You are on page 1of 22

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 1-2


Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1-2: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Aloma B. Agapay, Reynard Aldwin M. Barcelona


Editor: Maria Rowena R. Lee, Ella Rosario A. Sencio
Tagasuri: Keen Mart M. Cordero
Tagaguhit: Vic Dominic O. Boyles

Tagapangasiwa:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Miyembro: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagolimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Wendell C. Catam-isan, PhD, EPS- Araling Panlipunan
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Bukidnon – Rehiyon X
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax:(088) 813-3634
E-mail Address:bukidnon@deped.gov.ph
10
Araling Panlipunan
0
Ikatlong Markahan – Modyul 1-2
Mga Isyu At Hamong Pangkasarian

Ang Modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinapahalagahan namin ang inyong mga tugon at mga rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Kasarian Sa Iba’t Ibang Lipunan
(Konsepto ng Kasarian)

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na malaman ang tungkol sa konteksto ng gender at sex at
maipakita ang lawak ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
gawaing inihanda dito. Handa ka na bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex.

Layunin:
1. Natatalakay ang konsepto ng kasarian;
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng gender at sex; at
3. Nakagagawa ng diyagram na nagpapakita ng pagkakaiba ng gender at
sex.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Konsepto ng Gender at Sex.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.
Balikan

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong nakaraang


pagtatagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa ibaba. Simulan na
natin ang pagbabasa.

Noong nakaraang talakayanan natin ay natutunan natin ang tungkol sa


mga isyung kalakip ng Migrasyon tulad ng Forced Labor, Human Trafficking
and Slavery. Sinasabi na pagkakataon at panganib ang maibibigay ng
migrasyon. Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga migranteng mangagagawa
patungong Kanlurang Asya. Sa isang banda, ang mga migranteng
manggagawa ay nakapagdadala sa kanilang pamilya ng libo-libong dolyar na
remittance. Malaki ang naitutulong nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa
kahirapan, sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa pagpapaaral, at
pambayad sa gastusing pangkalusugan, habang nakatutulong sa ekonomiya
ng bansang pinagtrabahuhan.
Sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,
nasasadlak sa sapilitang pagtratrabaho, at nagiging biktima ng trafficking. Ang
mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng dalawang
mukhang ito ng migrasyon.
Marami sa mga domestic worker ang napupunta sa maayos na
trabaho. Marami rin ang nahaharap sa ibat ibang uri ng pang-aabuso tulad ng
hindi pagtanggap ng sahod, pagkakulong sa bahay ng kanilang amo, hindi
pagkain, sobrang trabaho, at ilang kaso ng matinding psychological, pisikal, at
seksuwal na pang aabuso. Nakapagtala ang Human Rights Watch ng dose-
dosenang kaso kung saan ang pinagsamang mga kalagayang ito ay
kahalintulad na ng kalagayang sapilitang pagtratrabaho, trafficking o mala-
aliping kalagayan.
Tuklasin

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo


muna ang gawain sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong
kaalaman tungkol sa kasarian at seksuwalidad. Handa ka na bang sagutin ito?

Ang gawaing ito ay naglalayong mapaghambing mo ang sex at gender batay


sa sarili mong pananaw at sa natutuhan mo sa iyong binasa.
Panuto: Sagutin ang kasunod na talahanayan.

Batay sa sarili mong pananaw Batay sa natutunan mo sa


iyong binasa

SEX

GENDER

Tanong:
1. Ano ang nakikita mong pagkakaiba sa iyong sinagot? Naging
maliwanag ba sayo ang kaibahan ng dalawang salita?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__________
_______________________________________________________
_____
_______________________________________________________
_____.
Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang pag-
uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para
maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang ang pagbabasa!

Konsepto ng Gender at Sex


Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa
kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng
babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.

Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa


biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga
panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.

Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin


man ang mga lipunan subalit sa aspekto ng gender, maaaring malaki ang
pagkakaiba-iba ng mga lipunan.
Sanggunian: AP10 Learning Material
Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang
mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi
nagtataglay nito.
Katangian ng Gender (Characteristics of Gender)
Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi
nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.

Si Aziza Al Yousef ay nakulong matapos lumabag sa Women Driving Ban


sa Saudi Arabia. Si Al Youself ay kilalang tagapagtaguyod ng kampanya laban sa
pagbabawal sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan. Siya ay nakulong nang
mahuling nagmamaneho kasama si Eman Al-Nafjan, sinadya nilang gawin ito.
Silang dalawa ay magkapareho ang adbokasiya na alisin ang driving ban para sa
mga kababaihan sa Saudi. Matapos nilang pumirma sa isang kasunduan na hindi
na nila ulit ito gagawin, sila ay nakalabas ng kulungan.
Sanggunian:http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/meast/saudi-arabia-female-
driversdetained/

Pagyamanin

Dahil tapos mo nang basahin ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka sa
iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

Panuto: Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang


pagkakaiba ng gender at sex mula sa mga natutuhan mo sa aralin sa
pamamagitan ng pagkompleto ng pangungusap sa ibaba.

Mula sa araling ito, natutuhan ko na ang sex ay


__________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________.
Samatalang ang gender naman ay tumutukoy sa
__________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________.

Isaisip

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa araw na
ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Sa araw na ito ay natutuhan natin na ang konsepto ng gender at sex


ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin
ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay
reproduksiyon ng tao. Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay
tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki.
Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba
paghambingin man ang mga lipunan subalit sa aspekto ng gender, maaaring
malaki ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan.

Isagawa

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may idadagdag
pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa ibaba.

Panuto: Kompletuhin ang graphic organizer sa ibaba para maipakita ang


pagkakaiba ng gender at sex.

GENDER SEX

Karagdagang Gawain

Susubukan natin ngayon ang iyong kakayahan sa pagsulat. Sa bahaging ito ay


gagawa ka ng sanaysay tungkol sa paksang tinalakay. Sundin lang ang panuto sa
ibaba. Simulan mo ang pagsulat.
Panuto: Mula sa mga paksang nabasa hinggil sa konseptong kasarian at
seksuwalidad, gumawa ng sanaysay na nagpapakita ng kahalagahan at
pagkakapantay-pantay sa lahat ng kasarian. Isulat ang sagot sa ibaba.

Magaling! Pwede kanang magpatuloy sa susunod na aralin!

Kasarian Sa Iba’t Ibang Lipunan


Aralin (Uri ng Kasarian)
2
Alamin

Kumusta mahal naming mag-aaral? Ako ay natutuwa dahil nasagutan mo ng


buong husay ang unang paksa tungkol sa konsepto ng kasarian at
seksuwalidad. Ngayon ay ipagpatuloy mo ang talakayan sa panibagong paksa
tungkol sa uri ng kasarian. Handa ka na bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex.
Layunin:
1. Natatalakay ang mga uri ng kasarian,
2. Nakapagtatala ng mga kilalang personalidad na nabibilang sa LGBT, at
3. Nakagagawa ng sanaysay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa lahat
ng kasarian.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Uri ng Kasarian.


 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

Balikan
Bago natin umpisahan ang panibagong paksa ay magkakaroon muna tayo
ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang paksa. Basahin natin ang teksto
sa ibaba.

Noong nakaraang talakayan ay natutuhan natin ang tungkol sa


konsepto ng gender at sex. Ang dalawang ito pala ay magkaiba. Ang sex ay
tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa
gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa
World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki.
Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba
paghambingin man ang mga lipunan subalit sa aspekto ng gender, maaaring
malaki ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan.

Tuklasin

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo


muna ang gawain sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong
kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng kasarian. Handa ka na bang sagutin ito?

Panuto: Tukuyin ang ibig sabihin ng mga nasa Hanay B at isulat ang sagot
sa patlang na nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

__________ 1. Bisexual A. Sila ang mga babae na ang kilos at


damdamin ay panlalaki.
__________ 2. Gay B. Mga lalaking nakararamdam ng
atraskyon sa
kapwa lalaki.
__________ 3. Lesbian C. Mga taong nakaramdam ng atrasksyon
sa
dalawang kasarian
__________ 4. Transgender D. Isang tao na nakararamdam na siya
ang
nabubuhay sa maling katawan.
Ang kanyang pag-iisip at
pangangatawan ay hindi
magkatugma.
E. Mga taong walang nararamdamang
atraskyong seksuwal sa anumang
kasarian.

Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang pag-
uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para
maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang ang pagbabasa!
Ngayon ay matutunghayan natin na bukod sa lalaki at babae, may
tinatawag din tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender o
mas kilala bilang LGBT.

1. Lesbian – ay mga babae na nakararamdam ng pisikal o romantikong


atraksyon sa kapwa niya babae.

2. Gay – ito ay isang termino na tumutukoy sa pisikal o romantikong


atraksyon sa kaparehong kasarian. Madalas na lalaki ang gumagamit ng
termino na ito ngunit maaari din itong gamitin upang ilarawan ang babae
na nakararanas ng atraksyon sa kapwa babae. Sa Pilipinas, ang
pinakamalapit na katumbas nito ay ang tawag na “bakla” sa tao na
nakararanas ng pagkagusto sa kaparehong kasarian.

3. Bigender/ Bisexual – Ang bisexual ay mga tao na nakararanas ng


atraksyon sa parehong kasarian. Ang isang bisexual ay maaaring
makaranas ng iba’t ibang antas ng atraksyon. Hindi nangangailan na
magkaroon ng seksuwal na interaksyon ang isang bisexual upang
matawag niya ang kanyang sarili na bisexual o bigender.

4. Transgender – ito termino na ginagamit para sa lahat ng tao na


nagpapakita ng gender identity o gender expression na karaniwan na
makikita sa kabilang kasarian. Sila ay maaaring umiinom ng mga
hormones na nireseta ng doctor upang magbago ang katawan nila at
maiayon nila ito sa kanilang gender identity. May mga pagkakataon na
ang mga transgender ay sumasailalim sa operasyon na naglalayon na
mabago ang kasarian nila ngunit hindi lahat ng transgender ay nagnanais
na magpaopera.

Sanggunian: aralingpanlipunan.com
Pagyamanin

Dahil tapos mo nang basahin ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka sa
iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

Ang gawaing ito ay naglalayong maipakita sa buong daigdig na kahit


anumang kasarian ay nakapagbibigay din ng ambag sa sanlibutan.
Panuto: Magtanong og magsaliksik sa internet tungkol sa kontribusyon ng
mga kilalang personalidad sa ibat ibang larangan. Isulat ang sagot sa graphic
organizer sa ibaba.

Kilalang Personalidad Kontribusyon


Babae

Lalaki

LGBT

Tanong: 1. Naging balakid ba ang kasarian ng isang tao tungo sa pagkamit


ng kanyang tagumpay? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________.
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
(Gender Roles sa Pilipinas)

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na malaman ang tungkol sa mga gampanin ng iba’t ibang
kasarian sa Pilipinas at maipakita ang lawak ng iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inihanda dito. Handa ka na bang
matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Layunin:
1. Natatalakay ang gender roles sa Pilipinas;
2. Natutukoy ang mga gampanin ng babae sa iba’t-ibang panahon sa
Pilipinas; at
3. Nakagagawa ng gender timeline na nagpapakita ng gampanin ng mga
babae sa iba’t ibang panahon sa Pilipinas.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Gender Roles sa Pilipinas.


 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay

Suriin
Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang
pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para
maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

Gender Roles sa Pilipinas


Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan natin kung ano ang
katayuan at gampanin ng babae at lalaki sa iba’t ibang panahon sa
kasaysayan ng ating bansa.

Ang mga datos pangkasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan


sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa
uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon
ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay
mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi
sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng
kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa
Panay.

Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga
lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya
itong kasama ng ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang
karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.

Ang “Boxer Codex” ay isang dokumento na


tinatayang ginawa noong 1595. Ang dokumento
(at mga larawan) ay pinaniniwalaang pagmamay-
ari ni Luis Perez Dasmariñas, ang Gobernador-
Heneral ng Pilipinas noong 1593-1596. Ang
dokumento ay napunta sa koleksiyon ni Propesor
Charles Ralph Boxer.
https://www.google.com.ph/search?q=boxer
%20codex&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=sur
%3Afc&ved=0CAIQpwVqFwoTCNig3KK04ukCFQAAAAAd
AAAAABAC&biw=1263&bih=561#imgrc=-
QvkOUuowQmWkM
Paano naman winawakasan ang pagkatali sa kasal noon? Bagamat
kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang
asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang
kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.

Base sa mga kaso na naobserbahan ni Dr. Lordes Lapuz, binanggit


niya bilang konklusyon sa kanyang aklat na A Study of Psychopathology and
Filipino Marriages in Crises na:

Filipinas are brought up to fear men and some never escape the
feelings of inferiority that upbringing creates.

Idinagdag pa ni Emelda Driscoll (2011) na sa loob ng pamilya, ang


mga Pilipina ay lumalaking tinitingnan bilang siyang pinagmumulan ng
kapangyarihan sa pamilya.

Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang


Position of Women in the Philippines, ang posisyon ng kababaihan sa
Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol:

Reared and trained primarily for motherhood or for the religious life,
her education principally undertaken under the supervision of priests and
nuns. Being economically dependent on her men folk, she had to be
subservient to them. Held out as an example was the diffident, chaste, and
half-educated woman, whose all-consuming preoccupation was to save her
soul from perdition and her body from the clutches of the devil incarnate in
man. (Garcia, 1965)
Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang
karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol. Ito ay dahil
sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ns nakabatay sa
kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa
kalalakihan.

Ngunit sa panahon ng mga pag-aalsa, may mga Pilipina ring


nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay
ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang
pang-aabuso ng mga Espanyol. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng
1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain
ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan,


karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng
pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan,
mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan
ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang
mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa
Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na
ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa
pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng
pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.

Isagawa

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may idadagdag
pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa ibaba.
Panuto: Mula sa mga paksang nabasa hinggil sa gender roles sa Pilipinas,
gumawa ng sanaysay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga kababaihan
sa bansang Pilipinas. Isulat ang sagot sa ibaba .

You might also like