You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Ministry of Basic, Higher and Technical Education
Schools in the 63 Barangays within the Special Geographical Area of BARMM Mataas
na Paaralan ng Simone
Simone, Kabacan, Cotabato

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT sa ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa World Health Organization (WHO) (2014) ito ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
a. Sex b. Bi-sexual c. Gender d. Transgender

2. Bukod sa lalaki at babae, mayroon na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang ibig sabihin ng acronym na LGBT?
a. Lesbian, Gay, Bisexual, at Tomboy
b. Lesbian, Guy, Bisexual at Transgender
c. Lesbian, Gangster, Bakla, Tomboy, Queer, Intersex Plus
d. Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender

3. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
a. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
b. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
c. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT.
d. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.

4. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?


a. Sex Orientation and Gender Identity and Expression
b. Same sex Orientation and Gender Identity Expression
c. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression
d. Sexual Orientation and Gender Identification Expression

5. Ano ang gender roles?


a. Kamulatang pangkasarian
b. Pagkakaiba sa pagitan ng babae at lalaki
c. Pangkat ng mga pamantayan ng pag-uugali at panlipunan na itinuturing na akma angkop sa lipunan.
d. Tumutukoy sa tungkulin o papel kung saan kaakibat nito ang responsibilidad na kailangang gampanan ng bawat isa.

6. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinayagang magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sakaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig
nito?
a. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa.
b. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa.
d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.

7. Ang Anti-Violence Against Women ay binuo upang bigyang proteksyon ang kababaihan at mga bata. Alin sa sumusunod
ang HINDI sinasaklaw ng kahulugan ng women sa ilalim ng batas.
a. kasalukuyan o dating asawang babae c. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
b. babaeng walang karelasyon at mga anak d. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki

8. Ang RA 9262 ay kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. Alin sa sumusunod ang hindi
sinasaklaw ng kahulugan ng Children sa ilalim ng batas?
a. mga anak ng babaeng inabuso
b. mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi
c. mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga
d. mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na may kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili

9. Sino-sino ang maaring makasuhan ng pang-aabuso sa ilalim ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children
Act of 2004?
a. Ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki c. Mga kasalukuyang kinakasama o dating kinakasama
b. Mga kasalukuyan at dating kasintahan d. Mga abusadong kamag-anak

10. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng hangarin ng batas RA 9262?


a. Matulungan ang kababaihan na biktima ng pang-aabuso o karahasan.
b. Maparusahan ang kalalakihan na mahilig mambabae.
c. Maproteksiyunan ang kababaihan at mga anak nito laban sa pangaabuso.
d. Maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso.

11. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at maisakatuparan ang RA 9262 o Anti-Violence Against Women
and Children?
a. Ipapaubaya ko na lang sa pamahalaan dahil ito ay kanilang trabaho.
b. Sasama na lang ako sa mga kaibigan ko para gawin ang aming takdang aralin.
c. Ipaparating ko sa mga kababaihan at sa mga anak na tulad ko ang tungkol sa Anti-Violence Against Women gamit ang
social media.
d. Maging aktibo sa mga gawain na ang layunin ay maipabatid at maisakatuparan ang RA 9262.

12. Layunin ng batas na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang kanyang potensiyal sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
a. Magna Carta of Women
b. Universal Declaration of Human Rights
c. Prohibition on Discrimination Against Women
d. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

13. Sino ang pangunahing tagapagpatupad ng Magna Carta of Women?


a. Ang gobyerno ng Pilipinas b. United Nations c. Ang GABRIELA d. Department of Health

14. Sino-sino ang tinatawag na “women in especially difficult circumtances” sa sumusunod MALIBAN sa isa?
a. Si Matilda na isang prostitute.
b. Mga batang babae na naiipit sa sigalot.
c. Si Malou na laging binubugbog ng kanyang asawa.
d. Si Madonna na isang pulis at ipinaglalaban ang karapatan ng mga babaeng biktima ng illegal recruitment.

15. Saklaw ng Magna Carta of Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. “Marginalized Women,” at “Women in
Especially Difficult Circumstances.” Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
a. Maralitang tagalungsod c. Magsasaka at manggagawa sa bukid
b. Kababaihang Moro at katutubo d. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

16. Ang sumusunod ay batas na nagsusulong higit para sa kapakanan ng kababaihan. Alin ang HINDI kabilang?
a. Magna Carta of Women
b. Yogyakarta Principles
c. Anti-Violence Against Women
d. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

17. Ang mga batas tulad ng Anti-Violence Against Women at Magna Carta of Women ay makakatulong upang .
a. Upang sumigla ang kalakalan sa ating bansa.
b. Upang maitaguyod ang lahat ng ninanais gawin ng isang tao.
c. Upang magkaroon ng magandang oportunidad sa trabaho ang lahat anoman ang kasarian nito.
d. Upang maitaguyod ang pagtanggap, paggalang at pagkakapantaypantay ng tao bilang isang kasapi ng
pamayanan.
18. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng mga kababaihan na
tinagurian Seven Deadly Sins Against Women. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tinaguriang Seven Deadly Sins Against
Women?
a. Pambubugbog b. Pangangaliwa ng asawang lalaki c. Sexual Harrassment d. Sex Trafficking

19. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang pag-uuri, eksklusyon o
restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang
mga karapatan at kalayaan?
a. Paghihiwalay b. Pagbubukod c. Diskriminasyon d. Pag-uuri-uri

20. Ang UN-OHCR o “Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights”, ay isang pandaigdigang
samahan na nagusulong ng pantay na proteksiyon ng mga karapatang pantao at Kalayaan na nakasaad sa Universal Declaration of
Human Rights. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng Katangian ng Karapatang Pantao?
a. Ang mga Karapatang Pantao ay para sa lahat ng mga tao. c. Ang mga karapatang pantao ay hindi natatangi.
b. Ang mga Karapatang Pantao ay hindi maililipat kaninuman. d. Ang mga karapatang pantao ay hindi sapilitan.

21. Si Jennifer Laude ay isang transgender o transwoman na nagkaroon ng masaklap na karanasan sa buhay. Nang natuklasan na
siya ay hindi tunay na babae, siya ay pinatay ni Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton, isang Amerikano na kabilang sa Hukbong
Kawal Pandagat ng Estados Unidos noong taong 2014. Sa iyong palagay, ano ang maari mong gawing hakbang upang lalong maging
katanggaptanggap sa lipunan ang mga LGBT Community?
a. Sumama sa lahat ng organisasyon na may kinalaman sa LGBT.
b. Sumali sa mga demonstrasyon upang marinig ng pamahalaan ang hinaing ng mga LGBT.
c. Suportahan ang mga batas o polisiya na nangangalaga at nagpoprotekta sa kapakanan ng LGBT.
d. Sumang-ayon na lamang sa ipinaglalaban ng grupong nasalihan upang maipakita ang pagsuporta sa LGBT.

22. Nararanasan pa rin ang pandaigdigang karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan at kalalakihan lalo na ang mga kasapi
sa LGBT. Ano ang maari mong gawin upang matugunan ang mga pandaigdigang isyung ito?
a. Sasabihin ko sa kinauukulan ang mga pangyayari sa aming barangay.
b. Wala akong pakialam dahil hindi naman ako kasapi sa mga nakaranas ng ganoong sitwasyon at diskriminasyon.
c. Ipapalaganap ko sa sosyal midya ang mga karahasan at diskriminasyon na nangyayari sa ating bansa upangsa
ganoon ay makagawa ang ating pamahalaan maging ang pandaigdigang samahan ng mga programa na makapagpipigil ng
karahasan at diskriminasyon.
d. Maging mulat at mapagmasid.

23. Nakita ni Kapitan Tiyago na inaapi o tinutukso si Angel, isang binabae o kasapi ng LGBT. Bilang pinuno sa barangay,
ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang ganitong pangyayari?
a. Ipapakulong ko ang mga lumalabag sa karapatang pantao.
b. Pagsasabihan ko ang mga kabataan na mahuhuling lumalabag sa kasunduan o ordinansa ng barangay.
c. Ipapatawag ko ang mga magulang at pagbabayarin ng danyos sa pamilya ni Angel.
d. Magpapatawag ako ng isang pulong at magsasagawa ng isang seminar sa kabataan patungkol sa nasabing
problema.

24. Ikaw ay isang lider ng samahang LGBT, bagaman ikaw ay mabuting tao, hindi maikakaila na marami pa rin ang gumagawa ng
hindi naaayon sa gawi at kultura ng lipunan. Ano ang puwede mong gawin upang mabago ang pananaw ng karamihang tao tungkol dito?
a. Bilang pinuno sila ay pagsasabihan ko upang sila ay matauhan.
b. Wala akong gagawin na tugon sa isyung iyan dahil wala naman akong ginagawang masama.
c. Sasabihan ko sila nang paulit-ulit na gumawa sila ng mabuti sa kapwa habang nabubuhay sila.
d. Hindi ko kontrol ang kanilang kilos o galaw ngunit aanyayahan ko sila sa isang pagtitipon na nagsusulong ng
pagkakapantay-pantay ng kasarian upang matututo sa kanilang ginagawa.

25. Habang ikaw ay naglalakad papunta sa inyong silid aralan, nakita mo si Roy na kapwa mo mag-aaral na pinagsasabihan
ng masasakit na salita ni Bb. Rosalie na inyong guro. Pinalabas siya sa klase sapagkat hindi siya nakasuot panlalaki. Ano ang iyong
gagawin?
a. Kakausapin ko ang aming guro na huwag niyang pakialaman ang mga kapwa ko mag-aaral sa kanilang pananamit.
b. Pagsasabihan si Roy na huwag na lang siyang magpatuloy sa pag-aaral upang makaiwas sa gulo.
c. Kakausapin ko si Bb. Rosalie na papasukin pa rin sa klase si Roy dahil karapatan niyang makapag-aral at magkaroon
ng kasunduan sa tamang pananamit.
d. Hahayaan ko si Bb. Rosalie sa kanyang desisyon at irereklamo ko siya sa kinauukulan.
25. Nagising ka dahil narinig mong umiiyak ang iyong nanay. Sa pagsilip mo sa kuwarto nila, pinagbubuhatan ng kamay ng lasing
mong tatay ang iyong nanay. Ano ang gagawin mo upang matulungan mo ang iyong nanay?
a. Makialam at suntukin mo rin ang iyong ama.
b. Gisingin ang iyong mga kapatid upang upakan ang inyong ama.
c. Puntahan ang mga nakatatandang kapatid ng iyong ama at ipabugbog o ipakulong siya.
d. Ireport sa barangay ang pangyayari.

26. Naimbitahan mo si Kiko sa isang pormal na okasyon, ngunit ikaw ay nabigla nang nakita mo siyang nakasuot pambabae.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko na siya kikilanin bilang kaibigan.
b. Magpapanggap na lang na hindi ko siya kilala.
c. Tuloy ang okasyon, hindi ako magbabago sa pagkakakilala ko sa aking kaibigan.
d. Pagsasabihan ko siya na magpalit ng kasuotan upang hindi siya kahiya-hiya.

27. Si Matmat ay isa sa mga tagapagtatag ng isang samahang LGBT. Anong programa ang maaari niyang imungkahi sa kanilang
lokal na pamahalaan upang lalong makilala ang karapatan ng LGBT?
a. Magkaroon ng Beauty Contest tulad ng “That’s My Tomboy,” “Miss Gay” sa kanilang local na pamahalaan.
b. Magkaroon ng feeding program sa kanilang barangay.
c. Magkaroon ng Fun Run ang lahat ng miyembro ng LGBT.
d. Magtayo ng isang organisayong LGBT upang mapigilan ang diskriminasyon.

28. Kung isa sa iyong kapatid na lalaki ay kumikilos nang taliwas sa kanyang kasarian, bilang kapatid ano ang iyong nararapat
na gawin?
a. Tanggapin ang pagbabagong nangyayari sa kanya.
b. Huwag pansinin ang mga pagbabagong nangyayari sa kanya.
c. Hayaan na lamang ang pagbabagong nangyayari sa kanya.
d. Hindi katanggap-tanggap ang pagbabagong nangyayari sa kanya.

29. Itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence Against Women upang
.
a. Mapalaganap ang kaalaman tungkol sa karahasan sa mga kababaihan at kung paano ito matatanggal o
malilimitahan.
b. Maalala ang kabutihan ng mga babae.
c. Malaman ang kagandahan ng mga babae.
d. Makilala ang mga nagawa ng mga kababaihan.

30. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng mga batang kababaihan nang walang
anumang benepisyong medikal. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng Female Genital Mutilation (FGM) sa Africa at
Kanlurang Asya?
a. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala.
b. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan.
c. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
d. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal.

31. Ang breast ironing o breast flattening ay isang tradisyonal na kaugalian ng sapilitang pagyupi o pagbayo sa suso ng mga
batang babae gamit ang mga maiinit na bagay upang mapigilan ang pagbuo nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi malinaw na
dahilan kung bakit ito ginagawa?
a. upang maiwasan ang mga sakit c. upang maiwasan ang paghinto sa pag-aaral
b. upang maiwasan ang pagkagahasa d. upang maiwasan ang maagang pagbubuntis

32. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig. Ang
kaugaliang foot binding noon sa China ay naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan. Pinaniniwalaan na ang pagkakaroon ng
“lotus feet” ay nangangahulugan ng maliban sa isa.
a. simbolo ng ganda c. karapat-dapat sa pagpapakasal
b. simbolo ng yaman d. karapat-dapat sa marangyang pamumuhay

33. Ang sumusunod ay nagpapakita ng karahasan sa lahat ng kasarian. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng “domestic violence”?
a. Patuloy na tinatanggihan ang mga saloobin, ideya at opinyon.
b. Nagmumura kapag nakainom ng alak o gumagamit ng droga.
c. Nagsasabi na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender.
d. Nananakit o nambubugbog ng asawa dahil sa selos.
34. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap sa kanya. Sa pag-
aalala mong iiwan ka niya, tinanong mo siya kong ano ang kailangan upang mapatunayan mong hindi ka niya iiwan. Tinitigan ka niya at
tinanong, kung talagang mahal mo ako, handa ka bang ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” Bilang isang
mapanagutang lalaki o babae, ano ang gagawin mo?
a. Magtatanong o kokonsulta sa guidance counselor.
b. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi pa handa sa nais niya.
c. Isusumbong ko siya sa kanyang mga magulang.
d. Kakausapin siya at sasabihing hindi ka pa handa para sa ganitong uri ng ugnayan.

35. Ano ang nais iparating ni Geraldine Roman sa kanyang sinabi na “Ang pagtakbo sa kongreso ay hindi isyu ng kasarian
kundi isyu kung sino ang makakatulong sa bayan?”
a. Ang kasarian ay may epekto sa serbisyo na maipagkakaloob ng isang politiko.
b. Ang pagsali sa politika ay nararapat sa babae at lalaki basta sila ay makatutulong sa bayan.
c. Kahit ano pa man ang kasarian, ang bawat isa ay may karapatan na tumakbo sa halalan.
d. Ang kasarian ay hindi basehan sa pagpili ng lider, kundi ang serbisyo na maipagkakaloob niya sa bayan.

36. Isa kang may mataas na katungkulan sa inyong paaralan, nakakita ka ng isang miyembro ng LGBT na nilalait ng kanyang
kamag-aral. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang ganitong pangyayari?
a. Makialam at sumama sa panlalait sa kanya.
b. Hayaan na lang siya dahil hindi ka naman kasapi sa LGBT.
c. Pagsabihan ang mga mag-aaral na huwag siyang i-bully sa loob ng paaralan.
d. Ipatawag sa opisina ang mga mag-aaral na nanlalait at pagsabihan na huwag na nila itong ulitin dahil lahat ng
tao ay may damdamin at pantay na karapatan
37. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng LGBT, ano ang puwede mong gawin upang higit na maitaas ang dignidad ng iyong grupo
na kinabibilangan?
a. Magkaroon ng programa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.
b. Huwag ng pansinin ang sinasabi ng iba basta’t gumagawa ka ng tama.
c. Maging magandang halimbawa o modelo sa bawat isa.
d. Lahat ng nabanggit.

38. Bakit kinakailangang magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng tao kahit ano pa ang kanilang kasarian?
a. Dahil lahat ng tao, anoman ang kasarian ay mabubuti.
b. Dahil ito ay ipinaglalaban ng mga kilalang personalidad.
c. Dahil lahat tayo ay mamamayan ng ating sariling bansa.
d. Dahil ang lahat, anuman ang kasarian ay dapat igalang at pahalagahan.

TEST II. Ang sumusunod na pahayag sa ibaba ay karaniwang nagaganap at napapansin sa ating mga tahanan, naririnig sa radio,
napapanood sa telebisyon at maging sa simpleng pag-uusap ng mga tao. Sumasang-ayon ka ba o hindi sang-ayon sa mga ganitong
pahayag? Isaad ang iyong saloobin.

39. “Para sa bahay lang naman kayong mga babae kaya huwag na kayong mag-aral.”

Sagot:

40. “Mga lalaki talaga, bolero, babaero, lasinggero!”

Sagot:

Inihanda ni:
FHAIRUDZ T. AMULAN

You might also like