You are on page 1of 22

MODYUL 1

MODYUL 1, PAKSA 1 - GENDER, SEX, AT SEKSUWALIDAD

Gender
- Katangian, gampanin, at pag-uugali na pangkaraniwang kaakibat ng pagiging isang lalaki o babae.
- Natututuhan, napag-aaralan, at nahuhubog sa pamamagitan ng kultura at panlipunang institusyon gaya ng
pamilya, gobyerno, paaralan, relihiyon, at media.
- Gampanin (roles), katangian (characteristics), at pag-uugali (behaviors) na iniuugnay sa pagkababae at
pagkalalaki.
- Pangkultural na kategorya (cultural category)
- Persepsiyon ng isang tao at ng lipunan ukol sa seksuwalidad at ukol sa pagkalalaki at pagkababae.
- Dumarami ang kategorya nito depende sa dumaraming uri ng seksuwalidad o oryentasyong seksuwal.

Gender roles
- Nalilikha nilang tugon sa kapaligiran, kabilang ang mga interaksiyon sa mga tao, sa mga institusyon gaya ng
pamilya, paaralan, relihiyon at media.
- Hindi awtomatikong itinatalaga ng genetika (genetics).

Sex
- Biyolohikal na katangian ng isang tao (lalaki at babae lamang, ngunit nadagdag na ang intersex).
- Kung ano ang iyong reproductive organ.

Seksuwalidad (sexuality)
- Seksuwal na oryentasyon o atraksiyon ng isang tao sa iba.
- Nahuhubog ng kultura, pagpapalaki (upbringing), impluwensiya ng mga kaibigan, at media.

Note:
- Ang gender at sex ay hindi magkasingkahulugan, ngunit parehong isinasalin sa wikang Filipino ang dalawang
termino na ito bilang “kasarian”.
- Ang gender ay kadalasang hindi nakabatay sa kaniyang sex (o kaniyang reproductive organ).
MODYUL 1, PAKSA 2 - MGA URI NG SEKSUWALIDAD AT GENDER

1. Atraksiyon sa isang uri ng kasarian


● Heterosexuality
- Atraksiyong seksuwal sa miyembro ng KABILANG KASARIAN (opposite sex)
- Straight na babae at straight na lalaki
● Homosexuality
- Atraksiyong seksuwal sa miyembro ng KAPAREHONG KASARIAN (same-sex)
- Gay (lalaki sa lalaki)
- Lesbian (babae sa babae)

2. Atraksiyon sa iba’t ibang uri ng kasarian


● Bisexuality
- “Bi” means “two/dalawa”
- Atraksiyong seksuwal sa DALAWANG URI NG KASARIAN (babae at lalaki)
● Pansexuality/Omnisexuality
- Atraksiyong seksuwal sa ANUMANG KASARIAN
- Gender-blind o hindi mahalaga ang gender at kasarian ng ibang tao sa atraksiyong seksuwal.

3. Walang seksuwal na atraksiyon sa kaninuman


● Asexuality
- WALANG atraksiyong seksuwal sa kaninuman
- Hindi aktibo sa gawaing seksuwal (sexually inactive)

LGBTQ+ Community
- Hindi kalinya ang itinalagang biolohikal na sex ng isang tao sa kaniyang gender identity (o pagkakakilanlan sa
kanilang sarili)
- Lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, non-binary, gender-nonconforming, etc.
- Ang “+” sa LGBTQ+ ay para sa inklusibong representasyon sa mas marami pang kategorya ng kasarian.
- Nagsusulong ng same-sex marriage, makapag-ampon, SOGIE (sexual orientation, gender identity and expression)
Bill.
MODYUL 1, PAKSA 3 - ILANG ISYUNG MAY KINALAMAN SA
GENDER AT KASARIAN

Isyu sa Karapatan ng Kababaihan


1. Mababang pagtingin ng kalalakihan
2. Walang karapatang bumoto
3. Limitadong edukasyon at hanapbuhay
4. Pisikal at berbal na abuso

Isyu sa Karapatan ng mga LGBTQ+


1. Second-class citizen
- Hindi pa rin nila kapantay ang karapatan na mayroon ang kababaihan at kalalakihan.

2. Walang karapatang bumuo ng pamilya (same-sex marriage, civil union at mag-ampon ng mga anak).
MODYUL 1, PAKSA 4 - GENDER ROLES O BAHAGING
GINAGAMPANAN NG KASARIAN SA MGA INSTITUSYONG
LIPUNAN

1. Trabaho
● Kababaihan:
- Hindi mabibigat na gawain
- Inaasahan bilang mananahi, nurse, guro, dentista, chef, cook, nagtatrabaho nang magaan sa
opisina, atbp. na hindi nangangailangan ng pisikal na lakas.
● Kalalakihan:
- Inaasahan bilang sundalo, pulis, magsasaka, mangingisda, mekaniko, security guard, kargador,
karpintero, atbp.
● LGBTQ+:
- Nagtatagumpay sa larangan ng sining gaya ng sa pelikula, fashion design, pagpapaganda, teatro,
atbp.
● Sa kasalukuyan, ang lahat ng trabaho ay bukas sa lahat ng kasarian.

2. Pamilya
● Asawang lalaki (husband)
- Nagsusustento sa pamilya.
- Pumoprotekta sa pamilya.
● Asawang babae (wife)
- Nagpapanatili ng kalinisan sa bahay.
- Gumagawa ng gawaing-bahay.
- Nangangalaga sa pamilya.
● Sa kasalukuyan, pareho na itong nagagawa ng mag-asawa.
● Career woman at house husband

3. Edukasyon
● Sa kasalukuyan, ang bawat kurso ay bukas na sa lahat ng kasarian.
● Noong 1995, nagtapos ang unang batch ng kababaihang pumasok sa Philippine Military Academy
(PMA).

4. Gobyerno
● Puro kalalakihan ang naging presidente ng Pilipinas.
● Gng. Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng bansa.
● Bukas sa lahat ng kasarian ang mga posisyon sa gobyerno.
● Lahat ay may karapatang bumoto.

5. Relihiyon
● Katolisismo:
- Lalaki ang pinapayagang magpari.
- Babae ay para maging madre.
● Iglesia ni Cristo:
- Lalaki ang nagiging ministro.
- Babae ay nagiging diakonesa, mang-aawit, kalihim, atbp.
● Seventh Day Adventist, Born Again Christian, atbp sektang Protestante:
- Babae ay maaaring maging tagapangaral.
MODYUL 1, PAKSA 5 - ANG PAGTANGGAP NG MGA BANSA SA
IBA’T IBANG GENDER AT SEKSUWALIDAD

KATAYUAN NG MGA KABABAIHAN SA LIPUNAN

Sa Iba’t Ibang Bansa:


a. Denmark, Brazil, at South Korea
- Maaaring maghalal ng babaeng prime minister at presidente.
b. Mali
- Batas para sa mga kababaihan na hindi na obligadong sumunod sa kani-kanilang asawa.
c. Yemen
- Hindi maaaring lumabas ng tahanan ang isang babae nang walang pahintulot mula sa asawa, maliban
kung ito ay emergency.

CEDAW - IPS
- Isang kasunduan para sa karapatan ng mga kababaihan sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.

a. Morocco
- Pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan ukol sa matrimonyo at diborsyo sa pamamagitan ng
Family Code noong 2004.
b. India
- Legal na obligasyong pawiin ang diskriminasyon laban sa kababaihan at sexual harassment sa
pinagtatrabahunan.
c. Mexico
- Noong 2007, ipinasa ang batas laban sa karahasan sa kababaihan.
d. Austria
- Nagdesisyon sa dalawang reklamong patungkol sa karahasan sa tahanan.
e. United Nations (UN)
- 40% ay mga babaeng nasa posisyon sa mismong organisasyon.

Sa Pilipinas:
- Higit na nagtatamasa ng pantay na karapatan sa kalalakihan.
- Nagkaroon ng dalawang (2) babaeng pangulo.
- May mga kababaihan sa Korte Suprema, senado, gabinete, mga punong posisyon.
- May mga mataas na pinag-aralan.
- Nasa mga matataas na posisyon sa kompanya.
- Lahat ng larangan ay kaya ng pasukin ng mga kababaihan.

ANG PAGTANGGAP SA LGBTQ+

Sa Iba’t Ibang Bansa:


a. North America, European Union at Latin America
- 39 bansa sa mga kontinenteng ito ay may malalawak na pagtanggap sa homosexuality.
b. Africa, Muslim countries, ibang lugar sa Asya at Russia
- Tumututol sa homosexuality
c. South Africa
- Nagbibigay ng karapatan sa kanila
- Same-sex marriage
d. United States
- Ilang estado sa US ang nagpapahintulot ng same-sex marriage
e. Austria, Germany, Ireland at Switzerland
- Kinokonsidera sa ngayon ang batas para sa same-sex marriage
f. Finland
- Legal ang same-sex marriage noong 2017
g. France
- Pinakapalakaibigang bansa sa mga LGBTQ+ sa buong mundo
- Ika-13 bansa na nagsalegal ng same-sex marriage noong 2013
- Mga batas na nagbabawal ng diskriminasyon batay sa seksuwal na oryentasyon at gender identity.
h. Australia
- Ginagamit ang terminong LGBTQI
- Ika-5 bansa na sumusuporta sa LGBTQI
i. Thailand
- Isa sa mga malayang bansa sa homosexuality
- Legal ang same-sex sexual activity
j. Vietnam
- Ang unang gay pride ay mapayapang isinagawa sa Hanoi noong 2012.
k. Japan
- May legal na proteksiyon para sa mga gay at transgender
- Legal ang same-sex sexual activity
- Mga batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa seksuwalidad sa pagtanggap ng mga trabahador
l. Armenia, Azerbaijan, Belarus, Bulgaria, Croatia, Hungary, Latvia, Lithuania, Moldova, Montenegro,
Poland, Serbia, Slovakia at Ukraine
- Ipinagbabawal ang same-sex marriage
m. Singapore
- Ipinatutupad ang Section 377A ng kanilang Penal Code kung saan krimen ang pagtatalik ng
magkaparehong kasarian.
- May parusang dalawang (2) taong pagkabilanggo.
n. Malaysia
- Ang diskriminasyon sa LGBTQ+ ay malawak.
- Colonial Era Penal Code na kontra sa homosexuality
o. Mauritania, Sudan at North Nigeria
- Parusang kamatayan
p. Uganda, Tanzania at Sierra Leone
- Anumang gawaing homosexual ay maaaring makulong habambuhay
q. Nigeria
- Nagdagdag ng mga batas na nagbabawal sa pagsuporta sa LGBTQ+
- Maaaring makulong ng hanggang 10 taon

Sa Pilipinas:
- Noong eleksiyong 2007 at 2010, hindi inaprubahan ng COMELEC ang paglahok ng Ang Ladlad Partylist.
- Noong Marso 3. 2009, pinapayagan na ang pagsali ng mga bakla at bisexual sa Sandatahang Hukbo ng Pilipinas o
Armed Forces of the Philippines (AFP).
- Ika-10 bansa na gay-friendly sa mundo at nangunguna sa Asya.
- Gayunpaman, kumakaharap pa rin ng diskriminasyon ang LGBTQ+.
MODYUL 2
MODYUL 2, PAKSA 1 - KAHULUGAN AT MGA ANYO NG
DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN AT LGBTQ+

DISKRIMINASYON SA KASARIAN
- Tinatawag ding gender o sexual discrimination
- Ito ay anumang aksiyon na nagkakait ng mga oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao (o isang grupo)
dahil sa kasarian.
- Ito ay isang paglabag sa mga karapatang sibil.
- Ang pangkaraniwang biktima nito ay ang mga kababaihan at mga miyembro ng LGBTQ+ community.

MGA ANYO NG DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN AT LGBTQ+


● Seksuwal na panliligalig (sexual harassment)
● Diskriminasyon sa pagbubuntis (pregnancy discrimination)
● Hindi pantay na trato sa trabaho
- Hindi pantay na bayad o sahod na pareho naman ang trabaho sa mga lalaki
- Hindi nakakakuha ng trabaho
- Hindi binibigyan ng promosyon
● Paggamit ng palikuran
- Public Facilities Privacy & Security Act o “Bathroom Bill”
- Isyu ni Gretchen Custodio Diez

ANO ANG KARAHASAN SA KABABAIHAN AYON SA UNITED NATIONS?


- Anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan
- Kasama ang pagbabanta at pagsikil sa kalayaan

Foot Binding sa China


- Lotus feet o lily feet
- Ang paa ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang isang pirasong bakal.
- Simbolo ng yaman, ganda at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal
- Tinanggal noong 1911.

Breast Flattening sa Cameroon


- Pagbabayo o pagmamasahe sa dibdib ng dalaga ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
- Para hindi maagang mabuntis, mahinto sa pag-aaral at pagkagahasa.

Female Genital Mutilation sa Africa


- Paghiwa o pagtanggal ng ilang parte sa labas na ari ng babae.
- Parte ng kanilang kultura
- Pagpreserba ng kanilang “purity” at “virginity”
- Wala itong hatid na anumang benepisyong medikal.

Ang mga Binukot sa Panay, Capiz at Iloilo, Pilipinas


- Ang kulturang nagsimula na noon pa bago dumating ang mga Espanyol.
- Sila ay mga babae na nasa marangyang pamilya kung saan ikinukulong lamang sila sa kanilang silid at
hindi pinapalabas o pinapatapak sa lupa.
- May gampanin silang palaganapin ang tradisyon at kultura ng Panay.
Comfort Women ng Pilipinas
- Mga babaeng Pilipino na pinagmalupitan at ginawan ng kahalayan ng mga sundalong Hapon noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa.
MODYUL 2, PAKSA 2 - DISKRIMINASYON SA KALALAKIHAN

Ayon sa isang survey…


- Isinagawa sa mga bansang Bulgaria, Cyprus, Denmark, France at UK.
- Nakakaranas ng diskriminasyon sa trabaho, lalo na sa mas maraming mga babae (Hal: health-related services).

Reverse Discrimination
- Tinatawag na “saliwang diskriminasyon”
- Ito ay diskriminasyon laban sa mga nangingibabaw o mayoryang grupo na pabor sa minorya.
- Hal: Mas may benepisyong nakukuha ang mga kababaihan at LGBTQ+ kaysa sa mga lalaki sa isang
pinagtatrabahunang ospital.

Gender Stereotypes
- Mga hindi makatotohanang paglalarawan sa mga kalalakihan.
- Hal: Hindi dapat umiiyak ang mga lalaki.

Maaari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang mga ganitong pangyayari (anuman
ang iyong sex o gender):

1. Tinatawag ka sa ibang pangalang may kaakibat na pang-iinsulto.


2. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
3. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
4. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot.
5. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko.
6. Madalas pinagagalitan ka ng walang dahilan.
7. Pinagbabantaan ka na sasaktan.
8. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ka.
9. Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban.
10. Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
11.Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
MODYUL 2, PAKSA 3 - ANG DISKRIMINASYON SA KASARIAN SA
LUGAR NG TRABAHO

ANO ANG DISKRIMINASYON SA KASARIAN SA LUGAR NG TRABAHO?


- Ito ay tinatawag ding “workplace gender discrimination”
- Isang empleyado o aplikante sa trabaho ay tinatrato nang hindi patas o makatuwiran dahil sa kaniyang gender o
kasarian.

ILANG MGA HALIMBAWA NG ANYO NG DISKRIMINASYON


- Hindi tinanggap sa trabaho o inilagay sa mas mababang posisyon.
- Binabayaran ng mas mababa kaysa sa iba na may ibang gender ngunit kalebel mo rin naman.
- Pinagkaitan ng promosyon, pagtaas ng suweldo o oportunidad sa pagsasanay.
- Iniuulat o dinidisiplina ka para sa ibang bagay na ginagawa rin naman ng iba.
- Iniinsulto at tinatawag ng mga mapanirang pangalan o paninira dahil sa kasarian.
- Sinasadya o paulit-ulit na tinatawag ka sa isang gender-based na tawag (misgendering).
- Seksuwal na pambabastos, pabor o ginagawan ng verbal o physical harassment na may seksuwal na anyo.
- Tinanggihan o pinilit na umalis sa trabaho dahil buntis.
- Ginawang mas mahigpit ang kwalipikasyon dahil sa iyong kasarian o gender.
- Babae bilang “agresibo” samantalang ang lalaki bilang “leadership”.
- Sinasabihang maging kaaya-aya ang hitsura, maliban kung ito ay isang alituntunin sa trabaho.
MODYUL 2, PAKSA 4 - MGA SALIK NA NAGIGING DAHILAN SA
PAGKAKAROON NG DISKRIMINASYON SA KASARIAN

1. Relihiyon at Kultura
- Maraming kultura ang naglalagay sa mga babae sa ilalim ng lalaki.
- Hal: Ang ama ay dapat na mamuno
- Babae at lalaki lamang ang tanggap na kasarian sa maraming kultura.

2. Pisikal na Kaanyuan
- Babae bilang mahihina mahinhin, at maliliit.
- Lalaki bilang brusko at malakas.

3. Trabaho
- May mga uri ng hanapbuhay na nilikha lamang para sa mas malakas – ang mga kalalakihan.
- Hindi ibinibigay ang mga hanapbuhay na nangangailangan ng pisikal na lakas sa mga kababaihan.
- Halimbawa: Ang ilang bansa ay ibinibigay lamang ang abogasya at inhinyero sa mga kalalakihan.

4. Edukasyon
- May mga kursong para lamang sa mga babae o lalaki.
- Ang kursong nursing ay iniaalok lamang noon sa mga kababaihan.
MODYUL 3
MODYUL 3, PAKSA 1 - 2 - MGA ISYU NG KARAHASAN AT
DISKRIMINASYON, DOMESTIC VIOLENCE, PANGGAGAHASA AT
PROSTITUSYON

DISKRIMINASYON
- Ito ay ang hindi pantay o hindi makatwirang pakikitungo o pagtrato sa isang tao o grupo ng mga tao.
- Dahil sa kanyang kaanyuan, kulay, lahi, etnisidad, paniniwala, pananampalataya, kasarian, gender, at
seksuwalidad.

DISKRIMINASYON SA KASARIAN
- Gender o sexual discrimination
- Ito ay tumutukoy sa anumang gawain na nagkakait ng mga oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao o
grupo ng mga tao dahil sa kaniyang gender o kasarian.

KARAHASANG SEKSUWAL (Sexual violence)


- May iba’t ibang anyo gaya ng seksuwal na panliligalig (sexual harassment), pang-aabusong seksuwal (sexual
abuse) o seksuwal na pag-atake (sexual assault), at panggagahasa (rape).

SEKSUWAL NA PANLILIGALIG (Sexual harassment)


- Ito ay ang anumang berbal o pisikal na gawi na nasa uring seksuwal na hindi naman hinihingi ng isang tao.
- Unwelcome sexual advances at paghingi ng seksuwal na pabor.
- Halinbawa: Panghihipo, komentong may seksuwal na pagpapahiwatig, bastos na mga komento sa gender identity
o gender expression ng isang tao, at panghihimasok sa personal o pribadong buhay ukol sa kaniyang seksuwal o
oryentasyon.
- Ito ay pangkaraniwang ekspresyon ng mga tao sa itinuturing nilang mas mahihina sa kanila.
- Nagaganap sa kalye, lugar ng trabaho, o iba pang mga lugar, at sa virtual world.

PANG-AABUSONG SEKSUWAL (Sexual abuse)


- Paulit-ulit na ginagawa ng iyong mga malalapit na tao sa buhay gaya ng pamilya, kaibigan, guro, o caregiver.
- Ito ay ang anumang uri ng seksuwal na gawaing ginagawa nang labag sa kalooban ng biktima, kasama na ang
panghihipo, panggagahasa, o tangkang panggagahasa (attempted rape), penetrasyon sa maseselang bahagi ng
katawan, pangmomolestiya sa bata, paninilip o pamboboso (voyeurism), exhibitionism, pagkuha ng litrato o video
sa mga seksuwal na sitwasyon, at iba pang kauri nito.

SEKSUWAL NA PAG-ATAKE (Sexual assault)


- Isang beses lamang ginawa ng mga di kilalang tao
- Ito ang intensyonal na seksuwal na kontak na ginawa sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pag-abuso ng
awtoridad.
- Halimbawa ng seksuwal na pag-atake ay ang hindi inaasahang paghalik, paghawak, panggagahasa, at iba pang uri
ng seksuwal na kontak.

#MeToo Campaign
- Isang social movement o kampanya laban sa seksuwal na diskriminasyon, panliligalig, at panggagahasa noong
2006.
- Ito ay pinasimulan ni Tarana Burke.
- Hinihikayat ang mga kababaihan na ikuwento ang kanilang madilim na istorya ng mga isyung ito.
MODYUL 3, PAKSA 3 - 5 - MGA TUGON NG PAMAHALAAN AT
MAMAMAYAN

TUGON NG PAMAHALAAN SA DISKRIMINASYON AT KARAHASAN

1. Pagbuo ng mga batas na nauukol sa diskriminasyon at karahasan, lalo na para sa kababaihan, gaya ng
sumusunod:
a) RA 7877 or the Anti-Sexual Harassment Act of 1995
b) RA 8353 or the Anti-Rape Law of 1997
c) RA 8369 or the Family Courts Act of 1997
d) RA 8505 or the Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998
e) RA 9208 or Anti-Trafficking in Persons Act of 2003
f) RA 9262 or Anti-Violence Against Women and Their Children (Anti-VAWC) of 2004
- Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak (18 taong gulang
pababa), nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa
mga lumalabag dito.
- Saklaw nito ang mga anak na wala pang 18 taong gulang, ampon, anak sa dating karelasyon.

2. Ang Republic Act No. 9710 Magna Carta of Women (MCW)


- Ito ay naglalayong maibsan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala at
pagprotekta sa kanilang mga karapatan.
- Pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan sa lahat ng bagay.
- Women in Especially Difficult Circumstances:
- Mga babaeng nasa panganib ang kanilang kalagayan o masikip na katayuan.
- Halimbawa: Mga katutubo at biktima ng prostitusyon.
- Ang isa sa mga programa sa ilalim nito ay ang pagtatatag ng Convention on the Elimination of All Forms
of Discrimination against Women (CEDAW) Committee noong 2006.

3. Ang Philippines UDF-PHI-07-184-4005 — Promoting Gender Responsive Governance for Rural,


Indigenous, and Muslim Women in the Philippines
- Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa Nobyembre 2008 hanggang 2011.
- Ito ay may layong itaguyod ang karapatang pantao ng kababaihan sa pamamagitan ng pagharap sa mga
isyu ukol sa marginalisasyon, diskriminasyon sa kasarian, at paglabag sa karapatang pantao ng
katutubong (indigenous) kababaihan at kababaihang Muslim sa Autonomous Region of Muslim
Mindanao (ARMM).

4. Ang Republic Act No. 10354 — The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012
- Reproductive Health Law o RH Law
- Ito ay naglalayong magkaloob ng kabatiran at access sa mga mamamayan ng mga metodong (methods)
ukol sa pagpipigil sa pagbubuntis (contraception), fertility control, sexual education, at maternal care.
- May mga probisyon ito ukol sa pangangalaga sa kalusugan ng isang ina at kaniyang anak at may mandato
sa gobyerno at sa mga pribadong sektor na pondohan at isagawa ang malawakang pamamahagi ng mga
gamit ukol sa pagpaplano ng pamilya gaya ng mga condom, birth control pill, vasectomy, at intrauterine
device (IUD).

5. Ang pagsali ng Pilipinas sa UN Women


- Ang UN Women ay isang organisasyon sa ilalim ng United Nations na nagsusulong ng
pagkakapantay-pantay ng kasarian (gender equality) at pagpapalakas ng kasarian (women empowerment).
- Ang mga pangunahing gampanin ng UN Women ay ang gabayan ang mga inter-governmental body, gaya
ng Commission on the Status of Women (CSW), sa pagbalangkas ng mga patakaran at pandaigdigang
pamantayan, sa pagpapatupad ng mga ito (kasama rito ang pagkakaloob ng pinansiyal na suporta), at
regular na pagsubaybay sa progreso o pag-usad ng mga kaugnay na proyekto.
- Nilikha ito nang magkaroon ng United Nations General Assembly noong Hulyo 2010 at nasimulan ang
operasyon ng UN Women noong Enero 2011.

6. #HEFORSHE.ORG
- Programa ng UN Women
- Ipinaglalaban ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan para sa pantay na pagtrato anuman ang
iyong kasarian.

7. Mga Prinsipyo ng Yogyakarta


- Ginawa ng mga human rights experts noong 2006 sa Yogyakarta, Indonesia
- Isa itong balangkas para magbigay ng pamantayan ukol sa karapatang pantao, partikular sa sexual
orientation at gender identity (SOGI)
- Isa ring gabay para sa paggawa ng batas, husgado, at adbokasiya sa karapatang pantao.

ILAN SA MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA:

Principle 1: ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG


PANTAO
● Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan ay nararapat na ganap
na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.

Principle 2: ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA


DISKRIMINASYON
● Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.
Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang
anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.

Principle 3: ANG KARAPATAN SA PAGKILALA SA BATAS


● Lahat ay may karapatang kilalanin bilang tao saan man anuman ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.

Principle 4. ANG KARAPATAN SA BUHAY


● Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan
ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pangkasariang pagkakakilanlan. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil
sa “consensual sexual activity” (gawaing seksuwal na may pahintulot ng kapwa) ng mga taong
nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.

Principle 8: ANG KARAPATAN SA PATAS NA PAGLILITIS


● Isang patas at pampublikong paglilitis ng isang mapagkakatiwalaan, indipidyente, at walang
kinikilingang hukumang itiatag ayon sa batas.

Principle 12. ANG KARAPATAN SA TRABAHO


● Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at
paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksiyon laban sa dis-empleyo at
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o ppagkakakilanlang pangkasarian.

Principle 16. ANG KARAPATAN SA EDUKASYON


● Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng
oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.

Principle 25: ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO


● May karapatang sumali sa mga usaping publiko
● Karapatang mahalal, bumuo ng mga patakaran, pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga
ahensya ng gobyerno nang walang diskriminasyon batay sa kaniyang oryentasyong seksuwal
o pagkakakilanlang pangkasarian.

TUGON NG MGA MAMAMAYAN SA DISKRIMINASYON AT KARAHASAN

1. Pagsusulong sa legalisasyon ng same-sex marriage o same-sex civil union/civil parsa Pilipinas


- Isang uri ng diskriminasyon sa minorya ang hindi pagpapahintulot dito.
- Magiging malaking tulong ito sa pagkakaroon ng gay couple ng karapatang mag-ampon ng anak.
- Ayon sa mga kontra rito, pinapahina raw nito ang depinisyon at kasagraduhan ng pag-aasawa at kasal
bilang institusyon.
- Nagbibigay-kalituhan sa mga anak o maling oryentasyon sa mga batang aampunin.

2. Ang Pagbuo ng Ladlad LGBTQ Party List


- Pinayagang makasali sa eleksyon 2010 at 2013.
- Sinabi ng Korte Suprema na hindi naman lahat ng imoral ay iligal.
- Hindi umabot sa quota na 2% upang magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

3. Pagsusulong ng SOGIE Bill


- Ang panukalang-batas na magpapataw ng parusa sa sangkot sa mga diskriminasyong nakabatay sa
“sexual orientation, gender identity or expression” (SOGIE).

4. Pag-iingay sa social media


- Nagiging venue ng sexual discrimination at sexual abuse ang social media platforms. (Hal: trolling)
- Nananawagan ang mga users na magkaroon ng dagdag na programa at aksiyon laban dito.

5. Pagkalampag sa pamahalaan
- Nananawagan ang ilang sektor na bumuo ang pamahalaan ng mga proyekto ukol sa karahasan at
diskriminasyon.
- Livelihood program laban sa prostitusyon.
- Madaling pagpaparating ng mga kaso sa mga awtoridad at ang kanilang mas mabilis na tugon.

Malala Yousafzai
- Pinakabatang nakatanggap ng Nobel Peace Prize.
- Ipinaglalaban niya sa Pakistan ang karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral.

6. Gender and Development (GAD)


- Isang disiplina ng pag-aaral.
- Nilalayon nito na magkaroon ng pantay na karapatan at pagkakataon ay kababaihan at kalalakihan,
katulad ng paglahok sa pampublikong sektor mula taong 1995 - 2025.
- Nilalaanan sila ng 5% na pondo ng gobyerno para sa kanilang mga programa at proyekto.
- Pinahahalagahan ang pagkakakilanlan ng mga kababaihan sa lipunan.
MGA PARAAN UPANG MALUTAS ANG SULIRANIN SA PROSTITUSYON AT PANG-AABUSO

1. Higpitan ang paglalapat ng parusa sa mga sangkot sa prostitusyon at pang-aabuso.


- Mga taong tumatangkilik sa prostitusyon o mga nang-aabuso.
- Mga bugaw at nagmamay-ari ng mga establisimiyentong nagbibigay-daan sa prostitusyon.
- Mga opisyal ng gobyerno na backer o tagapagtaguyod ng mga sangkot na gobyerno.
- Mga prostitute

2. Bumuo ng mas naaangkop na mga batas na nakatuon sa pagsupil sa prostitusyon, panggagahasa at pang-aabuso.

3. Magsagawa ng mga programang nakatuon sa pagkakaroon ng mga kaalaman at kamalayan tungkol sa


prostitusyon, pornograpiya, at pagkalakal sa kababaihan.

4. Magturo sa mga magulang na maging responsable sa paggabay sa kanilang mga anak upang hindi masadlak sa
prostitusyon at pang-aabuso.

5. Magtulungan ang mga sekta ng relihiyon at iba pang institusyon gaya ng paaralan upang mapaalalahanan ang mga
tao tungkol sa kasamaan ng prostitusyon at pang-aabuso.

6. Magkaloob ang gobyerno ng mga hanapbuhay o alternatibong pagkakakitaan na may magandang pasahod upang
maiwasan na ang pagpasok sa prostitusyon.
MODYUL 4
MODYUL 4, PAKSA 2 - ANG RH LAW BILANG HAKBANG SA
PAGPAPAHALAGA SA KABABAIHAN

RA 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012


- Kilala bilang RH Law
- Nilagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Disyembre 21, 2012.
- Ngunit pansamantalang itinigil ng Korte Suprema ang implementasyon nito noong Marso 2013 bilang tugon sa
mga petisyon.
- Noong Abril 8, 2014, idineklara nila na ito ay constitutional subalit pinawalang-bisa ang ilang probisyon ng batas
partially o in full.
- Layunin ng batas na magkaloob ng kabatiran at access sa metodong ukol sa pagpipigil sa pagbubuntis
(contraception), fertility control, sexual education, at maternal care.
- Condom, birth control pill, intrauterine device (IUD), vasectomy, at marami pang iba.
- Nagkaroon ng mainit na debate (pro-life vs. pro-choice).

Mga Bentaha (Advantage) ng RH Law


- Magkakaroon ng kabatiran at tamang edukasyon ang mga mamamayan ukol sa pag-aanak (reproduction).
- Maiiwasan ang hindi planadong pagdadalantao at mapipigilan ang overpopulation.
- Mapapangalagaan ang kapakanan at kalusugan ng kababaihan maging ng mga anak.
- Magsisilbing gabay sa kabataan ang sex education.
- Maiiwasan ang paglaganap ng mga sexually transmitted disease (STD).

Ang RH Law bilang Pagsusulong sa Kapakanan ng Kababaihan


- Isinasaalang-alang ang kompletong pisikal, mental at panlipunang kagalingan ng mga ina na may
kinalaman sa reproductive system.
- Nakasentro sa Responsible Parenthood o ang pagiging responsableng magulang.
- Pagkontrol sa populasyon o population management.

Mga Disbentahe (Disadvantage) ng RH Law


- Maaaring magbunga ng pagdami ng kaso ng pre-marital sex.
- May masamang epekto sa kalusugan ang mga contraceptive.
- Ang sex education sa kabataan, lalo na sa elementarya, ay hindi angkop.
- Maaaring magbunga ng paglaganap ng pangangalunya (adultery).
- Labag sa aral ng Simbahang Katoliko.
MODYUL 4, PAKSA 3 - 4 - ANG SAME-SEX MARRIAGE, CIVIL
PARTNERSHIP, AT SOGIE BILL BILANG MGA HAKBANG SA
PAGKAKAPANTAY-PANTAY

SAME-SEX MARRIAGE
- Ito ay ang kasalan o pag-iisang dibdib ng dalawang taong may magkatulad na kasarian.
- Ito ay isang malaki at sensitibong usapin sa Pilipinas.

Mga Dahilan sa Pagkakaroon ng Same-sex Marriage:


1. Kapantayan ng kasarian
2. Hindi ito nagdudulot ng pinsala kaninuman at sa lipunan
3. Malaking tulong sa mga bahay-ampunan
4. Ang homosexuality ay tinatanggap na uri ng pamumuhay (lifestyle)
5. Walang mali kung pagmamahalan ang pinakamalaking bagay sa pag-aasawa
6. Isang karapatang pantao

Mga Kontra sa Same-sex Marriage:


1. Maaaring magdulot ng trauma at kalituhan sa bata
2. Ang gay lifestyle ay hindi dapat isulong
3. Hindi biologically natural
4. Magpapahina sa kabanalan, dangal at prestihiyo ng pag-aasawa
5. Marami pa ring tao ang hindi tanggap ang LGBTQ
6. Sisirain nito ang tradisyunal na kahulugan ng kasal at pamilya
7. Labag sa natural law at aral ng Bibliya
8. Layunin ng pag-aasawa ay ang pagpaparami (procreation)
9. Tampulan ng tukso at bullying
10. Maraming magbabago sa konstitusyon

CIVIL PARTNERSHIP
- Kinikilala ang pagsasama ng magkasintahan na legal ng estado lamang, hindi ng relihiyon.
- Mas madaling ipasa kaysa sa same-sex marriage.
- May mga pagtutol pa rin bagaman ito ay wala ng presensya ng relihiyon. pagtutol pa rin bagaman ito ay wala ng
presensya ng relihiyon.

Geraldine Roman
- Aniya mas madaling ipasa ang civil partnership kaysa same-sex marriage.
- Ang nais naman ng LGBTQ+ ay karapatan.

House Bill No. 6595 o Civil Partnership Act


- Panukalang batas na akda ng 10 kongresista.
- Kinikilala ng civil partnership ang mag-asawa anuman ang kanilang kasarian.
- Binibigyang-karapatan ang same-sex couples na mag-ampon at magkaroon ng hatian sa ari-arian.
- Alternatibo para sa mga heterosexual couples.

SOGIE Bill
- Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE).
- HOUSE BILL 4982 O SOGIE EQUALITY ACT
- Panukalang batas na nagpaparusa sa sangkot sa mga diskriminasyong nakabatay sa “sexual orientation” at
“gender identity or expression” (SOGIE).
- Multa: Php 100,000 - Php 300,000, o pagkabilanggo mula 2 taon at 4 na buwan.

You might also like