You are on page 1of 5

Daily School MALACANANG NHS Quarter Third

Lesson Teacher DAVE MARTIN L. ACOSTA Week 10


Log Grade and Section 10 - GARNET Date March 18, 2024 (Monday)
ARALING PANLIPUNAN 8

I. LAYUNIN / OBJECTIVES
A. Pamantayang Pangnilalaman / Content Standards ;
Nauunawaan ang hakbang nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap / Performance Standards;
Natutukoy ang epekto ng mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian sa mga mamamayan sa pamayanan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto / Learning Competencies;
Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Affective Domain: Nabibigyang halaga ang mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap


at paggalang sa kasarian

II. NILALAMAN / CONTENT: Pantay na Karapatan


A. Sangunian/References
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro / Teaching Guide pages: MELC p. 58
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang mag-aaral / Learning Guide pages:
3. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource: Araling
Panlipunan 10, Quarter 3 Module 4
B. Iba pang Kagamitang Panturo / Other Learning Resources: Charts, Powerpoint
Presentation, Larawan,

III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin /
drill/review/unlocking of difficulties
“Fact or Bluff”
Panuto: Pumalakpak ng tatlong beses kung ang pangungusap ay “Fact” o Tama at
pumadyak naman ng tatlong beses kung “Bluff” o mali.
1. Ang mga SOGIE ay tinatawag na Sexual Orientation Identity and Equality.
2. Sila ang mga kababaihang biktima ng Prostitusyon at tinatawag na mga Marginalized
women.
3. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta.
4. Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mayaman nasa di
panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang
mga batayang pangangailangan at serbisyo.
5. Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad (“secondary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin / Motivation


“Lalaki o Babae”
Basahin ang bawat salita, tumayo kung ito ay panlalaki, umupo naman kung ito ay
pambabae.
1.

2. Rescuer 12. Abogado


3. Pagsasayaw 13. Inhenyero
4. Guro 14. Computer programmer
5. Chef 15. Piloto
6. Kulay Rosas 16. Flight attendant
7. Doktor 17. Glitters
8. Four Wheels 18. Diet drinks
9. Nars 19. Tsismis
10. Kulay Asul 20. Presidente
11. Paglilinis 21. Pagdighay at pag-utot

Tanong:

 Bakit ito panlalaki at pambabae?


 Ano ang iyong pinagbasihan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin / presentation


Suriin ang simbolo na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano-anong mga simbolo ang makikita sa itaas? Umpisahan mula sa kaliwa.


2. Ano ang nais iparating ng mga simbolong ito?
3. Nararapat bang mangyari ang mensahe na ipinaparating ng mga simbolo sa itaas?
Ipaliwanag.

Talakayan;
Maaaring mabawasan o tuluyang mawala ang pagtamasa ng ilan sa mga karapatan ng
tao (human rights) dahil sa di pantay na pamamahagi ng yaman at kapangyarihan.
Maaari ring bunga ng di pagkapantay-pantay ng kaugalian, tradisyon at pinagdaanang
kasaysayan ng isang bansa. Kinikilala ng mga nagbabalangkas sa ating kasalukuyang
Saligang Batas ang pag-iral ng nabanggit ng kondisyon sa ating bansa.

Bilang pagsunod sa ipinag-uutos ng Saligang Batas at pagpupunyagi mismo ng mga


kilusang nagsusulong sa karapatan ng kababaihan, marami nang batas ang pinagtibay ng
Kongreso na nagbibigay-proteksyon at nagsusulong sa karapatan at paggalang sa
kasarian.
1. Republic Act No. 7192 (The Women in Development and Nation Building Act of 1992)
2. Republic Act No. 7877 (Anti-Sexual Harrassment Law of 1995)
3. Republic Act No. 9262 (Anti Violence Against Women and Children Act of 2002)
4. RA 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1/


discussing new concepts & practicing new skills no. 1; guided practice
“Aksiyon Ngayon”
Panuto: Mag-isip ng 2-3 programa/aktibidad na maaari mong gawin na magpapakita at
magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian at nagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Sundin ang mga direksiyon
sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel:
 Isulat ang pangalan ng naisip na programa/aktibidad.
 Isulat ang mga layunin nito o mga bagay na nais makamit dito.
 Isa-isahin ang mga hakbang na iyong isasagawa upang makamit ang iyong mga
layunin.
 Isulat kung sino-sino ang makikinabang at kasapi sa programa/aktbidad na ito.
 Ipaliwanag ang inaasahang resulta ng naisip na programa/aktibidad. (Tiyaking
ang inaasahang resulta ay magiging kapaki-pakinabang upang maituturing itong
mahalaga)
 Gamitin ang criteria sa ibaba bilang gabay sa pagsasagawa ng bawat panuto.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 /
discussing new concepts & practicing new skills no. 2; guided practice
“Kagalingang Misyon” (Differentiated Activity)
Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang adbokasiya na ang pangunahing layunin ay
magbigay hindi lamang ng impormasyon, kundi ng pagkamulat sa mga isyung may
kaugnayan sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maging malikhain sa
pagsasagawa nito.
1. Pagguhit ng poster
2. Pagsulat ng artikulo o sanaysay
3. Paggawa ng placard
4. Pagsusulat tula o liriko ng kanta

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) / developing


mastery; independent practice
“Plakard ko, Ibandera ko”
Tukuyin ang karapatan ng bata, kababaihan at ng mga marginalized at underprivileged
sa lipunan na nalabag sa bawat inilahad na sitwasyon. Sabihin ang maaari mong gawin
bilang isang mag-aaral at kasapi ng isang pamilya.
1. Si Nena ay nagtatrabaho sa palayan sa halip na nag-aaral sa paaralan.
2. Madalas na pambubugbog ng tatay sa kanyang asawa at anak tuwing sya ay
malalasing.
3. Si Norman ay pinalilimos ng ama sa lansangan sa halip na hayaang maglaro kasama
ang kanyang mga kapwa bata.
4. Hindi pagpromote ni PO1 Letecia Santos dahil sa kanyang pagiging babae.
5. Pagpapaalis ng mga katutubong Ibaloi na si Nako sa kanilang lupang minana.

G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay /


application / valuing
“Obserbasyon Ko!”
Lagyan ng Impormasyon ang bawat kulom batay sa iyong nalalaman o naobserbahan sa
inyong sariling pamayanan.

Karagdagang tanong:
 Bakit mahalagang ipakita ang paggalang sa kapuwa anuman ang kaniyang
kasarian?
 Paano mo mahihikayat ang iyong mga kakilala na maisabuhay ang paggalang at
pagtanggap sa iba’t ibang kasarian?

H. Paglalahat ng Aralin / generalization


Nararapat mong tandaan ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa pagkapantay-
pantay, tanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian:
• Ang pagkapantay-pantay ng mga kasarian o Gender Equality ay nangangahulugan na
ang kalalakihan, kababaihan at iba pang kasarian ay may parehong karapatan at
pananagutan at ang lahat ay may magkatulad na pagkakataon sa lipunan.
• Ang gender identity ng isang tao ay naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon.
Ang gender identity ng mga tao ay maaaring naiiba mula sa kanilang sex noong sila ay
ipinanganak.
• Ang kakulangan sa tamang pang-unawa ng iilan tungkol sa konsepto ng sexual
orientation at gender identity ng isang tao ay tinitignang dahilan ng diskriminasyon,
kawalan ng respeto, o hindi kaya ay pambabastos. Kaya naman ay dapat na maipabatid
sa lahat kung bakit nagkakaiba ang sexual orientation at gender identity ng mga tao.
• Malaki ang naging tulong ng mga ipinasang batas upang mapangalagaan ang
paggalang at pagkakapantay-pantay tulad ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women
and their Children Act at maging ang RA 9710 o Magna Carta of Women.
• Bilang isang mag-aaral, mayroon kang responsibilidad na sundin ang batas ng ating
bansa lalo’t higit na ang mga ito ay naglalayong maitaguyod ang pagkakapantay-pantay
ng tao bilang kasapi ng pamayanan anuman ang kaniyang kasarian.

I. Pagtataya ng Aralin / evaluation


Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at piliin ang tamang titik at
isulat sa kuwaderno.
1. Ito ay nag-uutos sa lahat ng sangay o departamento ng Pahamalaan na maglaan ng
kaukulang bahagdan sa lahat ng proyektong pinondohan ng Official Development
Assistance (ODA) para sa kababaihan at may kinalaman sa usaping pagkasarian
a. Rep. Act # 7192 b. Rep. Act 7877
c. Rep. Act # 10354 d. Rep. Act 9262

2. Ito ay nagdedeklara bilang krimen at nagtatakda ng kaparusahan sa gumagamit ng


kanilang posisyon para sa kanilang hangaring sekswal.
a. Rep. Act # 7192 b. Rep. Act 3 7877
c. Rep. Act # 10354 d. Rep. Act # 9262

3. Batas na ginagarantihan ang Universal access sa iba’t ibang paraan ng Contraception,


Fertility, Control, Sexual Education Maternal Care.
a. Rep. Act # 9710 b. Rep. Act # 9262
c. Rep Act # 10354 d. Rep. Act # 7877
4. Nagdedeklara ng pagkakasala laban sa madla, ang pag-aabuso sa kababaihan at
kanyang mga anak.
a. Rep. Act # 9262 b. Rep. Act # 9710
c. Rep. Act # 7877 d. Rep. Act 7192

5. Ang batas na ito ay nalalayong alisin ang lahat ng uri at anyo ng diskriminasyon sa
kababaihan at itinakda ang karapatan ng kababaihan alinsunod sa ating Saligang Batas.
a. RA 9710 c. RA 7877
b. RA 9262 d. RA 7192

C. Panuto: Isulat ang TAMA kapag tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI kapag
mali ang isinasaad nito. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
__________ 1. Makatarungan na batuhin ang mga kababaihan hanggang sila’y
mamamatay kung nagkakasala.
__________ 2. Pantay-pantay ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan sa
Pilipinas.
__________ 3. Dapat ang mga Pilipino ay maging gender - neutral at hindi mapaghusga.
__________ 4. Kailangan na sa lahat ng pagkakataon, ang tinig ng ama ng tahanan ang
masusunod.
__________ 5. Pinaiiral sa Pilipinas sa Batas ni Hammurabi na “mata sa mata at ngipin
sa ngipin”

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation / assignment


Gumawa ng Written Advocacy Leaflets na nagsusulong sa karapatan ng
pagkapantay-pantay ng Kasarian.
IV. MGA TALA/REMARKS:
Present:
Absent:

V. PAGNINILAY/REFLECTION
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuhang 80% sa pagtataya / No. of learners who earned 80% in
the evaluation
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailanganng iba pang gawainparasa remediation / No. of
learners who require additional activities for remediation who scored below 80%
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin / Did the remedial
lessons work? No. of learners who have caught up with the lesson
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation / no. of learners who continue to
require remediation
E. Alin sa mga estratehiyang Pagtuturo na katulongn ang lubos? Paano ito nakatulong? / Which
of my teaching strategies worked well? Why did these work?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulongng aking punung guro at
supervisor? What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me
solve?
G. Anong kagamitang panturo ang aking na dibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
/ What inoovation or localized materials did I use/discover which I wish to share with other
teachers?

Inihanda ni:
DAVE MARTIN L. ACOSTA
Guro

You might also like