You are on page 1of 12

10

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter III – Linggo 5
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu
ng Karahasan at Diskriminasyon

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 5: Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng
Karahasan at Diskriminasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Edlyn S. Lavega
Pangnilalamang Patnugot: Rodney M. Ballaran
Editor: Enrile O. Abrigo Jr.
Tagawasto: Nimfa V. Alaska
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska,
Maria Lea A. Magbanua, Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin
Tagalapat: Baby Erma P. Anas

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Maritess L. Arenio, EPS- Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navila, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Rodney M. Ballaran
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu
ng Karahasan at Diskriminasyon

MELC: Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas sa mga


isyu ng karahasan at diskriminasyon
Layunin:

1. Naiisa-isa ang tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at


diskriminasyon
2. Natutukoy ang mga batas ng Pilipinas bilang tugon sa isyu ng karahasan at
diskriminasyon
3. Naipaliliwanag ang mga batas ng Pilipinas bilang tugon sa isyu ng karahasan at
diskriminasyon

Subukin Natin

Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang iyong sagot sa patlang bago
ang bilang.

____ 1. Ano ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na


komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya?
A. Anti- Violence Against Women and Their Children Act
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
C. Magna Carta for Women
D. Women in Especially Difficult Circumstances

____ 2. Alin sa sumusunod ang kabilang sa Women in Especially Difficult Circumstances?


A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

____ 3. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad
ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng
lunas at proteksyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas
na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating
asawang babae.

1
____4. Ano ang tawag sa pag-uuri, eksklusiyon o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga
babae sa kanilang karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit

____ 5. Alin ang HINDI kabilang sa mga katawagan ng Convention on the Elimination of Alln
Forms of Discrimination Against Women?
A. International Bill for Women C. The Women’s Convention
B. United Nations Treaty for the Rights of Women D. Magna Carta for Women

____ 6. Ano ang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang
mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga
ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito?
A. Anti- Violence Against Women and Their Children Act
B. Convention on the Elimination of all forms of Discrimination against Women
C. Magna Carta for Women
D. Women in Especially Difficult Circumstances

____ 7. Ano ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga
biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking, at mga babaeng
nakakulong?
A. Magna Carta for Women
B. Anti- Violence Against Women and Their Children Act
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Convention on the Elimination of all forms of Discrimination against Women

____ 8. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Magna Carta for Women?
A. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang
The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women
B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan
C. Layunin nitong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan
at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat
ng bagay
D. Batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng
mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Napabilis ang ugnayan ng bawat
bansa.

____ 9. Bilang isang kabataan sa kasalukuyan, paano ka makatutulong upang maiwasan


ang mga karahasan at diskriminasyon?
A. Maging maalam sa mga karapatan upang maipaglaban mo ito sa lahat ng
pagkakataon.
B. Magbasa o manood ng mga balita na magbibigay kaalaman sa iyong mga
karapatan.
C. Maging matuwid sa lahat ng pagkakataon.
D. Lahat ng nabanggit.

____ 10. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


A. Nagsusulong ito ng mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng
karahasan.
B. Nagtataguyod ng tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito
ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
C. Nagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng kababaihann
biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon.
D. Nagsusulong ng mga patakarang magbibigay ng impormasyon sa mga nais
iparating ng mga kababaihan sa kanilang gobyerno.
2
Ating Alamin at Tuklasin
Paghawan ng Hindi na bago sa ating kaalaman ang talamak na
Balakid karahasan at diskriminasyon sa ating bansa. Sapagkat
ito ay madalas nating napapanood, naririnig, at
nababasa madalas sa telebisyon, radyo, at social media.
Diskriminasyon – ay ang Anuman ang iyong kasarian, kalagayan, o katayuan sa
anumang pag-uuri, eksklusyon, buhay ay maaring nakararanas ka o biktima ka nito. Ang
o restriksyon batay sa kasarian ganitong mga paksa ay dapat pagtuunang pansin.
na naglalayon o nagiging sanhi Kung kaya’t mahalagang malaman at maunawaan
ng hindi pagkilala, paggalang, at natin kung ano ang mga batas patungkol sa isyu ng
pagtamasa ng lahat ng kasarian karahasan at diskriminasyon ng ating bansa. Halina at
ng kanilang mga karapatan o simulan mo ang iyong paglalakbay tungo sa iyong
kalayaan. pagkatuto.

Natatandaan mo pa ba ang aralin sa nakaraang linggo? Nawa ay iyong nasuri ang


diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT. Sa araling ito, pagtutuunan ng
pansin ang tugon ng pamahalaan sa Isyu ng Kasarian at Diskriminasyon.

Ang ating bansa ay bumuo ng mga batas na nangangalaga sa mga kababaihan bilang
tugon sa isyu ng karahasan at diskriminasyon. Tara na! Ating talakayin ang iba’t ibang
batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan.

CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION AGAINST


WOMEN (CEDAW)

Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The
Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-
unahan at tanging internasyonal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa
aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan, at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre
18,1979 kasabay ng UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo
15, 1980, at niratipika noong Agosto 5, 1981.

Mga Layunin ng CEDAW

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.


Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay
ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanman ay hindi nito maaaring
bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.

3
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga
stereotype, kostumbre, at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

ANTI- VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT


Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito
ay ang kababaihan at kanilang mga anak.
Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating
asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng
nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak
ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man
o hindi at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak
ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at
maaaring kasuhan ng batas na ito? Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at
maaaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang
lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan, , at live-in partners na lalaki, mga lalaking
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship”
sa babae.

MAGNA CARTA FOR WOMEN


Isinabatas ang Magna Carta for Women noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat
ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng kababaihan at kalalakihan sa lahat ng aspeto. Ito ay alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Layunin nito na itaguyod ang husay at
galing ng bawat babae at ang potensyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababaihan ay karapatang pantao.

Saklaw ng Magna Carta ang lahat ng babaeng Pilipino anuman ang edad, pinag-
aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang ethnicity ay saklaw
ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan.
Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang
Moro at katutubo. Ang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng
nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at
karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human
trafficking, at mga babaeng nakakulong.

(Pinagkunan: “Araling Panlipunan 10- Mga Kontemporaryong Isyu-Learning Module,” Learning


Resource Management Development System, accessed January 25, 2021,
https:// lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/18440.)

4
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Ayusin ang ginulong titik upang makabuo ng isang konsepto o salita batay
sa binasang teksto. Isulat ang sagot tapat nito.

1. NAALAHAMAP
2. KRIMIDISNASYON
3. NGAMA TRACA
4. NASAKHARA
5. PROSYONTEK

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pahayag o katanungan sa pamamagitan ng pagpili
ng mga kasagutan sa kahon. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang

A. Diskriminasyon
B. Marginalized Women
C. Anti Violence Against Women and Their Children
D. Women in Especially Difficult Circumstances
E. Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against
Women
F.
______1. Tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat
ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
______2. Ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o
may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo.
______3. Inilalarawan bilang International Bill for Women.
______4. Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng
mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
______5. Ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking, at mga babaeng nakakulong.

Ano ang Magna Carta for Women?

5
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag kung saang batas ito kabilang. Isulat ang
titik ng iyong sagot.

A. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women


( CEDAW)
B. Anti- Violence Against Women and Their Children Act
C. Magna Carta for Women

____1. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na komprehensibong


tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan, at
pampamilya.
____2. Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Ang mabibigyan ng proteksyon ng batas
na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak.
____3. Saklaw nito ang lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho
o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang ethnicity.
____4. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan.
____5. Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim ng batas
na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating
kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at
mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.

Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag ay Tama at ekis (X) naman
kung ito ay Mali.

_____1. Ang Magna Carta for Women ay kilala rin bilang The Women’s Convention o ang
United Nations Treaty for the Rights of Women.
_____2. Ang Anti- Violence Against Women and Their Children Act ay batas na nagsasaad ng
mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.
_____3. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang ethnicity ay saklaw ng Magna Carta.
_____4. CEDAW ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan, at pampamilya.
_____5. Kabilang sa tinatawag na Women in Especially Difficult Circumstances ang mga
kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang
bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.

Sapat ba ang batas na ipinaiiral sa ating bansa upang matugunan ang


isyu ng karahasan at diskriminasyon?

6
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag. Isulat sa bawat patlang ang nawawalang salita.
Ang _____________________________________________________________________
ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa ______________________ng _____________________________hindi lamang sa
sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
Isinabatas ang Magna Carta for Women noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng ________________________________laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga _____________ at ___________sa lahat ng
bagay.

Ating Tayahin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang iyong sagot sa patlang bago
ang bilang.

____ 1. Alin sa sumusunod ang kabilang sa Women in Especially Difficult Circumstances?


A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

____ 2. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad
ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng
lunas at proteksyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na
ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating
asawang babae.

____ 3. Alin ang HINDI kabilang sa mga katawagan ng Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women?
A. International Bill for Women C. The Women’s Convention
B. United Nations Treaty for the Rights of Women D. Magna Carta for Women

____4. Ano ang tawag sa pag-uuri, eksklusiyon o restriksyon batay sa kasarian na


naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga
babae sa kanilang karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit

7
____ 5. Ano ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
A. Anti- Violence Against Women and Their Children Act
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
C. Magna Carta for Women
D. Women in Especially Difficult Circumstances
____ 6. Ano ang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang
mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng
mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito?
A. Anti- Violence Against Women and Their Children Act
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
C. Magna Carta for Women
D. Women in Especially Difficult Circumstances

____ 7. Ano ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga
biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking, at mga babaeng
nakakulong?
A. Magna Carta for Women
B. Anti- Violence Against Women and Their Children Act
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Convention on the Elimination of all forms of Discrimination against Women

____ 8. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Magna Carta for Women?
A. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang
The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women
B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan
C. Layunin nitong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan
at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan
sa lahat ng aspeto.
D. Batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng
mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Napabilis ang ugnayan ng bawat
bansa.

____ 9. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


A. Nagsusulong ito ng mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng
karahasan.
B. Nagtataguyod ng tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito
ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
C. Nagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng kababaihann
biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon.
D. Nagsusulong ng mga patakarang magbibigay ng impormasyon sa mga nais
iparating ng mga kababaihan sa kanilang gobyerno.

____ 10. Bilang isang kabataan sa kasalukuyan, paano ka makakatulong upang maiwasan
ang mga karahasan at diskriminasyon?
A. Maging maalam sa mga karapatan upang maipaglaban mo ito sa lahat ng
pagkakataon.
B. Magbasa o manuod ng mga balita na magbibigay kaalaman sa iyong mga
karapatan.
C. Maging matuwid sa lahat ng pagkakataon.
D. Lahat ng nabanggit

8
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin

Gawain 1 Gawain 1
1. Pamahalaan 1. A
2. Diskriminasyon 2. B
3. Magna Carta 3. C
4. A
4. Karahasan
5. A
5. Proteksyon
Gawain 2
Gawain 2 1. X
1. A 2. /
2. B 3. /
3. E 4. /
4. C 5. x
5. D

Subukin
Ang Aking Natutuhan 1. B 6. A
2. D 7. C
1. Convention on the 3. D 8. C
Elimination of all forms of 4. B 9. D
Discrimination against 5. D 10. B
Women
2. karapatan Ating Tayahin
3. kababaihan
4. diskriminasyon 1. D 6. A
5. babae 2. D 7. C
6. lalaki 3. D 8. C
4. B 9. B
5. B 10. D

Sanggunian
Website

Learning Resource Management Development System. “ Araling Panlipunan 10 - Mga


Kontemporaryong Isyu- Learning Module.” Accessed January 25, 2021.
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/18440.)

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like