You are on page 1of 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat bilang.

Piliin
at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

1. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga


anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang
parusa sa lumalabag nito.
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
2. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta
for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o
primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan
4. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad
ng biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at
mga babaeng nakakulong.
A. Women of the Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D. Women in Especially Difficult Circumstances
5. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan
ng kababaihan ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination
6. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad
ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga
biktima ng prostitusyon? A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-
pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang
state party sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW) maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.
D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan
8. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa
pamamagitan ng:
A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang layunin
nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima
ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang
biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon
9. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang- tao.
Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag
nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave
B. Paternity Leave
C. Leave for Fathers
D. Paternity Leave of Absence
10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan
kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst Women
D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Agianst Women
11. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki
sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women
12. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at
pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng
pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod.
A. Republic Act 1161 C. Republic Act 8187
B. Republic Act 8971 D. Batas Pambansa Bilang 1162

13. Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang


employer ang pagdadalang-tao at ang inaaasahang petsa ng panganganak ng kanyang
asawa? A. Sapagkat ito ay kanyang karapatan
B. Dahil siya ay magpa-file ng paternity leave
C. Dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa
D. Upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.

14. Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa mga


kababaihan at anak nito? A. Live-in partners na lalaki
B. Kasalukuyan at dating asawang babae
C. Kasalukuyan at dating kasintahan babae
D. Mga lalaking nagkaroon ng anak sa lalaki

15. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang
empleyadong lalaki maliban sa: A. pagkatapos ng kasal
B. habang nagbubuntis ang legal na asawa
C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa
D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa

You might also like