You are on page 1of 19

MGA YUGTO NG

MAKATAONG KILOS AT
MGA HAKBANG SA MORAL
NA PAGPAPASIYA
MODYUL 7
LAYUNIN
• Naipaliliwanag • Natutukoy ang mga
ang bawat yugto kilos at pasiyang
ng makataong nagawa na umaayon sa
kilos bawat yugto ng
makataong kilos.
Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng
pasiya. Ito ay madalas na ginagawa sa araw-
araw. Ang bawat kilos at pasiya ng tao ay may
epekto sa kanyang sarili at kapwa kaya
kailangan na ito ay isagawa nang maingat
gamit ang talino na ibinigay ng Diyos.
Mayroong mga kilos na hindi kailangan pag-isipan tulad ng
paghinga, pagbahing kung ikaw ay may sipon, paglakad, at
iba pa. Ngunit mayroon ding mga kilos na kailangang pag-
isipan at pagnilayan tulad ng pagpasok sa iskul, kakain ka ba
ng almusal bago pumasok, gagawa ba ng takdang aralin, at
iba pa. Kailangan ng maingat na pagtitimbang ang mga ito sa
kung ano ang dapat piliin at kung ano ang kilos na dapat
gawin. Mahalaga rin na makita kung ang pipiliin ba ay
nakabatay sa makataong kilos.
Ano nga ba ang pagpapasiya?
•ito ang kasingkahulugan ng salitang
desisyon, na ang ibig sabihin ay paggawa ng
isang desisyon para sa isang bagay kung
gagawin mo ba ito o hindi at itoy nagmumula
sa loob o kilos loob
May pagkakasunod-sunod (sequence) ang
pagsasagawa ng makataong kilos. Mayroon itong 12
yugto para kay sto. Tomas de aquino. Ito ay nahahati sa
dalawang kategorya: isip at kilos-loob. Kung ang isang
tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi
siya nagiging mapanagutan. Kapag dumaan naman ang
tao sa mga yugto, siguradong mabuti ang kalalabasan
ng kilos.
12 NA YUGTO
ISIP KILOS-LOOB
1.PAGKAUNAWA SA LAYUNIN 2.NAIS NG LAYUNIN
3.PAGHUHUSGA SA NAIS 4.INTENSYON NG LAYUNIN
MAKAMTAM
5.MASUSING PAGSUSURI NG 6.PAGHUHUSGA SA PARAAN
PARAAN
7.PRAKTIKAL NA PAGHUHUSGA SA 8.PAGPILI
PINILI
9.UTOS 10.PAGGAMIT
11.PANGKAISIPANG KAKAYAHAN NG 12.BUNGA
LAYUNIN
Magbigay ng isang sitwasyon sa
inyong buhay na hindi mo
makakalimutan. Suriin batay sa 12
yugto ng makataong kilos.
Mahalaga na malaman ang bawat yugto upang
maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na
buhay. Ang moral na kilos ay nagtatapos sa ika-8
yugto (pagpili) kaya kailangan itong pag aralang
mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga
bagay-bagay upang makita kung alin ang mas
makaubuti dahil dito nakasalalay ang kahihitnan
nito.
MORAL NA
PAGPAPASIYA
Ang mabuting pagpapasiya ay
isang proseso kung saan malinaw
na nakikilala o nakikita ng isang
tao ang pagkakaiba-iba ng mga
bagay-bagay.
Sa anumang isasagawang proseso ng
pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ng
sapat na panahon. Malaki ang
maitutulong nito sapagkat mula rito ay
mapagninilayan ang bawat panig ng
isasagawang pagpili.
TEKA
MUNA!
Balikan mo ang mga sitwasyon kung saan
nagging pabigla-bigla ka sa iyong mga
pagpapasiya at pagkilos. Naging masaya
ka ba sa nagging resulta ng mga ito?
MGA HAKBANG SA
MORAL NA
PAGPAPASIYA
Mangalap
ng patunay
Magsagawa ng pasiya

Isaisip ang
Umaasa at magtiwala sa
mga Diyos
posibilidad

Maghanap ng Tingnan ang


ibang kaalaman kalooban
Laging tatandaan na sa lahat ng nilikha ng Diyos,
ang tao lamang ang binigyan ng isip at kilos-loob.
Ito ay para gamitin sa pagsasagawa ng mabuting
pasiya at kilos. At dahil may isip at kilos-loob ang
tao, magagamit niya ito sa pagsasagawa ng
mabuting kilos na nagpapakita ng pagmamahal
hindi lamang sa kapwa kundi lalo’t higit sa Diyos.

TANDAAN
GAWIN NATIN
Batay sa inyong mga naunawaan bumuo ng isang RECIPE NG
MORAL O MAINGAT NA PAGPAPASIYA. Ibigay ang mga sangkap
na kinakailangan at pamamaraan ng pagluluto nito. Bigyan ng
sariling katawagan ang iyong Recipe. Maaaring ipakita ito sa
pamamagitan ng isang cooking vlog* o kuhanan ng larawan
matapos lutuin ang recipe (short bond paper).
*mas mataas ang puntos ng cooking vlog
Humanda para sa pagsusulit sa
susunod na araw.

You might also like