You are on page 1of 1

Hindi pa man nagtatapos ang Ikatlong Kuwarter sa Araling Panlipunan ay marami na akong

natutuhan sa loob ng 6 na linggo. Tunay nga na ang pag-aaral ng asignaturang Araling


Panlipunan ay isang makabuluhang gawain. Sa unang linggo tinalakay namin ang konsepto
ng kasarian, kahulugan ng sex at gender, katangian ng sex at katangian ng gender,
pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGIE), kung ano ang heterosexual,
homosexual, Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala
bilang LGBTQIA+. Napagaralan din namin ang gender roles sa Pilipinas noong panahong
Pre-Kolonyal, panahon ng Espanyol, panahon ng Amerikano, panahon ng Hapones, at sa
kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng creative reporting ng apat na pangkat. Sa
pangalawang linggo naman ay natalakay kung ano ang diskriminasyon, diskriminasyon sa
kababaihan, diskriminasyon sa mga kalalakihan, at diskriminasyon sa LGBTQIA+. Sa
pangatlong linggo naman ay ang karahasan sa kababaihan, kung ano kung ano ang mga
Seven Deadly Sins Against Women, karahasan sa kalalakihan. Sa pangapat na linggo
naman ay ang karahasan sa LGBTQIA+, at kung ano ang domestic violence. Sa panglimang
linggo naman ay ang CEDAW, Anti-Violence Against Women and Their Children Act
(Republic Act No. 9262), Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710). At sa pang-anim
na linggo naman ay ang tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga ito sa Ikatlong Kuwarter sa Araling Panlipunan, mas


lalong dumagdag ang aking kaalaman sa konsepto ng kasarian, diskriminasyon at
karahasan sa kababaihan, kalalakihan, at sa LGBTQIA+, at dagdag kaalaman rin kung ano
ang CEDAW, Anti-Violence Against Women and Their Children Act, at Magna Carta for
Women at kung ano ang tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon.

You might also like