You are on page 1of 13

11th Distribution

Name of Student:___________________________________________________________

Q4

1
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Gabay sa
Pag-aaral
MGA ISYU AT HAMONG PANGKASARIAN
Panimula at Gabay na Tanong
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansinang iba’t ibang isyu at hamon tungkol sa Kasarianat
Lipunan. Naglalaman ito ng mga gawain nahahamon sa kaalaman at kasanayan ng mga magaaral
na masuri at maunawaan ang mga usapingmay kinalaman sa Kasarian at Lipunan. Makatutulong
ang pag-unawang ito na malinang sa iyo ang pagpapahalaga pagkakapantay-pantay at paggalang
sa kapwa bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigdig.

Gawain 1. Simbolo, Hulaan Mo!


• Subukan mong sagutin kung ano ang kahulugan at ipinahihiwatig ng kasunod na

mga simbolo:

Gender Symbol ng Babae


Gender Symbol ng Lalake
Gender Symbol ng LGBT

2
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Mga Katanungan:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng mensahe ngmga simbolo?

2. Ano ang naging batayan mo sa daglian mong pagtukoy sa kahulugan ng bawat simbolo?

3. Bakit sa palagay mo ganito ang ginamit na simbolo? Ipaliwanag.

3
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Konsepto ng Kasarian
(Gender)
Tumutukoy sa biyolohikal o
pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ngbabae sa lalaki (WHO)

at Sex
Tumutukoy sa panlipunanng
gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki (WHO)

4
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Pag-iba ng kahulugan ng sex


at kasarian
• Dati ay walang pinagkaiba ang kahulugan ng sex at kasarian
• Nagsimula noong 1950s sa mga sikolohista sa Estados Unidos at Inglatera
• Sex ay tumutukoy sa katangiang pisikal; kasarian sa katangiang sikolohikal o pagkilos
• Sex ay biyolohiya; ang kasarian ay impluwensya ng kultura

Aziza Al Yousef
• Si Aziza Al Yousef ay nakulong
matapos lumabag sa Women
Driving Ban sa Saudi Arabia. Si Al
Youself ay kilalang tagapagtaguyod
ng kampanya laban sa pagbabawal
sa kababaihan na magmaneho ng
sasakyan. Siya ay nakulong nang
mahuling nagmamaneho kasama si
Eman Al-Nafjan, sadya nilang gawin
ito. Silang dalawa ay magkapareho
ang adbokasiya na alisin ang driving
ban para sa mga kababaihan sa
Saudi. Matapos nilang pumirma sa
isang kasunduan na hindi na nila ulit
ito gagawin, sila ay nakalabas ng
kulungan
Ano ang pagkakaiba ngsexual orientation at gender
identity (SOGI)?
sexual orientation

5
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

• tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong


apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa
kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
(GALANG Yogyakarta)

gender identification
• (pagkakakilanlang kasarian) kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak…
(GALANG Yogyakarta)

gender identification
• … kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa
pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng
kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

Uri ng Oryentasyong Sekswal:

• Heterosexual

• Homosexual

• Bisexual

ALPABETO NA SOPAS

• LGBT/LGBTIQA

• Inisyalismo para sa

Lesbian Gay Bisexual at Transgender

(LGBT) or Lesbian ,Gay Bisexual ,Transgender Intersex ,Questioning/Queer at Allies

LESBIAN O LESBYANA
• Isang babae na may
emosyonal at pisikal na
atraksyon sa kapwa
babae at kinikilala ang
sarili bilang lesbian;
• Jane Lynch,

6
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

Amerikanang artista sa
Glee, isang palabas sa
telebisyon

GAY
• Isang lalaki na may
emosyonal at pisikal na
atraksyon para sa kapwa
lalaki at kinikilala ang sarili
bilang gay. Ginagamit din
ang salitang ito para sa
mga lesbyana sa labas ng
Pilipinas.
• John Amaechi, retiradong
manlalaro ng NBA

BISEXUAL
• Isang tao na may
emosyonal at pisikal
na atraksyon para sa
lalaki o babae at
kinikilala ang sarili
bilang bisexual.
• Lady Gaga

TRANSGENDER
• Salitang naglalarawan sa mga
taong ang gender identity o
gender expression ay hindi
tradisyunal na kaugnay ng
kanilang sex assignment noong
sila ay pinanganak at kinikilala
ang sarili bilang transgender;
• Sila ay maaaring transsexual,
cross-dresser, o genderqueer

7
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

• Justine Ferrer, ang unang


babaeng transgender sa
palabas na Survivor Philippines

MGA TAONG TRANSGENDER


• Cross Dressers o CD—mga
taong nagbibihis gamit ang
damit ng kabilang kasarian.
Hindi nila binabago ang
kanilang katawan. Hal.Victoria
Prince, isang aktibistang CD sa
Amerika.

• Genderqueers—mga taong
itinatakwil ang gender binary o
ang konsepto na dalawa lang
ang kasarian. Minsathoseere are
only two genders. Naniniwala
ang ibang genderqueer na sila ay
walang kasarian (agender) o
kombinasyon ng kasarin
(intergender). Hal. Riki
Wilchins, isang manunulat.

• Transsexuals—mga taong ang


gender identity ay direktang
salungat sa kanilang sex
assignment noong sila ay
pinanganak. Marami pero
hindi lahat ng mga taong
transsexual ay binabago ang
kanilang gender expression at
katawan sa pamamagitan ng
hormone replacement therapy
(HRT) ay iba’t ibang

8
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

operasyong na parte ng
prosesong tinatawag na
transition. Hal. BB
Gandanghari, artista at Balian
Buschbaum, atletang Aleman.

Gawain 2. Timbangin Natin!

1. Ano ang ipinahihiwatig ng dalawang simbolo na sa timbangan?

2.Sa iyong palagay, mayroon kayang hindi napabilang sa representasyon na


ipinahihiwatig ng larawang ito? Sino?

9
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang pangkalahatang mensahe ng larawan?

GAWAIN 4 Kasarian o Seks


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, lagyan ng K kung ito a
nagpapahayag ng katangian ng kasarian, S naman kung seks. Ipaliwanag ang
iyong sagot.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging basehan sa iyong mga sagot?

2. Kailan masasabi na ang isang katangian ay tumutukoy sa kasarian o sa seks?

10
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

3. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kasarian at seks?

4. Bakit mahalaga na maunawaan ang konseptong ito?

5. Paano maitataguyod ang isang pamayanang may paggalang at respeto sa


kapwa tungo sa pagkakapantay-pantay?

Situational Analysis
Panuto: Basahin ang mga sumusuod na sitwasyon at isulat ang sagot sa tsart.
Sitwasyon Sagot
1. Sina James at Rica ay Sagot:
magkarelasyon sa loob ng isang
taon. Si James and ang
nagdedesisyon kung saan sila
pupunta at kung ano ang kanilang
gagawin. Palaging si James ang
nagbabayad sa lahat ng gastos nila.
Dahil pareho na silang
nagtratrabaho, nais ni Rika na
umambag sa mga gastusin. Hindi
pumapayag si James dahil para sa
kanya ang lalaki ang dapat
nagdedesisyon at may kontrol sa

11
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

pinansyal na aspeto.
Tanong: Tama ba si James sa kanyang
paniniwala? Ipaliwanag.

2. Sa isang isang basketball Sagot:


tournament kung saan ang bawat
team ay may miyembro na babae at
lalaki, inunsyo ng referee na kapag
makapuntos ang babae dapat
katumbas nito ay tatlong puntos.
Para sa referee tama lang ang
ganitong patakaran dahil ang
kababaihan ay hindi kasing galing ng
mga lalaki sa ganitong laro.
Tanong: Sumasang ayon ka ba sa
pahayag ng referee? Bakit?

3. Si Dina ay 13- anyos, at nakatira sa Sagot:


isang liblib na lugar sa Nepal. Sabi
ng kanyang ama siya ay
nakatakdang ikasal sa isang 18-
anyos na lalaki pagkalipas ng
dalawang buwan. Hindi niya
kailanman nakilala o nakita ang
kanyang mapapangasawa. Nag
protesta si Dina, ngunit sabi ng
kanyang ama wala na siyang
makakagawa dahil ang kanyang
ama ang dapat masunod.
Tanong: Tama ba ang ginawa ng
kanyang ama? Bakit?

12
11th Distribution
Name of Student:___________________________________________________________

4. Si Kathy ay nagtratrabaho bilang Sagot:


guro sa Math sa loob ng sampung
taon. Nagkaroon ng bakante para sa
pagka pinuno ng kanilang
kagawaran, at interasado siya sa
posisyon. Ngunit siya ay hindi napili
dahil ang pagkapinuno ay
nababagay lamang sa kalalakihan.
Tanong: Sumasang ayon ka ba na ang
matataas na rangko ay para lamang sa
kalalakihan?

13

You might also like