• Magbigay ng isang gender roles sa Panahon ng Espanyol
• Magbigay ng isang gender role sa Panahon ng Pre-Kolonyal • Sa kasalukuyan ano naman ang gender roles ng mga kababaihan? Layunin: •Natutukoy ang ibat-ibang uri ng kasarian Gawain 1 •Buuin ang mga pinaghalo- halong letra •1. ANKASARI KASARIAN • 2. GERDNE GENDER •3. XES SEX •4. BGLT LGBT •5. OTA TAO Pag-uugnay ng Halimbawa Pagpapakita ng Larawan Gawain 2 Ipakita Ko, Tukuyin Mo •Marian Rivera •babae •RODRIGO R. DUTERTE •lalaki VICE GANDA gay AIZA SEGUERRA lesbian •Madali mo bang natukoy ang kahulugan o ipinhihiwatig ang bawat larawan? •Ano-ano ang iyong naging basehan sa pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan? Pagtatalakay sa Konsepto
•Mga Uri ng Kasarian
BABAE pangkasariang ginagamit sa tao na babae • LALAKI • Pangkasariang ginagamit sa tao na lalaki LESBIAN •Isang babae na may emosyonal at pisikal na atraksiyon sa kapwa babae at kinikilala ang sarili bilang lesbian Gay ( Bakla ) • Isang lalaki na may emosyonal at pisikal na atraksiyon para sa kaapwa lalaki at kinikilala ang sarili bilang gay. Ginagamit din ang salitang ito para sa mgha lesbyana sa labas ng Pilipinas. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae ( tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot. Bisexual •Isang tao na may pisikal ay emosyonal na atraksiyon para sa dalawang kasarian babae at lalaki Transgender •Salitang naglalarawan sa mga sa mga taong ang gender identity o gender expression ay hindi tradisyunal na kaugnay ng kanilang sex assignment noong sila ay pinanganak at kinikilala ang sarili bilang transgender; Transexual •Mga taong binago ang kanilang katawan o bahagi ng kanilang katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera. Cross Dressers o CD •Mga taong nagbibihis gamit ang mga damit ng kabilang kasarian. Hindi nila binago ang kanilang katawan. Gender Queers •Mga taong itinatakwil ang gender binary o ang konsepto na dalawa lang ang kasarian. Naniniwala ang ibang genderqueer na sila ay walang kasarian ( agender ) o kombinasyon ng kasarian Gawain 3: Ulat Mo, Aksyon Mo! • Sa pagsisimula magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain, Hahatiin ko kayo ulit sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bubunot ng kani-kanilang numero. Bibigyan ng tag-iisang colored envelop ang bawat pangkat na may lamang paksa o kasarian. Kailangang ipakita ng bawat pangkat ang angkop na kilos ng kasariang kanilang nabunot. Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng tatlong minuto sa paghahanda at dalawang minute naman para sa presentasyon. 1. Lesbian 2. Transgender 3. Bisexual
4. Gay 5. Transexual Krayterya sa Paggawa ng Gawain
•Nagawang Mabuti ang kilos ----25%
•Wastong Datos -------------------- 25% •Kabuuang Puntos ----------------- 50% Paglinang sa Kabihasaan •1. Ano ang nagging saloobin ninyo habang ginagawa ang pag-uulat at kilos? •2. Batay sa isinagawang Gawain ng bawat pangkat, paano nagkakaiba ang katangian ng bawat kasarian? Paglalapat ng Aralin •Sino-sino ang mga kilala ninyong personalidad o celebrity na masasabing: Lesbian o Tomboy •Gay o bakla Transgender •Bisexual •Transexual Paglalahat ng Aralin •Sa iyong komunidad may makikita ba kayong ibat-ibang uri ng kasarian? •Kung meron, ano ang iyong mabubuong konklusyon? Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa bawat kasarian? Pagtataya ng Aralin: • Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag kung anong uri ng kasarian ito at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel. Bisexual Transexual Transgender Lesbian Gay Babae • 1. Mga taong binago ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera • 2. Mga lalaking nakararamdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa lalaki. • 3. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma • 4. Mga taong nakaramdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian babae at lalaki. • 5. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae. Takdang Aralin: • Sa pagkakataong ito maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex mula sa mga natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagkompleto sa mga pangungusap sa ibaba. • Isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng mga uri ng kasarian. • Mula sa araling ito, natutuhan ko na merong ibat-ibang uri ng kasarian ito ay ________________________, transgender naman ay ______________ samantalang ang lesbian naman ay tumutukoy sa _______________________________. Mrs. JANETH S. INCIERTO