You are on page 1of 16

Special Topic

Gender Roles and Gender


Identity
Mark Joffet A. Reconcillo
Nabibigay ang
Objectives Nakagagawa ng mga
malikhaing gawain
kahulugan ng sex Naihahambing ang patungkol sa
at gender at pagkakatulad at paggalang sa
malalim na pagka- pagkakaiba ng sex at karapatan ng mga
unawa sa ibat- gender. mamamayan sa pagpili
ibang gender ng kasarian at
roles. sekswalidad.
IDENTIFY ME:
Pamprosesong Tanong:
Mula sa mga larawang ipinakita, ito ba
ay para sa mga kababaihan o
kalalakihan?
Paano mo nasabi na ang bagay na ‘yun
ay para sa lalaki? Para sa babae?
Sa iyong palagay ano kaya ang
kinalaman ng mga larawang ipinakita sa
ating paksa nag pag-uusapan?
MALE FEMALE
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinahihiwatig ng dalawang
simbolo na sa timbangan?
2. Sa iyong palagay, mayroon kayang
hindi napabilang sa representasyon na
ipinahihiwatig ng larawang ito? Sino?
3. Sa iyong palagay, bakit kaya wala sa
larawang ito ang isa pang simbolo na
nakita mo sa unang gawain?
4. Ano sa palagay mo ang
pangkalahatang mensahe ng larawan?
SEX
tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin
ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki
na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa
World Health Organization (2014), ang sex ay
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa
lalaki.
KATANGIAN NG SEX
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng
buwanang regla samantalang ang mga
lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag)
samantalang ang babae ay hindi
nagtataglay nito.
GENDER
tumutukoy sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
GENDER ROLES
Ito ay tumutukoy sa konsepto ng lipunan
ukol sa pag-uugali at pagkilos ng mga
kasarian.
Ito ang nagtatakda kung paano mag-isip,
magsalita, at makipag-ugnayan ang isang
indibidwal
GENDER
IDENTITY
Pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala
bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang
personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring
mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot,
o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na
ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
SEXUAL ORIENTATION
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim
na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim
na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad
ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Kaya mo ba 'to?
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang pangkat at
bawat isa ay gagawa ng jingle/maikling
tula/poster/islogan/patalastas na magpapakita ng
kanilang pagsulong sa paggalang sa karapatan ng mga
mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad.
Bawat pangkat ay pipili ng lider na bubunot ng task na
kanilang gagawin.
Hambingin mo!
Ipagagawa ng guro sa mga mag-aaral ang Venn Diagram
kung saan ihahambing nila ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng sex at gender
Takdang Aralin
Ang pangunahing gawain ng bawat pangkat ay makagawa ng mga malikhaing hakbang na
magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maari itong gawin sa pamamagitan ng
media-advocacy, symposium, documentary presentation at iba pa.
Ito ay tatayain ayon sa nilalaman, pagkamalikhain, dating/hikayat, organisasyon at
kapakinabangan.
Thank you!

You might also like