You are on page 1of 3

Bawalan, Bryent Noel D.

Araling Panlipunan
10 - Aristotle

1. Ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki?
- Ans: Sex
2. Ang isang taong nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at
kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma, ano ang tawag sa
kanya?
- Ans: transgender
3. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda
ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
- Ans: gender
4. Sa anong bansa hindi pinapayagang magmaneho ang mga kababaihan nang
walang pahintulot ng kamag-anak na lalaki?
- Ans: Saudi Arabia
5. Bukod sa lalaki at babae, mayroon na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang
ibig sabihin ng acronym na LGBT?
- Ans: Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender
6. Ayon sa WHO mayroong 125 milyong kababaihan ang biktima nito mula sa 29 na
mga bansa sa Africa at Kanlurang Asya ano ito?
- Ans: Female Genital Mutilation
7. Ano ang tawag sa proseso ng pagpapatigil ng paa ng mga kababaihan?
- Ans: Foot Binding
8. Naglalarawan sa isang nagtatagal na nakagawian o padron ng pagkaakit
pangdamdamin, romantiko, seksuwal, o ilang pagsasama-sama ng mga ito sa
katumbas na kasarian, sa katulad na kasarian, sa kapwa kasarian, o wala sa
anumang kasarian, at ang mga kasariang umaagapay sa kanila.
- Ans: Oryentasyong Sekswal
9. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlang kasarian o katauhang pangkasarian.
- Ans: Gender Identity
10. Atraksyon sa pagitan ng dalawang magkaparehong sex.
- Ans: homosexual
11. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang mga anak o mga alagang
hayop. Tukuyin ang palatandaan ng karahasan sa kababaihan, kalalakihan, at
LGBT.
- Ans: Karahasan buhat sa kapareha o domestic violence
12. Sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal). Tukuyin ang palatandaan ng karahasan
sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT.
- Ans: Palatandaan ng karahasan o pang-aabuso
13. Nagbabanta na sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang
iyong oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian. Tukuyin ang
palatandaan ng karahasan sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT.
- Ans: Karahasan sa mga bakla, bisexual at transgender
14. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga kababaihan at anak
nito.
- Ans: Anti-Violence Against Women and Their Children Act
15. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad ng batas na ito
- Ans: Pamahalaan
16. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.
- Ans: Magna Carta for Women
17. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at
prostitusyon.
- Ans: Women in Especially Difficult Circumstances
18. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong
kakayahan, at maralitang-tagalungsod.
- Ans: Marginalized Women
19. Ang pagtrato sa isang tao ng masama dahil sa kanilang lahi, kapansanan,
kasarian, o iba pang pampersonal na mga katangian.
- Ans: Diskriminasyon
20. Paggamit ng dahas o paggawa ng masama.
- Ans: Karahasan
21. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang tumutukoy sa pagtamasa ng lahat ng
karapatang pantao ng bawat isa, anuman ang oryentasyong sekswal at
pagkakakilanlang pangkasarian nito?
- Ans: Prinsipyo 1: Ang Karapatan sa Unibersal na Pagtatamasa ng mga Karapatang
Pantao
22. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang tumutukoy sa karapatan ng lahat ang
mabuhay?
- Ans: Prinsipyo 4: Ang Karapatan sa Buhay
23. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang tumutukoy sa karapatan sa disente at
produktibong trabaho?
- Ans: Prinsipyo 12: Ang Karapatan sa Trabaho
24. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang tumutukoy sa karapatan sa edukasyon
nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong sekswal at
pagkakakilanlan pangkasarian?
- Ans: Prinsipyo 16: Ang Karapatan sa Edukasyon
25. Ibigay ang kahulugan ng acronym ng GABRIELA
- Ans: General Assembly Binding Women for Reform, Integrity, Equality, Leadership
and Action

You might also like