You are on page 1of 3

PAGHAHANDA SA PANGMARKAHANG PAGSUSULIT SA AP

ACRONYMS
1. SOGIE – Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression
2. GABRIELA - General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership,
and Action
3. CEDAW – Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

TERMINOLOGIES and PEOPLE


1. Babaylan – Mga lider-espiritwal noong Panahong Pre-Kolonyal sa Pilipinas (Asog ang tawag sa
lalaking babaylan na hindi lang nagbibihis babae kung ‘di nagkakaroon din ng lalaking seksuwal
na karelasyon)
2. Binukot - Ang binukot ay itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu.
Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.
3. Arapesh - mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak,
matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
4. Mundugumur – kilala rin sa tawag na Biwat, ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa
matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang
pangkat.
5. Tchambuli – tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang
gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan
bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
6. Gender – Tumutukoy sa gampaning panlipunan (masculine, feminine)
7. Sex – Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng indibidwal (male, female, intersex)
8. Queer – mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian, ngunit
maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong
kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.
9. LGBTQIA+ Flag
Red – Life and Sexuality
Orange – Healing and
Friendship
Yellow – Vitality and Energy
Green – Serenity and Nature
Blue – Harmony and Artistry
Violet – Spirit and Gratitude
10. Diskriminasyon - anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan
11. Anti-Homosexuality Act of 2014 - Ito ay batas na ipinatupad sa bansang Uganda na nagsasaad
na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabangbuhay na
pagkakabilanggo.
12. Breast Flattening – Matandang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito
ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy
13. Foot Binding – Ang mga paa ng mga batang babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal.
14. Female Genital Mutilation (FGM) - Ito ay proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) na napatunayang walang pangkalusugang benepisyo. Paniniwalang mapapanatili ang
walang bahid dungis ang babae hanggang sya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang
paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, hrap umihi at maging
kamatayan.
15. Gender Equality - pagkakapantay-pantay ng kasarian

AEA
CHRONOLOGY AND DATES
I. Pre-Kolonyal
May hindi na pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan. Sang-ayon sa Boxer Codex,
ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan
ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang
ibang lalaki.

II. Panahon ng Pananakop ng Kastila


Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat
pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Gayunpaman, naging malaki ang bahaging
kanilang ginampanan sa pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila.

III. Panahon ng Pananakop ng Amerikano


Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at
kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang
mundong kanilang ginagalawan. Nagkaroon ng karapatang bumoto (suffrage) ang
mga kababaihan.

IV. Panahon ng Pananakop ng Hapon


Lubha mang nakaranas ng pang-aabuso mula sa Hapones ang mga kababaihan ay
aktibo silang nakibahagi sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng armadong
pakikibaka. Parehong babae at lalaki ang nagtulungan sa pagpapalaya sa bansa.

V. Kasalukuyang Panahon
Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga
gawaing-bahay. Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban
ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba
pangkasarian o napapabilang sa LGBTQIA+.

Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan

Tugon Mga Kaganapan at Nilalaman


Kailan: Nobyembre 6-9, 2006
Saan: Yogyakarta, Indonesia
Sino: 29 na eksperto sa SOGIE
Para kanino: Mga LGBTQIA+
Nilalaman:
- Prinsipyo 1
Unibersal na Pagtamasa ng Karapatang Pantao
- Prinsipyo 2
Mga Prinsipyong Yogyakarta Pagkakapantay-pantay at Walang Diskriminasyon
- Prinsipyo 4
Karapatan sa Buhay
- Prinsipyo 12
Karapatan sa Trabaho
- Prinsipyo 16
Karapatan sa Edukasyon
- Prinsipyo 25
Karapatan sa Buhay Pampubliko
Ano: Inilalarawan bilang International Bill for Women. Kilala rin bilang
The Women’s Convention o ang UN Treaty for the Rights of Women.
CEDAW Tumatalakay sa komprehensibong karapatan ng kababaihan
Convention on the Elimination Kailan:
of All Forms of Discrimination Disyembre 18, 1979 – Inaprubahan ng UN
Against Women Hulyo 15, 1980 – Pumirma ang Pilipinas
Agosto 5, 1981 – Naratipika ang pagpirma ng Pilipinas
Setyembre 3, 1981 – Unang ipinatupad ang CEDAW

AEA
KILALANIN

DANTON REMONTO (gay)


Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at
mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na
binubuo ng mga miyembro ng LGBT.

GERALDINE ROMAN (transgender)


Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng
lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing taga-pagsulong ng Anti-Discrimation
bill sa Kongreso.

BAN KI-MOON
Dating Secretary-General ng United Nations na nagwika na
“LGBT rights are human rights”

AEA

You might also like