You are on page 1of 5

QUARTER 1 WEEK 1 - ACTIVITY 1

ANDREA KYLE C. REODIQUE

10 - RAMON MAGSAYSAY

SCORE:
Pagpili at paggawa ng pasya - Panuto: Nakalilibang ang mag-isip ng mga bagay na mahalaga sa iyo.
Ngunit paano kung ikaw ay masasangkot sa isang sitwasyong kailangan mong mamili at gumawa ng
pasya. Sa gawaing ito, magpasya kung ano ang nakahihigit sa iyo gamit ang iyong isip at kilos-loob.
Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.

1. Sa Linggo ang educational trip ninyo at dahil malayo ang inyong lugar, kailangang madaling araw
pa lang ay umalis na kayo. Gabi na rin ang inyong uwi kaya hindi ka maaaring makapagsimba. Lagi
kang nagsisimba tuwing Linggo, ano ang maaari mong gawin? (5 pts)

Para sa akin importante ang educational trip at ang pagsisimba. Sa educational trip ay
makakatuklas at may mga matututunan akong bago sa aming mga pupuntahan lalo na kung ang
isa sa aming destinasyon ay mga meseums, marami akong bagong kaalaman na matututunan at
matutuklasan. Mahalaga rin ang pagsimba kada linggo dahil sa pagsisimba malalaman natin ang
salita ng Diyos. Ang gagawin ko sa sitwason na ito kung sasakto ang educational trip sa linggo
na araw ng pagsisimba ay bago ako umalis ng bahay sisiguraduhin ko na ako ay makakapag
dasal ng rosaryo at hihingi ng gabay upang maging ligtas ang lahat sa byahe. P'wede rin akong
manood ng live mass sa Youtube o Facebook. Dahil sa panahon natin ngayon sobrang sikat na ng
mga online, kahit nasa bahay ka lang ay p'wede ka ng manood ng misa, basta dapat ang puso at
isip natin ay naka tuon lang sa panginoon habang nag mimisa.
2. Family Reunion ninyo. Darating ang iyong lolo, lola at mga pinsang galing pa sa ibang bansa.
Sila ay malalapit sa iyo. Ngunit sa araw ding ito gaganapin ang tree planting ng inyong grupo.
Layunin ninyong taniman ng mga puno ang nakakalbong kagubatang malapit sa inyo. Ano ang
gagawin mo? (5 pts)

Sa ganitong pagkakataon hindi kailangan mamili kung sino ang importante. Para sa akin parehas
na importante ang family reunion at ang tree planting. Kung mag iba ng oras ang dalawang
importante na events, susubukan kong pumunta ng maaga sa tree plating group project namin
upang maka tulong. Pagtapos ng aming tree planting tsaka ako pupunta sa reunion ng aming
pamilya. Maaari ko rin sabihin sa aking mga kagrupo na kung p'wede ba ay ipa-reschedule ang
aming tree planting, ngunit king hindi sila papayag ay okay lang sa akin. Tutulong pa rin ako
sa aming gagawin dahil ito ay aming napag usapan na, bilang isang responsableng istudyante
kailangan ay ko tuparin at gawin ang aking mga gampanin. Ang family reunion ay mahalaga rin
sa akin dahil bihira lang ito mangyari, sisiguraduhin ko na makakadalo ako dito pagkatapos ng
tree planting.
3. Alam mong mahihirapan ang iyong magulang na tustusan ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Nangako ang
iyong ama na gagawin niya ang lahat, makapagaral lang. Ngunit inalok ka ng trabaho ng iyong kaibigan
pagkatapos mo ng sekundarya. Ano ang gagawin mo? (5 pts)

Kung marangal ang trabaho na inaalok sa akin ng aking kaibigan, tatanggapin ko ito. Tatanggapin ko
ito upang makatulong sa aking mga magulang. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho
ngunit susubukan ko ito. Susubukan ko rin mag trabaho sa mga kompanya o coffee shop na p'wede
ang working student, dahil sa mga ganitong kompanya hina-hati ang oras para sa pag-aaral at para
sa trabaho. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon
ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang
naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang
lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
1. Nahirapan ka bang pumili at gumawa ng pasya sa bawat sitwasyon? Bakit?
Opo, lalo na sa pangalawa. Sinasabing mahirap ang bumuo ng pasya dahil maraming
bagay ang dapat ikonsidera bago mo ito maisagawa. Ang pagpapasya ay hindi
basta-bastang bagay lalo na sa ibang mas importante o mas mahalagang
situwasyon. Kadalasan, kinakailangan munang mag-isip nang mabuti bago bitawan o
gawin ang isang desisyon. Kailangan mo munang isipin ang iba’t ibang salik, ang
iba’t ibang dahilan, ang ibang nangyari bago mo buuin ang nag-iisa mong
desisyon.

2. Ano-ano ang iyong isinasaalang-alang sa iyong ginagawang pasya?


Sa mga ginagawang pasiya, ang isinasaalang-alang ko ang aking konsensiya kung
tama ba ang ginawa ko. Gayundin, tinitignan at tinitimbang ko ang bawat
sitwasyon. Kasama rin dito ang pag-iisip na wala akong naaapektuhan na ibang tao
o nadadamay sa isang desisyon. Mahalaga na buo ang tiwala sa sarili at kung mag
dudulot ba ito ng kabutihan.

3. Bakit nararapat gamitin ang isip at kilos loob sa pagpapasya?


Ang isip, ang kritikal na pagtaya sa mga bagay, ay dapat sinasabayan ng ibang
aspekto tulad ng damdamin at ng konsensiya upang ang mabubuong desisyon ay
hindi lamang bugso ng damdamin. Ang desisyon ay dapat pinag-iisapang mabuti at
pinagninilayan ng loob. Mahalaga na ang magawang desisyon ay wasto upang
maiwasan ang pagsisisi dahil maraming pasya sa buhay ang hindi na maibabalik sa
oras na ito ay mabitawan na. Naka depende sa isip natin kung paano gagana ang
kilos loob.

You might also like