You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII-Silangang Visayas
Sangay ng Calbayog
Lungsod ng Calbayog

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


KONTEMPORARYONG ISYU

A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na
may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag- aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng


pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay–
pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan

C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex.

D. Layunin
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kasarian. (AP10KIL-IIIa-2)

I. NILALAMAN
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Pinakapaksa: Uri ng Kasarian

II. Kagamitang Panturo


Laptop, DLP, Manila paper, Strips of Cartolina
A. Sanggunian
1. TG - pahina 220 hanggang 225
2. LM-pahina 262 hanggang 266

III. PAMAMARAAN
A. Pagbabalik Aral:
 Pagbabalik-aral tungkol sa pagkakaiba ng gender at sex?
B. Paghahabi sa Layunin:
 Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kasarian.

Gawain 1: Buuin ang mga pinaghalo-halong letra upang makabuo ng salita.

1. ANKASARI

2. OTA

3.
GERDNE
4.
EXS
5.
BGLT
C. Pag-uugnay ng halimbawa
Pagpapakita ng larawan.

Gawain 2. Ipakita Ko, Tukuyin Mo!


(Four Pics one word)
Handa na ba kayong umpisahan ang ating panibagong aralin sa araw na ito?
Kung kayo’y handa na, itaas ang inyong kanang kamay.Ngunit bago ang lahat ay
magkakaroon muna tayo ng isang laro, ang larong ito ay tatawagin nating “Ipakita Ko,
Tukuyin Mo!”. Magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Meron akong ipapakitang mga
larawan, ang inyong gagawin ay huhulaan ninyo kung sino ang pangalan at ano ang uri
ng kasarian ng nasabing larawan sa pamamagitan ng paunahan ng pagsagot gamit ang
metacards. Handa na ba kayo? Isa, dalawa, tatlo…

1.
2.

3. 4.

1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan o ipinahihiwatig ng bawat larawan?


2. Ano-ano ang iyong naging basehan sa pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan?

Ang larong ating ginawa ay may kinalaman sa ating panibagong aralin sa araw
na ito. Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang ating pag-aaralan sa araw na ito?

D. Pagtalakay sa konsepto
Ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay tungkol sa Uri ng Kasarian.

Gawain 3: Ulat Mo, Aksyon Mo!

Sa pagsisimula,magkakaroon tayo ng Pangkatang Gawain. Hahatiin ko


kayo ulit sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bubunot ng kani-kanilang
numero. Bibigyan ng tag-iisang colored envelop ang bawat pangkat na may
lamang paksa o kasarian. Kailangang ipakita ng bawat pangkat ang angkop na
kilos ng kasariang kanilang nabunot.Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng
tatlong minuto sa paghahanda at dalawang minuto naman para sa presentasyon.

1.Lesbian
2.Gay
3.Bisexual
4.Transgender

Krayterya sa paggawa ng Gawain:


1. Nagawang mabuti ang kilos 25
2. Wastong datos 25

Kabuuang puntos: 50

E. Paglinang sa Kabihasaan

Pagbigay ng mga pamprosesong tanong ukol sa isinadula ng bawat pangkat.

1. Ano ang naging saloobin ninyo habang ginagawa ang pag-uulat at kilos?
2. Batay sa isinagawang gawain ng bawat pangkat,paano nagkakaiba ang katangian
ng bawat kasarian?
a. Emosyon
b. Kilos

F. Paglalapat ng Aralin
Pagtanong sa mga mag-aaral.

Sino-sino ang mga kilala ninyong personalidad o celebrity na masasabing:

1. Lesbian o Tomboy
2. Gay o Bakla
3. Transgender
4. Bisexual
5. Transexual

G. Paglalahat ng Aralin

Sa inyong kumunidad may makikita ba kayong iba’t ibang uri ng kasarian?


Kung meron, ano ang inyong mabubuong kunklusyon dito?

Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa bawat kasarian?

H. Pagtataya ng Aralin

Gawain: Tukuyin ang bawat pahayag kung anong uri ng kasarian ito at piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bisexual Lesbian
Transexual Gay
Transgender Babae

_______1. Mga taong binago ang kanilang katawan sa pamamagitan ng


pagpapaopera.

_______2. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki;


may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa
ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).

_______3. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling


katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.

_______4. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian babae


at lalaki.

_______5. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.

I. Takdang Aralin:

Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng


gender at sex mula sa mga natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa
mga pangungusap sa ibaba.

Isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng mga uri ng kasarian.

Mula sa araling ito, natutunan ko na merong iba’t ibang uri ng kasarian ito
ay____________________________________, transgender naman
ay_______________samantalang ang lesbian naman ay tumutukoy
sa_____________________.

Inihanda ni:

CHEERIE BLISS CUBILO


JHS Teacher Applicant

You might also like