You are on page 1of 7

San Pablo Diocesan Catholic Schools System

Diocese of San Pablo


Liceo de San Pablo
M. Paulino St., San Pablo City, Laguna
F.Y. 2021 – 2022

LEARNING MODULE

3rd QUARTER - ( WEEK 3-4 )


PANGALAN: __________________________
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
BAITANG AT SEKSYON: ________________
GURO: Bb. Alliana Jill P. Rosete
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu at
hamong pang ekonomiya, pangkalikasan, pampolitika, karapatang pantao, pang-edukasyon at
pananagutang sibiko at pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang
panahon gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang
sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong
pagpapasya.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mag -aaral ay nakagagawa ng mga Ang mag -aaral ay may pag -unawa sa mga
malikhaing hakbang na nagsusulong epekto ng mga isyu at hamon na may
ngpagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
kasarian upang maitaguyod ang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa
pamayanan. bilang kasapi ng pamayanan.

Most Essential Learning Competencies

 Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender)at sex at gender roles sa iba’t-ibang
bahagi ng daigdig.
 Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan at,kalalakihan at LGBT
(Lesbian,Gay,Bi-sexual,Transgender)

I. PAMANTAYAN
A. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng mga mag-aaral na:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng kasarian at sekso;
2. Natutukoy ang mga gawain at kaisipan na nahuhulog sa diskriminasyon dahil sa
kasarian;
3. Nasusuri ang kahalagahan ng iba’t-ibang salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon
ng diskriminasyon laban sa kasarian.

II. NILALAMAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Panginoon naming Diyos, nagpapasalamat po ako sa bawat araw at panibagong


pagkakataon na ipinagkakaloob niyo po sa akin para ako ay matuto. Binigyan niyo po nawa
ako ng lakas at talino para pag-aralan ang aming mga aralin sa araw na ito. Bigyan din po ng
kalakasan ang aming mga guro na walang sawang gumagabay sa aming pag-aaral. Gabayan
po ninyo ang aming mga magulang na sumusuporta sa amin sa lahat ng oras. Ilayo niyo po
kaming lahat sa kapahamakan. Dalangin po namin ito sa pangalan ni Jesus at ng mahal na
Birheng Maria. Amen.

A. MGA PAKSA: SEKSO AT KASARIAN, SEKSUWALIDAD AT


DISKRIMINASYON
B. MGA KAGAMITAN: Mga larawan o Powerpoint presentation, Youtube, Genyo, Zoom
Application para sa online teaching

III. PAMAMARAAN

A. PAGTUKLAS
ONLINE: Pakinggan ang kantang “Sirena – gloc 9”
LINK: https://www.youtube.com/watch?v=3nKmv5oDzBw
MODULAR: Basahin ang lyrics ng kantang “Sirena – gloc 9”

Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin
nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, saki'y
dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib.

PAMPROSESONG KATANUNGAN:
1. Ilarawan ang iyong damdamin pagkatapos pakinggan/basahin ang kanta?

2. Bakit kaya naisipan at naisulat ang kantang ito?

B. Panuto. Ilarawan ang iyong kaisipan o pagkaunawa, damdamin at katangian bilang babae o
lalaki. Kapanayamin ang iyong nanay at tatay tungkol sa kanyang kaisipan o pagkaunawa,
damdamin at katangian niya bilang babae at lalaki. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Ang aking kaisipan o pagkaunawa, Ang aking kaisipan o pagkaunawa,


damdamin at katangian ng damdamin at katangian ng
isang BABAE ay ang mga sumusunod: isang LALAKI ay ang mga sumusunod:
A) ___________________________________ A) ___________________________________
B) ___________________________________ B) ___________________________________
C) ___________________________________ C) ___________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan mula sa gawaing ito?
______________________________________________________
_______________________________________________________

B. PAGLINANG

SEX (SEKSO)
Tumutukoy sa pisikal, pisyolohiko, at biyolohikong
katangian na taglay ng lalaki at babae.
KASARIAN(GENDER)
Tumutukoy sa mga tungkulin, gampanin,
aktibidad, at gawi na itinalaga ng isang
lipunan para sa kababaihan at kalalakihan.

Online: Power Point Presentation

Pangkatan: Mag saliksik at gumawa ng presentation tungkol sa mga uri ng


kasarian (gender)at sex at gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Unang Pangkat: Uri ng kasarian (Gender)
Ikalawang Pangkat: Gender Roles Africa at Kanlurang Asya
Ikatatlong Pangkat: Gender Roles Pilipinas
Ika-apat na Pangkat: Gender Roles Rehiyon ng Pasipiko – Papua New Guinea

Note: Maari din magdagdag ng mga bansa na hindi nabnggit ang bawat pangkat. Maaring iulat ang
karagdaang impormasyon sa Gender roles.

Modular: Gumawa ng isang written report gamit ang application na MS Word, talakayin ang
uri ng kasarian at ang gender roles sa iba pang panig ng daigdig. Maaring ipasa ito kasama ng
module.

DISKRIMINASYON - isang pagtrato sa isang tao sa hindi patas at pantay na


pamamaraan dahil sa mga taglay nitong pisikal o mental na kaanyunan
 SEX DISCRIMINATION/GENDER DISCRIMINATION – di pantay na pagtingin dahil sa
kanilang sekso o kasarian.

Dalawang uri ng diskriminasyon at proteksiyon


1.Tuwirang diskriminasyon- tumutukoy sa isang indibidwal na mas
mababa na hindi kapantay ng ibang indibidwal dahil sa kanyang kasarian.
Halimbawa: edukasyon

2. Di-tuwirang diskriminasyon- ay nangyayari kung mayroong mga


pamantayan o patakaran na ipinatutupad para sa lahat. Halimbawa:
Maternity leave/Paternity leave

MISOGYNISTIC - Ang pagnanais na limitahan ang papel at kahalagahan na nagagawa ng kababaihan


Global inequality index (GII) - Isang panukat ng inequality ng babae at lalaki ayon sa tatlong dimensyon:
(PAGPUPUNTOS 0 o 1)
 Reproductive health
 Empowerment
 Labor market
Gender development index (GDI) - Isang panukat ng pagkakapantay-pantay ng mga kakabaihan at
kalalakihan.
 HABA NG BUHAY
 PAG-AARAL
 KITA
Kasapi ng mga kilusan o organisasyong pambabae na
nagsusulong sa karapatang bumuto at kumandidato

Situational Analysis

Panuto: Tukuyin ang bawat diskriminasyon sa bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang
ginawang diskriminasyon.

1. Si Letty ay kabilang sa LGBT community siya ay masipag sa kanyang trabaho,


ginagawa niya ng tama ang kanyang gawain at palaging sumusunod sa kaniyang boss.
Isang araw nag anunsyo ang kanyang boss na mayroon mataas na posisyon ang
nabakante sa kanilang opisina. Ang sabi ng kanilang boss ay magbabase siya sa mga
performances ng kanyang tauhan sa pagpili ng karapdapat ipromote. Excited si Letty
dahil matagal na niya itong inintay dahil alam niyang malaki ang maitutulong nito sa
kanilang pamilya. Dumating na ang araw ng announcement kung sino ang napili para sa
pwesto. Nang inanunsyo ng boss ang emplyeyado na napromte ay laking gulat ng
kanyang mga kasamahan maging si Letty dahil hindi siya ang napili. Ang napili ng
kanilang boss ay ang isa pang empleyado na palaging late, hindi nakakasunod sa mga
gawain at walang focus. Kinausap ni Letty ang kaniyang boss kung bakit siya hindi
napili, ang sagot ng kaniyang boss ay dahil siya ay isang Lesbian at hindi daw maari na
isang lesbian ang mamuno sa iba pang empleyado.

Tama ba ang nagging desisyon ng kanyang boss? Ipaliwanag.

Ano ang diskriminasyong ipinakita sa sitwasyon?

2. Bagong kasal si Mary at Jim naging maganda ang simula ng kanilang pagsasama na para
bang walang kinakaharap na problema. Naging tandem sila sa lahat ng bagay. Lahat ay
ginagawa ni Jim kahit ang maglinis at magluto dahil hindi na ito madalas magawa ni
Mary dahil sa kaniyang trabaho. Makalipas ang limang taon na kanilang pagsasama unti
unting nakitaan ni Mary ng pagbabago ang kaniyang asawa, tila ba naging tamad ito at
palautos. Isang umaga habang naglalaba si Mary umiyak ang kanilang anak dahil
humihingi ng gatas. Dahil hindi maiwan ni Mary ang kaniyang labada inutusan niya ang
kaniyang asawa para puntahan ang kanilang anak. Ang tugon naman ni Jim ay hindi niya
gawain ang mga ganoon bagay dahil babae daw ang dapat nangangalaga sa anak at sa
bahay.

Tama ba ang inasal ni Jim? Ipaliwanag.


Ano ang diskriminasyong ipinakita sa sitwasyon?

3. Isa si Drex sa may magandang performance sa kanilang opisina. Masipag siya at


ginagawa ang lahat ng makakaya para sa kaniyang team. Isang umaga tinawag siya sa ng
kaniyang boss at sinabing siya na ang Senior Team Leader ng kanilang opisina. Masaya
sa Drex sa balitang ito. Kaakibat ng kanyang promotion ay ang mahabang oras na
pamamalagi sa opisina at may pasok tuwing weekends. Dahil dito nalimitahan na ang
oras ni Drex para sa kanyang asawa na si Tria. Si Tria ay nagdadalang tao sa pnganay nil
ani Drex. Isang hapon ay nakaramdam si Tria ng paghilab ng kaniyang tiyan, indikasyon
na siya ay manganganak na. Tinatawagan niya si Drex pero hindi ito sumasagot. Nang
hapon iyon ay nakatanggap ng mensahe mula sa kaniyang ina na ang kanyang aswang si
Tria ay nagsilang na. Dahil sa galak na nararamdaman ni Drew ay agad itong pumunta sa
opisina ng kaniyang boss para mag file ng Paternity Leave, hindi ito inaprobahan ng
kaniyang boss dahil malaki ang mawawala sa kompanya kung mawawala si Drew ng
ilang araw.

Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ni Drex?

Ano ang diskriminasyong ipinakita sa sitwasyon?

D. PAGLILIPAT

ONLINE / MODULAR: Gumawa ng isang Comic Strip na nag papakita ng


diskriminasyon. Maging malikhain sa paggawa.

Online: Maaaring iupload sa AP G10 at lagyan ng caption lagyan din ng


#StopHate

Modular: Ilagay ito sa isang short bondpaper, lagyan ng caption at #StopHate

E. PAGTATAYA

Sagutan ang Genyo quiz gamit ang limitadong oras lamang.


F. PAGPAPAHALAGA

Maitaguyod ng isang pamayanang may paggalang at respeto sa


kapwa tungo sa pagkakapantay-pantay na pagtingin sa kasarian at
seksuwalidad ng tao sa lipunan.

You might also like