You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

10
ARALING
PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elldher C. Nicolas, Bernadette L. Magro, Fatima May T. Del Rosario,
Maria Fe D. Mondido, Dante D. Reyes
Editor: Ruth R. Reyes
Tagasuri: Josefina P. Imson at Ligaya A. Orqueza
Tagaguhit: Eric De Guia – BLR Production Division
Tagalapat: Dante D. Reyes
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Nilalaman

Subukin ......................................................................................... 1

Modyul 1 & 2 ................................................................................. 3

Modyul 3 & 4 ................................................................................. 15

Modyul 5 & 6 ................................................................................. 26

Modyul 7 & 8 ................................................................................. 32

Tayahin ......................................................................................... 40

Susi sa Pagwawasto ....................................................................... 42

Sanggunian ……………………………………………………………...44
Panuto: Basahin at sagutan mo muna ang bawat aytem, upang malaman mo kung
ano ang iyong nalalaman tungkol sa aralin sa modyul na ito. Isulat ang letra sa
pinakaangkop na sagot sa inyong mga sagutang papel.

1. Ang gender ay tumutukoy sa biyolohikal na katangian ng tao. Ang sex ay


tumutukoy sa lipunang gampanin ng tao.

A. Parehas Tama ang pangungusap


B. Parehas Mali ang pangungusap.
C. Ang unang pangungusap ay Mali samantalang ang pangalawa ay
Tama.
D. Ang unang pangungusap ay Tama samantalang ang pangalawa ay
Mali.

2. Bakit sinasabing hindi pantay ang trato sa mga kababaihan sa Pilipinas bago
dumating ang mga Kastila?

A. Hindi pinapayagan na makalahok sa eleksyon ang mga kababaihan.


B. Ang mga kababaihan ay tagapuslit lamang ng mga armas ng Kastila.
C. Maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae kapag nakitang
may kasama itong ibang lalaki.
D. Maaring mag asawa ng marami ang lalaki.

3. Si Malala Yousafzai ay maituturing na pinakabatang tumanggap ng parangal


para sa kaniyang katapangan at paninindigan. Sa anong bansa nagmula si
Malala Yousafzai?

A. Afganistan B. China C. Pakistan D. Saudi Arabia

4. Alin sa sumusunod ang HINDI katotohanan tungkol sa mga sinaunang


batas para sa mga kababaihan ng Saudi Arabia?

A. Pagbabawal na mag-aral
B. Pagbabawal sa larangan ng sports
C. Pagbabawal na magmaneho sa lansangan
D. Pagbabawal sa pampublikong lugar na walang paghintulot ng lalaki.

5. Ito ay ang pagpapalawak sa kakayahan o abilidad ng mga babae na gumawa


ng mga estratehikong pagpapasya sa buhay sa konteksto kung saan ang mga
nasabing kakayahan ay dating naipagkakait sa kanya dahil sa pagiging
babae.

A. Gender Equality C. Sexual Orientation


B. Gender Identity D. Women Empowerment

1
6. Tumutukoy sa mga estratihiya para maipasok at maipaloob ang mga
alalahanin (concerns) at karanasan (experiences) ng mga babae gayundin ng
mga lalaki bilang integral na dimensiyon upang pantay silang makinabang sa
lipunang ginagalawan.

A. Gender Equality C. Gender Identity


B. Gender Equity D. Gender Mainstreaming

7. Tumutukoy sa perspektibang pangkaunlaran at proseso na participatory at


empowering, malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at
may pagsuporta sa kakayahang kumilos nang malaya.

A. Gender and Development C. Gender Identity


B. Gender Equity D. Gender Mainstreaming

8. Binibigyang kahulugan nito ang kakayahan na matukoy ang mga isyu at


problema sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa gender.

A. Gender Equality C. Gender Mainstreaming


B. Gender Equality D. Gender Sensitivity

9. Ito ay batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan at kanilang mga


anak na nakaranas ng pang-aabuso o karahasan.

A. Anti-discrimination Bill
B. Anti-Violence Against Women and their Children Act
C. Magna Carta of Women
D. Sexual Harassment Act

10. Tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan gaya nga biktima ng
prostitusyon,digmaan,illegal trafficking at babaeng nakakulong.

A. Marginalized Women
B. Abused Women
C. Magna Carta of Women
D. Women in Especially Difficult Circumstances

2
MODYUL 1 & 2

Alam mo ba ang mga ibat ibang suliraning pangkapaligiran? Anu-ano ang


epekto nito sa iyo at sa lipunan?

Sa Modyul na ito, inaasaahan na matutunan at mauunawaan mo ang mga


uri ng kasarian (gender), sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Mahalaga maging mulat ang isipan sa mga maaring epekto ng nito sa iyo bilang tao
at sa lipunan kinabibilangan mo.

Sa pagtapos ng Modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa.

• Nasusuri ang kaibahan ng sex at gender.


• Naipapaliwanag ang konsepto ng kasarian.
• Naipapaliwanag ang mga ibat-ibang gender roles sa ilang panig ng daigdig.

KONSEPTO NG KASARIAN AT
Aralin
GENDER ROLE SA IBAT IBANG
1&2
PANIG NG DAIGDIG

KONSEPTO NG KASARIAN

Paalala:
1. Ang susunod na babasahin ay naglalaman ng mga salita na parte ng katawan
ng tao.

MGA KAHULUGAN

A. GENDER-Ito ay estado ng pagiging lalaki o babae na may kaugnayan sa mga


papel na ginagampanan sa lipunan at pangkultura na itinuturing na angkop
para sa kalalakihan at kababaihan.

3
FEMININE GENDER → MASCULINE

Halimbawa:
1. Si Georgia (Babae) ay isang Nurse. Ang pagiging Nurse ay nauuri sa lipunan bilang
gampanin o trabaho ng mga babae.

2. Si James Yap ay isang lalake at hilig niyang ang mag baskeball. Ang larong
basketball ay nabibilang sa ating lipunan bilang laro para sa mga lalaki.

3. Si Hidilyn Diaz ay isang babae at ang kanyang isport ay weightlifting. Ngunit ang
Isports na ito ay nauuri sa mga laro ng mga kalalakihan.

B. SEX- Ang kasarian ng isang indibidwal na ang kanilang katangian ng pagiging


lalaki o babae.Tumutukoy ito sa biyolohikal na katangian (ari) na kung ano may
roon ang tao simula ng kanyang kapanganakan.

LALAKE SEX → BABAE

Halimbawa at katangian ng sex.


1. Si Mario ay isang lalaki dahil ipinanganak siyang mayroong tite.

2. Si Maria ay isang babae dahil ipinanganak siyang may kike.

3. Ang babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw (regla)

4. Ang Lalake ay mayroong Adam’s apple.

5. Ang mga babae ay siyang nagdadalangtao (nagbubuntis)

Ayon sa GALANG Yogyakarta,Ang pagkakakilanlang pangkasarian


(gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma
sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal napagtuturing niya sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng
anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot,
o iba pang paraan)at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos. Halimbawa ang mga lalaki ay maaring maging pambabae
ang kanilang gender identity dahil sa kanilang damdamin o karanasan.

Ang salitang Oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong


makakatalik o makakarelasyon, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang
oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at
bisekswal.

4
C. HETEROSEXUAL - kapag ang Isang kasarian ay nagnanasang sekswal sa
kasalungat/kabilang kasarian.

D. HOMOSEXUAL - Kapag ang isang kasarian ay nagnanasang sekswal sa


kapareha/katulad niyang kasarian.

E. BISEXUAL - Kung ang tao ay nagkakaroon ng pagnanasang sekswal at umiibig


sa dalawang kasarian.

Halimbawa;
1. Si Nene ay nagkakagusto sa kapwa babae at pati na rin sa lalaki.

F. LESBIAN - Ang mga babaeng umiibig at nagnanasang sekswal sa kapwa niya


babae. Sa ilang bahagi ng Pilipinas tinatawag silang tomboy o tibo.

Halimbawa;
1. May kasintahang babae si Charice Pempengco

2. Si Aiza Seguera ay umiibig sa babae.

G. BAKLA O GAY- Mga lalaking umiibig at nagnanasang sekswal sa kapwa lalake.


Sa ilang bahagi ng bansa sila ay tinatawag rin silang bayot.

Halimbawa.
1. May asawang lalaki si Boy Abunda.

2. Ang partner ni Ricky Reyes ay isang lalaki.

H. ASEXUAL- Mga taong walang nararamdamang pag-ibig at pag nanasang sekswal


sa kahit anong kasarian.

I. TRANSGENDER- Ang isang tao na transgender ay may pagkakakilanlan sa


kasarian na hindi ganap na tumutugma sa kasarian na nakatalaga sa kanila sa
pagsilang.

MGA GENDER ROLES SA IBAT-IBANG PANIG NG DAIGDIG

Ang isyu ukol sa kasarian ay laganap sa buong mundo. Bago tayo tumungo
sa ilang isyung pangkasarian, halinat alamin natin ang mga ibat ibang gampanin o
role ng mga kasarian sa ibat ibang panig ng mundo.

5
TSINA
Sa bansang Tsina, isa sa mga lumang tradisyon nila ay ang Foot
binding.Galing sa salitang Pakha, Pa na ang kahulugan ay nakatali at kha na paa.
Simula lima hangang anim na taon gulang ng mga babae,ang mga babae ay
pinagsusuot ng bakal na sapatos (3 inches) at ito na ang kanyang susuotin hangang
sa kanyang pagtanda. Sinasabing ito ay sumsimbolo sa kagandahan ng mga
sinaunang Tsina.Ang maliit na paa ay nangangahulugang karangyaan sa buhay.At
kapag marangya ang buhay ay mabilis raw makakahanap ng mapapangasawa ang
babae.

SAUDI ARABIA
Kilalang mahigpit sa batas ang bansang Saudi Arabia. Ang babae sa
kanilang bansa ay hindi pinapayagan na magmaneho ng sasakyan na walang
pahintulot ng pamahalaan. Huhulihin at ikukulong ang lalabag rito.Ilang dekada rin
itong pinairal sa bansang ito. Ngunit noong taong 2017 naglabas na ng royal decree
ang Saudi na magbibigay pahintulot sa mga babaeng kumuha ng lisensya upang
magmaneho ng sasakyan.

MYANMAR
Sa daang taon, ang mga babaeng Kayan sa Myanmar ay nagsusuot ng
nakapulupot na mga ring na tanso sa kanilang leeg, isang tradisyonal at kaugalian
na simbolo ng kagandahan. Ang mga batang babae ay nagsisimulang magsuot ng
mga ring sa paligid ng kanilang leeg sa edad na lima o anim, ngunit higit sa lahat ay
nakasalalay ito sa yaman ng pamilya. Ayon sa kaugalian, ang mga ring ay mahal at
hindi kayang bayaran ng bawat pamilya.

MGA MUSLIM
Bakit ang mga babaeng muslim ay kailangang magsuot ng tudong o
magtakip ng kanilang ulo? Ang katanungang ito ay isa sa tanong ng mga Muslim at
di-Muslim. Para sa maraming mga kababaihan ito ay ang pinakamaliwanag na
pagsubok sa pagiging isang Muslim. Bakit nga ba? Ito ay dahil sa pagsusunod nila
sa Quran o banal na libro ng Islam. Sinabi ni Allah o Diyos na kailangan takpan ng
mga kakabaihan ang kanilang ulo o mukha ng tela upang sila ay hindi bastusin at
upang maipreserba ang kahinhinan ng mga kababaihang Muslim. Ito rin ay
nagpapakita sa ibang tao na kung sino ang makakita sa kanya siya ay isang Muslim.

Samantalang ang mga lalaking Muslim naman ay maaring mag asawa ng


apat asawang babae.Maari itong gawin ng lalaki hangat kaya niyang sustentuhan
ang pangangailangan ng mga asawa at anak niya. Sa Islamikong Batas ay
nagpahintulot sa poligamya subalit ang isang lalaki ay nilimitahan hanggang sa apat
(4) na asawa lamang at may mga partikular na alituntunin ang namamahala sa mga
pag-aasawang ito.

6
GREECE
Ayon sa ilang historyador, ang homosekswalidad sa sinaunang Griyego ay
pinahintulutan at itinuturing na hindi isang malaking kasalanan. Kabilang sa mga
Panahon ng sinaunang Griyego na ang homosekwalidad ay karaniwan, lalo na sa
militar. Ang heterosexual sex ay ginagawa lamang upang magkaroon ng mga sanggol
o anak.

Ang mga sanggol na lalaki naman sa lungsod estado ng Sparta ay sinusuri


ng mga komite. Kapag mahina ang sanggol ito ay pinapatay. Ang mga malulusog na
sangol na lalaki naman ay ipinapasok sa isang espesyal na pagsasanay sa gulang na
pito. Sinasanay ang mga lalaki sa pakikidigma, palakasan at pagtitiis ng hirap.
Habang ang mga babae ay sa tahanan lang. Maglilingkod ang lalaking military
hangang 60 taong gulang niya.

ETHIOPIA
May kasabihan tayo na “beauty is in the eye of beholder”. Sa Ethiopia, may
mga babae na binubutas ang kanilang ilalim na bahagi ng kanilang labi at
papasukan ito ng bilog na bagay, kahoy o luwad hangang sa ang labi ay mabanat at
lumaki.Ang Lip plate, na kilala rin bilang isang lip plug o lip disc, ay isang uri ng
pagbabago sa katawan. Ang Mursi, Chai at Tirma ay marahil ang huling mga pangkat
sa Africa na kaugalian pa rin sa mga kababaihan na magsuot ng mga kahoy na disc
o 'plate' sa kanilang ibabang labi.

Ang lip-plate ay naging pangunahing pagkakakilanlan na katangian ng


Mursi at ginawang pangunahing pang-akit para sa mga turista. Ang ibabang labi ng
isang batang babae ay hinihiwa o binubutas, ng kanyang ina kapag umabot siya sa
edad na 15 o 16. Ang hiwa o butas ay ginawang bukas ng isang kahoy na bilog
hanggang sa gumaling ang sugat, na maaaring tumagal ng 3 buwan.

Ang mga batang babae ay nagtitiyaga hanggang sa kanilang mga labi at


maaaring pasukan ang butas ng kanyang labi ng mga hugis plato na kahoy at
umaabot ito ng 12 sentimetro o higit pa sa diameter.Ang Paggawa nito sa kanilang
mga labi ay simbolo ng kagandahan sa kanilang kultura.

SOUTH AFRICA
Sa bansang South Africa, May mga kaso na pinapagahasa ang mga
lesbian/tomboy dahil sa kanilang sekswalidad.Ginagahasa ang mga tomboy o
lesbian sa paniniwalang mababago ang kanyang oryentasyong sekswal kapag siya
siya ginahasa ng mga lalake (gang rape). May mga kaso rin ng pagpatay sa mga
lesbian dahil sa pagkamuhi sa kanilang sekswalidad.

7
AFRICA AT ASYA
Sa ilang bahagi ng Africa at Gitnang Silangan Asya,may kultura na kung
tawagin ay FGM. Ang Female Genital Mutulation ay may kinalaman sa bahagyang o
kabuuang pagtanggal ng panlabas na babaeng genitalia (panlabas na bahagi ng ari
ng babae) para sa mga hindi pang-medikal na kadahilanan. Ito ay ang tinatawag na
tuli para sa mga babae.Ngunit kaiba sa FGM ang tuli sa mga lalaki ay may medikal
na kadalihanan.Pagkatapos hiwain ang panlabas na bahagi ng ari ng mga babae ito
ay tatahiin hangang mag iwan lang ng maliit na butas sa ari.

Ayon sa kanilang kultura, ang pagsasagawa nito ay paghahanda ng babae


para sa kanilang pag aasawa, sumisimbolo sa pagiging malinis na babae,
sumisimbolo rin ito ng kagandahan, at natural na parte ng pagdadalaga.

Ang kasanayan ay walang mga benepisyo sa kalusugan para sa mga batang babae
at kababaihan.

PILIPINAS
Sa Kabundukan ng Capiz, may kultura ang mga katutubo rito na kung
tawagin ay “binukot”. Ang mga binukot ay tinaguriang prinsesa sa lugar.Sila ay ang
pinakamaganda sa kanilang lugar. Bawal makita ang prinsesa ng mga tao.Bawal rin
umapak sa lupa ang prinsesa o hindi sila pwede maglakad sa lupa sa kadahilanang
baka masugatan ang kanyang mga paa.Hindi pwedeng lumabas ng bahay o makita
ng iba. Pinipili ang mga magiging binukot, kadalasan sila ay nangagaling sa mga
angkan ng datu o lider ng lugar. Buong buhay ng binukot ay nasa bahay lamang
siya at nagkakabisa ng epiko ng kanila lugar.

Bago dumating ang mga Espanyol


Ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae
sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Bagamat kapwa pinapayagan
noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa, Kung gustong hiwalayan
ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi
sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang
babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang
anumang pag-aari.

Ang mga babaylan naman ay tinatugiang espesyalista sa ritwal na may


kapangyarihang impluwensyahan ang panahon, at tawagin ang iba't ibang mga
espiritu sa likas na katangian. Ang mga Babaylan ay tinitingala noon at binibigyang
pagpapahalaga dahil sa kanilang kakayahang tanggihan ang maitim na mahika ng
datu at pagalingin ang maysakit o ang sugatan. Kabilang sa mga kapangyarihan ng
babaylan ay pagalingin ang mga maysakit, tiyakin ang ligtas na pagbubuntis at
pagsilang ng bata, at humantong sa mga ritwal na may mga handog sa iba`t ibang
mga pagka-Diyos.

8
Ang babaylan ay sanay sa kaalaman sa halamang gamot, at nakalikha ng
mga remedyo, antidote, at gayuma mula sa iba`t ibang mga ugat at buto. Ginamit
niya ito upang gamutin ang mga may sakit o upang tulungan ang datu sa pagbagsak
ng isang kaaway.

May mga babaylan na lalaki na hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang


kasuotan ng mga babae bagkus ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae,
sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang “tila-
babae.” Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may
relasyong seksuwal.

Panahon ng Kastila
Sinasabing malaki ang ginampanan mga babae sa panahon ng rebolusyon.
Sila ay naging mangagamot sa mga nasugatang katipunero at nagpupuslit ng mga
armas ng mga kastila.Isa si Tandang Sora sa nagpakita ng malasakit sa bayan ng
tumulong siyang mangamot sa mga sugatang katipunero.Si Gabriela Silang naman
ang humalili sa namayapang asawa na si Diego Silang upang pamunuan ang
pagaaklas.

Panahon ng mga Amerikano


Sa panahong ito nagsimulang payagang bumoto ang mga kababaihan.
Noong Abril 30, 1937 nagkaroon ng plebisito ukol sa pagboto ng mga kababaihan.
90% ang sumangayon na maaring bumoto ang mga kababihan. Ang nasabing
plebisito ay nilahukan lamang ng mga lalaki.Ang tagpong ito ay ang isang dahilan
kung bakit nakalahok ang mga kababaihan sa pulitika dito sa Pilipinas.

Navotas
Tinaguriang Fishing Capital of the Philippines ang Lungsod ng
Navotas.Pangunahing hanapbuhay rito ay ang pangingisda. Karaniwang lalaki ang
nangingisda rito o sumasama sa pangulong (isang uri ng pangingisda). Ngunit
ngayon, hindi na lamang para sa mga kalalakihan ang pangingisda sa lugar na ito.

Ang mga Fisher Gay ay mga bakla na sumasama sa pangulong upang


manghuli ng isda. Marami sa mga bakla ang sinusuong ang hirap ng pangulong
upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Matuturing lalaking gawain
ang pangingisda ngunit ginagampanan nila ito ng buong husay.

9
Ilan sa mga samahan ng LGBT sa Pilipinas

1. Ang Ladlad- ay ang una at nag-iisang partidong pampulitika na naghahanap


ng kapakanan ng pamayanan ng tomboy, bakla, bisexual at transgender
(LGBT) sa Pilipinas.

2. Lesbian Collective- Sa Pilipinas, ang pamayanan ng tomboy na unang


lumusong sa mga lansangan upang humiling ng pagkilala. 22 taon na ang
nakalilipas, ang mga miyembro ng The Lesbian Collective ay sumali sa
Women's Day March upang hingin ang pagkilala para sa kanilang mga
karapatan.

3. UP Baybaylan- tinatag noong 1992, ang UP Babaylan ay ang pinakamahabang


umiiral na nararapat na kinikilalang organisasyon ng mag-aaral ng LGBTQI
sa Pilipinas at sa Asya na nakabase sa UP Diliman.

4. ProGay Philippines (Progressive Organization of Gays in the Philippines)-


Isang samahang gay-rights sa Metro Manila na namuno sa unang Pride March
ng Asya at Pasipiko sa Pilipinas noong 1994.

5. USeP Maharlika- Ang unang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa


University of Southeast Philippines, na itinatag noong 2013.

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Ilagay sa status/kahon ang mga sagot.

1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Sex at Gender.

10
2. Isa-isahin ang LGBT at ang mga katangian nito.

3. Anu-ano ang mga gender role sa ibat-ibang panig ng mundo ang


hindi mo malilimutan at bakit?

Gawain 2:

A. Panuto: Punan ang mga hinihingi sa bawat aytem.

Katangian Epekto o Diskriminasyon

1. FGM __________________ _______________________

2. Foot binding __________________ _______________________

3. Fisher gay ng Navotas __________________ _______________________

11
4. Binukot __________________ _______________________

5. Pagboto ng kababaihan __________________ _______________________

B. Tama o Mali

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang


salitang TAMA kung ay pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at
MALI kung ito ay nagpapahayag ng walang katotohanan.

1. Panahon ng Kastila nang simulang payagan bumoto ang mga kababaihan.

2. Ang FGM ay walang siyentipikong benipisyo sa mga kababaihan.

3. Ang mga babaeng Kayan sa Myanmar ay nagsusuot ng nakapulupot na


mga ring na tanso sa kanilang leeg.

4. Ang Ladlad ang unang partidong pulitikal ng LGBT sa bansa.

5. Ang gender ay kasarian ng isang indibidwal na ang kanilang katangian ng


pagiging lalaki o babae.

12
Gawain 3: Natutunan ko, Iguhit ko!

Panuto: Natuto ka ba sa modyul na iyong pinag-aralan? kung gayon maaari kang


gumawa ng poster na nagpapakita ng mga natutunan mo sa paksa. Iguhit ang
natutunan mo sa loob ng kahon.

13
RUBRIC PARA SA POSTER

PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS NATAMONG


PUNTO

Nilalaman • Naipakita at 21-25


naipaliwanag
nang maayos
ang ugnayan
ng lahat ng
konsepto sa
paggawa ng
poster

Kaangkupan ng • Maliwanag at 16-20


Konsepto angkop ang
mensahe sa
paglalarawan
ng konsepto.

Pagkamapanlikha • Orihinal ang 11-15


(Originality) ideya sa
paggawa ng
poster

Kabuuang • Malinis at 6-10


Presentasyon maayos ang
kabuuang
presentasyon

Pagkamalikhain • Gumamit ng 1-5


(Creativity) tamang
kombinasyon
ng kulay
upang
maipahayag
ang
nilalaman,
konsepto, at
mensahe.

Kabuuan

14
MODYUL 3 & 4

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin ukol sa: DISKRIMINASYON


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT


• Nasusuri ang diskriminasyon batay sa iba’t-ibang sitwasyon.

Aralin MGA ISYU SA KASARIAN AT SA


3&4 LIPUNAN

Mga Isyu sa Kasrian at sa Lipunan

Diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay


sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa


kasarian. Sa Pilipinas,kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng
pulitika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin
sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa
diskriminasyon at karahasan,maging ang lalaki din ay biktima nito. Panghuli, ang
tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority”ay ang mga LGBT, ang
kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil
sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at
pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa
kasaysayan ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa
malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan,
negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.

15
Ayon sa pag- aaral na ginawa ng United Nations Office of the High
Commissioner for Human Rights o UNOHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at
matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa,
pamilya, komunidad at pamahalaan.

Mahalagang malaman at maunawan ang mga isyung kinakaharap ng lipunan


na may kaugnayan sa mga LGBT, sa mga babae at mga lalaki bagama’t may CEDAW
o ang Convention on the Elimination of All Forms of Discriminations Against Women
(1979) na ang mga babae, may ilang mga bansa at insidente pa rin ng hindi-pantay
na pagtingin at pagtrato sa mga babae.

Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT


Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng
Kababaihan sa Pakistan; Nakilala si Malala Yousafzai
habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay
barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9
ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya
para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa
Pakistan.
https://www.theguardian.com/books/
Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang
2019/jan/19/malala-yousafzai-voice-
generation-we
mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya
ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at
telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya
ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban
para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.

Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng


edukasyon ng mga babae sa Pakistan.

Mga Personalidad na Kinikilala sa kanilang Larangan

Isang artista, manunulat, stand-


up comedian at host ng isa sa
Lesbian
pinakamatagumpay na talk-show
sa Amerika, ang “The Ellen
1. ELLEN DEGENERES
https://variety.com/2021/tv/news/ellen-degeneres-talk-show-
Degeneres Show”. Binigyang
pagkilala rin niya ang ilang
resume- studio-production-1234880877/

Pilipinong mang-aawit gaya ni


Charice Pempengco.

16
Ang CEO ng Apple Inc. na
gumagawa ng iPhone, iPad, at iba
Gay
pang Apple products. Bago
mapunta sa Apple Corporation
2. TIM COOK nagtrabaho rin si Cook sa Compaq
https://nypost.com/2019/12/12/tim-cook-says-monopolies-arent-bad-if-
theyre-not-abused/
at IBM, at mga kompanyang may
kinalaman sa computers.

Matagumpay na artista sa pelikula


at telebisyon, nakilala siya sa
Babae
longest- running Philippine TV
3. CHARO SANTOS-CONCIO drama anthology program Maalaala
Mo Kaya, simula pa noong 1991.
https://news.abs-cbn.com/video/life/03/15/17/charo-santos-concio-
the- doting-grandma

Siya ay naging presidente at CEO


ng ABS-CBN Corporation
noong 2008-2015.

Isang propesor sa kilalang


pamantasan, kolumnista,
Gay
manunulat, at mamamahayag.
Nakilala siya sa pagtatag ng Ang
Ladlad, isang pamayanan na
4.Danton Remoto
https://www.goodreads.com/author/show/524322.Danton_Remoto binubuo ng mga miyembro ng
moto
LGBT.

Chair, Presidente, at CEO ng


Lockheed Martin Corporation, na
kilala sa paggawa ng mga armas
Babae pandigma at panseguridad, at iba
pang mga makabagong
teknolohiya. Sa mahigit 30 taon
niyang pananatili sa kumpanya,
5. Marillyn A. Hewson naitalaga siya sa iba’t ibang
https://moneyinc.com/lockheed-martin-ceo-marillyn-hewson/
matataas na posisyon. Taong 2017
siya ay napabilang sa
Manufacturing Jobs Initiative sa
Amerika.

17
Isang Pilipinang mang-aawit na
nakilala hindi lamang sa bansa
Lesbian maging sa ibang panig ng mundo.
Tinawag ni Oprah Winfrey na “the
6. Charice Pempengco talented girl in the world.” Isa sa
sumikat na awit niya ay ang
https://ca.finance.yahoo.com/news/jake-zyrus-perform-
charice- pempengco-032100609.html

Pyramid.

Isang mamamahayag at tinawag


ng New York Time na “the most
Gay prominent open gay on American
television.” Nakilala si Cooper sa
7. Anderson Cooper Pilipinas sa kaniyang coverage sa
relief operations noong bagyong
https://www.poynter.org/reporting-editing/2020/cnn-anderson-
cooper- interview-las-vegas-mayor-carolyn-goodman/

Yolanda noong 2013.


Kilala siya bilang host at reporter
ng Cable News Network o CNN.

Siya Chief Executive Officer ng


ZALORA, isang kilalang online
Lalaki fashion retailer na may sangay sa
Singapore, Indonesia, Malaysia,
8. Parker Gundersen Brunei, Philippines, Hong Kong, at
Taiwan.
https://retailinasia.com/in-people/appointments/zalora-appoints-
parker- gundersen-as-ceo/

Kauna-unahang transgender na
miyembro ng Kongreso. Siya ang
Transgender kinatawan ng lalawigan ng Bataan.
Siya ang pangunahing taga-
pagsulong ng Anti-Discrimation bill
9. Geraldine Roman sa Kongreso.
https://www.esquiremag.ph/politics/opinion/geraldine-roman-
time- inspiring-women-a1506-20161013

Paksa: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at LGBT

• Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme


(UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na
may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga
LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon.

18
• Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian.

• At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan


sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at
pang-aabuso.

• Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 May 1,083 LGBT ang
biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.

• Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ulat
tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan
laban sa mga LGBT.

• Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of


2014” na nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Kababaihan
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations, ang
karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at
pagsikil sa kanilang kalayaan.

• Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-


aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan.

• Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang


kultura at lipunan sa daigdig.

• Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging dahilan


ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.

FOOT BINDING
• Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China.

• Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.

• Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng


pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na
ibinalot sa buong paa.

• Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet.

19
• Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala

• bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa


pagpapakasal.

• Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan
ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha

BREAST IRONING o BREAST FLATTENING sa CAMEROON, AFRICA


• Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng Africa.

• Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa


pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.

• Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang


at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang

(1) maagang pagbubuntis ng anak.

(2) paghinto sa pag-aaral; at

(3) pagkagahasa.

• Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina na ang paglaki


ng dibdib ng anak ay maaaring makatawag-pansin sa mga lalaki upang sila
ay gahasain.

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,


Integrity, Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na
laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:

(1) pambubugbog/pananakit,

(2) panggagahasa,

(3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,

(4) sexual harassment,

(5) sexual discrimination at exploitation,

(6) limitadong access sa reproductive health,

(7) sex trafficking at prostitusyon.

20
Karahasan sa Kalalakihan

• Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang


biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin.

• Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi


madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t
ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso.
Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual
na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mga palatandaan ng ganitong
uri ng karahasan.

Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:

• Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga


kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian

• Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bi-


sexual at transgender

• Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente

Gawain 1: Tula-Suri
Panuto: Basahin at suriin mabuti ang spoken word poetry, at sagutan ang tsart.

“Hindi Masamang Maging Iba”

Naranasan mo na ba ang pagtawanan nang dahil sa iyong kasarian?


Naranasan mo na bang pangiwasan?
O pagtinginan dahil sa iyong panlabas na kaanyuan?
Hindi rin porket ang babae naglalaro ng bola Tibo na siya
Kloseta, paminta, bakla, syoke, at bading
Pilit ninyo silan dinidiin,
Hindi nakakahiya ang pagiging iba,
Ang mag nakakahiya ay iyong ginagawa

21
Hindi nakakatawa ang pagiging parte ng kanilang samahan
Ang mas nakakatawa ay kung paano mo sila pakisamahan
Tomboy, mio, at tibo,
Bakit ba sila ang iyong tinutukso?
Wala naman silang tinatapakang tao,
Pero bakit mo niyuyurakan ang dangal ng mga ito.
Alam mo ba kung ano ang kanilang nararamdaman?
Sinisiyasat mo ang kanilang itsura mula ulo hanggang paa

Hinuhusgahan mo silang parang nakakasira


Hindi porket ang lalaki ay malapit sa mga babae,
Isa na siyang babae

Ang sabi ng Diyos ay mahalin mo ang iyong kapwa,


pero bakit iba ang iyong pinapakita?
Kaya mong manghusga ng iba,
Pero kaya mo rin kayang tanggapin ang iyong mga maling ginawa?
Lawakan mo ang iyong pang-unawa,
Yung kasing lawak sana ng iyong mga napinsala.
Buksan mo ang iyong mga mata,
Walang masama sa kanilang pagiging iba.

-Blissful Summer

22
Gawain 2 : TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang
Tama kung ang pahayag ay totoo, at isulat ang Mali kung walang katotohanan ang
pahayag.

1. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of


2014”.

2. Ipinasa ni Geraldine Roman sa kongreso ang “Anti-Discrimination Bill”.

3. Ang househusband ay tumutukoy sa asawang lalaki na may trabaho


halimbawa ay manggagawa sa isang kompanya.

4. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa


ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong
medikal.

5. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi bago sa lipunang Pilipino.

6. Ang diskriminasyon ay positibong pamamaraan ng pagpapahayag ng


saloobin.

7. Ang foot binding ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China.

8. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang


babaeng may edad siyam ay apektado ng breast ironing.

9. Itinakda ang Nobyembre 22 bilang International Day for the Elimination of


Violence Against Women.

10. Ang pangunahing ipinaglaban ni Malala Yousafzai sa kanilang bansa ay


karapatang makapag-aral ang mga kababaihan

23
Gawain 3: BATAS MO! GAWIN MO!
Panuto: Kung ikaw ay gagawa ng batas patungkol sa pagsulong ng pagkakapantay-
pantay ng bawat kasarian, ano ito at bakit ito ang napili mo?

BATAS

https://s.clipartkey.com/mpngs/s/82-828941_measuring-scales-justice-clip-art-scales-of-justice.png

24
Gawain 4. Punan Mo, Pagkukulang Ko!

Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap:

1. Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Ang hindi pantay na pagtingin sa lalaki at babae ay nakaapekto sa lipunan


dahil

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Maaaring manatili o mabago ang diskriminasyon batay sa


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________

4. Nakararanas ng diskriminasyon sa lipunan dahil


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________

5. Mahalaga na igalang ang pagkakaiba ng mga tao sa lipunan sapagkat


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________

25
MODYUL 5 & 6

Sa Modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng


Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.
2. Nasusuri ang mga batas na ginagawa at ipinatutupad ng pamahalaan
para labanan ang karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan at
LGBTQ.

TUGON NG PAMAHALAAN AT
Aralin
MAMAMAYAN SA KARAHASAN AT
5&6 DISKRIMINASYON

Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang iba’t ibang karahasan at


diskriminasyon na nararanasan ng mga kababaihan, LGBT community at maging
ng mga kalalakihan. Sa mga nabanggit, higit na binibigyang proteksyon ang mga
babae at LGBTQ dahil sila ang mas vulnerable o mas nakakaranas ng karahasan at
diskriminasyon sa ating lipunan. Pangkaraniwang laman ng balita ang
pambubugbog, sekswal na pang-aabuso, panlalait at iba pang uri ng hindi
makatarungan at hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa kababaihan at miyembro
ng LGBTQ. Sa araling ito ay pag-aaralan natin ang mga batas na binuo ng ating
pamahalaan upang maiwasan at tuluyang masugpo ang mga ganitong isyu ng
karahasan at diskriminasyon.

Isinabatas para sa mga kababaihan ang Republic Act 9262 noong 2004 na
kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) na
naglalayong bigyang proteksyon ang mga kababaihan at kanilang mga anak na
nakararanas ng iba’t ibang uri ng pag-aabuso o karahasan. Ang batas ay nagbibigay
ng proteksyon laban sa anumang aktong ginawa ng sinuman laban sa isang babae
na:

26
1. kanyang asawa o dating asawa;
2. mayroon o nagkaroon siya ng sekswal na relasyon o “dating relationship”
3. ina ng kanyang anak

May proteksyon ding ibinibigay sa anak ng babaeng nabanggit sa itaas,


lehitimo man o hindi;

1. na ginawa sa loob o labas ng tahanan;

2. na nagresulta o maaaring magresulta sa pisikal, sekswal o sikolohikal na


pinsala o paghihirap, pinansyal na pang-aabuso, pananakot na gawin ang
mga nabanggit, pambubugbog, pananakit, pamimilit, panggugulo o pagkakait
ng kalayaan.

Bukod dito ay isinabatas din ang Republic Act 7877 o ang Sexual
Harassment Act na nagbibigay ng parusa para sa sinuman na magsasagawa ng
sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos ng sekswal na pabor mula sa kanyang
employer, manager guro, coach o sinumang may kapangyarihan o moral na
awtoridad sa loob ng trabaho o pag-aaral. Madalas na nagagamit ng isang taong may
awtoridad ang kanyang posisyon upang mapwersa ang kanyang nasasakupan na
ipag-utos ang sekswal na pabor kahit ito ay labag sa kanya.

Meron ding batas para labanan ang illegal na pangangalakal ng tao para
ipasok sa prostitusyon, sapilitang paggawa o slavery na tinatawag na human
trafficking, ito ay ang Republic Act 9208 o Anti-trafficking in Persons Act.
Pinaparusahan sa batas na ito ang panghihikayat, pagbibyahe, paglilipat,
pamamahala, pagtatago o pagtanggap ng mga tao, may pahintulot man o wala ng
biktima, sa loob man, patungo o palabas ng bansa, sa pamamagitan ng pagbabanta
o puwersa, o anumang uri ng panlilinlang, pamimilit, pang-aabuso ng
kapangyarihan o katayuan, pananamantala sa kahinaan ng iba, o ang pagbibigay o
pagtanggap ng kabayaran o benepisyo upang makamit ang pahintulot ng isang tao
na may awtoridad sa iba, na may layon ng pananamantala at pang-aabuso, kabilang
ang prostitusyon, sapilitang paggawa at pagbebenta ng parte ng bahagi ng katawan
ng tao.

Mahalaga din na mabanggit ang pangunahing batas para sa mga kababaihan


na isinabatas noong Hunyo 8, 2008 na kilala sa tawag na Magna Carta of Women
na naglalayong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa
halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng
bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo
na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against

27
Women o CEDAW. Saklaw ng batas na ito ang lahat ng babaeng Pilipino, anuman
ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan ethnicity. Binibigyan ng batas na ito ng nabubukod na pansin ang
kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t
ibang larangan, Marginalized Women (o mga babaeng mahihirap gaya ng
manggagawa, maralitang tagalungsod,magsasaka, mangingisda at kababaihang
Moro at katutubo),at Women in Especially Difficult Circumstances (mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan gaya ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking
at mga babaeng nakakulong).

Sa hanay naman ng LGBTQ ay pinag-uusapan sa kasalukuyan ang


Comprehensive Anti-discrimination Act sa Senado sa pangunguna ni Senador Sonny
Angara at ang SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) Bill na
bersyon naman nito sa Kamara. Naglalayon ang mga panukalang batas na ito na
iwaksi ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa lahat ng tao sa pamamagitan ng
pagpaparusa sa mga taong gagawa ng anumang anyo ng diskriminasyon batay sa
edad, pinagmulang lahi, paniniwalang pangrelehiyon, pampulitika, antas ng
pamumuhay, kasarian, gender, oryentasyong sekswal, relasyong pang mag-asawa,
kapansanan, lenguahe, pisikal na anyo at marami pang iba. Naging malaking punto
ng pagtatalo dito ang tungkol sa posibilidad na payagan na ng batas ang
pagpapakasal ng may parehong kasarian o tinatawag na same sex marriage. Subalit
ayon sa may akda, wala namang nakalagay sa panukalang batas na ito na ang
tungkol dito. Anuman ang kahinatnan ng mga panukalang batas na ito, malinaw na
ang mga mamamayan ay patuloy na magbabantay, makikibahagi sa usaping ito
dahil ito ay nagbubunsod ng ating mga karapatan at proteksyon laban sa mga
karahasan at pangaabuso.

Ang karahasan at diskriminasyon sa iba’t ibang kasarian lalo’t higit sa mga


kababaihan at LGBTQ ay matagal ng nilalabanan ng ating lipunan. Sa isang
lipunang patriyarkal kagaya ng Pilipinas, madalas na kinakikitaan ng pakikibaka at
paggigiit ng karapatan ng mga kababaihan para sa pantay na pakikitungo sa kanila,
oportunidad at karapatan. Ngunit sa patuloy na pagsusulong ng mga grupo ng
kababaihan at LGBTQ community sa iba’t ibang bansa at maging ng mga
internasyunal na organisasyon na naghahangad na proteksyunan ang mga ito,
masasabi nating higit na nabibigyang katarungan at naiiwasan ang mga karahasan
at diskriminasyon sa kanila. Dito sa Pilipinas, marami ng batas na nabuo at binubuo
para protektahan sila. Masasabi nating mas empowered na ngayon at mas matapang
ang mga kababaihan para ipaglaban ang kanilang mga karapatan dahil may mga
espesyal na batas na nangangalaga sa kanila. Subalit balewala ang mga batas na ito
kung hindi ito lubusang maipapaalam at mauunawaan ng lahat ng mga kababaihan.

28
Kung hindi seryoso ang mga awtoridad na ipatupad ang naayon sa batas at
kung marami pa rin ang may mababang pagtingin sa ibang indibidwal na hindi nila
katulad. Mahaba pa ang lakbayin ng pakikibaka ng mga kababaihan at LGBTQ para
makamit ang pagkakapantay-pantay sa pagtingin sa lipunan, subalit sa patuloy na
pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mandato na protektahan ang bawat
mamamayan at sa pakikiisa at pakiki-alam ng mga mamamayan ay patuloy na
magiging mahusay ang kalagayan ng bawat isa sa lipunan.

Gawain 1:
Panuto: Punan ang matrix ayon sa mga impormasyong hinihingi sa bawat hanay.

Anti-
Violence Anti - Anti-
Sexual Magna
Against Trafficking Discrimi-
Harassment Carta of
Women in Persons nation/
Act Women
and their Act SOGIE Bill
Children

Layunin

Saklaw

Reaksyon/
Pananaw
mo

Gawain 2: Photo-Essay

Panuto: Gumupit ng apat na larawan na nagpapakita ng pagtugon ng


pamahalaan o ng mamamayan sa mga karahasan at diskriminasyon. Mula sa mga
larawang nagupit ay gumawa ng sanaysay ukol dito. Ayusin ang pagkakasunod-
sunod ng larawang napili upang maipahayag ang sariling saloobin.

Pamprosesong Tanong:
1. Madali ka bang nakahanap ng larawan na gagamitin para sa photo-essay
mo? Bakit?
2. Masaya ka ba sa iyong nabuong photo-essay? Bakit?

29
Rubrik sa Pagtataya sa Photo Essay

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang (2) Nagsisimula


(4) (3) (1)

Wasto ang Wasto ang Wasto ang Mayroong


nilalaman at nilalaman at nilalaman mali sa
gumamit ng gumamit ng subalit hindi nilalaman at
NILALAMAN

mga iba’t ibang gumamit ng sa mga


napapanahong datos iba’t ibang ginamit na
datos datos upang datos
upangmasupor masuporta-
-tahan ang han ang datos
pangu-nahing
ideya ng
sanaysay

Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Hindi


mga datos, mga datos at mga datos at gumamit ng
pangyayari, pangyayari pangyayari mga datos at
sitwasyon upang subalit hindi pangyayari
PANGHIHIMOK

upang magkaroon ng nakapanghim upang


magkaroon ng batayan ang ok ng mga magkaroon
batayan ang ginawang mambabasa ng batayan
ginawang paghihimok ang
paghihimok. ginawang
Nakatulong din paghihimok
ang mga
ginamit na
salita upang
makahimok

Gawain 3:
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa unang hanay. Ilagay ang batas na
akma para sa sitwasyong ito at magbigay ng iyong rekomendasyon na dapat gawin
ng biktima sa bawat sitwasyon.

Sitwasyon Akmang Batas Rekomendasyon


1. Isang Manager ng sikat na
kompanya ang nangako na bibigyan ng
permanenteng posisyon ang isang
intern sa kanyang opisina kapalit ng
sekswal na pabor.

30
2. Si Elena ay nakaranas ng pisikal na
pananakit at ang kanyang anak naman
ay nakaranas din ng pang-aabusong
sekswal sa kamay ng kanyang dating
asawa.

3. Si Alicia ay pinaghihinalaang kasapi


ng isang rebeldeng pangkat dahil dito
siya ay ikinulong at pinahirapan.

4. Si Sollen ay isang transgender na


pinagbawalang makapasok sa isang
event dahil umano sa kanyang di
akmang pananamit.

5. Si Mrs. Garcia ay nanghikayat ng


mga kabataan sa Isla ng Bantayan,
Cebu para umano ay magtrabaho sa
isang factory sa Maynila. Subalit ang
mga kabataang ito ay ikinulong at
ginawang mga prostitute.

31
MODYUL 7 & 8

Dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain, may sapat na pag-unawa
ka na sa mga isyu at hamon sa kasarian at lipunan.

Ang mga mag-aaral ay:


•Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.

Aralin Mga Hakbang Tungo sa


7&8 Pagkakapantay pantay

Ang pagtanggap at paggalang sa kasarian ay isang seryosong usapin. At ang


bawat isa ay hindi makaiiwas sa karahasan at diskriminasyon.

Ano-anong hakbang ang maaari mong isagawa upang maitaguyod ang


pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang kasarian sa lipunan?

Ang modyul na ito ay tumutukoy sa “Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian


Tungo sa Pagkakapantay-pantay”. Sa pagtalakay sa mga aralin ukol dito, ikaw ay
makagagawa ng mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.

Sa natapos na modyul, nabigyang diin ang tungkol sa tugon ng pamahalaan


ukol sa karahasan at diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.
Dito mo rin natutuhan na patuloy na tinutugunan at itinataguyod ng pamahalaan
ang husay at galing ng bawat kasarian. Naunawaan mo rin sa nakaraang modyul
ang kahalagahan ng mga tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng kasarian sa lipunan
sa iyong buhay bilang isang mamamayan.

Bagaman, hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa


kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasan
at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga
panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+.

Halina’t pagtibayin natin ang iyong kaalaman sa nakaraang aralin sa


pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.

32
Binibigyang kahulugan ng Republic Act 9710, ang Magna Carta for Women
ang pagkakapantay pantay ng kasarian bilang ang prinsipyo na pinaninindigan ang
pagkakapantay ng lalaki at babae at ng kanilang karapatan na magtamasa ng pantay
na mga kondisyon para sa realisasyon ng kanilang buong potensyal bilang mga tao
para makapag ambag at makinabang sa mga bunga ng pag unlad at kung saan ang
estado ay may pagkilala na ang lahat ng tao ay malaya at pantay sa dignidad at
karapatan.

Sa pagkakamit ng tunay at ganap na pagkakapantay pantay ng kasarian, ang


pamahalaan, mga organisasyon at mamamayan ay dapat maging batayan , gabay,
isabuhay at hangarin na makamit ang sumusunod na prinsipyo. Samakatwid ang
mga konsepto o prinsipyong ito ay ang mga pamamaraan sa pagkamit ng
pagkakapantay pantay ng kasarian.

1. Women Empowerment - tumutukoy sa pagpapalawak sa kakayahan o


abilidad ng mga babae na gumawa ng mga estratehikong pagpapasya sa buhay sa
konteksto kung saan ang mga nasabing kakayahan ay dating naipagkakait sa kanya
dahil sa pagiging babae.

2. Gender Equity - tumutukoy sa mga patakaran, kasangkapan


(instruments), programa, serbisyo at aksiyon na tumutugon sa desbentaheng
posisyon ng kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng may
pagkiling at pagsang-ayong aksiyon.

3. Gender Mainstreaming - tumutukoy sa mga estratihiya para maipasok at


maipaloob ang mga alalahanin (concerns) at karanasan (experiences) ng mga babae
gayundin ng mga lalaki bilang integral na dimensiyon upang pantay silang
makinabang sa lipunanang ginagalawan.

4. Gender and Development (GAD) - tumutukoy sa perspektibang


pangkaunlaran at proseso na participatory at empowering, malaya sa karahasan,
may paggalang sa Karapatang pantao at may pagsuporta sa kakayahang kumilos
nang malaya.

5. Gender Parity - nangangahulugan sa pantay na representasyon ng babae


at lalaki sa isang partikular na lugar.

6. Gender Perspective - ang pamamaraan ng pagtingin o pagsusuri kung


saan binibigyang-tuon o pansin ang impact ng gender sa mga tao partikular sa mga
oportunidad, gampaning panlipunan at interaksyon.

7. Gender Planning - isang planning approach na kumikilala sa pagkakaiba


ng gampanin (roles) at pangangailangan ng babae at lalaki sa lipunan tulad ng

33
construction ng mga palikuran sa mga gusali na hindi lamang para sa babae at lalaki
kundi pati na rin sa mga LGBT.

8. Gender-Blind - tumutukoy sa tao, polisiya, o institusyon na hindi


kumikilala sa gender bilang mahalagang tagapagtakda sa mga pagpapasya sa buhay
na iniaalok ng lipunan.

9. Gender Awareness - tumutukoy sa kakayahan o abilidad na matukoy ang


mga problemang umusbong mula sa gender inequality at gender discrimination,
kahit na ito ay mahirap makita sa panlabas o sadyang nakatago.

10. Gender Sensitivity - binibigyang kahulugan bilang kakayahan na


matukoy ang mga isyu at problema sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa gender.

Obligasyon ng isang estado na pangalagaan at itaguyod ang kaligtasan,


karangalan, dignidad at kagalingan ng mga mamamayan nito anupaman ang
kanilang oryentasyong seksuwal. Obligasyon din ng estado na siguraduhing Malaya
ang mga mamamayan nito laban sa takot ng diskriminasyon, illegal na
pagkakakulong, karahasan at paninikil. Dapat matiyak na walang puwang ang mga
batas at patakaran na naghuhudyat ng diskriminasyon at taliwas sa diwa ng
karapatang pantao.

Gawain 1: SITUATION-SOLUTION CHART

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng


diskriminasyon sa kasarian. Mag isip ng solusyon na maaaring magsulong ng
pagtanggap at paggalang sa ibat ibang kasarian. Sagutin din ang mga pamprosesong
tanong na makikita sa susunod na pahina.

SITWASYON #1
Hindi pagkilala sa mga kakayahan ng kababaihan at LGBT sa isang
propesyon.

SOLUSYON:

34
SITWASYON #2
Pagpapakita sa mga social media account ng mga "Hate Campaign"
laban sa mga LGBT.

SOLUSYON:

SITWASYON #3
Pag-aayos ng kasal (arranged marriage) ng isang babae na labag sa
kanyang kalooban

SOLUSYON:

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ano ang iyong isinaalang alang upang mabuo mo ang mga
nasabing solusyon?
2. Paano naliwanagan ang iyong pag-iisip tungkol sa mga nabanggit
na diskriminasyon sa bawat sitwasyon?
3. Bakit dapat tugunan ang mga nasabing mga diskriminasyon sa
bawat sitwasyon?

35
Gawain 2: GRAPHIC ORGANIZER

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang graphic organizer na naglalaman ng ibat


ibang konsepto o prinsipyo ng pamamaraan sa pagkamit ng pagkakapantay
pantay ng kasarian ng tao bilang kasapi ng ating pamayanan. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong na matatagpuan sa susunod na pahina.

Women
Empowerment
Gender
Gender Equity
Sesitivity

Gender Mga Konsepto Gender


Awareness Mainstreaming
o Prinsipyo sa
Pagkamit ng
Pagkakapantay
Gender-Blind
pantay ng Gender and
Kasarian Development

Gender
Gender Parity
Planning
Gender
Perspective

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Anu-ano sa mga nabanggit na konsepto o prinsipyo sa pagkamit ng
pagkakapantay pantay ng kasarian ang sa tingin mo ay mga
naipatutupad na sa inyong pamayanan? Sa paanong paraan ito
naipatupad?
2. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang kaligtasan ng bawat
tao anuman ang kanyang sekswal na oryentasyon?

36
Gawain 3: DATA RETRIEVAL CHART

Panuto: Punan ang Data Retrieval Chart ng angkop na hakbangin o gawain ayon sa
mga konsepto o prinsipyo sa pagkamit ng pagkakapantay pantay ng kasarian.
Tingnan ang halimbawa upang iyong maging gabay sa pagsagot.

KONSEPTO O PRINSIPYO MUNGKAHING HAKBANGIN O GAWAIN

Halimbawa:
Gender Parity Pagtatalaga ng pantay na bilang ng lalaki at
babae sa isang organisasyon.

1. Gender Sensitivity

2. Women Empowerment

3. Gender Awareness

4. Gender-Blind

5. Gender Mainstreaming

37
Gawain 4:

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa


loob ng kahon ang angkop na salita na tinutukoy nito.

Gender and Development Women Empowerment Gender Parity


Gender Awareness Gender Equality Gender Planning
Gender-Blind Gender Equity Gender Perspective
Gender Discrimination Gender Gender Mainstreaming Sensitivity

1. Ito ay isang planning approach na kumikilala sa pagkakaiba ng gampanin (roles)


at pangangailangan ng babae at lalaki sa lipunan tulad ng konsatruksyon ng
mga palikuran sa mga gusali na hindi lamang para sa babae at lalaki kundi pati
na rin sa mga LGBT.

2. Tumutukoy sa pagpapalawak sa kakayahan o abilidad ng mga babae na gumawa


ng mga estratehikong pagpapasya sa buhay sa konteksto kung saan ang mga
nasabing kakayahan ay dating naipagkakait sa kanya dahil sa pagiging babae.

3. Isa sa perspektibang pangkaunlaran at proseso na participatory at empowering,


malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at may pagsuporta
sa kakayahang kumilos nang malaya.

4. Tumutukoy sa tao, polisiya, o institusyon na hindi kumikilala sa gender bilang


mahalagang tagapagtakda sa mga pagpapasya sa buhay na iniaalok ng lipunan.

5. Isang pamamaraan ng pagtingin o pagsusuri kung saan binibigyang-tuon o


pansin ang impact ng gender sa mga tao partikular sa mga opurtunidad,
gampaning panlipunan at interaksyon.

6. Mga patakaran, kasangkapan (instruments), programa, serbisyo at aksiyon na


tumutugon sa desbentaheng posisyon ng kababaihan sa lipunan sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng may pagkiling at pagsang-ayong aksiyon.

38
7. Nangangahulugan sa pantay na representasyon ng babae at lalaki sa isang
partikular na lugar.

8. Mga estratihiya para maipasok at maipaloob ang mga alalahanin (concerns) at


karanasan (experiences) ng mga babae gayundin ng mga lalaki bilang integral na
dimensiyon upang pantay silang makinabang sa lipunanang ginagalawan.

9. Kakayahan o abilidad na matukoy ang mga problemang umusbong mula sa


gender inequality at gender discrimination, kahit na ito ay mahirap makita sa
panlabas o sadyang nakatago.

10. Binibigyang kahulugan nito ang kakayahan na matukoy ang mga isyu at
problema sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa gender.

39
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem, Isulat ang letra na pinakaangkop
na sagot sa inyong mga sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bisexual?

A. Si Miya ay nagnanasang sexual kay Raphaela.


B. Si Freya ay nagnanasang sexual kay Raphaela at Clint.
C. Si Clint ay nagnanasang sexual kay Cecilion.
D. Walang pinagnanasahang sexual si Esmeralda sa kahit anong kasarian.

2. Female Genital Mutulation ay ang tuli para sa mga kababaihan sa ilang parte ng
Asya at Africa. Alin sa mga sumusnod na pangungusap ang akma ukol rito?

A. Ang FGM ay parang tuli sa mga lalaki ito nararapat lamang dahil parte ito ng
paglaki ng isang babae.
B. Ang FGM ay walang benipisyong medikal at ito ay kultura lamang.
C. Ang FGM ay laganap sa buong Asya at sa ibang parte ng Europa.
D. Ito ay napatunayang nakakapag linis ng ari ng mga babae at makakatulong
para magkaroon ng isang malusog na genetalya.

3. Si Malala Yousafzai ay maituturing na pinakabatang tumanggap ng parangal


para sa kaniyang katapangan at paninindigan. Sa anong bansa nagmula si
Malala Yousafzai?

A. Afganistan C. Pakistan
B. China D. Saudi Arabia

4. Alin sa sumusunod ang HINDI katotohanan tungkol sa mga sinaunang batas


para sa mga kababaihan ng Saudi Arabia?

A. Pagbabawal na mag-aral
B. Pagbabawal sa larangan ng sports
C. Pagbabawal na magmaneho sa lansangan
D. Pagbabawal sa pampublikong lugar na walang paghintulot ng lalaki.

5. Binibigyang kahulugan nito ang kakayahan na matukoy ang mga isyu at


problema sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa gender.

A. Gender Equality C. Gender Mainstreaming


B. Gender Equality D. Gender Sensitivity

6. Ito ay ang pagpapalawak sa kakayahan o abilidad ng mga babae na gumawa ng


mga estratehikong pagpapasya sa buhay sa konteksto kung saan ang mga
nasabing kakayahan ay dating naipagkakait sa kanya dahil sa pagiging babae.

A. Gender Equality C. Sexual Orientation


B. Gender Identity D. Women Empowerment

40
7. Tumutukoy sa perspektibang pangkaunlaran at proseso na participatory at
empowering, malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at may
pagsuporta sa kakayahang kumilos nang malaya.

A. Gender and Development C. Gender Identity


B. Gender Equity D. Gender Mainstreaming

8. Tumutukoy sa mga estratihiya para maipasok at maipaloob ang mga alalahanin


(concerns) at karanasan (experiences) ng mga babae gayundin ng mga lalaki
bilang integral na dimensiyon upang pantay silang makinabang sa lipunang
ginagalawan.

A. Gender Equality C. Gender Identity


B. Gender Equity D. Gender Mainstreaming

9. Tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan gaya nga biktima ng


prostitusyon, digmaan, illegal trafficking at babaeng nakakulong

A. Marginalized Women
B. Abused Women
C. Magna Carta of Women
D. Women in Especially Difficult Circumstances

10. Ito ay batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan at kanilang mga


anak na nakaranas ng pang-aabuso o karahasan.

A. Anti-discrimination Bill
B. Anti-Violence Against Women and their Children Act
C. Magna Carta of Women
D. Sexual Harassment Act

41
42
Pagyamanin
Gawain 2
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10. Tama Modyul 3 & 4
Pagyamanin
Gawain 2
B. Tama o Mali
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali Modyul 1 & 2
Subukin
1. B
2. C or D
3. C
4. B
5. D
6. D
7. A
8. D
9. B
10. D
43
Isagawa
Gawain 4
1. Gender
Planning
2. Women
Empowerment
3. Gender and
Development
Tayahin 4. Gender-Blind
1. B 5. Gender
2. B Perspectives
3. C 6. Gender Equity
4. B 7. Gender Parity
5. D 8. Gender
6. D Mainstreaming
7. A 9. Gender
8. D Awareness
9. D 10. Gender
10. B Sensitivity
Modyul 7 & 8
Sanggunian
Miranda, N. P., Ocampo, O. B., Amita, R. Q., Reyes, V. E., De Ramos, M. M., Tiamzon,
L. A., . . . Quintos, E. R. (2017). Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral (A.
A. Abad, Ed.). Pasig City, Philippines: Department of Education
Mactal, Ronaldo B., PADAYON 10 (Mga Kontemporaryong Isyu) Unang Edisyon,
Phoenix Publishing House
Madrigal, Christopher L., Pagtanaw at Pag-unawa: Kontemporaryong Isyu Unang
Edisyon, Diwa Learning System Inc.

Urgel, Elizabeth T. et al., Paglinang sa Kasaysayan 10: Kontemporaryong Isyu,


Diwa Learning System Inc.

(N.D.). Globalisasyon, Modyul ng Araling Panlipunan 10, Deped


Staff writter, 2016, Zalora appoints Parker Gundersen as CEO (Aug.)
RetaiInAsia, 1-2 https://retailinasia.com/in-
people/appointments/zalora-appoints-parker-gundersen-as-ceo/,
January 4, 2021
Lisa Allardice, 2019, Malala Yousafsai on student life , Facing Critics and her
political ambition, (Jan) The Guardian, 1 -3
https://www.theguardian.com/books/2019/jan/19/malala-
yousafzai-voice-generation-we-are-displacedJ , January 4, 2021
Cynthia Littleton, 2021, EllenDeGeneres Show’s t Resume production in
Studio Next Week, (Jan) Variet, 1-2
https://variety.com/2021/tv/news/ellen-degeneres-talk-show-
resume-studio-production-1234880877/ , January 4, 2021
Arvind Bari, 2020, Measuring Scales Justice Clip Art- Scales of Justice ( Dec)
Clipartkey, 1 https://s.clipartkey.com/mpngs/s/82-
828941_measuring-scales-justice-clip-art-scales-of-justice.png ,
January 4, 2021
Sasha Martinez, 2016 Geraldine Roman, role model for girls everywhere,
(Oct) Esquire, 1-3
https://www.esquiremag.ph/politics/opinion/geraldine-roman-time-
inspiring-women-a1506-20161013 , January 4, 2021
Christopher Carbone, Fox News, 2019, Tim Cook says monolies aren’t bad
if they’re “not abused”, NYPost, (Dec), 1-2
https://nypost.com/2019/12/12/tim-cook-says-monopolies-arent-
bad-if-theyre-not-abused/ , January 4, 2021
Abs-cbn News, 2017, Charo Santos-Concio: The doting grandma,
(Mar) , Abs-cnb News 1-3 https://news.abs
cbn.com/video/life/03/15/17/charo-santos-concio-the-doting-
grandma , January 4, 2021
Combine Editors, 2018, Danton Remoto’s Book, (Sep) ,Goodreads, 1-
2https://www.goodreads.com/author/show/524322.Danton_Remoto ,
January 4, 2021

44
Garrette Parker, 2019, 10 Things you didn’t know about lookheed Martin
CEO Marillyn Hewson, (Jun) Money INC, 1-5
https://moneyinc.com/lockheed-martin-ceo-marillyn-hewson/ ,
January 4, 2021
The Hive Asia, 2017, Jake Zyrus will perform with Charice
Pempengco,( Sep) Yahoo, 1-3
https://ca.finance.yahoo.com/news/jake-zyrus-perform-charice-
pempengco-032100609.html , January 4, 2021
Jason Mendez/ Invision/ AP, 2020, CNN’s Anderson Cooper gave a
masterclass during a jaw-dropping interview with Las Vegas’ mayor,(
Apr) 1-4(https://www.poynter.org/reporting-editing/2020/cnn-
anderson-cooper-interview-las-vegas- mayor- carolyn-goodman/ ,
January 4, 2021
(N.D.). Araling Panlipunan 10: Konsepto ng Kasarian at Gender Roles sa Ibat-
Ibang Panig ng Daigdig, Philippines, DepEd, 2018, pg. 257-275
Papaleng, Some insane but true fact about foot binding in China, Philippines,
Blogger.com, 2008, retrieved from
http://papalengthoughts.blogspot.com/2013/07/some-insane-
buttrue-things-about.html#.X3w3NnURXIU, September 25, 2020
Korzhov, Nikolay, Myanmar’s neck ring women, www.aljazeera.com, Qatar,
Aljazeera website, 2013, retrieved from
https://www.aljazeera.com/gallery/2013/9/17/myanmars-neck-
ringwomen/, September 25, 2020
(N.D.), Ang babae sa Islam, www.womeninislam.ws.ph,Philippines, women in
islam website, retrieved from http://womeninislam.ws/ph/ang-
poligamya-sa-islam.aspx, September 25, 2020
(N.D.), Homosexuality in ancient Greece, www.factanddeatils.com,USA, Facts
and details website, retrieved from
http://factsanddetails.com/world/cat56/sub406/entry-6202.html,
September 25, 2020
(N.D.), the beauty in what looks like torture that comes with Lip Plates,
retrieved from
https://hadithi.africa/,Africa,Hadithiwebsites,https://hadithi.africa/2
019/01/25/the-beautyin-what-looks-like-torture-that-comes-with-lip-
plates/, September 25, 2020
(N.D.), Female Gential Mutulation, www.who.com,New York, WHO website,
retrieved from https://www.who.int/news-room/fact-
sheets/detail/female-genital-mutilation, September 25, 2020
Limos, Mario Alvaro, The fall of Babaylan,www.esquiremag.ph,2019, Esquire
magazine website, retrieved from https://www.esquiremag.ph/long-

45
reads/features/the-fall-of-thebabaylan-a2017-20190318, September
25, 2020
Saligan, Mailto. 2013. “The Basics of Philippine Laws for Women”.
http://karapatangbabae.weebly.com/index.html. January 05, 2021
Republic of the Philippines: “Philippine Commission On Women, Republic Act
9710: Magna Carta of Women”, https://pcw.gov.ph/republic-act-9710-
magna-carta-of-women/ January 05, 2021
Department of Education. “Learning Module: Araling Panlipunan 10, “Tugon
ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasiyon”: 319-322. January 06, 2021

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like