You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang ibat’t ibang salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng
diskriminasyon sa kasarian;
b. Natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa ibat’ibang
larangan at isntitusyong panlipunan
c. Nakapaghahambing ng katayuan ng kababaihan, lesbian, gays, bisexuals at
transgenders sa ibat’t ibang bansa o rehiyon.
d. Nakabubuo ng dokumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga
mamamayan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad.
II. Paksang Aralin
Paksa: Diskriminasyon sa kasarian
Kagamitan: Mga Kontemporaryung isyu, Pahina 254-267
Kagamitang panturo: Aklat, Marker

III. Pamamaraan
a. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng mga upuan
4. Pagtsetsek ng Atendans
b. Pagbabalik-tanaw sa mga paksang natalakay
c. Pagganyak
 Pagsusuri ng larawan.
 Ano-ano ang pinagkaiba ng mga larawan sa ibaba?
 Sa anong konsepto inuugnay ang mga larawan? Bakit?
d. Paglalahad ng Aralin
 Pagtalakay sa konsepto
 Pag-uusapan
 Diskriminsayon
 Mga dahilan ng Diskriminasyon
 Tungkulin ng kasarian sa ibat’ibang Larangan
 Mga karapatang LGBT
e. Pagsasanay
 Punan ng iyong saloobin ang graphic organizer sa ibaba.

oo Makatuwiran bang magpalit ng sexual Hindi


identity ang isang tao upang iangkop
sa kanyang gender identity?
f. Paglalapat
 Ang mga sumusunod sa ibaba ay nagaganap sa ating kinabibilangang komunidad.
Tinatanggap mo bang dapat ay ganito ang mangyayari. Sagutin ang sumusunod.
1. Mga lalaki talaga, bolero, babaero.
2. Pambahay lang naman kayong mga babae kaya hindi na kailangang mag aral.”
g. Paglalahat
 Ihayag ang iyong saloobin ukol sa isyu ng diskriminsayon sa kasarian. Anong mga
hakabang ang nais mong gawin sa iyong paaralan at pamayanan?
IV. Ebalwasyon
 Pasusulit
1. Ano ang Diskriminasyon?
2. Ano-ano mga dahilan ng Diskriminasyon?
3. Ano ang Transgender?
4. Magbigay ng 2 halimbawa ng karapatan ng LGBT.
V. Takdang Aralin
 Magbigay ng limang mungkahi o paraan kung paano makatutulong para mabigyan
ng mabilis at nararapat na hustisya ang mga nasasangkot sa diskriminasyon.

You might also like