You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
STO. ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
DEEPWELL, STO. ROSARIO, SANTA ROSA, NUEVA ECIJA

MARKAHAN IKALAWA PETSA JANUARY 18, 2024


BAITANG AT SEKSYON 8 – WAKELET ORAS 3-4 PM

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard): Ang mga mag-aaral ay


naipapamalas ang pagunawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at
Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard): Ang mag-aaral ay


nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa
mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na
nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

C. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):

I. Layunin
a. Nabibigyang-kahulugan ang Piyudalismo.
b. Nailalahad ang mga mahahalagang konsepto sa Piyudalismo.
c. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa Pagtatag ng Piyudalismo.
d. Naiisa-isa ang mga Lipunan sa Panahon ng Piyudalismo
e. Naisasabuhay ang kahalagahan ng lupa sa Panahon ng Piyudalismo at sa Kasalukuyan.

II. Nilalaman
 Piyudalismo
 Pagtatag ng Piyudalismo
 Lipunan sa Panahon ng Piyudalismo

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
 Rosemarie C. Blando et., al. (2015). Kasaysayan ng Daigdig, Modyul para sa
Mag- aaral pp.484-486. Pasig City, Philippines: Filipinas Copyright Licensing
Society (FILCOLS), Inc.
 Gregorio F. Zaide et., al. (2006). World History 5th Edition pp. 123-126. Quezon
City, Philippines 1102: All-Nations Publishing Co., Inc.
 Grace Estela C. Mateo Ph.D. et., al. (2006). Kabihasnang Daigdig Kasaysayan at
Kultura, pp.186-188. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc.

B. Kagamitan
 Laptop, Smart TV, Slide Deck, Mga Larawan, Cartolina, Pentel Pen, Speaker

Address: Deepwell, Sto. Rosario, Santa Rosa,


Nueva Ecija 3101
Telephone No.: 0968-470-8768
Email: 300858@deped.gov.ph
Facebook Page: Sto. Rosario National High School
IV. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong aralin

Gawain 1: Jumbled Letters


Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang
maibigay ang hinihinging kasagutan sa bawat
pahayag.

APLOESYNI 1. Maraming isla.


IRNMCOSEAI 2. Maliliit na mga isla. 1. Polynesia
AEMLSNAEI 3. Maiitim ang mga tao dito. Micronesia
Melanesia
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang inyong masasabi sa mga salitang 2. Ang mga salitang nabuo ay tungkol
nabuo? sa malalaking pangkat na bumubuo
2. Ano ang tatlong malalaking pangkat na sa Pulo ng Pacific. Polynesia,
bumubuo sa Pulo Micronesia at Melanesia
ng Pacific?
B. Pag-uugnay ng halimbawa sa
bagong aralin

1. Ang mga uring panlipunan na nabanggit


sa comic strip ay Hari, Lord, Knight at
Gawain 2: Comic-Suri Serf.
Panuto: Basahin at suriin ang comic strip. 2. Ang pag-aaring nababanggit sa lahat ng
Pagkatapos, sagutin ang pamprosesong tanong. bahagi ng comic strip ay Lupain.
Ipinapahiwatig nito na ang bawat
Pamprosesong Tanong: kapirasong lupa na kanilang
1. Anong mga uring panlipunan ang mayroon sa ibinabahagi, ito ay may kapalit na dapat
comic strip? ipagkaloob sa nagbigay ng lupa.
2. Anong pagmamay-ari ang nabanggit sa comic 3. Ang sistemang umiiral na
strip? ipinahihiwatig ng comic strip ay
3. Sa iyong palagay, anong sistema ang umiiral Piyudalismo
na ipinahihiwatig ng comic strip?
C. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan

Mula sa isinagawang gawain na Comic-Suri,


inyong natukoy/nasabi na ang sistemang umiiral
dito ay Piyudalismo.

Ano ba ang Piyudalismo? Isang sistemang pamamalakad sa lupain


kung saan ang lupang pag-aari ng Hari ay
Gawain 3: Photo-Suri ipamamahagi sa mga vassal kapalit ng
Panuto: Magpapakita ng mga larawan at katapatan.
susuriin ng mga mag-aaral ang ugnayan ng mga
ito sa bawat isa.

1. Larawan ng Hari at mga Lupain.


2. Ang hari ang pangunahing
Pamprosesong Tanong: nagmamay-ari ng lupa.
1. Ano ang nakikita niyo sa mga larawan? 3. Hindi, sapagkat sa dami ng lupain na
2. Ano ang ugnayan ng unang larawan sa pag-aari ng hari hindi nito lahat
pangalawang larawan?
maipatatanggol at mapapamahalaan.
3. Sa inyong palagay, kaya bang ipagtanggol ng
hari ang lahat ng kaniyang lupain? Ipaliwanag.
Dahil sa hindi kayang ipagtanggol ng hari ang
lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari
ang lupa sa mga vassal.

Tungkulin ng lord:
Sa pamamagitan ng Concept Map, mailalahad
-Naging vassal ng hari dahil sila ay nagbibigay
sa klase ang mga mahahalagang konsepto sa
ng suporta, pera at payo.
Piyudalismo.
Tungkulin ng knight:
-sila ay sinanay ng lord para ipagtanggol ang
kanyang lupain. Binigyan sila ng bahagi ng fief
(manor) bilang kapalit ng kanilang serbisyo.

Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa


hari.
Fief- lupang ipinagkakaloob sa vassal.
Homage- isang seremonya kung saan inilalagay
ng vassal ang kaniyang kamay sa pagitan ng
mga kamay ng lord at nangangako rito na siya
ay magiging tapat na tauhan nito.
Investiture- seremonya kung saan binibigyan
ng lord ang vassal ng fief.
Oath of Fealty- ang tawag sa sumpaan ng
vassal at ng lord
D. Paglinang sa Kabihasaan

Gawain 4: Celebrity Bluff


Hahatiin ang klase sa 2 pangkat. Bibigyan ang
bawat grupo ng dalawang banner na naka
imprinta ang salitang FACT at BLUFF.

Mekaniko ng laro:
1. May babasahin ang guro na pahayag
pagkatapos tutukuyin ng bawat
grupo kung ito ba ay FACT O
BLUFF.
2. Bibigyan ng 5 segundo upang pag-
usapan ng bawat grupo ang kanilang
sagot.
3. Pagkatapos ng 5 segundo, itataas ng
representative ng grupo ang banner
ng kanilang sagot.
4. Kung sinong grupo ang may
pinakamaraming tamang sagot ang
siyang panalo sa laro.

Mga Pahayag na babanggitin ng guro:


1. Ang Piyudalismo ay isang ay isang sistemang
politikal, sosyo-ekonomiko at pang-ekonomiya -BLUFF
na nakabase sa pagmamay-ari ng lupa.
2. Ang homage ay isang seremonya kung saan
inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa -FACT
pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako
rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito.
3. Vassal ang tawag sa taong tumatanggap ng
lupa mula sa lord. -FACT
4. Fief ang tawag sa lupang ipinagkakaloob sa
vassal. -FACT
5. Oath of Fealty ang tawag sa seremonya kung
saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. -BLUFF

Gawain 6: READING DRILLS: Gamit ang


Flash Cards, babasahin ng mga mag-aaral ang -Piyudalismo, Lord, Vassal, Fief, Act of
mga salitang ipapakita ng guro na may Homage, Investiture, Oath of Fealty, Chivalry,
kinalaman sa talakayan. Knight, Pari, Kabalyero, Serf
E. Paglalapat ng Aralin sa pang araw- araw na buhay

Gawain: Anong Papel mo sa Buhay ko?


1. Hahatiin ang klase sa 2 pangkat. Bibigyan ang mga grupo ng tig iisang manila paper.
2. Ipapaliwanag sa mga mag-aaral na ang manila paper na ito ay magsisilbing kanilang lupa.
3. Maaari nilang ilagay ang lahat ng kanilang gusting mangyari sa lupa subalit kinakailangan nilang
tumira dito at lumikha o gumawa ng kahit na ano sa kanilang lupa. Sa madaling salita ang
kabuhayan nila ay nakadepende sa lupa.
4. Bibigyan ang mga mag-aaral ng 5 minuto upang magdisenyo at magplano ng itsura ng kanilang
lupa gamit ang pentel pen.
5. Kapag natapos na ang bawat grupo na magdisenyo sa kanilang kapirasong lupa, kanilang
ipipresenta sa klase ang ginawa nilang disenyo.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa isinagawang gawain?
2. Gaano kahalaga ang lupa sa sistemang Piyudalismo?
3. Kung ikaw ay bibigyan ng kapirasong lupa ng iyong mga magulang, bilang isang anak at
indibidwal, paano mo pahahalagahan ito?
F. Paglalahat ng Aralin

Mga Tanong:
1. Ano ang Piyudalismo?
2. Ano ang mga uring Panlipunan sa Piyudalismo?
3. Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo?
4. Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal?
G. Pagtataya ng Aralin

PAGTATAMBAL: Piliin ang tamang sagot sa Hanay B sa bawat tinutukoy ng mga pahayag
sa Hanay A. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Ito ay isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar na a. Fief
nakabase sa pagmamay-ari ng lupa. b. Act of Homage
2. Taong tumatanggap ng lupa mula sa lord. c. Piyudalismo
3. Isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa d. Lord
pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging e. Vassal
tapat na tauhan nito. f. Knight
4. Lupang ipinagkakaloob sa vassal. g. Investiture
5. Seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. h. Chivalry
6. Ang tawag sa sumpaan ng vassal at ng lord. i. Serf
7. Isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa j. Pari
kaniyang lord. k. Oath of Fealty
8. Ang tawag sa alituntunin na sinusunod ng Knight. l. Manoryalismo
9. Nagmamay-ari ng lupa.
10. Ito ang bumubuo sa masa ng tao noong Medieval Period.
H. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Pagsulat ng Repleksiyon: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at


realisasyon sa kahalagahan ng lupa sa Sistemang Piyudalismo at sa kasalukuyan. Gawin ito sa
isang malinis na papel. Gamiting gabay ang rubrik sa pagmamarka ng iyong gawain.

Rubrik sa Pagtataya ng Repleksyon


DIMENSYON NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN NANGANGAILANGAN
5 PUNTOS 4 PUNTOS 3 PUNTOS NG PAGBUBUTI
2 PUNTOS
Buod ng aralin, paksa Maliwanag at Maliwanag Hindi gaanong Hindi maliwanag
o kumpleto ang subalit may maliwanag at at marami ang
gawain pagbuod ng araling kulang sa kulang kulang sa mga
tinalakay detalye sa sa ilang detalye sa detalye sa paksa
paksa o araling paksa o araling o araling
Tinalakay tinalakay tinalakay

Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang sa Dalawa lamang sa Isa lamang sa mga


pagkakasulat pamantayan mga mga pamantayan pamantayan ang
-Maayos ang ay matatagpuan sa pamantayan ang ang matatagpuan sa
pagkakasunod-sunod kabuuang matatagpuan sa matatagpuan sa kabuuang
ng mga ideya repleksiyon kabuuang kabuuang repleksiyon
-Hindi paligoy-ligoy repleksiyon repleksiyon
ang
pagkakasulat
-Angkop ang mga
salitang ginamit
-Malinis ang
Pagkakasulat

Mekaniks/teknikal Nasunod ang mga May iilang mga Karamihan sa mga Hindi nasunod ang
panuntunan sa panuntunan ang panuntunan sa mga panuntunan
pagsulat tulad ng hindi pagsulat ay hindi sa pagsulat.
bantas at baybay ng nasunod sa nasunod
salita, pagkaka ayos pagsulat
ng pangungusap at
dami o bilang ng
salita.

INIHANDA NI:

DAVE MARTIN L. ACOSTA


Teacher I

You might also like