You are on page 1of 17

lOMoARcPSD|27124052

AP10 Q3 M4 - n/a

Accounting Cost and Control (Araullo University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)
lOMoARcPSD|27124052

10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Mga Hakbang na Nagsusulong ng
Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian

AIRs - LM
Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)
lOMoARcPSD|27124052
lOMoARcPSD|27124052

Araling Panlipunan 10
Ikatlong Markahan - Modyul 4: Mga Hakbang na Nagsusulong ng
Sapulin Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian
Unang Edisyon, 2021

Ang pagtanggap at paggalang sa kasarian ay isang seryosong usapin at ang bawat


Karapatang
isa sipi © 2021
ay hindi makaiiwas sa karahasan at diskriminasyon. May isinilang na babae pero
La Union Schools Division
ang kanyang pagkatao ay hindi niya mapagtanto dahil umiibig siya sa kapwa niya babae
Region
at ganunI din sa kabilang kasarian. Dahil sa mga hindi inaasahang paghanga na ito,
nagkakaroon ng problema sa kanilang tunay na pagkatao, marami ang nilalait at
nilapastangan ang pagkatao dahil sa kanilang kahinaan at di-mapagtantong pagkatao
Ang
at lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o
pagkakilanlan.
pagkuha
Ang ng bahagi ng
bahaging ito walang pahintulot
ng modyul ay hindi upang
ay isinulat pinapayagan.
makatugon sa iyong
pangangailangan bilang isang mag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyung ating
kinakaharap sa kasalukuyan. Nakapaloob dito ang iba’t ibang mga karapatan ng tao
ayon sa Universal Declaration of Human Rights,Magna Carta for Women at mga
hakbang na magsusulong sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang mga kasarian.
Hangarin sa pag-aaral ngBumuo sa Pagsulat
mga aralin ng Modyul
na nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan
ng mga mag-aaral kung papaano makagagawa ng hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan .
Ang aralin
Manunulat: na itoM.
Rodelia ay Rabe,
tumutukoy
MSE sa Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian
Tungo sa Pagkakapantay-pantay. Ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksa.
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto
• Paksa F. Ramos Jr.,Pagpapahayag
1: Pandaigdigang P II ng mga Karapatan ng Tao
• Paksa 2: Magna Carta for Women
Tagapamahala:
• Paksa 3: Mga Malikhaing Hakbang na Magsusulong ng Pagtanggap at
Paggalang sa Iba’t Ibang Kasarian
ATTY. Donato
Pinakamahalagang D. Balderas,
Kasanayang Jr.
Pampagkatuto:
Schools Division Superintendent
• Nakagagawa
Vivian LuzngS.hakbang na nagsusulong
Pagatpatan, Ph.D ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian
AssistantnaSchools
nagtataguyod ngSuperintendent
Division pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio mong
Pagkatapos C. Boado, Ph.D, ang
pag-aralan EPSmodyul,
in Charge of LRMSiyong:
inaasahang
Mario B. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan
• Naipaliliwanag ang mga karapatan ng bawat mamamayan ayon sa Universal
Michael Jason D. Morales, PDO II
Declaration of Human Rights.
Claire P. Toluyen,
• Nakabubuo ng angkopLibrarian II na nagsusulong ng pagtanggap at
na hakbang
paggalang sa kasarian.

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)
lOMoARcPSD|27124052

Simulan

Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin
ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan,
mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially
Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially
difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

2. Ano ang ibig sabihin ng UDHR?


A. Unified Declaration of Humanitarian Relations
B. Universal Declaration of Human Rights
C. United Development of Humanitarian Relations
D. Universal Development of Human Rights

3. Ang lahat ng taoý isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga


_______________.
A. Karapatan B.Prebilihiyo C. Kalayaan D. Pangangailangan

4. Ang bawat taoý may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa
harap ng batas ay nakasaad sa _________________.
A. Artikulo 3 B. Artikulo 4 C. Artikulo 5 D. Artikulo 6

5. Sa anong artikulo nakasaad na “Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng


malupit, di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa kapwa?
A. Artikulo 2 B. Artikulo 3 C. Artikulo 4 D. Artikulo 5

6. Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong ________________ upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan.
A. Hulyo 8, 2008 B.Agosto 10, 2008
C. Septembre 21,2011 D. Hulyo 12, 2011

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

7. Itinalaga ng Magna Carta for Women ang _____________bilang pangunahing


tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.
A. Mamamayan B. Pamahalaan C. Pangulo D. Sundalo

8. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,


propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang ethnicity ay saklaw ng anong batas?
A. Magna Carta B. UDHR C. VAWC D. Saligang Batas

9. Ano tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan kung saan sila
ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo sa buhay?
A. Biktima B. Marginalized Women C. Alipin D.Mayayaman

10. Sila ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan.
A. Biktima
B. Women in Especially Difficult Circumstances
C. Marginalized Women
D. Suspect

Para sa bilang 11-15, Isulat ang MK kung ang pahayag ay makatotohanan at DM


kung hindi makatotohanan ang isinasaad ng pahayag.

11. Ang gender inequality ay isa sa mga layunin ng United Nations Millennium Project
upang tapusin ang pandaigdigang kahirapan.
12. Ang lahat ng taoý isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga
karapatan at pinagkalooban ng katuwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa’t isa
sa diwa ng pagkakapatiran.
13. Ang mga mayayaman ay dapat laging bigyan ng espesyal na pagtrato lalo na sa
usapin ng karapatan at kalayaan.
14. Binibigyang kahulugan ng UNICEF ang “pagkakapantay-pantay ng mga kasarian”
bilang pagpapantay ng lebel ng kababaihan, bata man o matanda sa pamamagitan ng
pagtiyak na ang lahat ng mga bata ay may pantay na pagkakataon na hubugin ang
kanilang talento.
15. Ang paggalang sa nararamdaman ng isang tao ay isang malikhaing hakbang tungo
sa pagkakapantay-pantay.

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

Lakbayin

Sapagkat ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay at di-maikakait


na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng
kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig. Sapagkat ang pagwawalang bahala at
paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbunga ng mga gawang di-makatao
na humahamak sa budhi ng sangkatauhan kaya mahalagang itaguyod ang
pagpapaunlad ng mabuting pagsasamahan ng mga bansa sa pamamagitan ng paghari
ng batas upang maitaguyod ang pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa isang
pantay na pamumuhay.

Aralin 1- Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao


(Universal Declaration of Human Rights)
Sapagkat ang mga mamamayan ng Mga Bansang Nagkakaisa ay nagpatibay sa
Karta ng kanilang pananalig sa mga Saligang Karapatan ng tao, sa karangalan at
kahalagahan ng pagkatao at sa pantay na mga karapatan ng mga lalaki at babae at
nagpasiyang itaguyod ang mga karapatang panlipunan at lalong mabubuting
pamantayan ng pamumuhay sa lalong malaking kalayaan. Diskriminasyon ang
pinaniniwalaang ugat ng mga isyung kalakip ng kasarian kung saan ito ay sinasabing
anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang
mga karapatan o kalayaan.
Ang mga sumusunod na artikulo ang nagbibigay saysay sa karapatan ng mga
mamamayan ng Mga Bansang Nagkakaisa saan man dako sa mundo.

Artikulo 1
Ang lahat ng taoý isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga
karapatan. Sila ay pinagkalooban ng katuwiran at budhi at dapat magpalagayan ang
isa’t isa sa diwa ng pagkakapatiran.
Artikulo 2
Ang bawat taoý karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang naglalaahd sa
pahayag na ito, nang walang anu mang uri ng pagtanggi, gaya ng lahi, kulay, kasarian,
wika, relihiyon, kuro-kurong pampolitika, pinagmulang bansao lipunan, kapanganakan
o iba pang katayuan.
Artikulo 3
Ang bawat taoý may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili.
Artikulo 4
Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit, di-makatao o nakalalait na
pakikitungo sa kapwa

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

Artikulo 5
Ang bawat taoý may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng
batas.

Aralin 2- Magna Carta for Women


Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin
ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga
batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa na
tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng
uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.
Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran
at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa
kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan
upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na
nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype
at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon,
paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.

ANG SAKLAW ng MAGNA CARTA For WOMEN


Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna
Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di
panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang
mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang
manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid,
mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang


mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima
Galugarin
ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon(sapilitang pagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan), “illegal
recruitment”(pamemeke ng mga ahensiya ng papeles para makaalis ang mga aplikante,
“human trafficking”( pagbebenta sa mga kababaihan para gawing alipin, pagbibigay
ng aliw sa1:mga
Gawain kalalakihan
Itala at eksploytasyon
Mo-Karapatan Mo! kung saan karamihan sa mga gumagawa
nito ay mga dayuhan) at mga babaeng nakakulong.

Isulat ang iba’t ibang mga artikulo ng UDHR na nagpapatibay para sa


Aralin 3- Mga
pagtanggap Malikhaing
at paggalang Hakbang
sa iba’t na Magsusulong
ibang kasarian sa Pagtanggap
at pagtataguyod at
ng karapatan ng
bawat tao. sa Iba’t Ibang Kasarian
Paggalang
Ilan sa mga hakbang na magsusulong sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian, una ay ang pagrespeto sa nararamdaman ng iba. Pangalawa ay ang
paggalang sa kapwa anuman ang kanilang pagkatao at katayuan sa buhay.Pangatlo
ay ang pagsulong ng mga adbokasiya at ikaapat ay ang pagbuo ng mga batas na
proprotekta at magpapalawak ng kaalaman sa iba’t ibang kasarian para mabigyan ng
kaunawaan ang bawat 1. indibidwal at pagyamanin
2. ang pagmamahal 3.
sa kapwa sa
pamamagitan ng pagtanggap sa isa’t isa at walang diskriminasyon.
4.
❖ Pagsisikap upang labanan ang 5. hindi pagkakapantay-pantay(Gender
Inequality)
Ipinapakahulugan ng mga pandaigdigang organisasyon ang “gender
equality”sa mga tuntunin ng karapatang pantao, lalo na sa karapatang ng mga
kababaihan at pagpapaunlad ng ekonomiya. Binibigyang kahulugan ng UNICEF
ang “pagkakapantay-pantay ng mga kasarian” bilang pagpapantay ng lebel ng
kababaihan, bata man o matanda sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng
mga bata ay may pantay na pagkakataon na hubugin ang kanilang talento.
Ang United Nations Population Fund ay nagpahayag na ang mga kababaihan
ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay. Ang gender equlity ay isa sa mga
layunin ng United Nations Millennium Project upang tapusin ang pandaigdigang
kahirapan. Ang bawat isang layunin ay direktang may kinalaman sa karapatan
ng mga kababaihan at sa lipunan kung saan ang mga kababaihan ay hindi
nabibigyan ng pantay na karapatan na nagdudulot sa tao ng maaaring hindi
kailanman pagkamit ng pag-unlad sa isang pangmatagalan na paraan.

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

Gawain 2. Catch Me If You Can then……………….. Shoot Me!

Panuto: Sagutan ng maayos sa sagutang papel mula sa numero ng bituin (1-7 ) ay


/ilagay ang (Tsek) ∕ kung nagsasaad ng magandang layunin at (ekis) X
naman kapag hindi. Itala ang mga hakbang na iyong napili.

Sitwasyon: Ikaw ang classroom president sa klase ninyo at bilang pinuno o leader ay
bubuo kayo ng mga hakbang para maitaguyod ang paggalang at pagtanggap sa ibat
íbang mga kasarian.

2. 3. 4.
Paggalang
1. sa diskrimina Pagrespeto
kababaihan syon sa bawat isa
Gender
equality

5. 6. Pangmamaliit 7.
sa mga
Paggalang sa mahihirap
Pagsulong ng
paniniwala ng
pagkakapantay-
iba
pantay

Basket
B a BB e t

Gawain 3- Magkasubukan Tayo!

Isulat sa loob ng mga kahon ang mga titik ng salitang inilalarawan sa bawat
bilang.

1. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na


naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga
babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
D

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

2. Tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga
wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo.
M N

W
3. Tinaguriang ilaw ng tahanan.

4. Karaniwang sila ang nangingibang bansa at nakadadanas ng pang-aabusong


sekswal.
N
5. Gawain kung saan mayroong pamemeke ng mga ahensiya ng papeles para makaalis
ang mga aplikante at magkaroon ng trabaho sa abroad at dito sa bansa.
I R
6. Ang ______________ ay ang pagbebenta sa mga kababaihan para gawing alipin,
pagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan at eksploytasyon kung saan karamihan sa
mga gumagawa nito ay mga dayuhan.
N ----- T

Palalimin

Gawain 4 – Hakbang Mo, Ipahayag Mo!

Panuto: Batay sa inyong sariling kaalaman, bumuo kayo ngayon ng mga hakbang
upang maipakita ang inyong pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang mga
kasarian at pati na ang paglaban sa mga iba’t ibang uri ng isyung kalakip ng
hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian. Isulat ang inyong kasugatan sa
loob ng ulap na nakatakda sa bawat bilang.

A) Krimen sa mga
Kababaihan at LGBT
(rape at pang-aabuso)

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

B.Pang-aalipin sa mga
kababaihan

C. Diskriminsayon

D. Pangungutya sa mga LGBT

Gawain 5- Alay Ko sa Kapwa Ko!

Panuto: Bumuo ng isang tula na nagpapahayag ng inyong pagtanggap at paggalang


sa lahat ng kasarian. Maaaring lagyan ng naayong background ang gawain
(20 puntos). Gumamit ng isang malinis na papel o bond paper bilang
sagutang papel.

Rubrik ng Pagmamarka para sa gawain


Pamantayan Diskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Naipapakita nang maayos at naipahayag (7)
nang mabuti ang tula gamit ang wikang
Filipino
Kaangkupan ng lubhang angkop ang konsepto sa paksa (3)
Konsepto
Kabuuang Ang kabuuang presentasyon ay (5)
Presentasyon maliwanag, malinis, organisado at may
kabuluhan sa buhay ng isang mamamayan
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng mga (5)
salita.

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

Gawain 6 - Ang Aking Pangako!

Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa paglinang ng ganap na


kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anuman ang kasarian nito. Sa pagkakataong
ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge of Commitment o Pangako sa iyong sarili na
itataguyod mo ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mamamayan anuman ang
kanilang kasarian ( 10 puntos).

Mga Pamantayan sa Pagpupuntos:


Kontent-5; Bantas/Gramatika-3; Kalinisan-2

Sukatin

Tapusin ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang inyong kasagutan sa
sagutang papel.

CEDAW UDHR Artikulo 2 Artikulo 3


Magna Carta for Women Artikulo 4

1. Ang bawat taoý may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili.


2. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
3.Universal Declaration of Human Rights
4. Itinatag upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at
sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng
bagay
5. Ang bawat taoý karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang naglalaahd sa
pahayag na ito, nang walang anu mang uri ng pagtanggi, gaya ng lahi, kulay,
kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampolitika, pinagmulang bansao lipunan,
kapanganakan o iba pang katayuan.

Para sa bilang 6-10, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel

6. Paano natin maitataguyod ang pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian?


A. Pagtanggap sa pagkatao ng bawat isa
B. Paggalang sa nararamdaman ng bawat kasapi ng lipunan
C. Pagbuo ng adbokasya para itaguyod ang karapatan ng bawat tao
D. Lahat ng nabanggit

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

7. Bakit mahalaga na itaguyod natin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng


kasarian?

A. Para makamtan ang kasiyahan at katiwasayan ng pamumuhay ng lahat ng


mamamayan nang pantay-pantay
B. Para magkaroon ng espesyal na pakikitungo sa ibang tao
C. Para maging kilala sa ating bansa bilang tagapagtaguyod ng karapatang pantao
D. Para masabi na ang mga mamamayang Pilipino ay mababait

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga malikhaing hakbang sa


pagtataguyod ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian?

A. Pagrespeto sa nararamdaman ng iba


B. Paggalang sa kapwa anuman ang kanilang pagkatao at katayuan sa buhay
C. Pagsulong ng mga adbokasiya na nagtataguyod ng gender equality
D. Pagbuo ng mga batas ng nagtataguyod ng pangkaunlaran ng mga namumuno

9. Ano tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan kung saan sila
ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo sa buhay?
A. Biktima B. Marginalized Women C. Alipin D. Mayayaman

10. Ang _________ ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan.
A. Biktima
B. Women in Especially Difficult Circumstances
C. Marginalized Women
D. Suspect

Para sa bilang 11-15, isulat ang MK kung ang pahayag ay makatotohanan at DM


kung hindi makatotohanan ang isinasaad ng pahayag.

11. Ang gender equlity ay isa sa mga layunin ng United Nations Millennium Project
upang tapusin ang pandaigdigang kahirapan.
12. Ang UDHR ang naging saligan o batayan ng Pilipinas sa pagbuo ng mga batas na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.
13. Ang mga mamamayan ang nagsisilbing pangunahing tagapagtaguyod ng
karapatang pantao sa isang bansa.
14. Ang mga mayayaman ay dapat laging bigyan ng espesyal na pagtrato lalo sa sa
usapin ng karapatan at kalayaan.
15. Layunin ng Magna Carta for Women na itaguyod ang karapatan ng mga
kababaihan anuman ang estado sa buhay.

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

Susi sa Pagwawasto

l araa-ga mgntogas as ednepe D-


t ne mti mmoCf o egdel P- 2 ni a waG

)l araa-ga mgntogas as ednepe D( ! oKa wpaKas ok yal A- al uT - 5 ni a waG

)l araa-ga mgntogas as ednepe D( D- A


! o MgayahapI , o Mgnabka H- 4 ni a waG
ni mil al aP

gni kciff art na muh. 6 ani . 3


t ne mti urcerl agellI . 5 ne mo wdezil ani gra m. 2
nahi ababak. 4 noysani mirksi d. 1
oyaT nakubusakga M- 3 ni a waG

na waral asan an)teksab gn bool ast al usi a mt apad kest ya mgnt ahaL(
X. 6 ∕ .4 ∕.2
∕.7 ∕.5 X.3 ∕ .1
e MtoohS neht …naC uoYfI e Mhct aC) 7- 1( - 2 ni a waG

4 ol ukitr A. 4 2 ol ukitr A. 2
5 ol ukitr A. 5 3 ol ukitr A. 3 1 ol ukitr A. 1
naygal al ani k angnali b astil ap-il apakga mgniraaa M) 5- 1( - 1 ni a waG

niragul aG

K M. 51 B. 01 3 ol ukitr A. 5 KM. 51 B . 01 D. 5
MD. 41 B. 9 ne mo Wrof atraCanga M. 4 K M. 41 B.9 D. 4
MD. 31 D. 8 RHDU. 3 MD. 31 A.8 A. 3
K M. 21 A. 7 WADEC. 2 K M. 21 B.7 B. 2
KM. 11 D. 6 3 ol ukitr A. 1 MD. 11 A.6 D. 1
nitakuS nal u mi S

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)


lOMoARcPSD|27124052

Sanggunian
A. Mga Aklat

• Department of Education. Araling Panlipunan 10 Materyal Pagsasanay, Learners


Module 2017.

• Driscoll, Emelda T. Class and Gender in the Phillippines: Ethnographic


Interviews with Female Employer-Female Domestic Dyads. Syracuse University.
2011.

B. Iba pang Sanggunian

• http://ypinaction.org/files/03/49/GALANGYogyakarta_Filipino.pdf

• Violence Against Women and their Children


http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

Downloaded by Ryan J Otana (otanaryanj@gmail.com)

You might also like