You are on page 1of 1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

MODYUL 5: PAGTATAMA NG MALING PASYA


(Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa. EsP10MP 2.4)

SURIIN:
Ang pagpapasya ay ang pagpili ng aksyon, kilos na gagawin o tugon ayon sa kinakaharap na sitwasyon.
Karaniwang hinahangad ng bawat nilalang ang tamang pasya. Kaya’t ang pagpapasya ay gingamitan ng malalim at
malawak na pag-iisip upang makabuo ng angkop at tamang pasya ang isang tao.
Bawat isa sa atin ay araw araw na bumubuo ng pasya. Mula sa mga karaniwan hanggang sa masalimuot na
pagpapasya. Ang pagbuo ng pasya ay maaaring tama o kaya naman ay nangangailangan ng pagtatama.

GAWAIN 1: Hanapin sa Hanay B kung anong salik ng pagpapasya ang tinutukoy ng nasa Hanay A. Isulat sa
inyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Pagpili ng mga kilos o bagay para sa matagumpay na pakikibaka sa buhay. >Gabay
2. Ginagamitan ng malalim at malawak na pag-iisip. >Pagpapasya
3. Pagbibigay ng mga magulang o nakatatanda ng mga pangaral o paalala. >Pasya
4. Maingat na sinusuri bago magpasya >Payo
5.Mga pagpapahalaga, panuntunan o patakaran na makakatulong sa pagpapasya. >Sitwasyon

GAWAIN 2: Sagutin ang mga tanong ng ayon sa iyong nalalaman at karanasan.


1. Ikaw ba ay nagkaroon ng pasya na iyong pinagsisisihan? Ikwento o isalaysay ang buod nito.
2. Kung may pagkakataon ka sanang baguhin ang pasya mong iyon, ano ang iba mo sanang ginawa?
3. Paano ito nakaapekto sayo o ano ang iyong natutunan sa nasabing pagpapasya?

ISAGAWA: Pagnilayan ang pahayag at ipaliwanag kung ano ang dapat tandaan sa tuwing magpapasya.
(3-5 pangungusap)

“Ang ating buhay ay ang kabuuan ng ating mga ginagawa at pinagpapasyahan”

KARAGDAGANG GAWAIN (ito ay ang Balikan sa Modyul 6)

PANUTO: Itala ang mga pasya o kilos na nagawa mo sa isang araw . Suriin kung ito ay tama o mali at kung mali
ay isulat kung ano ang dapat na gawin. Sundan ang pormat sa ibaba.

Mga nagawang pasya at kilos Tama Mali Ano ang dapat gawin

1.
2.
3.
4.
5.

You might also like