You are on page 1of 29

Araling Panlipunan- Ika-sampu na Baitang

Quarter 3- Module 4: Pagsusulong ng Pagtanggap, Paggalang at Pagkakapantay-pantay sa


Kasarian ng Tao Bilang Kasapi ng Pamayanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad sa anumang paglabag.

Ang mga akda ( kwento, seleksyon, tula, awit, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng kaukulang karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o limbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod- Lunsod


Quezon, Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Perpetua C. Ruiz
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, Tagapamanihala
Fredie V. Avendaño, Pangalawang Tagapamanihala
Juan C. Obierna, Puno, CID
Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pansangay-LRMS
Ederlina D. Baleña, Tagamasid Pansangay- Araling Panlipunan
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education-Region NCR-Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pag-asa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684 / 352-6805
10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 4 :
Pagsusulong ng
Pagtanggap at Paggalang
sa Kasarian Tungo sa
Pagkakapantay-pantay ng
Tao Bilang Kasapi ng
Pamayanan
Paunang Salita
Bilang pagtugon sa hamon na dulot ng panahon ng new normal sa edukasyon, lubos
naming inihahandog sa inyo ang modyul na ito na siyang gagamitin mo sa pag-aaral ng
Araling Panlipunan 10 – Kontemporaryong Isyu. Nakabatay sa suplementaryong kagamitang
ito ang Most Essential Learning Competency 4 (MELC 4) ng Ikatlong Markahan na itinakda
ng Kagawaran ng Edukasyon batay sa mga pamantayang itinakda ng K-12 Kurikulum.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga gawain at pagsasanay upang malinang sa mga
mag-aaral ang ibat-ibang kasanayang pang- 21 siglo na nakatuon sa inyong
pangangailangan at kalagayan bilang kasapi ng pamayanan. Sa loob ng mga aralin,
matutuklasan mo ang mga kaalaman at maisasagawa ang mga hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay ng mga tao bilang
kasapi ng pamayanan.

Para sa mga Magulang / Tagapatnubay


Isang napakalaking hamon ang dulot ng new normal na panahon sa ating lahat.
Ngunit, ang pinakahigit na apektado ay ang ating mga mag-aaral. Sa kanilang bubot na
pananaw at limitadong kakayahan, bakas sa kanilang mga kilos, ugali at pananalita ang
kawalan ng kahandaan sa mga epekto ng mapanghamong kaganapan ng kanilang
kabataan.
Higit kailanman, ngayon po tayo kailangan ng ating mga mag-aaral. Ito ang panahon
upang ang mga guro at mga magulang/tagapatnubay ay magkapit-bisig upang matulungan
ang mga mag-aaral na bumagon at maging matatag. Ihatid natin sa tiyak na tagumpay ang
ating mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay patnubay sa kanila sa oras ng kanilang
pagkatutong pang-akademiko. Ang modyul na ito ay maaari nyong gamitin upang
masubaybayan ang kanilang mga aralin at gawain. Sa mga pagkakataong maging kayo ay
nahihirapang unawain ang aralin, tandaang kayo ay may katuwang sa edukasyon ng inyong
mga anak – ang mga guro. Huwag mag-alinlangan na makipag-ugnayan sa guro ng Araling
Panlipunan ng inyong mga anak. I
Inaasahan namin ang inyong suporta at bukas na komunikasyon para makamit ang
mga kasanayang dapat nilang matutunan at taglayin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Para sa mga Mag-aaral


Kayong mga mag-aaral ang pag-asa ng ating Inang Bayan kaya walang pag-aatubili
ang ating pamahalaan ng ibigay ang suportang kaya nitong ibigay upang matulungan kayo
sa pakakamit ng de-kalidad na edukasyon. Inaasahan naming mag-aaral kayo nang mabuti.
Gamitin ninyo ang modyul na ito upang higit pang maunawaan ang inyong mga aralin at
mapadali ang pagkakamit ng mga kasanayang kakailanganin sa pagpapa-unlad ng sarili.
Kung sakaling may mga paksa o gawaing hindi maunawaan, huwag mahiyang makipag-
ugnayan sa inyong guro sa Araling Panlipunan.
Paalala lamang, ang modyul na ito ay pag-aari ng gobyerno at pahiram lamang kayat
mahalaga ang pag-iingat sa paggamit ng tulong materyal na ito. Iwasan ang pagsusulat sa
anumang bahagi ng modyul. Ilagay ang inyong mga kasagutan sa mga gawain at
pagsasanay sa kwaderno o sagutang papel. Kailangan nating maging maingat sa paggamit
ng modyul upang magamit pa sa susunod na pagkakataon.
Mga Mahahalagang Paalala sa Paggamit ng Modyul

Sa paggamit ng modyul, tandaan ang mga sumusunod na paalala:

1. Maging maingat sa paggamit ng modyul. Iwasang sulatan o lagyan ng anumang marka


ang alinmang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain,
pagsasanay at pagsusulit. Huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan at pangkat sa iyong
sagutang papel.
2. Unawain ang mga araling nakapaloob sa modyul at isagawa nang tama ang panuto sa
bawat pagsasanay o gawain.
3. Mahalagang masagutan nang buong katapatan ang lahat ng mga nilalamang pagsusulit,
gawain at pagsasanay na nakapaloob sa modyul. Maging pinakamatapat sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4. Tapusin ang mga naunang gawain bago lumipat sa susunod pang mga gawain o
pagsasanay.
5. Tiyaking kumpleto ang iyong mga sagot sa sagutang papel at ilakip ito sa modyul. Ibalik
sa guro ang modyul sa takdang araw at oras.

Humingi ng tulong sa magulang o guro kung nahihirapan kang unawain ang mga
aralin o mga gawaing nakapaloob sa modyul. Maaari ka ring lumapit at magpaturo sa mga
nakatatandang kapatid, kaibigan o kasama sa bahay.

Maligayang pagkatuto!
Bilang paghahanda para sa ating mga gawain at pagtalakay, tunghayan muna natin
at pagmuni-munihan ang mga pamantayang pangnilalaman, pamantayang sa pagganap at
mga pamantayan sa pagkatuto na kaugnay ng ating mga paksa.

Inaasahang kong sa pamamagitan ng modyul na ito, at sa tulong ng iyong mga


magulang at guro, ay makakamit mo ang mga sumusunod na pamantayan:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa ibat-ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may
kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA MELC:


Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Mga Tiyak na Layunin:


 Nakakagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang
sa kasarian na nagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan;
 Nakakapagbahagi ng mga makabuluhang impormasyon hinggil sa ibat-ibang
kasarian sa ating lipunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng online advocacy;
 Nnakakapagpalaganap ng mga makabuluhang impormasyon hinggil sa paksa at
makahikayat sa mga manonood ng isang makabuluhang mensahe na magbibigay
daan upang maiwasan ang diskriminasyon at karahasan sa pamamagitan ng
infomercial o infographic
 Nakakapagpamulat sa lahat na ang mga batas at mga samahang sumusuporta sa
ibat-ibang kasarian upang maiwaksi ang mga karahasan at ibat-ibang uri ng
diskriminasyon sa pamamagitan ng webinar.

Sa puntong ito, inaasahan kong mas malinaw na sa iyo ang landas ng pagkatuto na
iyong tatahakin kaugnay ng paksang ating pag-aaralan.

1
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA:
I. Panuto: Punan ang patlang ng tamang salitang tinutukoy. Piliin ang sagot sa ibaba:
1. Noong 2014, nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista ang isang Anti-Discrimination
Ordinance o ADO na nagbibigay ng proteksyon para sa lahat ng mga kabilang sa LGBT
community laban sa anumang diskriminasyon. Nakasaad din sa nasabing ordinansa na
kailangan maglagay ng all-gender na nga palikuran ang mga ahensya ng gobyerno, pribadong
opisina at mga commercial at industrial establishments na nasasakupan ng Lungsod Quezon.
Batay sa pahayag, paano naitataguyod ang isang pamayanang may pagkilala at paggalang sa
mga kasapi ng LGBT?
a. Sa pamamagitan ng ordinansang ito, naitataguyod ang kalagayang pang-ekonomiya
ng mga manggagawang kabilang sa LGBT.
b. Nagiging kilala ang mga kasapi ng LGBT dahil sila ay pinangangalagaan ng lokal na

pamahalaang Lunsod Quezon


c. Naipapabatid sa mga kasapi ng LGBT ang pagkilala at pagtanggap sa kanila bilang
bahagi ng pamayanan.
d. Naitataguyod ang kapakanang pangkalusugan ng mga LGBT sa Lunsod ng Quezon.
2. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas, nagwagi bilang
Kongresista ng Unang Distrito ng Bataan si Geraldine B. Roman, isang transgender woman.
Paano ipinakita ng mga botante ng 1st District ng Bataan ang pagtanggap sa mga kabilang sa
LGBTQ?
a. Lubos nang tinatanggap ng mga tao sa lipunan ang pagkakaroon ng mga politikong
kabilang sa LGBTQ.
b. Mulat na ang mga mamamayan dahil sa matalinong pagpili nila ng isang mahusay na
transgender upang maging kongresista.
c. Ang mga transgender na katulad ni Geraldine Roman ay may kakayahan din humawak

ng mataas na katungkulan sa pamahalaan.


d. Kinilala nila ang kakayahan at hindi ipinagkait ang pagkakataon na mapatunayan ng
sinuman, lalo na ng mga LGBT ang kanilang kakayahan na mamuno.
3. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang itaguyod ang pamayanang may paggalang at
respeto sa kapwa anuman ang kasarian. Alin ang pinakamabisang paraan tungo sa
pagkakapantay-pantay?
a. Magkaroon ng mulat na kamalayan sa mga isyu at mga batas kaugnay ng kasarian at
lipunan
b. Manawagan sa kinaukulan na bigyan ng pagkakataon ang mga LGBT na patunayan
ang kanilang kakayanang manungulan sa pamahalaan
c. Ipagbawal ang gender stereotyping
d. Suportahan ang mga komunidad sa kanilang pagbabago at pag-unlad
4. Maraming mga organisasyon o samahan ang naging bunga ng mga pagsisikap na labanan
ang diskriminasyong pangkasarian at karahasan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
a. Gender Equality Resource Center
b. Promundo
c. International Alliance of UN Woman
d. Plan International
5. Ang mga sumusunod ay mga hakbang upang epektibong malabanan ang karahasan sa mga
kababaihan at kanilang mga anak. Alin ang hindi kabilang?
a. Paglalaan ng sapat na pondo para sa mga serbisyong nagbibigay ng proteksyon,
nangangalaga at nagpapa-unlad sa mga kababaihan at kanilang mga anak.
b. Pagpapaigting at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na nagpaparusa sa mga
mapang-abuso

2
c. Pagsusulong ng SOGIE Bill bilang tugon laban sa diskriminasyong pangkasarian
d. Pagtataguyod ng mga programang magsusulong sa mga kababaihan lalong lalo na sa

aspektong pang-ekonomiya
6. Ang infomercial, tulad ng isang patalastas, ay nakakapagpalaganap ng mga mahahalagang
impormasyon ukol sa mga isyung gaya ng diskriminasyon at karahasan. Ito ay madalas na
napapanood sa telebisyon at higit na mas mahaba sa ordinaryong patalastas dahil mas
detalyado ang mga impormasyong nakapaloob dito. Paano kaya nakakatulong ang mga
infomercial na ito upang makamit ang isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kapwa?
a. Sa pamamagitan ng mga infomercial na may kaugnayan sa diskriminasyon at
karahasan, natatamo ang malalim na pang-unawa tungkol sa isyu at napupukaw ang
kamalayan ng mga mamamayan sa mahalagang papel na dapat nilang gampanan
upang palaganapin ang paggalang at pagtulong sa kapwa tungo sa pagkakapantay-
pantay.
b. Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at karahasan ay nagmumulat sa mga tao
upang sila ay makialam sa mga usaping kaugnay ng suliraning ito.
c. Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay ay humihikayat
sa mga mamamayan upang iparating sa pamahalaan ang kanilang kalagayan at mga
hinaing sa pamamagitan ng protesta
d. Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay ay nagsisilbing
inspirasyon ng mga tao upang magtayo ng mga negosyo na may kinalaman sa
industriya ng telebisyon.
7. Tunghayan ang nakapaloob na video sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=ova_C9v7F90. Alin sa mga sumusunod na pahayag

ang makatotohanan batay sa pinanood na video?


a. Responsibilidad ng lahat ng tao at hindi ng iilan lamang ang pagtataguyod ng
komunidad na may pagkakapantay-pantay at respeto sa isa’t isa.
b. Tungkulin ng mga mambabatas na gumawa ng mga ordinansa at batas na
mangangalaga sa kapakanan ng mga inaabusong kababaihan.
c. Ang pakikilahok at pakikialam ng mga politiko ay makakatulong sa pagsugpo ng
karahasan sa mga kababaihan
d. Ang stereotyping ay nakakahikayat sa mga mamamayan upang itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan.
8. Sa panahong ito ng pandemyang dulot ng COVID-19, inaasahang tataas ang kaso ng
mga gender-related violence o GRV sa Pilipinas at sa ibat-ibang panig ng daigdig. Bilang
mag-aaral, paano mo itataguyod ang isang pamayanang may paggalang o respeto sa
kapwa tao?
a. Pangaralan ang mga kasama sa bahay na hindi nararapat sinasaktan ang mga
kababaihan ng mga kalalakihan.
b. Tanggapin ang GRV bilang bahagi ng kulturang Pilipino dahil wala nang maaaring
gawin upang ito ay mabago.
c. Ibahagi ang kaalamang natutunan sa mga kakilala sa komunidad at bumuo ng
mga adbokasiyang nagtataguyod sa mga karapatang pantao ng lahat ng tao lalo
na ang sa kababaihan, kabataan at LGBT.
d. Lumahok sa mga pagdiriwang ng Araw ng mga Kababaihan
9. . Kung ikaw ay isang mamamayang may pakialam, paano mo isusulong ang
pagpapaigting na kaalaman at partisipasyon para sa pagkakapantay-pantay ng
nakararaming tao sa lipunang iyong kinabibilangan?
a. Hikayatin ang mga tao na isulong at suportahan ang mga kampanya at ordinansa
o batas na nagbabawal sa diskriminasyon at karahasan
b. Ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa komunidad ng mga LGBT
c. Ipamalita ang mga nasaksihang karahasan sa komunidad
d. Mag-aral nang mabuti upang balang araw ay maging abogado na magtataguyod
ng hustisya para sa mga naaapi

3
10. Maraming mga malikhaing hakbang at gawain upang magkaroon ng mas malalim na
pag-unawa at para makahikayat ng higit na partisipasyon sa mga kampanya at programang
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang?
a. Paggawa at pagtatanghal ng Pecha Kucha
b. Pagsasagawa ng isang webinar
c. Paghahanap ng butas sa mga organisasyong para sa pagkakapantay-pantay
d. Paglikha ng mga infographics gaya ng pamphlet na nagbibigay ng mga
mahahalagang impormasyon

Balikan

Bago tayo magsimula sa ating aralin, alamin muna natin kung gaano na kalalim ang
iyong pagkatuto mula sa mga nakalipas na paksang inyong tinalakay. Sagutan muna ang
susunod na pagsasanay.

Gawain 1:
I. Panuto: Basahin ang pangungusap. Punan ng tamang salita ang bawat patlang sa
pamamagitan ng pagpili ng wastong sagot mula sa mga salitang nasa
larawan.
1. Ang ________________ ay isang
pandaigdigang kasunduan na pinagtibay ng
United Nations General Assembly noong
1979 na nagbibigay ng pantay na karapatan
at pakikilahok sa mga kalalakihan at
kababaihan sa larangan ng politika,
ekonomiya, sibika at iba pa sa ibat-ibang
panig ng mundo.
2. Tinatawag na ______________ ang
anumang pag-uuri, ekslusyon o restriksyon
sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi
ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa
ng mga karapatan o kalayaan sa lahat ng
kasarian.

4
3. ______________ ang kauna-unahang bansang kabilang sa ASEAN na lumagda at
nagsulong ng CEDAW noong 1981.

4. Sa Pilipinas, ang batas na ______________ ay naglalayon na tugunan ang laganap na


pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga intimate partners.
5. Si ______________ ang pangulo ng Pilipinas na lumagda sa Anti-VAWC Act of 2004.
6. Kilala rin ang batas na ______________ bilang RA 9710 na nagbibigay proteksyon sa
karapatan pantao ng mga kababaihang Pilipino at naglalayong tanggalin ang lahat ng uri ng
diskriminasiyon, lalo na sa mga kababaihang marginalized.
7. Nilalayon ng RA 9262 na proteksyunan ang mga kababaihan at ______________ sa
lahat ng uri ng pang-aabuso at karahasan maging kapamilya, kamag-anak, kakilala o ibang
tao man ang may gawa.
8. Ayon sa batas na _______________, ang sinuman na may personal na kaalaman sa
pang-aabuso at karahasan ay maaaring magsampa ng kaso laban sa akusado.
9. Maaaring idulog sa _____________ ng bawat barangay ang mga kasong may kinalaman
sa karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan.
10. Tinatawag na ____________ women ang mga kababaihang kabilang sa sektor na hindi
nabibigyan ng wastong representasyon sa lipunan.

Binabati kita para sa mga kaalamang iyong natutunan.


Sa ating pagpapatuloy, inaasahan kong mapapalalim mo pa ang iyong pag-unawa sa
mga isyung kaugnay ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian na humahamon sa
kasalukuyang panahon. Upang magawa mo ito, unawain mo, gawain at tapusin ang mga
susunod pang mga gawain.

Tuklasin

Gawain 2: Video-Suri
Buksan ang link at panoorin ang nakapaloob na bidyo. Pagkatapos ay sagutan ang
sumusunod na katanungan.

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=t2JBPBIFR2Y

5
Pamprosesong Tanong:
1. Anong isyung panlipunan ang binigyang pokus sa video clip?
2. Nararanasan pa rin ba ang isyung ito sa loob ng inyong tahanan? Sa Paaralan? Sa
Komunidad? Sa ibat-ibang panig ng daigdig?
3. Anu-ano ang epekto ng suliraning panlipunang ito sa mga batang babae at sa mga
kababaihan?
4. Sumasang-ayon ka ba sa pamagat ng video clip? Bakit?
5. Paano kaya mabibigyang wakas ang suliraning panlipunan na ito?
6. Bilang isang kabataan, ano ang papel mo upang wakasan ang suliraning ito tungo sa
pagkakamit ng isang pamayanang may pagtanggap at paggalang sa mga bata at
kababaihan?

Tama ang iyong iniisip, malaki na ang pagbabago at pag-unlad sa kalagayan ng mga
kababaihan at mga batang babae, maging ng mga taong kabilang sa iba pang kasarian
gaya ng mga transgenders. Higit nang ramdam ang kalayaan sa ibat-ibang aspeto ng
pamumuhay. Marami nang batang kababaihan ang nasa paaralan, at bumaba na ang bilang
ng mga kababaihang ipinapakasal sa panahon ng kanilang kamusmusan. Tumataas na rin
ang bilang ng mga kababaihan na naglilingkod sa pamahalaan at umuukupa sa mga
posisyong pangpamunuan. Hindi na rin mabilang nag mga patakaran, ordinansa at mga
batas na nangangalaga sa mga kababaihan at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.
Maging ang mga kasapi ng LGBT ay nagtatamasa na rin ng mga pagtanggap sa lipunang
kanilang ginagalawan. Sa katunayan, noong 2014, nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista ang
isang Anti-Discrimination Ordinance o ADO na nagbibigay ng proteksyon para sa lahat ng
mga kabilang sa LGBT community laban sa anumang diskriminasyon sa lungsod ng
Quezon. Pinagkakatiwalaan na din ng mga pampublikong posisyon ang mga kabilang sa
LGBT gaya ni Geraldine Roman na isang transgender woman na nagwagi bilang Kongresista
ng Unang Distrito ng Bataan.

Ngunit, sa kabila ng
mga tagumpay na ito,
nanatiling banta sa
seguridad ng mga
kababaihan at mga batang
babae ang diskriminasyon
at karahasan lalong lalo na
yaong nagaganap sa loob
ng tahanan. Katulad ng
ilang mga komunidad sa Pilipinas na mababa pa rin ang pagtingin sa mga kababaihan, may
mga bansa pa din sa ibat-ibang panig ng dagidig ang nagpapairal ng pa-atras na hakbang
kung pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ang pag-uusapan. Nananatiling mababa ang
representasyon ng mga kababaihan sa politika at bilang lamang ang mga kababaihang may
matataas na katungkulan sa mga tanggapan o opisinang pang-negosyo. Bago sumapit ang
panahon ng Pandemyang CoViD-19, isa sa bawat limang babae na may edad 15 hanggang
49 ay dumaranas ng pisikal at sekswal na pang-aabuso. Ngayon, higit kailanman,
pinangangambahan ang pag-akyat ng mga kaso ng domestic violence sa mga kababaihan,
batang babae at maging sa mga matatandang kababaihan dahil sa lumalala at mapighating
kalagayan ng pamumuhay na dulot ng mga lockdowns at home quarantines. Apektado ang
kanilang kabuhayan, kalusugan, seguridad at kaligtasang pang-komunidad

6
.
Sa panahon ng mga hamong binanggit, ang madalas na sumasalo ng mga
negatibong emosyon at reaksyon ng mga padre de pamilya ay ang mga kababaihan at ang
kanilang mga anak na babae.

Ang tanong, sa iyong mga natuklasang kalagayan at suliraning kinahaharap ng mga


kababaihan at mga batang babae, ikaw ba ay bahagi ng suliranin o solusyon?

Para sa mga ang kasagutan ay solusyon, mabuhay ka sapagkat ngayon pa lamang


ay natitiyak kong magiging isa kang mabuting tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay.
Kung ikaw naman ay sumagot ng suliranin, marahil ay napagtanto mong wala ka pang
wastong aksyon sa mga usaping ito o hindi pa ganap na malinaw sa iyo ang maaaring
maidulot ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Huwag kang mag-alala sapagkat
tutulungan ka ng araling ito sa mas malalim pang pag-unawa ukol sa pagkakapantay-pantay
ng mga kasarian. Sa huling bahagi ng modyul na ito, matutuklasan mo kung paano
magsagawa ng mga makabuluhan at malikhaing hakbang bilang pagtataguyod sa isang
pamayanang may paggalang at pagtanggap sa lahat ng mga kasarian.

Ipagpatuloy mo na ang pag-aaral ng iyong leksyon upang higit mong maunawaan


ang halaga ng iyong pakikipagtulungan sa pagkakaroon ng mapayapa at maunlad na
komunidad at bansa. Hangad kong mabuhay sa iyong puso ang damdamin ng pagnanais na
maging bahagi ng solusyon sa suliraning ito.

Suriin

Gawain 3: Tutugon Ako!


Pagmasdan ang larawan. Pamilyar ka ba sa eksena na ipinapakita?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
2. Anu-ano ang mga kadalasang sanhi ng tunggalian sa pagitan ng mga mga kasarian?
3. Namamalas mo ba ito sa iyong komunidad? Ibahagi.
4. Bakit kaya ito patuloy na nagaganap?

7
5. Bilang mag-aaral at kasapi ng komunidad, paano ka tutugon sa hamong dala ng isyung
ito?

Mahalagang isa-isip mo na upang makamtan ang isang pamayanang may


pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, kinakailangan ang pagbibigayan at
pakikipagtulungan sa isa’t-isa. Oo, kabahagi ka upang makamit ang pamayanang may
pagkakapantay-pantay pangkasarian. Dapat matuto kang kilalanin ang mga kakayanan at
katangian ng ibat-ibang kasarian. Sa gayun, mas madali mong matatanggap ang iyong
kapwa anuman ang kanyang kasarian at magiging madali ang paggalang o pagbibigay
respeto sa bawat indibidwal sa iyong pamayanan.

Gawain 4 : Pagsusuri ng mga Teksto at Artikulo


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na teksto. Sagutin mo ang mga pamprosesong
tanong.

A. PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT DI- PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG MGA


KASARIAN

Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o gender equality ang tawag sa kalagayan


kung saan ay pantay ang responsibilidad at oportunidad na nakakamit ng tao kabilang man
siya sa kalalakihan, kababaihan o transgender. Ito rin ay tumutukoy sa patas na
pakikibahagi at pakikinabang ng mga tao anuman ang kasarian nito, sa mga
pangkabuhayan, panlipunan, kultural at politikal na pagsulong at pag-unlad bilang bahagi
ng lipunan. Sa wikang Ingles, ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay katumbas din
ng mga salitang gender equality, gender equity, gender egalitarianism or sexual equality. Sa
datos ng Global Gender Gap Index ng 2018, nangunguna ang Iceland, Norway, at Sweden
sa mga nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa buong daigdig.
Samantala, pang-walo ang Pilipinas sa buong mundo at nangunguna sa mga bansang
Asyano na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.

Hindi pagkakapantay-pantay o gender inequality naman kung ituring ang mga ideya
o pananaw na ang mga lalaki at babae ay hindi patas sa kalagayang panlipunan. Ito ay
nagdudulot ng hindi mabuting epekto sa pamumuhay ng isang indibidwal sa lipunang
kanyang ginagalawan. Ang mga bansang Yemen, Pakistan, at Iraq ay kabilang sa mga may
pinakamalaking agwat pagdating sa usapin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.

Bagama’t isang positibong konsepto ang


pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, hindi maikakaila
na magkakasalungat ang pananaw o saloobin ng mga tao
hinggil dito. May mga bukas ang isip sa pagtanggap sa
kaisipang ito at mayroon din namang mga hindi pa
handang yumakap sa prinsipyong ito. Nababanaag ang
kalagayan ng hindi pagkakapantay-pantay sa lahi, kultura,
politika, at ekonomiya ng mga bansa sa ibat-ibang panig
ng mundo. Sa kasalukuyan, may mga bansa pa rin ang
hindi nagsasaalang-alang sa mga karapatang
pangkababaihan at hindi kumikilala sa kanilang kakayahan
sa ibat-ibang larangan. Kaya naman, nananatili pa rin itong
isang isyung panlipunan na patuloy na humahamon sa
ating pamumuhay hanggang sa kasalukuyan. Anupa’t
patuloy pa rin ang pakikibaka upang labanan ang ibat-
ibang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian.

8
Nakikiisa ang United Nations sa pagsusulong ng gender equality.Kabilang ang
Gender Equality o Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian sa labing-pitong Sustainable
Development Goals o SDGs para sa taong 2030. Ibig sabihin, sampung taong mula ngayon,
layunin ng UN na makamtan ang pangkasariang pagkakapantay-pantay tungo sa
sandaigdigang pamumuhay na mapayapa at maunlad.

Lagi nating isaisip na sa pamamagitan ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian


ay nakakamtan at natatamasa ng mga karapatang pantao. Itinuturing din ito bilang daan sa
pagkakaunawaan at pag-unlad ng pandaigdigang lipunan. Nakakamtan ang pagkakapantay-
pantay ng mga kasarian kung magkakaroon ng sapat na pagkamulat sa mga hamon, isyu at
mga batas na kaugnay nito. Mahalaga din ang pagpapairal ng pagtanggap at paggalang sa
lahat ng tao anumang kasarian ang kanilang kinabibilangan.

Gawain 4A
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang tinatawag na pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o gender equality?
2. Sang-ayon ka ba na ito ay isang positibong konsepto ? Ipaliwanag.
3. Bakit kaya ito nananatili bilang isang malaking suliraning panlipunan hanggang sa
kasalukuyan?
4. Mahalaga ba ang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ang mga
komunidad o bansa?

B. KAHALAGAHAN NG PAGKAKAPANTAY- PANTAY NG MGA KASARIAN

Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay may mabubuting dulot sa lahat ng


mga mamamayan ng lipunang nagsusulong nito. Pangunahin sa mga mabuting dulot nito ay
ang mga sumusunod.
1. Nababawasan nito o napipigilan ang mga karahasan sa mga kababaihan, sa mga
anak na batang babae at maging sa mga transgenders.
 Sinasabing ang pinaka-ugat ng mga karahasan sa kababaihan, mga anak na batang
babae at mga transgenders ay ang hindi pantay na pagtrato ng lipunan sa kanila.
Kaya naman kung may pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, napapababa ang
antas ng karahasang nagaganap sa isang lipunan.
2. Nakakabuti sa ekonomiya ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
 Kalahati ng populasyon ng buong daigdig ay binubuo ng mga kababaihan. Ang
pagbibigay sa kanila ng pantay na pagtrato at oportunidad sa edukasyon at
kalagayang kultural maging sa aspetong pampolitika ay makakalikha ng mga
hanapbuhay at makakabawas sa antas ng kawalan ng trabaho o unemployment rate.
Kapag mas marami ang may kakayahang magtrabaho, mas malakas ang lakas-
paggawa at mas masigla ang ekonomiya ng bansa.
 Nakakatipid ang pamahalaan dahil sa nababawas na malaking halaga mula sa
nakalaang pondo sa paglaban sa karahasan.
3. Nakakamtan ang karapatang pantao ng isang mamamayan
 Nagkakaroon ng batayan ang mga tao, anuman ang kasarian nito, na bigyang
kapasidad na ipagtanggol ang kanyang sarili.
4. Nagiging mas ligtas at malusog ang mga komunidad o pamayanan.
 Ang mga mamamayan mula sa mga bansa kung saan umiiral ang hindi
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay maiilap at walang pagkakaisa. Maaari din

9
silang makaranas ng mataas na antas ng karahasan. Samantala, ang mga tao mula
sa mga bansa na may pagkakapantay-pantay ay may maayos na ugnayan kaya sila
ay mas malulusog at nasa mabuting kalagayan.

Sa kabila ng mga kahalagahang binanggit, nanganganib ang pakikinabang ng mga


lipunan sa Pilipinas at sa iba pang panig ng daigdig sa mga kabutihang dulot nito. Sa
kasalukuyang panahon kasi ay nararanasan natin ang pandemya na dulot ng CoViD-19,
kaya napakalaki ang hamong kinakaharap ng sangkatauhan sa pagsusulong ng paggalang
sa kasarian tungo sa pagkakakamit ang tunay na pagkakapantay-pantay. Ayon sa mga
nakakalap na datos sa ibat-ibang bansa sa daigdig, tumataas ang mga kaso ng karahasan
sa mga kababaihan at mga batang babae ngayong panahon ng pandemya. Ito ay dulot ng
ibat-ibang salik gaya ng violent disciplinary measures at emotional abuse. Dahil dito, doble
ang pagsisikap ng ibat-ibang mga organisasyon upang i-angat ang kalagayan ng mga
kababaihan at batang babae.

C. MGA ORGANISASYONG NAGSUSULONG NG PANGKASARIANG


PAGKAKAPANTAY-PANTAY

Sa mga natapos nyo nang modyul ay inyong natalakay ang ilang mga ahensya at
samahan sa Pilipinas na nagtataguyod ng kapakanang pangkababaihan at pambata gaya
ng GABRIELA National Alliance of Women at ang Philippine Commission on Women. Sa
pamamagitan ng mga ahensya at samahang ito, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na
ipagkaloob ang mga serbisyo, lunas at katarungang panlipunan sa mga kababaihan at mga
batang biktima ng karahasan at diskriminasyon.
Ang pakikibaka para sa pagkakamit ng pagkakapantay-pantay na may pagtanggap
at paggalang sa lahat ng mga kasarian ay hindi lamang nagtatapos sa bawat sulok ng ating
komunidad at bansa. Sapagkat hindi lamang sa Pilipinas nagaganap ang hindi pantay na
pagtrato sa mga kababaihan, patuloy ang kampanya at pakikipaglaban upang itaguyod ang
mithiin para pagkakapantay-pantay maging sa ibat-ibang panig ng ating daigdig.
Ang mga sumusunod na organisasyon ay kaisa ng sangkatauhan sa pagtataguyod
ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
1. UN Women
Ito ang United Nations Entity for Gender Equality and the Empowerment of Women;
Ang organisasyong ito ay itinatag upang tugunan ang pangangailangan ng pagkakapantay-
pantay ng mga kababaihan sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa
lahat mga mga kasaping bansa ng UN upang makamit nila ang pandaigdigang pamantayan
ng kasariang pagkakapantay-pantay. Nakikipagtulungan din ang ahensyang ito sa
pamahalaan at mga samahang pansibiko sa paglikha ng mga mga polisiya , mga batas at
mga serbisyo para sa kapakanan ng mga kababaihan. Ang UN Women ang pangunahing
tagapagsulong ng Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian o Gender Equality na kabilang
sa 17 na UN Sustainable Development Goals para sa taong 2030.
2. Association for Women’s Rights in Development (AWID)
Bilang isang pandaigdigang organisasyon, sinisikap ng AWID na mapagtagumpayan
ang pagkakapantay-pantay kung saan ang mga yaman sa mundo at kapangyarihan
umunlad ay naibabahagi sa lahat habang pinapanatili ang dignidad, pagpapahalaga at
respeto sa bawat indibidwal.
3. Gender Equality Resource Center

10
Itinatag noong 2013, ang GERC ay isang non-governmental organization sa
Pilipinas na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay na pangkasarian.Tumutulong
ang samahang ito sa mga kooperatiba, mga NGOs, LGUs at iba pang ahensya ng
pamahalaan upang itaguyod ang gender equality sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga trainings at capacity building sa mga pribado at pampublikong ahensya na
sumusuporta sa pagkakapantay-pantay. Layunin ng GERC na itaguyod ang gender
eqaulity sa mga kooperatiba at linangin ang kakayahan ng mga kababaihan sa
pagni-negosyo.
4. Center for Reproductive Rights
Nakatuon sa pagsusulong ng mga reproductive rights bilang pangunahing
kaparatang pantao ng mga kababaihan ang organisasyong ito. Aktibo itong nagsisilbi sa
mahit 50 na bansa sa daigdig.
5. Plan International
Adbokasiya ng organisayong ito na ipagtanggol ang mga kabataan, mga bata at mga
komunidad mula sa diskriminasyon at ekslusyong panlipunan.
6. Women for Women International
Ito ay isang pang-internasyonal na organizasyon ng nagsusulong ng mga karapatang
pangkababaihan at sumusuporta sa mga marginalized women sa mga bansang apektado ng
digmaan at sigalot. Tinuturuan nila ang mga kababaihan kung paano kumita at mag-impok,
gumawa ng makabuluhang desisyong pang tahanan at pangkomunidad, at panatilihin ang
kagalingang pangkalusugan.

7. Men Engage Alliance


Ang Men Engage Alliance ay binubuo ng mga samahan sa ibat-ibang mga bansa
mula sa ibat-ibang sulok ng daigdig na nagsusulong ng pangkasariang pagkakapantay-
pantay at katarungan, tungo sa lipunang may malusog at pantay na pagtuturingan sa isat-
isa.
Hinihikayat nila ang masiglang pakikilahok ng mga kalalakihan at mga batang lalaki sa mga
kampanya laban sa domestic violence at diskriminasyon. Kaagapay ng mga kalalakihan,
pinangangalagaan din at isinusulong ng organisasyong ito ang mga karapatan ng mga
LGBT.
8. Promundo
Isa pang pandaigdigang samahan at NGO, ang Promundo ay nagtataguyod ng
katarungang pangkasarian (gender justice) at kampanya laban sa karahasan. Itinatag ito
noong 1997 sa Brazil sa paniniwalang makakatulong ang mga kalalakihan at batang lalaki
upang tuluyang maiwaksi ang mga maling gender norms. Sa halip na patuloy na mamuhay
sa maling pagtrato sa mga kababaihan at batang babae, ang mga kalalakihan ay iminumulat
na maging magalang, maalaga at mapagpahalaga sa mga katangian at kakayanan ng
kababaihan at batang babae. Sa kasalukuyan, mahigit nang 40 na bansa ang katuwang ng
organisasyong ito sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay na pangkasarian.
9. Amnesty International

11
Ikinakampanya ng Amnesty International ang mga pandaigdigang karapatang pantao
partikular ang mga nilalaman ng Universal Declaration of Human Rights. Layuning nitong
magsagawa ng mga pananaliksik na maaaring magbigay-daan sa pagkakalikha ng mga
solusyon upang mapigilan o tuluyang ma-tuldukan ang lumalalang pang-aabuso sa
karapatang pantao. Ginagarantiyahan ng samahang ito ang pagpapatupad ng mga batas na
nagbibigay hustisya sa mga babaeng biktima ng karahasan.

10. Save the Children


Aktibo sa mahigit 120 na bansa sa buong mundo, ito ay isa sa pinakamalaking
pandaigdigang NGO na nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan ng mga bata. Sa
pakikipagtulungan sa mga pangunahing kasapi o stakeholders, natutukoy at natutugunan
ang mga pangunahing ugat ng hindi pagkakapantay-pantay sa mga kasarian. Isinusulong
din nito ang mga batas na kaugnay ng gender equality.

Gawain 4B:
Pamprosesong Tanong:
1. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na lumahok sa isa sa mga organisasyong
nagsusulong ng gender equality, alin ang pipiliin mo? Bakit?
2. Bilang kasapi, paano ka makakatulong sa adbokasiya ng isamahan o organisasyong
iyong sinalihan?

Tunay nga na nagdudulot ng pagsulong sa lipunan ang pagkakamit ng


pagkakapantay-pantay sa lahat ng mga kasarian. Ngunit, bakit nagpapatuloy pa rin ang
hindi pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa ating lipunan?
Maraming mga dahilan ang humahadlang sa pagkakamit ng tunay at
pangmatagalang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa pamayanan o komunidad.
Nangunguna sa mga balakid na ito ay ang nanatiling mababang pagtingin at negatibong
pagtrato ng mga kalalakihan sa mga kababaihan, mga batang babae at sa mga
transgender. Ang pananaw na ito ay nagdudulot ng iba pang mga kaugnay na suliranin na
siyang nakakaapekto sa lipunang ating kinabibilangan.
Mananatili na lamang ba tayong nakagapos sa siklo ng karahasan at diskriminasyon
na dulot ng kawalan ng pagkakapantay-pantay? Ipapamana parin ba natin sa susunod na
mga henersyon ang kultura ng hindi pagtanggap at paggalang sa lahat ng kasarian? Kung
ang tugon mo sa mga katanungang ito ay hindi, halina at ating suriin ang mga hakbang kung
paano itataguyod ang isang pamayanang may pagtanggap at respeto sa mga kasarian
tungo sa pagkakapantay-pantay.

D. MGA HAKBANG UPANG MAKAMTAN ANG PANG-MATAGALANG


PAGKAKAPANTAY- PANTAY NG MGA KASARIAN

Nangunguna ang Pilipinas sa mga


bansang Asyano sa pagtatayuyod ng
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
Katunayan, ito ay isa sa mga bansang may
pinakamaliit na gender disparity sa buong daigdig.
Sa Global Gender Gap Index na inilathala noong
2017, ika-10 ang Pilipinas sa ranking ng 145 na
mga bansa na nagtataguyod ng gender equality.
Sa datos na nasa larawan, makikitang mas lalo
pang lumiit ang agwat ng mga kasarian sa

12
Pilipinas noong taong 2018. Patunay lamang ito na maayos na naitataguyod ng bansa ang
kanyang mga programa ukol sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at, umaangat ang
kalagayan ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Ngunit, sa pagsapit ng taong 2019, bumaba sa ika-16 ang ranking ng Pilipinas. Ang
pagbulusok nito sa ranking ay maiuugnay sa lumalapad na political empowerment gap na
nararanasan kung saan bumaba ang bilang ng mga kababaihang humahawak ng posisyon
sa pamahalaan.
Naririto ang ilan sa mga hakbang na maaaring isakatuparan upang makamtan ang
lipunang may pagkakapantay-pantay:
1. Bigyan ng tinig ang mga kababaihan, mga batang babae at ang mga transgenders
2. Imulat sa mga kababaihan ang paggamit ng teknolohiya at ang pag-aaral ng mga
kursong kaugnay nito.
3. Pigilan ang child marriage at sexual harrassment
4. Gawing sensitibo sa kasarian ang edukasyon
5. Itaguyod ang mga hangarin ng mga batang babae at kanilang magulang
6. Pagpapalakas sa mga kababaihan at transgenders
7. Bigyan ng pagpapahalaga ang mga gawaing pangkababaihan
8. Kilalanin ang kakayahan ng mga kababaihan bilang mahusay na lider
9. Hikayatin ang mga kababaihan sa mga makabagong bokasyon o kurso
10. Pangunguna ng mga kalalakihan sa pagtatanggol at pagbibigay ng suporta sa mga
kababaihan at mga batang babae
11. Labanan ang karahasan
12. Mag-ingat sa mga panlalait at pagmamaliit

Tiyak kong may mga maidadagdag pa kayo sa mga pamamaraang ito. Huwag mag-
atubili na ibahagi sa mga ka-klase, kaibigan o kakilala ang mga hakbang na iyong naiisip. Sa
ganitong paraan ay makakatulong ka sa pagpapalaganap ng gender equality sa iyong
komunidad.

Gawain 4C:
Pamprosesong Tanong:
1. Paano kaya makakamtan ang pangmatagalang pagkakapantay- pantay ng mga
kasarian ?
2. Bilang isang kabataan at mag-aaral, alin sa mga hakbang ang kaya mong isakatuparan o
gawin upang itaguyod ang pagkakapantay- pantay?

Gawain 5: i-TIK-TOK MO!


Sa puntong ito, ikaw ay gagawa ng isang tiktok version na naglalaman ng kung
paano mo isinusulong o pinananatili ang pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa
pagkakapantay-pantay sa loob ng inyong tahanan. Gawing maikli ngunit siksik sa mensahe
ang inyong tik-tok version. Gamiting batayan ang sumusunod na krayterya.

Krayterya ng Pagmamarka:

Nilalaman at Mensahe 50%


Pagkamalikhain 25%
Kalidad ng Bidyo at Audio 25%
KABUUAN 100%

13
Gawain 6:
Panuto: Mula sa binasang mga teksto, gumawa ng tanong para sa bawat paksa. Ang mga
tanong ay dapat na masagot sa pamamagitan ng pagpapaliwanag batay sa sariling
pagkakaunawa. Kopyahin ang Knowledge Is Power Sheet (My KIP Sheet) sa A4 size na
bondpapaer kung saan mo isusulat ang iyong kasagutan.

IBA PANG MALIKHAING HAKBANG NA NAGSUSULONG NG PAGTANGGAP AT


PAGGALANG SA MGA KASARIAN TUNGO SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG TAO
BILANG KASAPI NG PAMAYANAN

Madaling sabihin sa panig ng isang indibidwal na siya ay may sumusuporta sa


adbokasiya ng pagkakapantay-pantay na pangkasarian ngunit mahirap itong gawin at
ipakita.Subukan mong tanungin ang iyong mga kasama sa bahay, mga kaibigan, o kahit
ang iyong mga kamag-aral kung paano sila nakikibahagi sa pagsusulong ng pagkakapantay-
pantay ng mga kasarian sa lipunan. Naibigay ba nila ang tiyak at malinaw na kasagutan sa
iyong katanungan? Kung nakapagbigay sila ng katanggap-tanggap na kasagutan, mahusay
kung ganun.Ikaw? Ano ang nagawa mo na o ginagawa mo upang isulong ang
pagkakapantay-pantay sa lipunan? Sapat na ba at epektibo ang iyong pamamaraan?
Upang mapalalim pa ang iyong kaalaman at lalong malinang ang iyong kasanayan
sa pagsusulong ng pagtanggap at pagrespeto sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay,
halina at aralin natin ang ilan sa mga malikhaing paraan upang isulong ang pagkakapantay-
pantay ng mga tao sa lipunan.
Nakapaloob sa MELCs ang 3 malikhaing gawain na maaari mong isagawa upang
isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa iyong
komunidad o bansa. Ang mga ito ay ang pagbabahagi ng
mga impormasyong kaugnay ng pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng adbokasiya sa pamamaraang Pecha
Kucha; makahikayat ng partisipasyon ng marami pang

14
mamamayan sa pamamagitan ng infographic material na pamphlet; at makapagpamulat sa
tao tungkol sa mga batas at mga samahang sumusuporta sa ibat-ibang kasarian sa
pamamagitan ng pagtatanghal ng isang webinar.

Talakayin natin isa-isa ang mga malikhaing gawain na ito upang higit mong
mapaghandaan ang mga susunod na gawain. Ang una sa mga malikhaing hakbang na ito
ay ang pagsasagawa ng advocacy video.
A. ADVOCACY- adbokasiya; isang pampublikong pagsuporta o rekomendasyon sa isang
partikular na polisiya o pampublikong hangarin.
Sari-saring mga paraan ang maaaring gamitin upang ipahayag ang ating adbokasiya
para sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Sa pagkakataong ito, itatampok natin ang
paggawa ng Pecha Kucha bilang epektibong paraan ng pagpapahayag ng ating adbokasiya.
Ang Pecha Kucha ay isang malikhaing presentasyon na gaya din ng “Show and Tell” ngunit
may malikhaing pagkakaiba. Bilang isang salitang Japanese, ito ay binibigkas na “pet-shak
coot-sha” na nangangahulugan ng maikling kwentuhan. Tinatawag din itong 20/20 na
presentasyon dahil ginagamitan ito ng 20 slides na tinatalakay sa loob ng 20 segundo bawat
isa. Tumatagal ang bawat presentasyong Pecha Kucha sa loob ng 6 na minuto at 40 na
segundo. Direkta at simple ang pagtalakay sa mga magkakaugnay na ideya kung kaya ito
ay lubhang nakakaengganyo at epektibo lalong lalo na para sa mga manonood na may
maikling atensyong pampagkatuto at maging sa uri ng mga mag-aaral sa kasalukuyang
panahon na kung ituring ay mga digital natives pagdating sa usaping pang-teknolohiya.
Paano nga ba isinasagawa ang Pecha Kucha? Kahit sino ay maaaring makalikha ng
isang presentasyong Pecha Kucha. Dahil simple lamang ang paggawa, kayang-kaya din
itong gawin ng isang mag-aaral na gaya mo. Naririto ang mga hakbang kung paano
ginagawa presentasyong Pecha Kucha:
1. Buuin ang plano o blueprint ng inyong presentasyon at paksa.
a. Pumili ng tema o paksa at isipin kung paano ito iku-kwento sa paraang
makatawag-pansin at nakakahikayat.
b. Gumawa ng iskrip. Tandaan, mag-pokus sa mahahalagang ideya o
impormasyon at ipaliwanag nang simple at direkta ang kaalamang nais
ibahagi.
c. Magpasya kung ano ang mga kagamitan at larawang gagamitin sa
paggawa ng slides
d. Gumawa ng 20 slides tungkol sa iyong paksa. Tiyakin na may lubusang
pagkaunawa sa paksang tatalakayin.
2. Maging simple at direkta sa iyong presentasyon. Ibahagi ang iyong sariling
karanasan at tunay na saloobin kaugnay ng paksa.
3. Magsanay ng presentasyon sa harap ng mga aktibo at kakilalang manonood.
4. Isagawa ang presentasyon ng buong husay.
a. Ipanatag ang sarili at gawing makatotohanan sa iyong pagbabahagi.
b. Gumamit ng akmang tono at lakas ng boses.
c. Tumayo ng tuwid at isaalang-alang ang mga kilos ng katawan o body
language.
d. Tumingin ng tuwid o tumingin sa mata ng manonood o kausap.
5. Gawing kawili-wili at masaya ang paraan ng pagtalakay.

Para sa halimbawa ng isang Presentasyong Pecha Kucha at iba pang impormasyon


tungkol dito, buksan ang mga sumususnod na link:

15
https://www.youtube.com/watch?v=PkyzsIfk2RE How to Prepare a Pecha Kucha
https://www.youtube.com/watch?v=vUpkccg4i3A Pecha Kucha: Children and Emotions

May iba pang malikhaing paraan upang palaganapin ang kampanya para sa
pagkakapantay-pantay. Maaaring gumamit ng infomercial at infographics.
B. INFOMERCIAL- ito ay isang bidyo o patalastas na tumatalakay sa isang isyu na may
layong pukawin ang saloobin ng mga manonood upang isagawa ang isang naaakmang
pagkilos o pagtugon. Naiiba ito sa pangkaraniwang patalastas dahil mas mahaba at tuloy-
tuloy ang pagtatanghal nito na maaaring tumagal mula 2-3 minuto. May mga pagkakataong
umaabot sa kalahating oras hanggang isang oras ang ibang mga infomercials.
INFOGRAPHIC- ito ay isang grapiko at biswal na paglalarawan ng mga impormasyon,
datos, at iba pang kaalaman sa disenyong mabilis at madaling maunawaan.

Ang mga infographics at mga infomercials ay mabisang midyum upang isulong ang
isang adhikain at humikayat ng wastong pagkilos o pagtugon.Maaaring ipakita sa
infographics o itampok sa infomercial ang mga paraan kung paano maipapalaganap ang
pagkakapantay-pantay sa tahanan, paaralan, komunidad at bansa.
Upang magkaroon ng ideya kung paano makakagawa ng isang epektibong
infomercial o infographics, maaaring buksan ang link na nasa ibaba:
https://www.youtube.com/watch?v=xV4hnb2XKqc - What is an Infographic?
https://www.youtube.com/watch?v=gI9UH4VkdZM - Canva Infographic Tutorial
https://www.youtube.com/watch?v=A6_7zC0mB9w – Common Types of Infographics

Upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay, ikaw ay nakatakdang gumawa ng


infographic pamphlet na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
pagkakapantay-pantay. Nasubukan mo na bang magbasa ng isang pamphlet? Tungkol
saan naman kaya ang paksa ng iyong binasa? Epektibo ba ito upang madaling matandaan
ang mga mahahalagang kaisipan at mensahe ng paksang tinatalakay?
Ano nga ba ang tinatawag na pamphlet? Katumbas ng polyeto sa Tagalog, ang
pamphlet ay isang babasahin na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
Dahil ito ay naka-pokus sa pagbibigay ng mga mahahalagang kaalaman o impormasyon
tungkol sa isang bagay o paksa, akma itong gamitin upang isulong ang ating adhikain na
palaganapin ang kaisipan ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lipunan. Higit na
nakakahikayat basahin ang isang pamphlet kung gagamitan ito ng mga biswal at grapikong
paglalarawan ng mga datos o impormasyon. Ito naman ang tinatawag na infographic
pamphlet. Upang makagawa nito, maaaring gumamit ng ibat-ibang templates mula sa ibat-

16
ibang applications tulad ng canva at pictochart. Maaari din namang gumawa ng sariling
disenyo gamit ang ms powerpoint o ang google slides.
Para sa karagdagang kaalaman kung paao gumawa ng isang pamphlet,buksan
lamang ang link na ito: https://www.wikihow.com/Make-a-Pamphlet

Sa pagtatapos ng Ikatlong Markahan, inaasahang makakapagtanghal ng isang


webinar ang mga mag-aaral ng Grade 10 na makakapagpamulat sa kamalayan ng mga
mamamayan ukol sa mga batas at mga samahang sumusuporta sa ibat-ibang kasarian.
Bilang epektibo at makabagong estratehiya para sa panawagang iwaksi ang karahasan at
diskriminasyon, tuklasin natin kung ano ang webinar at kung paano ito isinasagawa.
C. WEBINAR- isang seminar na ginagawa sa pamamagitan ng web at internet.
Ang mga sumusunod ay mga hakbang kung paano isinasagawa ang isang webinar.
1. Bumuo ng pangkat.
Ang webinar ay binubuo ng 3 pangunaging tagaganap. Nakasalalay sa kanila ang
ikatatagumpay nito kung kayat maging mahusay sa pagpili ng inyong mga makakasama.

a. ORGANIZER- namumuno sa pagtatatag o pagtatanghal ng isang webinar. Sila


ang responsible sa paghahanap ng mga tagapagsalita at sa
pagsasagawa ng mga kaukulang anunsyo kaugnay na gaganaping
webinar.
b. PRESENTERS- kinabibilangan ng mga eksperto sa presentasyon at sa paksang
tatalakayin. Sila ang responsible sa paggawa ng mga presentasyon
at sa paghahatid nito sa mga manunuod at sa iba pang kalahok ng
webinar. Sila rin ang responsible sa patalaan ng mga kalahok at
maging sa pag-troubleshoot sa mga suliraning teknikal. Nakasalalay
sa kanila ang kabuuang daloy ng kumperensya.
c. ASSISTANTS- kaagapay ng presenters at organizers sa pagtugon sa mga tanong
at mga intindihing teknikal.
2. Pagpasyahan ang estruktra o format ng webinar na itatanghal.
a. Single Speaker – isang speaker o tagapagsalita lamang ang nakikipag-usap sa
mga kalahok at siyang sumasagot sa mga katanungan. Mainam ito para sa webinar na
kakaunti lamang ang kalahok.
b. Interview Format – ang tagapagsalita ay kumakapanayan eksperto sa paksa gamit
ang mga ihihandang katanungan. Ang uri ng webinar na ito at nakakahumaling o engaging
dahil sa masiglang ugnayan ng mga kalahok at tagapagsalita sa pamamagitan ng question
and answer.
c. Modulated Panel Discussion- may mga dalawa o higit pang bilang ng mga
tagapagsalita na tumatalakay sa mga tukoy nang paksa. Kinakailangan ang tulong ng
tagapamagitan o moderator sa isang panel webinar.
d. Question and Answer- kahawig ito ng pampanayam o interview format kung saan
ang tagapagsalita ay sumasagot ng mga katanungan ngunit sa pagkakataong ito, direktang
nakakapagtanong ang mga kalahok sa tagapagsalita. Madalas itong isinasagawa sa huling
bahagi ng anumang webinar format.
3. Planuhin at ihanda ang mga kagamitang biswal.
Tiyakin na handa ang kamera ng mga presenters.Dahil ito ay web-based o online na
palatuntunan, lubhang mahalaga na maayos at kaiga-igaya din ang audio at visual materials
na gagamitin sa presentasyon.
4. Pumili ng akmang webinar platform.

17
Sa kasalukuyan, ilan sa mga popular na platform na ginagamit sa pagtatanghal ng
mga webinar ay ang google meet, facebook messenger at ang zoom.
5. Ihanda ang mga tamang kagamitan at espasyo.
Sa pagsasagawa ng isang webinar, humanap ng isang tahimik at maaliwalas na
espasyo. Tiyaking na malakas ang inyong internet connection o signal sa napiling lugar.
Makakatulong din ang paggamit ng headset at microphone upang maging mas malinaw at
maayos ang kabuuan ng palatuntunan.
6. Ipabatid sa madla ang inyong webinar.
Upang maipaabot sa kaalaman ng mga target na kalahok ang tungkol sa gaganaping
webinar, maaaring i-post sa social media gaya ng GCs ang anunsyo o magpadala ng
imbitasyon ng pagdalo sa messenger o sa e-mail ng mga delegado.
7. Itakda ang akmang petsa at oras.
Isaalang-alang ang availability ng mga kalahok at ng mga tagapagsalita kung
magtatakda ng petsa at oras para sa inyong webinar. Siguraduhin na nakararami kung hindi
man lahat ng kalahok ay makakadalo.
8. Pumili ng mga paksang napapanahon at makabuluhan.
Upang makuha ang atensyon at partisipasyon ng mga target na kalahok, mahalaga
na makatawag-pansin ang mga pag-uusapan at may kaugnayan ito sa kanilang interes at
pamumuhay.
9. Magsagawa ng sapat na pagsasanay teknikal at dry-runs
Ang pagsasagawa ng isang webinar ay bahagi ng hamong dulot ng pagsapit ng new
normal kung kayat bago sa atin ang gawaing ito. Idagdag pa ang pagsasa-alang-alang na
gagamit tayo ng teknolohiya na nakadepende sa lakas ng internet connection. Tandaan, ang
pagtatanghal ng mga webinar ay madalas na live kaya naman kinakailangan ang higit na
paghahanda at pagsasanay upang matiyak ang ikakatagumpay ng webinar. Makakatulong
kung magsasagawa ng mga dry-runs ilang araw bago sumapit ang aktwal na webinar. At,
kinakailangan ang aktibong pakikibahagi ng mga pangunahing kalahok dito.
DRY RUN – praktis sa pagsasagawa ng kabuuang palatuntunan bago ang aktwal na
pagtatanghal.
10. Magsagawa ng follow-ups sa mga dumalo
Mahalaga na panatilihin ang ugnayan sa mga dumalong kalahok lalong lalo na kung
ang layunin ng pagsasagawa ng webinar ay ang imulat sila sa mga makabuluhang paksa na
nangangailangan ng positibong pagtugon at aktibong pakikilahok pansibiko.

Ngayon ay handa ka nang isagawa ang ilang mga mapanghamong gawain na


kaugnay ng ating aralin. Kakailanganin mo ang mga kaalamang iyong natutunan at wastong
paghahanda upang matagumpay na maisagawa ang mga gawaing ito.

Pagyamanin

Gawain 7: Pecha Kucha


Panuto: Papangkatin kayo ng inyong guro. Bawat pangkat ay binubuo ng 3 kasapi. Pumili ng
paksa mula sa pagpipilian na nasa ibaba. Magtulungan upang makagawa ng isang Pecha
Kucha tungkol sa Gender Equality. Ang mga Pecha Kucha ng mga pangkat ay itatanghal sa
pamamagitan ng google meet.
Paksa:

18
a. Kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa isang pamayanan
b. Mga Samahan o Organisasyong nagsusulong ng Pagkakapantay-pantay ng Kasarian sa
Komunidad
c. Hakbang kung paano itataguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa
komunidad
d. Mga Pananaw at Gawi na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay na pangkasarian.

Pamantayan ng Pagmamarka:

Gawain 8: Infographic na Pamphlet


Kumuha ng pa-partner na makakatulong ninyo sa gawain. Gumawa ng isang pamphlet na
naglalaman sa mga grapiko at biswal na paglalarawan ng mga datos at mahahalagang
impormasyon tungkol sa gender equality.

Pamantayan ng Pagmamarka:

19
Isaisip

Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o gender equality ang tawag sa kalagayan


kung saan pantay ang responsibilidad at oportunidad na nakakamit ng tao kabilang man
siya sa kalalakihan, kababaihan o transgender. Ito rin ay tumutukoy sa patas na
pakikibahagi at pakikinabang ng mga tao anuman ang kasarian nito, sa mga
pangkabuhayan, panlipunan, kultural at politikal na pagsulong at pag-unlad bilang bahagi
ng lipunan.
Mahalaga ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian tungo sa pagkakamit ng mga
karapatang pantao. Itinuturing din ito bilang daan sa pagkakaunawaan at pag-unlad ng
pandaigdigang lipunan. Nakakamtan ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian kung
magkakaroon ng sapat na pagkamulat sa mga hamon, isyu at mga batas na kaugnay nito.
Mahalaga din ang pagpapairal ng pagtanggap at paggalang sa lahat ng tao anumang
kasarian ang kanilang kinabibilangan.
Makakatulong ang mga simpleng pamamaraan na ito upang i-kampanya at itaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa ating pamayanan.
1. Magkaroon ng kamalayan sa mga isyu, hamon at mga
batas na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay
2. Bumuo ng mga adbokasiya at mga kampanya na
nagpapaigting ng mga kaalaman at partisipasyon ng mga
mamamayan.
3. Kumilos, magsalita, mag-isip at magpasya nang may
dignidad at buong pananagutan.
3. Laging isabuhay ang pagtanggap at paggalang sa
kasarian ng iyong kapwa.

Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansang Asyano sa pagtatayuyod ng


pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Katunayan, ito ay isa sa mga bansang may
pinakamaliit na gender disparity sa buong daigdig.

20
Isagawa

Gawain 9: PAGTATANGHAL NG ISANG WEBINAR


Magtanghal ng isang webinar na nakabatay sa mga sumusunod na layunin.
1. Magbigay ng sapat na impormasyon upang mapalalim ang kamalayan ng mga kasapi ng
pamayanan
2. Makahikayat ng aktibong pakikibahagi o partisipasyon ng mas nakararaming mamamayan
3.Naipapaunawa ang kahalagahan ng pagtanggap at respeto sa kasarian tungo sa
pagkakapantay-pantay bilang daan sa pambansa at pandaigdigang pagkakaunawaan at
pag-unlad.
Mga Mungkahing Paksa para sa Webinar:
- Mga Batas Laban sa Karahasan at Diskriminasyon
- Mga Samahang Sumusuporta sa Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian
- Kahalagahan ng Pagtanggap at Respeto sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-
pantay ng mga Tao sa Lipunan

Tayahin

Gawain 10: Panuto: A. Tukuyin ang mga inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang titik
ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang infomercial, tulad ng isang patalastas, ay nakakapagpalaganap ng mga mahahalagang
impormasyon ukol sa mga isyung gaya ng diskriminasyon at karahasan. Ito ay madalas na
napapanood sa telebisyon at higit na mas mahaba sa ordinaryong patalastas dahil mas
detalyado ang mga impormasyong nakapaloob dito. Paano kaya nakakatulong ang mga
infomercial na ito upang makamit ang isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kapwa?
a. Sa pamamagitan ng mga infomercial na may kaugnayan sa diskriminasyon at
karahasan, natatamo ang malalim na pang-unawa tungkol sa isyu at napupukaw ang
kamalayan ng mga mamamayan sa mahalagang papel na dapat nilang gampanan
upang palaganapin ang paggalang at pagtulong sa kapwa tungo sa pagkakapantay-
pantay.
b. Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at karahasan ay nagmumulat sa mga tao
upang sila ay makialam sa mga usaping kaugnay ng suliraning ito.
c. Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay ay humihikayat
sa mga mamamayan upang iparating sa pamahalaan ang kanilang kalagayan at mga
hinaing sa pamamagitan ng protesta
d. Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay ay nagsisilbing
inspirasyon ng mga tao upang magtayo ng mga negosyo na may kinalaman sa
industriya ng telebisyon.
2. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang itaguyod ang pamayanang may paggalang at
respeto sa kapwa anuman ang kasarian. Alin ang pinakamabisang paraan tungo sa
pagkakapantay-pantay?
a. Magkaroon ng mulat na kamalayan sa mga isyu at mga batas kaugnay ng kasarian at
lipunan
b. Manawagan sa kinaukulan na bigyan ng pagkakataon ang mga LGBT na patunayan
ang kanilang kakayanang manungulan sa pamahalaan

21
c. Ipagbawal ang gender stereotyping
3. . Kung ikaw ay isang mamamayang may pakialam, paano mo isusulong ang
pagpapaigting na kaalaman at partisipasyon para sa pagkakapantay-pantay ng
nakararaming tao sa lipunang iyong kinabibilangan?
a. Hikayatin ang mga tao na isulong at suportahan ang mga kampanya at ordinansa
o batas na nagbabawal sa diskriminasyon at karahasan
b. Ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa komunidad ng mga LGBT
c. Ipamalita ang mga nasaksihang karahasan sa komunidad
d. Mag-aral nang mabuti upang balang araw ay maging abogado na magtataguyod
ng hustisya para sa mga naaapi
4. Maraming mga malikhaing hakbang at gawain upang magkaroon ng mas malalim na pag-
unawa at para makahikayat ng higit na partisipasyon sa mga kampanya at programang
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang?
a. Paggawa at pagtatanghal ng Pecha Kucha
b. Pagsasagawa ng isang webinar
c. Paglahok sa mga kilos protesta
d. Paglikha ng mga infographics gaya ng pamphlet na nagbibigay ng mga
mahahalagang impormasyon

5. Sa panahong ito ng pandemyang dulot ng COVID-19, inaasahang tataas ang kaso ng


mga gender-related violence o GRV sa Pilipinas at sa ibat-ibang panig ng daigdig. Bilang
mag-aaral, paano mo itataguyod ang isang pamayanang may paggalang o respeto sa
kapwa tao?
a. Pangaralan ang mga kasama sa bahay na hindi nararapat sinasaktan ang mga
kababaihan ng mga kalalakihan.
b. Tanggapin ang GBV bilang bahagi ng kulturang Pilipino dahil wala nang maaaring
gawin upang ito ay mabago.
c. Ibahagi ang kaalamang natutunan sa mga kakilala sa komunidad at bumuo ng
mga adbokasiyang nagtataguyod sa mga karapatang pantao ng lahat ng tao lalo
na ang sa kababaihan, kabataan at LGBT.
d. Lumahok sa mga pagdiriwang ng Araw ng mga Kababaihan
B. Basahin at unawain ang baway pahayag. Ilagay ang tsek (/) kung ang pagkilos ay
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay na pangkasarian at ekis (x) naman kung
hindi.
___ 1. Pagkilala sa mga kakayahan ng mga kababaihan bilang mahusay na lider.
___ 2. Pakikilahok ng mga kalalakihan sa mga kampanya at programang pangkababaihan.
___ 3. Pagiging tahimik sa mga isyung may kaugnayan sa gender equality
___ 4. Pagpapauso ng mga tik-tok na nagsusulong ng paggalang sa ibat-ibang kasarian
___ 5. Pag-iwas ng mga kalalakihan sa pakikipag-diskusyon sa mga kababaihan
___ 6. Pagsali sa mga organisasyong nagsusulong sa mga karapatan ng mga kababaihan
at
bata.
___ 7. Pakikibahagi sa mga webinar na nagmumulat sa kamalayan ng mga mamamayan
patungkol sa mga isyung pangkasarian.
___ 8. Pagsuporta sa mga programa ng UN Women, Save the Children, at GERC.
___ 9. Pagtanggap ng mga pagawaan at kompanya sa mga kababaihan bilang empleyado.
___10. Pagtuturo sa mga kapatid at anak na lalaki ang mga kababaihan ay dapat na
iginagalang at sinusuportahan.
___ 11. Paghikayat sa mga kababaihan na hiwalayan ang mga asawa o ka-partner na
mapanakit at mapang-abuso.
___ 12. Pagmumulat sa mga batang babae na sila ay dapat tumalima at magpasakop sa
mga

22
kalalakihan sa lahat ng pagkakataon.
___ 13. Pagsasagawa ng mga sesyon o presentasyong Pecha Kucha upang ipalaganap
ang
pagtanggap at pagrespeto sa ibat-ibang kasarian sa lipunan.
___ 14. Pagkilala at paggalang sa karapatan ng mga transgender bilang kasapi ng lipunan
o
pamayanan.
___ 15. Pagwawaksi sa kaisipang peminismo.

Karagdagang Gawain

Gawain 11 :
Ipahayag ang iyong pag sang-ayon sa pamamagitan ng emoji na at ang iyong di-
pagsang-ayon sa pamamagitan ng emoji na .
1. Napagtanto ng mga lider ng pamahalaan na mahalaga ang papel na ginagampanan ng
mga kababaihan sa lipunan kaya’t nararapat lamang silang suportahan at igalang.
2. Si Renier na kabilang sa mga LGBT ay nararapat na magtamasa din ng mga karapatang
pantao na tinatamasa ng mga kalalakihan at kababaihan.
3. Malaki ang papel ng mga kalalakihan sa pagtataguyod ng pagtanggap at paggalang sa
ibat-ibang kasarian tungo sa pangmatagalang pagkakapantay-pantay.
4. Nakakabawas ng pagkalalaki ang pagtrato sa mga kababaihan at batang babae nang
may pagtanggap at pag-respeto.
5. Nagdudulot ng masamang epekto sa imahe ng pulisya at kasundaluhan ang pagtanggap
ng mga LGBT sa hanay nito.
6. Mahusay ang mga kababaihan sa ibat-ibang larangan kaya dapat na bigyang ng
pagkakataon na ipakita ang kanilang kakayahan sa pagpapaunlad ng bansa.
7. Sa murang edad, ang mga batang babae ay dapat na inihahanda sa mga gawaing
pambahay bilang paghahanda sa kanilang buhay may-asawa.
8. Dapat nang pahintuin sa pagta-trabaho ang mga kababaihan na nabuntis nang hindi pa
ikinakasal.
9. Si Lilet ay pinag-aral ng kanyang mga magulang upang matuto ng mga kaalamang
kakailanganin niya sa pagpapaunlad sa kanyang sarili at pamayanan.
10. Nabasa ni Juan mula sa isang infographic material na dapat tinatrato nang maayos ang
mga kababaihan at mga bata kaya’t ibinabahagi din niya ang kaalamang ito sa kanyang mga
kaibigan at kakilala.

Gawain 12: Panantang K-K-K


Panuto: Ipahayag ang iyong pagpapasya at pamamaraan kung paano mo itataguyod ang
pagkakapantay-pantay na pangkasarian sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa
ibaba.
ANG AKING PANATA
Paano mo itataguyod ang pagtanggap at paggalang sa ibat-ibang kasarian tungo sa
pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa pamayanan o bansa?

23
Bilang isang….
Kamag-aral Ka-pamilya Kabataan sa inyong
(anak, kapatid, kamag-anak) Komunidad

Sanggunian
Department of Education( 2020 ), Curriculum Implementation and Learning Management
Matrix, Grade 1 to Grade 10 pahina 33

Araling Panlipunan 10 Modyul, pahina 310-335

PEAC (2018). Learning Module_Araling Panlipunan G10,Q3: Mga Isy at Hamon sa Kasarian
file:///C:/Users/USER/Downloads/2018_APG10Q3.pdf

Website:
https://asia.nikkei.com/Economy/Singapore-rises-in-gender-equality-ranking-as-Philippines-
slips

Links:
https://www.youtube.com/watch?v=t2JBPBIFR2Y – The Impossible Dream
https://www.youtube.com/watch?v=PkyzsIfk2RE How to Prepare a Pecha Kucha
https://www.youtube.com/watch?v=vUpkccg4i3A Pecha Kucha: Children and Emotions
https://www.youtube.com/watch?v=xV4hnb2XKqc - What is an Infographic?
https://www.youtube.com/watch?v=gI9UH4VkdZM - Canva Infographic Tutorial

24
https://www.youtube.com/watch?v=A6_7zC0mB9w – Common Types of Infographics
https://www.wikihow.com/Make-a-Pamphlet - How to Make a Pamphlet

25

You might also like