagawa sa ating pang-araw-araw na buhay.
Natutuhan ko na sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan
ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sa atin sapagkat mula rito ay
mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ito ba ay makabubuti o makasasama
hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa kapuwa? Napansin ko rin na tayong mga tao ay
nagsasagawa ng mga pagpapasiya nang hindi dumadaan sa tamang proseso at hindi
nabibigyan ng sapat na panahon ay may malaking posibilidad na hindi imaging mabuti ang
resulta ng kaniyang pagpapasiya. Napagtanto ko na ang bawat kilos at pasya na ating gagawin
ay may epekto sa ating sarili at kapwa kung kaya’t dapat itong isagawa nang maingat gamit ang
talino na regalo ng Diyos. Natutuhan ko rin na may mga kilos at pasya na kailangan ng maingat
na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin.
Sa modyul na ito mauunawaan ko ang kahalagahan ng paggawa bilang paglilingkod at
pagtataguyod sa dignidad ng tao na may kaakibat na tungkuling kailangang isagawa nang may
pananagutan.

You might also like