You are on page 1of 6

Lesson Exemplar in Araling Panlipunan Using the IDEA Instructional Process

LESSON School MLGMNHS - Main Grade Level Baitang 10


EXEMPLA Teacher Cristy A. Naputo Learning Area ARALING PANLIPUNAN
R Teaching Date and Time Marso 23 / 12:45 – 1:45 pm Quarter Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang mga isyu sa kasarian at lipunan
b. Nasusuri ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
c. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng bawat tao sa lipunan ayon sa
kanyang kasarian (sex o gender)
A. Pamantayang Pangnilalaman Nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang
sa ibat ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpakita ng pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang maging tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender)
ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o AP10IKL-IIId-6 p.6 at AP10IKL-IIIe-f-7 p.7
MELC

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)

E. Pagpapayamang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapayamang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Karahasan at Diskriminasyon: Mga Isyu sa kasarian at lipunan

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC AP G10 Q3, SLM BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.260)

b. Mga Pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan


Pangmag-aaral Ikatlong Markahan – Modyul 3: pp. 4-18
c. Mga Pahina sa Teksbuk AP 10 LM paksa: Mga isyu sa kasarian at Lipunan at Diskriminasyon sa mga lalaki,
babae at lgbt pp. 284-286
d. Karagdagang Kagamitan mula Learning Resources Portal sa https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1272
sa Portal ng Learning Resource
Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=eEfbvfwVhI0
B. Listahan ng mga Kagamitang
Concept map, mga larawan na nakapowepoint, audio/video ng konsepto ng sex at
Panturo para sa mga Gawain sa gender
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Magbigay ng gabay at patnubay sa pagbubukas ng klase sa loob ng silid aralan
 Ipaalala sa mga bata ng mga panuntunan sa limitadong harapang klase nang
pag-iwas sa pagpapalaganap ng anumang virus.
Balitaan muna Tayo:
 Tatawag ang guro ng isang mag-aral na maglalahad ng napapanahong isyu na
may kinalaman sa paksa. Magkaroon ng tatlong minutong talakayan tungkol
dito.

Balikan Natin:
 Basahin ang mga salitang nakatakda. Sabihin kung anong kategorya kabilang
ang mga salitang sa tingin mo ay tumutukoy sa mga lalaki, babae, at LGBT,
maaaring mag-ulit ng mga sali

LALAKI BABAE LGBT

PALIWANAG PALIWANAG PALIWANAG


Sinetch itey?







Alamin kung sino ang inilalarawan sa mga sumusunod at tukuyin ang kanilang
kasarian at sagutan ang mga pamprosesong mga tanong sa iyong sagutang
papel
Pamprosesong mga Tanong:
1. Sa iyong palagay may mga trabaho ba na inaakala mong panglalaki
subalit napagtagumpayan ng isang babae o pambabae subalit
napagtagumpayan naman ng isang lalaki? Magbigay ng isa sa mga
halimbawa.
2. Ayon sa gawain may nakilala ka bang miyembro ng LGBT na
nagtagumpay sa larangang kanyang napili? Magbigay ng isa sa mga
halimbawa.
3. Batay sa iyong natuklasan masasabi bang ang kasarian ay batayan ng trabaho o
larangang dapat pasukan? Ipaliwanag
 Pagpapahayag ng paksa at ng layunin

B. Pagpapaunlad Flow Chart:


Panuto: Ibigay ang salitang may kaugnayan na bubuo sa kahulugan ng
“diskriminasyon” at sagutan ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Gabay na Tanong
1. Sa iyong palagay, totoo kaya na nangyayari ang diskriminasyon?
Patunayan ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa.
2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung patuloy na magkakaroon ng
diskriminasyon sa lipunan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
House Husband(Pagsusuri ng larawan)
Gamit ang kasunod na larawan, suriin ang kalagayan ng lalaki na nananatili sa tahanan sa
pamamagitan ng pagsagot sa pamprosesong tanong.

Pamprosesong mga
Tanong
1. Sino sa tingin mo ang nasa larawan? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang gawaing bahay na ipinakikita sa larawan?
3. Sa inyong tahanan, sino ang kadalasang gumagawa ng mga gawaing ito?
Ipaliwanag.
4. Sa isang bahay na lalaki o ama ang naiiwan na gumagawa ng mga gawaing
bahay,ano kaya ang pangunahing dahilan nito?
5. Mayroon ka bang kakilala na lalaki o ama na naiiwan sa bahay? Bakit kaya sila ang
naiiwan sa bahay?

Komik-Suri:
Magpapakita ang guro ng isang komiks (gamit ang slidedeck) tungkol sa isyung may
kinalaman sa kasarian. Basahin at unawain mabuti ang diyalogo. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong sa gawain.
Pamprosesong mga Tanong
1. Tungkol saan ang komiks?
2. Sa iyong palagay, anong isyu
ang ipinakikita rito?
3. Gaano kaya kadalas nangyayari
ang ganitong sitwasyon? Bakit
kaya nagaganap ang ganitong
pangyayari?.

Pagtalakay sa mga nakakaranasang diskriminasyon at karahasan ng kababaihan,


kalalakihan at LGBTQA+
tatalakayin rin ang karahasan ng mga kababaihan sa China at Cameroon

E. Engagement Kahon ng Pagkatuto


Bilang paggunita sa National
Women’s Month ngayong Marso at
pagbibigay aksyon sa karahasan laban
sa kababaihan, suriin ang
kahulugan ng karahasan sa
kababaihan (violence against
women) ayon sa United Nations at
tukuyin ang mga tanging halimbawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano-ano ang di-mabuting epekto ng foot binding sa mga sinaunang
kababaihan sa Tsina?
2. Ano-ano ang di-mabuting epekto ng breast ironing sa mga kababaihan sa mga bansa
sa Africa?
3. Sa iyong palagay, mayroon din bang mga karahasan sa mga
kababaihan ang nagaganap sa ating bansa o sa inyong lugar?
Magbigay ng dalawang mga halimbawa

You Complete Me
Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon upang mabuo ang salita/grupo ng mga
salitang binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel.
F. Assimilation Suriin:

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang ugat ng ganitong
gawain sa mga kalalakihan,
kababaihan, at LGBTQIA+?
3. Paano maiiwasan ang ganitong pangyayari?
4. Nagaganap ba sa tunay na buhay ang
ipinakikita sa larawan? Magbigay ng
patunay.
5. Ikaw bilang babae/lalaki lgbt, nakaranas ka na
ba ng diskriminasyon? Paano mo
ito nalampasan?

Girl Power
Bilang kaisa sa pagdiriwang ng women’s month, Magtala ng paraan kung paano
mapipigilan ang karahasan sa kababaihan. Sa kaliwa naman ay magtala ng tatlong
paraan kung paano mapagtitibay ang karapatan ng mga kababaihan.

V. PAGNINILAY Reflective Journal:


(Pagninilay sa mga Uri ng Formative Assessment na
Ginamit sa Araling Ito)

Maikling pagsubok:
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang K kung ang
sitwasyon ay naglalarawan ng karahasan at D kung diskriminasyon.
_____ 1. Ang sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao na gumawa ng mga sexual
na kilos.
_____ 2. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera at kung saan ka pupunta.
_____ 3. Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa kasarian o pananaw na
trabaho ng babae at lalaki.
_____ 4. Ang hindi pagbibigay ng paid maternity leave para sa mga nagdadalang-tao
at paternal leave para sa mga ama.
_____ 5. Ang pagsusubaybay sa bawat kilos ng isang tao sa pamamagitan ng social
media.
SAGOT: K, K,D,D,K

Inihanda ni: Sinuri nina: Binigyang pansin ni: Pinagtibay ni:


Cristy A. Naputo Joan V. Buitre Rhea Olila Ana Maria G. Rivas
Guro sa Araling Ulongguro II Punang guro II
Panlipunan 10
Riza S. Bernabe

Mga Dalub-guro I

You might also like