You are on page 1of 12

Paaralan: Baitang: Grade 10

Guro: Asignatura: Aral. Panlipunan

Petsa at Oras: LINGGO 5 – ARAW 1 Markahan: Ikatlo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa:
Pangnilalaman
mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian
at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng
pamayanan.
B. Pamantayan sa
Ang mga mag- aaral ay:
Pagganap
nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitayugod ang pagkakapantay – pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan
C. Mga Kasanayan sa
Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
Pagkatuto (Isulat ang
AP10IKL-IIIe-f-7
code ng bawat
1. Natutukoy ang mga dahilan at epekto ng karahasan sa
kasanayan)
kababaihan, kalalakihan, at LGBT.
2. Nakapagmumungkahi ng solusyon sa suliranin gamit ang
Problem-Solution Outline.
3. Napapahalagahan ang panggalang at proteksyon sa kapwa sa
pamamagitan ng paggwa ng slogan at poster.
II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina ng
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng LR
B. Iba pang Kagamitang Internet:
Panturo 1.
https://www.gmanetwork.com/news/newstv/reeltime/670867/mga-
kalalakihan-na-biktima-ng-pang-aabuso-tampok-sa-reel-time/story/
2. https://www.veritas846.ph/karahasan-laban-sa-kababaihan/
3. https://www.hrw.org/tl/news/2017/06/21/305350

IV. PAMAMARAAN Mga Gawain ng Guro Mga Inaasahang Sagot/


Gawain ng mga Mag-aaral
A. Balik-Aral sa
Gawain 1: Pagganyak. Photo
nakaraang aralin at/o
Collage
pagsisimula ng
Basahin ng guro ang punoto:
bagong aralin
1. Suriin ang photo collage sa
ibaba.

116
a.
Response 1. Ang isinasaad ng
photo collage ay tungkol sa
isang karahasan.

Response 2. Ang photo


collage ay nagpapakita ng
mga halimbawa ng karahasan
– karahasan ng kabaihan,
kalalakihan at LGBT.

2. Itanong ng guro ang mga


sumusunod na tanong:
a. Ano ang isinasaad ng pholo
collage?
b. May alam ka bang katulad
nitong sitwasyon sa ating
lipunan?
3. Iproseso ng guro ang sagot ng
mga mag-aaral upang maiugnay
ito sa paksang aralin –
Karasahan sa
kalalakihan,kababihan, at LGBT.

B. Paghahabi sa layunin
Gawain 2. Semantic Web
ng aralin
Basahin ng guro ang panuto:
1. Gamit ang photo collage,
bubuo ang mag-aaral ng
semantic web.
2. Ipaskil ng guro ang photo
collage sa pisara.
3. Hikayatin ang mga mag-aaral
na suriing mabuti ang nasa photo
collage.
4. Hayaang bubuo ang mga
mag-aaraI ng mga ideya,
opinyon, at konsepto na
mahihinuha mula sa photo
collage. Isulat sa pisara ang mga
ito at idugtong sa pamamagitan
ng isang linya sa photo collage .
5. Bigyan ng guro ang mga mag-
aaral ng ilang minuto upang
ipaliwanag ang nabuong
117
konsepto/ideya/opinion.

- Karahasan
- Karahasan ng
kababaihan
- Karahasan ng
kalalakihan
- Karahasan ng LGBT
- Pang-aabuso
- Kawalan ng respeto
- Diskriminasyon
- Pambubully
- Pagmumura
- Karapatang-pantao
- Itaguyod ang
paggalang at
pagkakapantay-pantay
- Pagdurusa
- Kawalan ng kalayaan

Gawain 3. Cognitive Mapping


C. Pag-uugnay ng mga
Approach DAHILAN:
halimbawa sa bagong
1. Mula sa naging sagot ng mga Kawalan
aralin
mag-aaral sa ikalawang Gawain, ng
gabayan ang pangkat/mag-aaral respeto
sa paggawa ng cognitive map Babae
tulad ng sa ibaba:
EPEKTO:
DAHILAN
K Babae K Pagdurusa
A EPEKTO A
R R
A DAHILAN A DAHILAN:
Lalaki
H H Pagmumura
A EPEKTO A
S S
A Lalaki
LGBT DAHILAN A
N N EPEKTO:
EPEKTO Mababa
ang tingin
sa sarili
2. Surrin ng mag-aaral ang
kanilang naging sagot sa DAHILAN
ikalawang Gawain. Tukuyin ng Diskrimina
mag-aaral kung alin sa kanilang syon
sago tang maituturing na
DAHILAN at aling din ang
LGBT
maitturing na EPEKTO.
3. Maaring isulat ng mag-aaral DAHILAN
ang mga dahilan o epekto ng Kawalan
karahasan na hindi nabanggit sa ng
Seman Web. Isulat ang kanilang kalayaan
sagot sa cognitive map.

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Gawain 4. Article Anaysis
bagong kasanayan #1 Basahin ng guro ang panuto:
1. Ihanda ng guro ang mga
118
Artikulo ukol sa karahasan sa
kababaihan, kalalakihan at
LGBT. (Tignan ang link na
nakasulat sa Sanggunian)

2. Pangkatin ang klase sa anim.

3. Ibigay ng guro ang Unang


Artikulo sa una at ikalawang
pangkat, ang Ikalawang Artikulo
sa ikatlo at ikaapat na pangkat,
at ang Ikatlong Artikulo sa
ikalima at ikaapat na pangkat.

4. Hayaan ng guro na basahing


mabuti at pag-usapan ng bawat
pangkat ang inihandang Artikulo.

5. Ibigay ng guro ang mga


sumusunod na tanong bilang
gabay sa gagawing talakayan ng
mga mag-aaral.
a. Anong suliranin ang a. Unang Artikulo:
isinasaad ng Artikulo? - Ang sulinanin na isinasaad
sa artikulo ay karahasan sa
kalalakihan.
Ikalawang Artikulo:
- Ang sulinanin na isinasaad
sa artikulo ay karahasan sa
LGBT.
Ikatlong Artikulo:
- Ang sulinanin na isinasaad
sa artikulo ay karahasan sa
kababaihan.
b. Ang karahasan ay ang
b. Ano ang kahulugan ng sinasadyang paggamit ng
karahasan? lakas o pwersang pisikal o
kapangyarihan, na maaring
isang pagbabanta o tinotoo, at
maaaring laban sa sarili, sa
kapwa, o laban sa isang
pangkat o kaya pamayanan.
c. Unang Artikulo
- Pang-aabuso mula sa
c. Ano-anong uri ng pang- kanilang kinakasama tulad ng
aabuso o karahasan ang masasakit na salita at mura
nabanggit sa Artikulo? Ikalawang Artikulo
- Pambubully at
diskrimisnasyon
Ikatlong Artikulo
- Pananakit mula sa
kanilang mga asawa at
pisikal na karahasan
-
d. Nangyari ang mga ganitong
d. Paano nangyari ang ganitong suliranin dahil sa kakulangan
119
suliranin? ng batas na nagpoprotekha sa
mga kababaihan, LGBT, at
maging sa kalalakihan na
naging biktima din ng domestic
violence.

e. Batay sa mga Artikulo, ang


e. Batay sa artikulo, paano ito
mga ganitong suliranin ay
masolusyonan?
mabigyang solusyon sa
pamamagitan ng paghihikayat
ng pamahalaan na magpasa
ng mga batas na
magpoprotekta sa mga
kababaihan, LGBT, at
kalalakihang biktima ng
domestic violence at iban pang
uri ng karahasan.

E. Pagtalakay ng bagong
Gawain 5. Problem-Solution
konsepto at paglalahad ng
Outline
bagong kasanayan #2
Pagkatapos ng Gawain 4,
(Gagawa ang mag-aaral ng
gagawa ang mag-aaral ng
problem-solution outline.)
Problem-Solution Outline.
Basahin ng guro ang sumusunod
na panuto:

1. Tunghayan ang dayagram sa


ibaba para sa gagawing
Problem-Solution Outline.
2. Batay sa nabasang artikulo,
tukuyin kung anong suliranin ang
nabanggit, bakit ito nangyari, at
sino ang nagging biktima, anong
solusyon
ang iminumungkahi, at ano ang
inaasahang bunga nito.

Sino:
What:

SULIRANIN Why:

Ginagawang
SOLUSYON Hakbang o
N Solusyon:

INAASAHANG BUNGA:

3. Ibahagi sa klase ang nabuong


Problem-Solution Outline.

F. Paglinang sa
120
kabihasaan Gawain 6. Presentasyon ng
nabuong Problem-Solution
Outlin
Basahin ng guro ang panuto; Ipaliwanag ng mag-aaral ang
1. Ibahagi ng bawat pangkat ang kanilang nabuong Problem-
nabuong Problem-Solution Solution Outline
Kahalagahan at 30%
kaakmaan ng
impormasyong inilahad
Kaayusan ng paglalahad 30%
ng kaisipan o ideya
Kagalingan sa pagsagot 30%
sa mga tanong
Kabuuang Presentasyon 10%
Kabuuan 100%
Outline. Maghanap ng isa o
dalawang miyembro ng pangkat
na siyang magpapaliwanag ng
ginawang dayagram.
2. Para sa gawaing ito, sundin
ang pamantayan sa
pagmamarka sa
ibaba:

Gawain 7. Bucket List Bucket List:(Malaya ang mag-


aaral sa pagpapasya ng
Basahin ng guro ang mga panuto kanilang bubuing Bucket List.
G. Paglalapat ng aralin sa
sa ibaba: Ang nasa ibaba ay ilan sa mga
pang-araw-araw na buhay
halimbawa.)
1. Sa isang maikling papel, 1. Pakikilahok sa mga forum
gagawa ang mag-aaral ng isang na ukol sa pagtataguyod ng
Bucket List. paggalang ng karapatan ng
2. Sa Bucket List na ito, isulat ng mga kababaihan, LGBT, at
mag-aaral ang tatlong hakbang maging ng mga kalalakihan.
na sa tingin niya’y 2. Pakikipagtulungan sa mga
pinakamahalagang solusyon na kawani ng pamahalaan sa
kaya niyang gawin upang pagbibigay ng mahalagang
maiwasan at masolusyon ang impormasyong kinakailangan
naranasang karahasan ng mga upang matugunan ang
kababaihan, kalalakihan, at anumang suliraning may
LGBT. kinalaman sa karahasan ng
3. Ilagay ng mag-aaral ang mga kababaihan, LGBt, at
nagawang Bucket Lists sa isang kalalakihan.
bote na walang laman na 3. Pakikipag-usap sa mga
inihanda ng guro bilang magulang upang
pagpapatibay ng kanilang makapaghingi o
pangakong tutuparin ang makapagbigay ng dagdag na
nakasulat sa Bucket Lists. impormasyon ukol sa
4. Ibabaon ng pangulo ng buong pagsusulong ng paggalang at
klase ang bote sa ilalim ng lupa. proteksyon ng kababaihan,
LGBT, at kalalakihan.

H. Paglalahat ng Aralin Grade 8. One Word Splash (Ang mag-aaral ay malaya sa


pagpili ng salitang sa tingin
Basahin ng guro ang panuto sa nila ay bubuod sa talakayan at
ibaba: ng kanilang katutunan. Ang
121
1. Matapos gawin ang lahat ng salita sa ibaba ay isang
Gawain, hikayatin ang mga mag- halimbawa lamang na maaring
aaral na bubuo ng isang salita na isasagot ng mag-aaral)
sa tingin nila ay bubuod sa
pangkalahatang talakayan o PAGGALANG
aralin. - Ang salitang ito ang
2. Malaya ang mag-aaral na aking napili na sa tingin
pumili kung anong salita ang ko ang siyang bubuod
bubuod sa kasalukuyang aralin. sa kabuuan ng ating
3. Tatawag ang guro ng ilang talakayan. Sa ating
mag-aaral upang ibahagi ang talakayan, pinag-

kanilang sagot. Magbanggit ng usapan natin ang mga uri ng


maikling pagpapaliwanag ang karahasan na dinanas ng mga
napiling mag-aaral ukol sa kababaihan, LGBT, at
napiling salita. kalalakihan. Ang mga
4. Iproseso ng guro ang naging suliraning ito ay ating
sagot ng mag-aaral mabigyan ng solusyon kung
lahat ng tao ay may
PAGGALANG sa isa’t isa.
Grade 9. Sentence Stems
I. Pagtataya ng Aralin
Basahin ng guro ang panuto: ( 5
puntos bawat isa)
1. Buuin ang mga pangungusap
na nasa ibaba:
a. Ang karahasan ay a. Ang karahasan ay ang
___________ sinasadyang paggamit ng
__________________________ lakas o pwersang pisikal o
___. kapangyarihan, na maaring
isang pagbabanta o tinotoo, at
maaaring laban sa sarili, sa
kapwa, o laban sa isang
pangkat o kaya pamayanan.

b. Bilang mamamayan ng b. Bilang mamamayan ng


lipunan, ako ay lipunan, ako ay makakatulong
_______________________ sa suliranin ng karahasan sa
__________________________ pamamagitan ng pagbibigay
___. suporta sa mga batas ng
pamahalaan na nagtataguyod
sa proteksyon ng kababaihan,
kalalakihan, at LGBT.

J. Karagdagang gawain Gawain 10. Paggawa ng Poster


para sa takdang-aralin at at Slogan
remediation
1. Bubuo ang mag-aaral ng
poster at slogan na
magpapahiwatig ng
pagtataguyod sa panggalang at
proteksyon sa karapatan ng
kababaihan, LGBT, at maging sa
kalalakihan.
2. Sundin ang pamantayan ng
pagmamarka na nasa ibaba:

122
3. Ipasa ang poster at slogan sa
susunod na araw.

Kahalagahan ng 30%
impormasyong inilahad
at kalinawan ng mga
ideyang nais iparating
Kaangkupan sa 30%
tema/paksa
Pagkamalikhain 30%
Kabuuang Presentasyon 10%
Kabuuan 100%

V. MGA TALA
Ang ilang bahagi ng banghay-aralin na ito ay ipagpatuloy ng
guro sa susunod na talakayan.

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong
ng lubos? Paano na
ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan
na solusyunan sa
tulong ang aking
punungguro at
superbisor?
123
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

ARTICLE 1:

REEL TIME PRESENTS HINAGPIS NI ADAN


AIRING DATE: OCTOBER 13, 2018
https://www.gmanetwork.com/news/newstv/reeltime/670867/mga-kalalakihan-na-biktima-ng-pang-
aabuso-tampok-sa-reel-time/story/
Tuwing buwan ng Oktubre, ipinagdiriwang sa buong mundo ang Domestic Violence
Awareness Month. Domestic violence ang tawag sa anumang uri ng pang-aabusong
tinatamo ng isang tao mula sa kanilang kinakasama, kasal man o hindi. Sa Pilipinas, nasa
1 sa kada 4 na babae ang nakararanas ng domestic violence. Pero ang mas masakit na
katotohanan, walang malinaw na bilang kung ilang kalalakihan ang nagiging biktima ng
nasabing pang-aabuso.

Andres de Saya, takusa o takot sa asawa — ito ang mga madalas na biro sa mga lalaking
tiklop daw sa kanilang mga kabiyak. Pero pagdating sa usapin ng pang-aabuso, hindi ito
isang biro! Ang sigaw ng grupong Diego Silang Movement, maging ang mga Adan,
nagiging tampulan din ng pananakit. Marahil para sa ilan, mahina pa ang kanilang mga
boses dahil marami pa ring mga lalaki ang nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na
karanasan. Pero ang mga founder ng Diego Silang Movement, handa na raw lumantad. Ito
ang kanilang kakaibang confession!

Mga masasakit na salita at mga mura, ito nga raw ang gumigising kay Rom araw-araw. Si
Rom kasi, aminadong biktima raw ng domestic violence sa dati niyang asawa. Dumating pa
nga raw sa oras na hindi siya pinapasok ng kanyang misis ng minsang ma-delay ang
kanilang suweldo. Ang maliliit na pagtatalo, nauuwi raw sa pisikalan. Ang pinakamatindi,
tinutukan pa raw siya ng kanyang dating misis ng kutsilyo!

Samantalang si Karlo na founder ng Diego Silang Movement, nahuling nangangaliwa raw


ang kanyang dating misis. Pero sa halip na ang babae ang makulong, si Karlo pa ang
inireklamo! Pagtatangis ni Karlo, wala raw batas na pumoprotekta sa kanilang mga
kalalakihan. Ang tanging batas na mayroon sa bansa, ang Republic Act 9262 o Anti-
Violence Against Women and Children na kung saan mga babae at bata lang ang maaaring
panigan ng katarungan. Kaya naman sigaw nila, walang pinipiling kasarian ang karahasan.

At sa isang social experiment, inalam naming kung tunay nga bang may pinapanigang
kasarian ang pagtulong ni Juan. May tutulong kaya kung si mister naman ang
bubungangaan at sasaktan ni misis sa mga pampublikong lugar?

124
ARTICLE 2:

Pilipinas: Mga Estudyanteng


LGBT Nakararanas ng Bullying,
Abuso
Diskriminasyon at Kawalan ng Suporta Sumisira sa Karapatan sa Edukasyon

Nagsagawa ang Human Rights Watch ng malalimang interbyu at diskusyon sa 98 estudyante, 46


magulang, guro, tagapayo, administrador, service providers, at eksperto sa edukasyon sa 10 siyudad
sa Luzon at Visayas. Sinabi ng mga estudyanteng LGBT na di-regular o  bitin sa pagpapatupad ang
umiiral na proteksiyon, at nagiging daan pa ang mga patakaran at gawi sa sekundaryang paaralan sa
diskriminasyon at bigo ang mga itong bigyan ang mga estudyanteng LGBT ng impormasyon at
suporta.

Napansin na ng mga mambabatas sa Pilipinas na isang problema ang pambubully sa sekundaryang


paaralan at gumawa na sila ng mga importanteng hakbang para tugunan ito, ayon sa Human Rights
Watch. Noong 2013, nagpasa ang Kongreso ng Pilipinas  ng anti-bullying law at ang Kagawaran ng
Edukasyon (o DepEd) ay naglabas din ng alituntuning nagbabawal sa pambubully na ayon sa
oryentasyong sexual at identidad sa kasarian. Sa kampanya sa pagkapangulo noong 2016, hayagang
nangondena si Rodrigo Duterte sa bullying at diskriminasyon sa mga LGBT.

“Nagpahayag noon ang Pangulong Duterte ng pagkontra sa bullying at diskriminasyon laban sa


LGBT, at dapat na gawin niya ito ulit ngayon.”

Gayunman, nagpapakita ang pananaliksik ng Human Rights Watch na nakakaranas pa rin ang mga
estudyanteng LGBT ng pisikal na pambubully, pasalitang harassment, atakeng sexual, at
cyberbullying sa eskuwelahan. Maraming estudyante ang hindi malay sa mga patakarang kontra-
bullying o hindi alam kung saan hahanap ng tulong kapag nabu-bully sila.

Ang dahas na kinakaharap ng mga estudyante sa eskuwelahan ay madalas na pinapalubha ng


mapaghusgang patakaran at gawi, sabi ng Human Rights Watch. Nagpapataw ang mga eskwelahan
sa Pilipinas  ng makakasariang uniporme at akmang haba ng buhok nang walang pinipili sa mga
estudyanteng hindi kumikilala sa kasariang kinapanganakan nila. Nagiging sanhi ng kaasiwaan o di-
pagtanggap sa eskuwelahan ang ganitong mahigpit na pataw sa mga estudyanteng LGBT, na
paaalisin pa ng mga guard, mapapaliban tuloy ng klase o tuluyan nang magda-drop out.

125
“Ang kabiguang maipasa ang kontra-diskriminasyong batas ay naglalagay sa kabataang LGBT sa
peligro ng diskriminasyon at karahasan,” sabi ni Meggan Evangelista ng LAGABLAB Network.
“Kung seryoso ang mga mambabatas na gawing ligtas ang mga eskuwelahan sa lahat ng estudyante,
dapat na tigilan na nila ang pag-aantala at ipasa na sa lalong madaling panahon ang mga proteksiyon
kontra-diskriminasyon.”

Ang mga estudyanteng naha-harass  at manghingi ng tulong ay nahahadlangan ng kakulangan sa


impormasyon at resources kaugnay ng kabataang LGBT sa sekundaryang paaralan. Ang mga isyung
LGBT ay madalang na pinag-uusapan sa kurikula ng eskuwelahan—at kung nangyayari nga ito,
madalas na negatibo o  mapangbalewala ang mga komento ng mga guro tungkol sa mga
estudyanteng LGBT, kasama dito ang pagtuturo sa mga estudyante na ang pagiging LGBT ay
makasalanan o di-natural.

Ang mga awtoridad sa bawat antas ng gobyerno ay dapat na gumawa ng hakbang para maitaguyod
ang pagiging ligtas, pagkapantay ng turing, at pagkakaroon ng akses sa edukasyon para sa mga
estudyante, sabi ng Human Rights Watch. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay dapat mag-sarbey sa
mga eskuwelahan para masigurong ang mga proteksiyong kontra-bullying ay maipapatupad nang
lubos, magsanay ng mga guro na tumutugon sa pangangailangan ng mga estudyanteng LGBT,
maisasama ang mga isyung LGBT sa modyul sa kurikulum, at maipalaganap ang mga patakarang
nagbabawal ng diskriminasyon sa mga eskuwelahan. Sa mismong paaralan, ang mga administrador
ay dapat na pagtibayin ang mga patakaran laban sa bullying at diskriminasyon upang masigurong
ligtas at nairerespeto ang kabataang LGBT.

“Ang pagbabawal ng bullying ng kabataang LGBT ay nagiging importanteng unang hakbang,” sabi
ni Thoreson. “Ngayon ang mga mambabatas at administrador ng paaralan ay dapat kumilos upang
ang mga proteksiyong ito ay mangyaring  maging makabuluhan at nagtataguyod ng respeto sa
kabataang LGBT sa kabuuan ng sistemang ng edukasyon sa Pilipinas.”

ARTIKULO 3:
Karahasan Laban sa Kababaihan
POSTED NOVEMBER 21, 2016 ANTON PASCUAL
https://www.veritas846.ph/karahasan-laban-sa-kababaihan/

Ang karahasan sa kababaihan ay isang malaking isyu na tila ayaw mawala sa ating
lipunan. Hanggang ngayon, kahit pa moderno na ang panahon, marami pa ring mga babae
ang nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga asawa o domestic partners. Mas
dumadami din ang biktima ng rape.

Ang nakakalungkot kapanalig, ayon sa Philippine Commission on Women o PCW, ang


babae pa ang kadalasang nasisi kung sila ay nabubugbog. Maraming babae ang
binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga asawa o di kaya pabaya sa kanilang
mga obligasyon bilang asawa. Ayon pa sa PCW, minsan pa nga, ang panggagahasa ay sa
babae pa nasisisi, dahil sila ay  “flirtatious.”

Ayon sa datos ng Center for Women’s Resources (CWR), kada 53 minuto, isang babae o
bata ang nagagahasa. Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga bata. Ayon pa
sa CWR, tumaas ng 92% ang mga naitalang rape cases mula 5,132 noong 2010 tungo sa
9,875 nitong 2014.

Ayon naman sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa limang
babaeng may edad 15-49 ay nakaranas na ng pisikal na karahasan simla pa ng edad 15.
126
14.4% naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas na ng pananakit mula sa
kanilang asawa.

Ang pananakit sa kababaihan ay hindi lamang kaugnay ang katawan. Ang epekto nito ay
malawig, kapanalig. Nakakapanliit ng pagkatao ng babae ang pananakit. Kadalasan, ang
pananakit na ito ay sa karaniwang sinisisi pa sa babae. Wala ng dangal, binibigyan pa ng
ibayong “shame” o binabalot ng kahihiyan ang babae sa tuwing sila ay sinasaktan. Ang
nakakalungkot kapanalig, ang machong kultura na ito ay tila tumitingkad pa sa ngayon.

Kapanalig, ang karahasan ay walang puwang sa ating lipunan, lalo na sa loob ng ating mga
tahanan. Sa ating modernong mundo kung saan parehong kinikilala na ang kakayahan ng
babae at lalake, marami pa ring babae ang nakakaranas ng pangliliit at karahasan. Kailan
ito titigil?

Ang babae ay dapat ginagalang. Ang babae ay dapat inaalagaan at minamahal. Ngunit tila
nagiging “norm” o kasanayan na naman sa ating lipunan ang panlilibak sa babae. Dapat
maisawata ito. Ang pamahalaan ay dapat manguna sa mga aksyon at programa na
magbibigay galang at papuri sa mga Filipina.

Kahit ano pang kaunlaran ang ating maabot, ito ay mawawalang halaga kung hindi tayo
marunong kumilala sa dignidad ng bawat isa. Nawa’y maging hamon sa ating ang mga
kataga mula sa Mater et Magistra: Wherefore, whatever the progress in technology and
economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to
realize how great is their dignity; for they have been created by God and are His
children.  Kapanalig, ang karahasan sa kababaihan ay isang pagyurak ng dignidad hindi
lamang ng babae, kundi ng sangkatauhan.

127

You might also like