You are on page 1of 12

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

4th Quarter - Work Sheet No.1

NAME: _______________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

ARALIN 1: Ang Mabuting Pagpapasiya (Unang Linggo)

ALAMIN
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay. (EsP7PB-IVc-14.1)

SURIIN
Ang paglalaro ay bahagi ng ating pagiging bata, mga larong ating nakahiligang laruin mag-isa, at mga laro na
tayo ay may mga kasama. Ang iba sa atin ay mahilig sa board games, ang iba naman ay card games, may mga
nawiwili sa paglalaro ng team games, at may mga nalilibang naman sa paglalaro ng computer games. Maraming klase
ng laro tayong nalaman at iba’t ibang paraan ng paglalaro tayong natutunan. Anumang laro ang ating nakahiligan at
kinalakihan, kung susuriin at iisiping mabuti, mapapansin natin na hindi lang natin basta-basta nilalaro ang mga ito,
minsan ay sumasailalim tayo sa malalim na pag-iisip. Minsan ay pinag-aaralan muna natin ang bawat galaw ng ating
mga kalaro upang makabuo ng istratehiya kung ano ang susunod nating galaw sa kabuuang paglalaro natin. Ganun din
sa tunay na buhay, ang maingat at mabuting pagpapasiya sa lahat ng bagay ay napakahalaga upang magtagumpay
tayo sa ating mga plano.
Maaari nating ihalintulad ang mga istratehiya sa paglalaro sa ating mga pagpapasiya sa buhay. Ang bawat isa sa
atin ay biniyayaan ng pag-iisip, ng damdamin at kilos-loob. At dahil sa mga ito, tayong mga tao, sa lahat ng nilalang ay
may kalayaan na makapagpasiya para sa ating mga sarili. Isa ito sa mga gawaing kasama na natin at hindi maiiwasan
dahil dito nakasalalay kung ano ang magiging bunga at kahihinatnan ng ating mga gawain sa buong araw. Minsan ay
naitatanong natin sa sarili kung sapat na ba ang ating talino at kakayahan upang magpasiya. Tinatanong din natin sa
sarili kung tama ba ang naging pasiya at bakit humantong sa ganuon ang ating mga plano.
Ang lahat ng ating mga ikinikilos ay bunga ng ating pagpapasiya. May mga simpleng pagpapasiya tayong
ginagawa tulad ng: kung anong klase ng pananamit ang ating isusuot sa araw na iyon, kung iinom ba ng juice, gatas o
kape, kung magkano ang gagastusin natin sa ating baon at kung ano ang bibilhin sa recess, at kung ano ang gagawin
sa naitabing pera, kung kakain ba ng marami o kakaunti lang tuwing almusal, tanghalian at hapunan. May mga
pangyayari din sa ating buhay na kung saan kailangan natin ng mas malalim na pag-iisip bago magpasiya tulad ng:
kung papasok ba sa paaralan o maglilibot sa mga malls at uuwi sa oras ng labasan para hindi mahalata sa bahay, kung
itatabi ang perang baon o gagastusin ito sa internet café para makapaglaro ng mga online games, kung makikinig ba
sa guro at makikilahok sa talakayan sa klase o mananahimik lang buong araw, kung sasagutan ang mga gawain at
pagsusulit nang matapat o aasa sa mga kamag-aral at kodigo, kung magpapaalam nang mabuti sa mga magulang para
makasama sa kaibigan sa isang social gathering o tatakas na lamang pag hindi pinayagan at napakarami pang iba.
Ang mga ganitong komplikadong pangyayari ay nangangailangan ng malalim na pag-iisip at kasanayan upang
makagawa ng mabuting pagpapasiya dahil ang mga ito ay mga sitwasyong pang-moral.
Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasiya
Isang napakahalagang proseso ang mabuting pagpapasiya dahil dito natin nakikita ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba-iba ng mga bagay sa buhay natin. Dito nakasalalay kung ano ang pipiliin natin. Ang ating pagpili sa mga
bagay-bagay ay nangangailangan ng pagkakaroon natin ng pagtatangi. Ang pagpili ng pagsagot sa mga katanungan sa
mga pagsusulit ay pagpili ng hindi pangongopya sa kaklase o paggamit ng kodigo. Ang pagpapaalam at paghingi ng
permiso sa mga magulang ay pagpili ng hindi pagtakas upang makadalo at makapunta sa nais puntahan. Sa ganitong
pagpili, alam natin ang kaibahan ng pagsagot sa mga pagsusulit nang matapat sa paggamit ng kodigo, alam natin ang
kaibahan ng pagpapaalam nang mabuti sa magulang sa pagtakas. Ang mahusay na pagpapasya ay nagdudulot ng
malinaw na pagpili sa kilos na isasagawa.
Madalas nating marinig ang linyang ito: “Bigyan mo ako ng sapat na panahon.” Ang panahon ang pinaka-
una at pinakamahalagang salik at sangkap ng isang mabuting pagpapasiya dahil dito ay mapag-iisipan natin
ang mga puno’t dulo at maisasaalang-alang nating maigi ang mga maaaring maging kahihinatnan ng
pagpapasiyang inaasahan sa atin.
Ang ating isip at damdamin ang mahahalagang instrumento sa ating mabuting pagpapasiya. Una nating ginagamit ang
ating isip dahil dito nagsisimula ang pagproseso ng ating magiging pasiya. Pinag-aaralan natin ang sitwasyon at
pinagninilayan ito. Nangangalap, naghahanap at sinusuri natin ang bawat impormasyong nakukuha at natatanggap at
tinitimbang natin sa ating isipan ang ating mga pagpipilian, kung ang mga ito ay mabuti o may kakulangan. Iniisip
nating mabuti ang lahat ng mga maaaring maging bunga o kahahantungan ng ating mga pagpipilian.
May mga pagkakataon din na tayo ay kumukunsulta at humihingi ng payo o mungkahi sa mga nakatatanda o sa
mga may karanasan. Tinatandaan natin ang kanilang mga tagubilin, ang kanilang mga suhestyon tungkol sa sitwasyon.
Pagkatapos ng masusing pagsusuri, higit na nakikita natin na balanse at ang tamang tunguhin. Ito ay walang
kinikilingan, ang solusyon na nais gawin sa sitwasyong iyon ay higit na makabubuti ay maaari ring piliin at sundin ng iba
pa.
Ngunit hindi lamang ang ating isip ang pinaiiral natin sa ating pagpili. Madalas ay tinatanong din natin ang ating
damdamin upang makasigurado tayo at matiyak sa ating sarili na kagustuhan natin ang pagpiling ginawa. Kung ang isip
ang nagsusuri, ang ating damdamin naman ang nagsasala ng mga natutuklasan ng isip upang maging batayan ng ating
pagpili, bago natin gawin ang pagpapasiya. Sa pananaw ng iba, maaaring nauunawaan nila ang pinanggagalingan ng
ating pagpili gamit ang intelektuwal na aspeto, ngunit hindi nila nauunawaan ang emosyonal na aspeto kaya hindi sila
sang-ayon sa pagpiling ginawa. Ito ay sa kadahilanang para sa kanila ay hindi mahalaga ang mga bagay na para sa atin
ay may napakahalaga at pinahahalagahan natin. Minsan nga ay napagsasabihan pa tayo na wala sa katinuan ng isip
dahil sa ginawang pagpili. May mga pangyayaring nagtatalo ang sarili nating isip at damdamin sa mga pagpipilian dahil
sa mga magiging bunga o kahihinatnan nito. Isang halimbawa ay ang paghingi ng tawad sa nagawang kasalanan sa
isang kamag-aral o kaibigan. Dito madalas nagtatalo ang isip at damdamin na tinatawag na moral dilemma. Sinasabi ng
isip na huwag na lang magtapat dahil baka masira ang pinagsamahan at pagkakaibigan kung sakaling hindi tanggapin
ang paghingi ng tawad. Inuudyok naman ng damdamin na kapag hindi humihingi ng tawad ay baka pagsisihan sa huli.
Naninimbang ang isip sa pagpipiliang puwedeng gawin habang sinasala ng damdamin ang mga maaaring maramdaman
sa gagawing pagpili.
Ang moral dilemma ay mga sitwasyong hinarap natin na kung saan tayo ay nagpapahayag ng dalawang
magkasalungat na posisyon na napapagitnaan ng dalawang magkaiba at nagtutunggaling pagpapahalaga.
Nahihirapang sa pagpapasiya dahil ito ay nagiging dahilan ng pagtatalo ng isip at kadalasan ng damdamin
tungkol sa mga iba’t ibang mga maaaring maging kahahantungan. Ang ating pagpapahalaga ang ating batayan ng ating
pagpapasiya. Madali ang pagsasagawa ng pagpapasiya kung alam natin sa sarili natin kung ano ang mga bagay na
pinahahalagahan natin. Ang lahat ng ating mga ikinikilos ay bunga ng proseso ng pagpapasiya.
Ang matibay na haligi ng mabuting pagpapasiya ay ang pagpapahalaga. Kung hihingin ng pagkakataon at
sitwasyon na tayo ay dapat mamili, madalas ay naninimbang tayo ng mga pagpipilian batay sa halaga nito sa atin.
Maaring pinipili natin ang pagpasok sa paaralan at pakikinig sa ating mga guro dahil alam natin ang halaga nito sa ating
kaalaman, pinipili natin ang pagpaalam sa ating mga magulang dahil alam natin ang kahalagahan nito sa ating
kaligtasan at sa ikapapanatag ng kanilang kalooban, pinipili nating itabi ang sobra sa ating baon dahil alam natin ang
halaga ng may naipon sa pagdating ng di inaasahang kagipitan. Ang mga ito ay naka-ayon sa dikta ng ating isip dahil
alam nating ito ang tama at ng ating damdamin dahil ito ay ayon sa ginugusto natin.
Sa madaling salita, ang mabuting pagpapasiya ay – “batay sa kung ano ang mahalaga sa atin at kung
gaano ito kahalaga, paggamit natin ang ating isip at damdamin upang matiyak sa ating kalooban na may
sapat na panahon ang ating pagpapasiya.”
Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya
1. Magkalap ng kaalaman. Ang kabutihan o kakulangan ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa pagiging totoo at sa
katotohanan. Sa iyong kasalukuyang baitang at edad ay maaaring hindi pa ganon kasapat ang iyong nalalaman ukol
sa mga ito, kung kaya napakahalaga na ikaw ay lumapit at magtanong, sumangguni at humingi ng opinyon, payo at
mungkahi sa mga taong mas may kaalaman at mayroong karanasan tungkol sa mga bagay na nais mong mabigyan
ng solusyon at malutas. Magandang halimbawa nito ay ang iyong mga magulang at mga gurong iyong
pinagkakatiwalaan. Malaki ang kanilang maitutulong sa pagbibigay linaw sa iyong sitwasyon, paglutas sa iyong
suliranin at pagbibigay ng liwanag sa iyong mga agam-agam dahil hinding-hindi ka nila ilalagay sa alanganin o
kapahamakan. Ang kanilang kaalaman at karanasan sa mga bagay-bagay ang maaari nilang panggalingan at gawing
batayan sa mga mungkahi at payong ibibigay nila sa iyo. Makatutulong din nang lubusan ang pakikinig sa iba’t ibang
pananaw upang makita ang suliranin mula sa iba’t ibang dako at anggulo. Ngunit napakahalagang tandaan na
magiging makabuluhan lamang ang lahat ng ito kung bukas ang iyong tainga sa pakikinig at pag-iisip sa pagtanggap
ng mga payo, suhestyon at mungkahi ng iba.
2. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa anumang pagpapasiyang gagawin, mahalaga ang pagninilay sa mismong
hakbang na gagawin. Ang mga sumusunod ay maaaring gamiting gabay.
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. Napakahalaga na tanungin mismo ang sarili bago gawin ang isang
aksiyon, mga tanong na tulad ng, “Ano ba ang mga binabalak kong gawin? Sumasang-ayon ba ito sa pamantayan ng
Likas na Batas Moral? Tama kaya ang gagawin ko o hindi?
b. Tanungin ang sarili kung ano ang hangarin sa iyong isasagawang aksiyon. Halimbawa, ang pagtulong sa mga
kapus-palad o mahihirap. Tayo ay minulat na may paniniwalang isang kabutihan ang magbahagi ng biyayang
natatanggap lalo na sa mahihirap. Ngunit laging tatandaan na ang intensiyon o personal na hangarin sa isasagawang
aksiyon ay nakakaapekto sa pagiging tama o pagkakaroon ng kakulangan nito. Bukal ba sa iyong kalooban at taos ba
sa iyong puso ang gagawing pagtulong o nais mo lamang makilala sa social media? Ikaw ba ay tahimik na
namamahagi at mas nais na walang ibang nakakaalam o ikaw ay kumukuha ng selfie habang ginagawa mo ito? O
baka naman kaya mo ito ginawa ay dahil sa iyong nais na pagbayaran at bumawi sa isang pagkakasala sa isang tao
na hindi mo na nakikita at nakakausap? Kaya mahalagang pagnilayan nang mabuti ang isasagawang kilos dahil tiyak
na makaaapekto ang mga hangarin sa pagiging moral ng kilos na isasagawa.
c. Mahalagang tingnan ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon. Dahil ikaw ay nabubuhay sa mundo
na kasama ang iyong kapuwa, may epekto sa iyong kapuwa ang mga pagkilos na iyong isinasagawa. Mahalaga na
suriin munang mabuti at wasto kung ano ang magiging kahihinatnan ng iyong mga kilos bago isagawa ang mga ito.
Halimbawa, kung ang iyong kaibigan at kamag-aral ay lagi mong pinakokopya ng mga sagot sa mga takdang-aralin
at pagsusulit, natutulungan mo ba siya sa ganung paraan? Hindi ba parang tinuturuan mo siyang maging tamad sa
pag-aaral ng leksiyon at umaasa na lamang sa mga sagot na ibinibigay mo sa kaniya? Hinding ito makatutulong sa
kanyang pagkatuto at paglinang ng kaniyang kaalaman. Ibig sabihin, kailangang ilagay sa isipan at isaalang-alang
ang bawat bagay at lahat ng may kaugnayan sa pagkilos upang hindi humantong sa kamalian.
3. Humingi ng gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Ang pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng
panalangin ang pinakamabisang paraan upang mabigyan ng gabay at kapanatagan ng kalooban ukol sa
pagpapasiyang gagawin at sa mga kilos na isasagawa. Mabibigyan ng linaw kung ano talaga ang ninanais at
kagustuhan ng isip at damdamin sa sitwasyong kinakaharap at pagpapasiyang gagawin at upang magabayan ng
Diyos sa iyong gagawin. Dahil sa panalangin, nagkakaroon tayo ng lakas na maisakatuparan ang mga dapat gawin
ayon sa paghuhusga ng ating konsensya at kilos-loob.
4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasiya. Isang mahalagang hakbang ang pagsasaalang-alang ng
ating damdamin o kalooban sa pagpiling gagawin. Hindi lahat ng lohikal o makatwirang pamimilian ay makabubuti sa
atin. May mga pagpapasiya na minsan ay nababatay sa kagustuhan ng kalooban at pagdidikta ng damdamin dahil sa
kasihayang nadudulot nito.
5. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung ikaw ay may pag-aalinlangan, marami pa ring katanungan sa isip ukol sa
pagpapasiyang gagawin dahil naiisip mong baka pagsisihan ito sa huli, pag-aralan mong muli ang iyong pasiya at
bigyan ng mas ibayong pagsusuri. Maging bukas dapat ang isip at damdamin sa posibilidad na maaaring magbago
ang pasiya pagkatapos ng pag-aaral muli dito. Mas tama at nararapat na gawin ito bago magpasiya upang maiwasan
na sisisihin ang sarili sa naging bunga ng pasiyang iyon dahil hindi napag-aralan nang mabuti.
Habang ikaw ay nabubuhay, marami kang pagpapasiyang gagawin. Kaya mahalagang may sapat kang kaalaman
tungkol dito. Laging tatandaan na sa bawat pagpapasiyang gagawin, isipin muna kung ito ay para sa mas mataas na
kabutihan o higher good. Ito ay tumutukoy sa kagandahang-loob ng bawat isa sa atin, ikabubuti ng lahat, ikabubuti ng
mas nakararami, at ikabubuti ng mga mahal sa buhay. Sa paglipas ng panahon, lumalaki ang mga hamon ng lipunang
kailangan harapin at ng bawat isa sa atin para mapanindigan ang tama at mabuti. Maraming mga isyu sa lipunan na
tunay na susukat sa ating moral na paninindigan. Kaya’t kailangang sapat ang ating kaalaman at kakayahan tungkol sa
pagsasagawa ng moral na pagpapasiya.

PAGTATAYA: I. Panuto: Suriing mabuti ang bawat pangungusap. Hanapin at salungguhitan ang salita na nagbibigay
ng maling pahayag o ideya sa bawat isa.
1. Tayong lahat ay pinagdamutan ng kakayahang magpasiya sa bawat hakbang na ating gagawin sa bawat yugto ng
ating buhay.
2. Ang bawat isa sa atin ay pinagkaitan ng pag-isip, damdamin at kilos-loob.
3. Tayong mga tao, sa lahat ng nilalang ay hindi malaya na makapagpasiya para sa ating mga sarili.
4. Ang lahat ng ating mga ikinikilos ay sanhi ng ating pagpapasiya.
5. Naninimbang ang isip sa pagpipiliang puwedeng gawin habang hinahayaan ng damdamin ang mga maaaring
maramdaman sa gagawing pagpili.
6. Nagkakaroon tayo ng kahinaan na maisakatuparan ang mga dapat gawin ayon sa paghuhusga ng ating konsensya
dahil sa panalangin.
7. Sa paglipas ng panahon ay umuunti ang mga hamon ng lipunang kailangan harapin ng bawat isa sa atin.
8. Ang lahat ng ating ikinikilos ay ginagamitan natin ng proseso ng padalos-dalos na pagpapasiya.
9. Magiging makabuluhan lamang ang lahat ng ito kung sarado ang iyong tenga sa pakikinig at pag-iisip sa
pagtanggap ng mga payo, suhestyon at mungkahi ng iba.
10. Ang ibig sabihin ng moral dilemma ay mga sitwasyong hinarap na kung saan ay nagpapahayag ng dalawang
nagkakasundo na posisyon.

Performance Task No.1

NAME: ________________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

ARALIN 1: Ang Mabuting Pagpapasiya (Unang Linggo)

Panuto: Piliin ang larawang mas "pinahahalagahan" at ipaliwanag kung bakit ito ang pinili. Bilugan ang titik ng napiling
larawan.

1.
a. b.

Bakit ito ang aking pinili?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
2.
a. b.

Bakit ito ang aking pinili?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
3.
a. b.

Bakit ito ang aking pinili?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

4th Quarter - Work Sheet No. 2

NAME: ________________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

Aralin 2: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay (Ikalawang Lingo)


ALAMIN
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may pagsasaalang- alang sa tama
at matuwid na pagpapasya. (EsP7PB-IVc- 14.2)

SURIIN
ANG MABUTING PAGPAPASYA
Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya.
ANG PROSESO NG PAGGAWA NG MABUTING PASYA
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay bagay.
PANAHON: Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso ng pagpapasya.
ANG MGA INSTRUMENTO O GAMIT SA MABUTING PAGPAPASYA
1. Isip - pinagninilayan natin ang sitwasyon. Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang mga
kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian.

2. Damdamin - sinasala ng ating damdamin ang anumang natuklasan ng ating isip upang pagbatayan ng pagpili,
upang gawing atin ang pagpapasya.

5 Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya


ayon kay Kescia D. Gray
1. Tukuyin ang iyong layunin (Goal) - Ano ba ang dahilan ng iyong desisyon?
2. Magkalap ng Impormasyon upang Timbangin ang mga Pagpipilian - Makatutulong ito upang mas maintindihan
ang bawat hakbang na kailangang gawin bago makamit ang isang desisyon.
3. Tignan ang mga posibleng kahihinatnan ng bawat aksiyon - Ano ba ang magiging epekto ng iyong desisyon sa
iyo at sa iba?
4. Gumawa ng pasya - pagkatapos mong tukuyin ang iyong layunin, kumalap ng mga impormasyon, at tignan ang
mga posibleng kahihinatnan ng iyong pasya, maaari ka ng magdesisyon!
5. Suriin o i-evaluate ang iyong pasya - kinakailangan ng mahabang pasensya sa bahaging ito, dahil maaaring ang
resulta o kinalabasan ng iyong desisyon ay hindi agarang makikita.
Mahalagang tandaan na sa bawat isasagawang pagpili, laging isasaalang-alang ang mas mataas na kabutihan
(higher good).
ANG PAHAYAG NG PERSONAL NA LAYUNIN SA BUHAY O
PERSONAL MISSION STATEMENT
Sa pagsulat nito, tandaan ang pahayag na ito na sinabi ni Sean Covey: “Begin with the end in mind". Paano nga
ba tayo makakasulat ng isang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? Isaalalang-alang ang mga sumusunod:
1. Suriin ang iyong ugali at katangian – Sagutin: Anong limang katangian ang maglalarawan sa iyo? Ano ang gusto
mong sabihin ng ibang tao tungkol sa iyo?
2. Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan – Ano ang mga pagpapahalaga ang mayroon ka?
3. Tipunin ang mga impormasyon – Tatandaan palagi ang mga impormasyong nakalap tungkol sa iyong sarili.
Maaari ding sagutan ang mga sumusunod na katanungan na hango sa http://www.andyandrews.com/personal-
mission-statement/
▪ Ano o sino ang aking pinapahalagahan? - Sa paanong paraan nakakonekta ang iyong buhay sa mga bagay o
tao na iyong isinagot?
▪ Ano ang nais kong marating/matamo? - Maaaring sa ispiritwal, mental, o pisikal na patutunguhan ang iyong
sagot.
▪ Ano ba ang pinakaaasam (pinaka gusto) kong resulta? - Mangarap ka! Ilagay mo ang pinakaposibleng
"the best" na resulta para sa'yo!
▪ Ano ang gusto kong makita sa akin ng ibang tao? - Mag-isip ng ilang mga salita na nais mong gamitin ng
tao kapag naaalala ka nila. (Hal. Si ______, naku! napakamatulungin niyang tao!)
▪ Ano ang nais kong iwan bilang isang pamana? – Fast forward sa hinaharap, ano kaya ang naging epekto
mo sa ibang tao.
Ayon nga kay Sean Covey, ang pahayag ng layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling
motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang panatilihing matatag sa anumang unos na dumating
sa iyong buhay.

PAGTATAYA: I. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.
_____ 1. Ang resulta ng iyong pasya.
_____ 2. Ito ay araw-araw nating ginagawa.
_____ 3. Ginagamit upang pagnilayan ang sitwasyon.
_____ 4. Ang nagsasala sa mga natuklasan ng ating isip.
_____ 5. Ito ay ang nais mong iwan na epekto sa ibang tao.
_____ 6. Ito ay maihahalintulad sa isang personal na motto o kredo.
_____ 7. Ito ay ang unang kailangang tukuyin sa paggawa ng wastong pasya.
_____ 8. Ito ay ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso ng pagpapasya.

_____ 9. Makatutulong ito upang mas maintindihan ang bawat hakbang na kailangang gawin.

_____ 10. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba ng mga
bagay.

A. kahihinatnan E. pamana
I. magkalap ng impormasyon
B. pasya F. Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay
C. isip G. layunin
J. mabuting pagpapasya
D. damdamin H. panahon
PAGTATAYA: II. Panuto: Gamit ang mga clues, hulaan ang mga salita sa bawat bilang.

PAHALANG PABABA

1. Una at pinakamahalagang sangkap sa anomang 4. Ginagamit upang pagnilayan ang sitwasyon.


proseso ng pagpapasya. 5. _________________ ng impormasyon na
2. Ito ay ang unang kailangang tukuyin sa paggawa ng makatutulong upang mas maintindihan ang bawat
wastong pasya. hakbang na kailangang gawin.
3. Ang resulta ng iyong pasya. 6. Ibang katawagan sa gamit.
7. Ang nagsasala sa mga natuklasan ng ating isip.
9. Ang mabuting pagpapasya ay isang ________ kung
saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang 8. Kailangan ng mahabang pasensya sa hakbang na
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. ito. Ito ay panghuling hakbang sa paggawa ng wastong
desisyon.
10. Ito ay araw-araw nating ginagawa.

7.
D

4. 10. 8.
I P y

U
5. 6.
I
M
1.

3.
K N T N

2.
L I

9.
P E O

O
Performance Task No. 2

NAME: ______________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

Aralin 2: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay (Unang Lingo)

Panuto: Isulat sa ibaba ang mga pasyang ginawa ng iyongmhga magulang tungkol sa iyong pag-aaral ngayong
panahon ng pandemya.

1.
2.
3.
4.
5.

4th Quarter - Work Sheet No. 3

NAME: ________________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

Aralin 3: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya sa Uri ng Buhay (Ikatlong Linggo)


ALAMIN
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang pagpapasiya upang
magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap. (EsP7PB- IVd-14.3)

SURIIN
ANG MABUTING PAGPAPASIYA
Marunong ka bang maglaro ng chess? O di kaya naman ay nakapapanood ka ba ng mga naglalaro nito? Kung susuriing
mabuti ang paglalaro ng chess, mapapansin na ang sinumang naglalaro nito ay sumasailalim sa malalim na pag-iisip. Sa
buong panahon ng paglalaro ng chess ay kinakailangan nilang mamili ng tamang piyesa na ititira at magpasiya ng
gagawing tira. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira. Kailangang
maging maingat sa pagpapasiya dahil kung hindi ay magbubunga ng pagkatalo sa laro. May tuntunin na tinatawag na
“touch-move”, nangangahulugan ito na kapag hinawakan mo ang isang piyesa ay ito na dapat ang iyong ititira, hindi na
maaaring magbago ng isip kung kaya mahalagang sigurado na sa tira bago ito hawakan. Marahil nagtatanong ka, “Bakit
naman biglang napasok ang chess sa usapan?”
Hindi ba maaari natin ihalintulad ang paglalaro ng chess sa ating mga pagpapasiya sa buhay? Ang lahat ng kilos ng tao
ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Nagmumula ito sa simpleng pagpapasiya katulad ng: kung anong damit ang
isusuot, kung kakain ba ng hapunan, hanggang sa mga komplikadong pagpapasiya katulad ng: kung papasok ba o hindi
sa paaralan, sasama ba sa kaibigan sa isang party nang walang paalam sa magulang o pakokopayahin mo ba ang
kaibigan mo sa pagsusulit at marami pang iba. Alinman sa mga ito ay nangangailangan ng kasanayan upang makagawa
ng matalinong pasiya lalo na sa mga sitwasyong moral.
Ang Proseso ng Paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(S.M.A.R.T.A)
Upang mahinuha kung mabuti ang paspapasiyang gagawin sa personal na pahayag ng misyon sa buhay.
Maaaring gawing gabay ang SMART A: S-specific, M-measurable, Aattainable, R-relevant, T-time-bound at A-action-
oriented. Sa wikang Filipino:
Tiyak. Tiyak ang iyong nais na mangyari sa iyong buhay kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais. Isipin mo
kung tuwi-tuwina ay nagbabago ang iyong pasiya. At kung tiyak ang iyong pasiya nagagawin, higit na makatitipid ng
panahon. Halimbawa, nais mong maging isang guro, kaya kumuha ka ng kurso sa kolehiyo na patungo sa pagiging guro.
Ngunit na isip mo sa simula pa lamang sa kolehiyo na gusto mo na maging inhenyero. Subalit lumipat ka ng kurso nang
kinukuha mo ang pagiging Inhenyero ay nagbago na naman ang iyong isip at kumuha ka na kurso na pagiging
Accountant. Hindi ba inaaksaya mo ang iyong panahon at pera ng iyong mga magulang?
Nasusukat. Una, nasusukat mo ang iyong kakayahang kumuha ng kursong nais mo. Sapat ba ang iyong mga marka
upang kunin ang kursong ito? Sumunod, sapat ba ang iyong perang gugugulin para sa pagkuha ng kursong ito?
Pangalawa, nasusukat mo ang iyong progreso sa pagsulong ng panahon patungo sa iyong mithiin. Halimbawa: nais
mong maging guro. Matataas naman ang iyong mga marka at kaya mong ipasa ang lahat ng asignatura dito. Subalit
kapos ang inyong pera kaya kinailangan mong magtrabaho habang nag-aaral kaya kaunting asignatura lamang ang
kaya mong kunin sa isang semestre. Marahil bago ka maging isang ganap na guro, malala na ang pangangailangan ng
inyong pamayanan o marahil mayroon ng guro na dumating sa inyong pamayanan.
Naaabot. Ang pasiya ay makatotohanan, maaabot at mapanghamon. Halimbawa: Nais mong maging guro,
makatotohanan ito para sa iyo dahil kaya mong maipasa ang lahat ng asignatura kaya ito ay maaabot at mapanghamon
sa iyo. Subalit kung lubha ang inyong kahirapan at imposibleng matustusan ng iyong mga magulang ang iyong pag-
aaral, medyo hindi ito makatotohanan. Ngunit kung ikaw ay pursigido, maaaring mapanghamon ito sa iyo. Nararapat
ang masusi mong pagpapasiya para rito. Kailangan mong isaalang-alang ang maaaring maging hamon sa iyo kung
itutuloy mo ang pagkuha ng kursong ito.
Angkop. Angkop ba ang iyong pasya na maging isang guro? Kung ang iyong layunin ay matugunan ang
pangangailangan sa inyong pamayanan, angkop ito. Ngunit angkop pa rin ba ito kung ikaw ay panganay at ang iyong
mga magulang at kapatid ay umaasang giginhawa ang kanilang buhay kung makatapos ka ng pag-aaral? Marahil ay
kailangan mong timbangin ang bawat panig upang makita mo ang higit na mabuti para sa iyo. Marahil, kailangan mong
suriin ang iyong prayoridad: ang unang mahalaga para sa iyo, sumunod ay ang pangalawang mahalaga para sa iyo.
Mabibigyan ng Sapat na Panahon. Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matupad ang iyong pasiya. Bigyang
pansin ang haba ng panahong gugulin mo bago matupad ang iyong pasiya at ang pakay mo para rito. Ang haba ng
panahong gugulin sa pagtupad ng pasiya ay may kaugnayan sa perang gagastusin mo. Ang haba ng panahong gugulin
mo ay may kaugnayan sa pagtupad ng iyong layunin o pakay. Halimbawa: Gaano katagal maghihintay ang iyong mga
mamamayan sa inyong barangay bago ka maging ganap na guro? O gaano katagal maghihintay ang iyong mga
magulang at kapatid bago mo sila matulungan? Kailangan ng pagpapasiya nang may katalinuhan.
May Angkop na Kilos. Ang pagpapahayag ng pasiya ay kailangang nasa pangkasalukuyang kilos (present tense).
Nararapat ding ito ay mga bagay na kaya mong gawin. Iwasan ding ipahayag ito sa negatibong paraan o huwag
magtakda ng pasiya upang pasakitan ang iba, gumanti sa iba o higitan ang iba. Halimbawa: Nais mong maging guro
kasi mas mataas ito sa pagpapasiya mo kaysa sa iyong kaklase. Huwag mo ring hangarin na maging guro upang
pagdating ng panahon maipagyayabang mo ito sa iyong mga kamag-aral. Sa madaling salita, maging positibo ang iyong
pagpapasiya para sa iyong layunin upang ang kahihinatnan nito ay lubos na kaligayahan. Huwag mong kalilimutan na
ang hangad ng Diyos para sa iyo ay maging mabuting tao ka at kasiya-siya sa Kaniyang paningin.

PAGTATAYA: I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat sa patlang ang TAMA kung ito ay angkop at
MALI kung ito ay hindi angkop.

_____ 1. Ang pagpapasya sa buhay ay hindi kinakaylangan pag-isipang mabuti, bilang tao natural lamang ito.
_____ 2. Masayang nakikipag kwentuhan sa mga barkada si Ann kaya hindi nya namalayang oras na para umuwi,
dinahilan na lamang nya na gumawa sila ng takdang aralin para hindi mapagalitan.
_____ 3. Ang pagpapasya sa buhay ay kaylangan ng masusing pag-iisip at huwag pa dalos-dalos.
_____ 4. Simula na ng online class ni Nikko ngunit hindi siya pumasok sa klase dahil nawili itong mag laro ng Mobile
Legends kasama ang iba pang mga classmates upang hindi mapagalitan sa guro dinahilan na lamang nila na
wala silang wifi connection.

_____ 5. Ang pagpapasiya ay kaylangang makatotohanan, maaabot at mapanghamon.


_____ 6. Si Mea ay papauwi na galing sa palengke inutusan siya ng kanyang ina na buli ng hapunan. Sa kanyang
paglalakad nakakita siya ng limang daang piso at mabilis niya itong itinago at hindi sinabi kahit kanino ang
nangyari.
_____ 7. Kaylangan sa pagpapasya ay tiyak ang iyong nais na mangyari sa iyong buhay kung ikaw ay nakasisiguro na
ito ang iyong nais.

_____ 8. Kailangang maging maingat sa pagpapasiya dahil kung hindi ay magbubunga ito ng negatibong epekto sa
iyong buhay.

_____ 9. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Nagmumula ito sa simpleng pagpapasiya ng
isang tao kagaya na lamang ng ano ang isusuot na damit.

_____ 10. Sa pagpapasiya, kung hindi mo alam ang dapat gawin maaari kang humingi ng tulong sa mga nakakatanda
dahil marami na silang karanasan sa buhay na pwedi nilang ibahagi.

Performance Task No. 3

NAME: ________________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

Aralin 3: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya sa Uri ng Buhay (Ikatlong Linggo)

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

DILEMMA:
Isang nakakahawang sakit ang kumalat sa buong mundo. Ang pangalan nito ay Covid-19, sa taong 2020
maraming nagbago, gaya na lamang ng buhay ni Nikki isang Grade 7 student na sana ngayon. Dahil sa pangyayari
napilitan si Nikki na huwag munang mag-aral sapagkat walang magagamit na gadget para sa online class at siya ang
panganay sa apat na magkakapatid na katuwang ng ina sapag-aalaga. Kinaylangang ding lumayo ng kanyang tatay para
makahanap ng panibagong trabaho kaya ganoon nalang na hindi ito nakapag-aral. Nalaman ng isang butihing
kapitbahay ang sitwasyon ni Nikki kaya binigyan niya ito ng pera para makapag-aral. Ngunit sa kasamaang palad ang
mga binigay na pera ng kapitbahay ay ginastos ng ina sa pambili ng kanilang makakain at gamit. Nang malaman ni
Nikki kung ano ang nangyari sa pera nanlumo ito, nagalit sa Ina at nawalan na ng ganang mag-aral muli.

Mga Tanong:
1. Kung ikaw si Nikki at nangyari ito sayo, Ano ang pagpapasyang iyong gagawin?

________________________________________________________________________________________________

2. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang ng isang Ina pagdating sa kaniyang
relasyon sa kaniyang anak? Bakit mo ito maituturing na pinakamahalaga?

________________________________________________________________________________________________

3. Bakit masama ang ginawa ng magulang ni Nikki?

_______________________________________________________________________________________________
4th Quarter - Work Sheet No. 4

NAME: ________________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

Aralin 4: Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Batay sa mga Hakbang sa Mabuting Pagpapasiya (Ika-apat Linggo)
ALAMIN
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
● Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga hakbang sa mabuting
pagpapasiya. (EsP7PB-IVd-14.4)

SURIIN
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(Personal Mission Statement)
Isang mabisang gabay sa ating mga pagpapasiya ang pagkakaroon ng personal na pahayag ng misyon sa buhay
o personal mission statement. Ayon nga kay Sean Covey sa kaniyang aklat na “The Seven Habits of Highly Effective
Teens, begin with the end in mind.” Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay,
hindi na magiging mahirap para sa atin ang mga mahahalagang pagpapasiya sa buhay. Ang personal na pahayag ng
misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang
kabuluhan ng iyong buhay.
Para itong balangkas ng iyong buhay. Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o layunin sa
buhay. Ang iba ay mahaba; ang iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang iba naman ay ginagamit ang
kanilang paboritong salawikain o kasabihan bilang pahayag ng layunin sa buhay.
Sa pagbuo mo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay, maaaring isaalang-alang ang sumusunod na mga
tanong:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Ano ang mga benepisyong maaari kong makuha at paano ito makatutulong sa akin at sa ibang tao?
5. Ano ang mga magiging balakid na maaaring harapin?
6. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

Ayon pa kay Covey (1998) ang personal na pahayag na misyon o layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang
punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan
natin ang matibay na makakapitan upang malampasan ang anumang unos na dumarating sa ating buhay. Walang
permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay nagbabago. Maaaring ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap;
mahal ka ng isang tao ngayon, bukas ay may mahal na siyang iba. Maraming bagay na hindi natin mapipigil.
Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kaniyang aklat:
Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na may halaga sa iyo at tunay na
pinaniniwalaan mo. Maaaring ang mga ito na ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.
Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimang minuto ay isulat mo ang anumang nais
mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag kang mag-abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga pagkakamali
dito. Matapos ang labinlimang minuto ay maaari mo na itong salain at itama ang mga pagkakamali sa bararila o
gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.
Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung saan ka maaaring mapag-isa. Doon
mo pagtuunan ng panahon ang paggawa ng iyong layunin sa buhay sa anumang paraang makatutulong sa iyo.
Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang perpektong pagkakasulat ng layunin sa
buhay. Hindi naman ito isang proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay personal mong
sikreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala sa aking
isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng pahayag ng layunin sa buhay.

Kailangan ang personal na pahayag ng layunin o misyon sa buhay upang panatilihing matatag sa anumang unos
o pagsubok na dumating sa iyong buhay. Kailangan ito upang bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin
sa buhay. O, ano pa ang hinihintay mo?

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang.

_____ 1. Ito ay maihahaluntulad sa isang pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan
ng iyong buhay.

A. Personal na Pahayag ng Kalayaan sa Buhay C. Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


B. Personal na Pahayag ng Panaginip sa Buhay D. Personal na Pahayag ng Pantasya sa Buhay

_____ 2. Siya ang nagsabi na kung sa simula pa lang ay alam mo na ang gusto mong mangyari sa iyong buhay,
hindi na magiging mahirap para sa iyo ang mga mahalagang pagpapasiya sa buhay.

A. Paul J. Meyer B. Stephen P. Robbins C. Hellen Keller D. Sean Covey

_____ 3. Ang aklat isinulat ni Sean Covey tungkol sa Personal Mission Statement kung saan isinaad niya ang
katagang “begin with the end in mind”.

A. Seven Habits of Highly Effective Teens C. Seven Habits of Understanding Oneself


B. Seven Habits of Mission Statement D. Seven Habits of Gathering Reflections

_____ 4. Ito ang simbolong ipinahayag ni Sean Covey bilang paghahalintulad sa personal na pahayag ng
misyon sa buhay na nagpapakita ng katatagan at paglago sa buhay.

A. Bato B. Puno C. Puso D. Isip

_____ 5. Ito ang pinakamagandang katangiang taglay ng isang taong mayroong personal na pahayag ng
misyon sa buhay.

A. Pagiging matatag at mapanagutan C. Pagiging tahimik at simple


B. Pagiging palaasa sa mga magulang D. Pagiging makasarili

Panuto: Gumuhit sa patlang ng puso kung ang pahayag ay tama at bituin naman kung mali.

_____ 6. Ang pangongolekta ng kasabihan o motto ay nakapagbibigay ng inspirayon sa paggawa ng Personal na


Pahayag ng Misyon sa Buhay.
_____ 7. Kung nais na maglaan ng oras sa pag-iisip upang mabuo ang Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay, magtungo sa lugar na marami ang nakakakita at nakaririnig sa iyo.

_____ 8. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay ibinabahagi sa iba dahil nagsisilbi itong personal na
gabay o balangkas na nagbibigay ng inspirasyon sa pagpapatuloy sa buhay.
_____ 9. Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, maaaring suriin ang mga naisulat na ideya
at kung may makitang pagkakamali ay maitatama agad.
_____ 10. Kailangang magkaroon ng matibay na makakapitan upang malampasan ang anumang unos sa buhay
upang matagumpay maisagawa ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Performance Task No. 4

NAME: ________________________________________ GRADE & SECTION: ________________________

Aralin 4: Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Batay sa mga Hakbang sa Mabuting Pagpapasiya (Ika-apat Linggo)
Panuto: Gamit ang salitang “MISYON”, bilang isang mag-aaral sa Ikapitong Baitang, bumuo ng mga paraan sa
pasasagawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay. Isulat ang sagot sa graphic organizer, maaaring salita o mga
pahayag ang kasagutan.

You might also like