You are on page 1of 14

MAPANURING PAG-IISIP

( Critical Thinking)
Quarter 1
Week 1, Day 1
Naranasan n’yo na bang makaroon ng
problema ang inyong pamilya? Anong
ginawa ng pamilya ninyo?
“ISANG MAHIRAP NA DESISYON”
Sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?
2. May katwiran ba si Tom na huwag pumayag sa
pasiya ng buong pamilya na ipagbli ang kanilang
bahay at lupa?
3. Ano ang batayan sa wastong pagpapasiya?
4. Bakit mahalaga na maging
mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang
mabuting naidudulot nito?
5. Kung ikaw ang isa sa miyembro ng
pamilya. Ano ang magiging desisyon
mo?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Batay sa ating nabasang kuwento, paano
ginawan ng solusyon o ano ang naging
pasiya ng pamilya. Ang mga hakbang sa
pagbibigay ng angkop na desisiyon o
pagpapasiya ay maituturing bilang isang
prosesong pangkaisipan na nagresulta sa
pagpili ng pinakamabuting kalalabasan.
Ang pasiya o desisyon ay pinagtibay
sa isp at kalooban na dapat gawin.
Malaki ang maitutulong ng
pagkamahinahon kapag pinag-
usapan at pinag-isipan ang magiging
pasiya.
Mga wastong hakbang na dapat sundin sa paggawa ng
isang pasiya.
1. Alamin ang suliranin.
2. Kumuha ng impormasyon at pag-aralan ang lahat ng
posibleng solusyon.
3. Isaalang-alang ang maaring ibunga ng bawat solusyon.
4. Gumawa ng pasiya.
5. Pag-aralan ang kinalabasan ng ginawang pagpapasiya.
Sa isang papel, ibigay ang inyong
paliwanag.
Bakit kailangang pag-isipang mabuti
ang pagpapasiyang gagawin?
Paano nasisigurong tama ang
pagpapasiya?
Paano nakatutulong ang pagiging
mahinahon sa paggawa ng pasiya?
Sapagbibigay ng mabuting
desisyon dapat sundin ang
hakbang upang mahinahon
itong malutas.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano-ano ang isinaalang-alang sa
mapanuring pag-iisip?
2. Bakit kailangan matiyak na sa paggawa
ng pasya ay dapat unawain, timbangin, at
may masusing pag-iisip?
3. Paano maiiwasan ang maling desisyon
sa sarili at pangyayari?
TAKDANG ARALIN
Maghanap ng dalawang larawan na
madalas mong ginagamit sa lumang
magasin at idikit ito sa iyong
kuwaderno. Isulat kung paano mo ito
ginagamit upang mahubog ang iyong
mapanuring pag-iisip.

You might also like