Identity Mark Joffet A. Reconcillo Nabibigay ang Objectives Nakagagawa ng mga malikhaing gawain kahulugan ng sex Naihahambing ang patungkol sa at gender at pagkakatulad at paggalang sa malalim na pagka- pagkakaiba ng sex at karapatan ng mga unawa sa ibat- gender. mamamayan sa pagpili ibang gender ng kasarian at roles. sekswalidad. IDENTIFY ME: SONG ANALYSIS Pamprosesong Tanong: Mula sa mga larawang ipinakita, ito ba ay para sa mga kababaihan o kalalakihan? Paano mo nasabi na ang bagay na ‘yun ay para sa lalaki? Para sa babae? Sa iyong palagay ano kaya ang kinalaman ng mga larawang ipinakita sa ating paksa nag pag-uusapan? MALE FEMALE Pamprosesong Tanong 1. Ano ang ipinahihiwatig ng dalawang simbolo na sa timbangan? 2. Sa iyong palagay, mayroon kayang hindi napabilang sa representasyon na ipinahihiwatig ng larawang ito? Sino? 3. Sa iyong palagay, bakit kaya wala sa larawang ito ang isa pang simbolo na nakita mo sa unang gawain? 4. Ano sa palagay mo ang pangkalahatang mensahe ng larawan? SEX tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. KATANGIAN NG SEX 1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi. 2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay nito. GENDER tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. GENDER ROLES Ito ay tumutukoy sa konsepto ng lipunan ukol sa pag-uugali at pagkilos ng mga kasarian. Ito ang nagtatakda kung paano mag-isip, magsalita, at makipag-ugnayan ang isang indibidwal GENDER IDENTITY Pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos. SEXUAL ORIENTATION tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. Kaya mo ba 'to? Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang pangkat at bawat isa ay gagawa ng jingle/maikling tula/poster/islogan/patalastas na magpapakita ng kanilang pagsulong sa paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad. Bawat pangkat ay pipili ng lider na bubunot ng task na kanilang gagawin. Hambingin mo! Ipagagawa ng guro sa mga mag-aaral ang Venn Diagram kung saan ihahambing nila ang pagkakatulad at pagkakaiba ng sex at gender Takdang Aralin Ang pangunahing gawain ng bawat pangkat ay makagawa ng mga malikhaing hakbang na magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maari itong gawin sa pamamagitan ng media-advocacy, symposium, documentary presentation at iba pa. Ito ay tatayain ayon sa nilalaman, pagkamalikhain, dating/hikayat, organisasyon at kapakinabangan. Thank you!