You are on page 1of 3

IKATLONG MARKAHAN

INTERBENSYON SA ARALING PANLIPUNAN 10


2023-2024

Pangalan: _______________________ Marka: __________

Kasanayang Pampagkatuto Code

1. Nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at


nagsusulong sa kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+;

2. Natutukoy ang diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan,


kababaihan, at LGBTQIA+ (AP10IKL-IIIe-f-7)

SUBUKIN

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang titik at isulat sa sagutang papel.
1. Ayon sa ________________ ang sex ay tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohikal na katangian
na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
a. World Health Organization c. United Nations Human Rights
b. Anti-Violence Against Women d. Convention on the Elimination of All
and their Children Act of 2004 Forms of Discrimination Against Women
2. Layunin ng R.A. No. 9262 o _______________ na protektahan mula sa anumang uri ng
karahasan ang lahat ng kababaihan at kabataan.
a. World Health Organization c. United Nations Human Rights
b. Anti-Violence Against Women d. Convention on the Elimination of All
and their Children Act of 2004 Forms of Discrimination Against Women
3. Kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of
Women na may kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan
hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
a. World Health Organization c. United Nations Human Rights
b. Anti-Violence Against Women d. Convention on the Elimination of All
and their Children Act of 2004 Forms of Discrimination Against Women
4. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
a. gender c. gender role
b. sex d. sexual orientation
5. Ito ay ang bayolohikal, pisyolohiko at natural na katangian ng isang tao mula
kapanganakan. Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao
a. gender c. gender role
b. sex d. sexual orientation
6. Ito ay isang social contract at nakabatay sa mga salik panlipunan (social factors).
a. gender c. gender role
b. sex d. sexual orientation
7. Kabilang sa mga salik na ito ay ang mga panlipunang gampanin at tungkulin, kapasidad,
intelektual, emosyonal at panlipunang katangian at katayuan na nakaatas sa mga babae at
lalaki at iba pang kategoryang itinakda ng kultura at lipunan. Maaaring ikaw ay feminine o
masculine depende sa tingin sayo ng lipunan.
a. gender c. gender role
b. sex d. sexual orientation
8. Ito ay ang tungkulin o gampanin base sa kasarian. Ito ay tinakdang pamantayan na ang
basehan ng tungkulin ng babae at lalaki ay batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan.
a. gender c. gender role
b. sex d. sexual orientation
9. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian
ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
a. gender c. gender identity
b. sex d. sexual orientation
10. Ito ang pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian na kinikilala bilang malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
a. gender c. gender identity
b. sex d. sexual orientation
11.Ito ang tawag sa tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang
kasarian.
a. Heterosexual c. Bisexual
b. Homosexual d. Intersex
IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA ARALING PANLIPUNAN 10
2023-2024

12. Ito ang tawag sa tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang
kasarian.
a. Heterosexual c. Bisexual
b. Homosexual d. Intersex
13. Ito ang tawag sa tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay
AC-DC, silahis, atbp.
a. Heterosexual c. Bisexual
b. Homosexual d. Intersex
14. Ito ang tawag sa tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma
sa lalaki o babae. Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit mayroon syang male
reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay hermaphrodite.
a. Heterosexual c. Gay
b. Lesbian d. Intersex
15. Ito ang tawag sa babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa
kaniya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp.
a. Heterosexual c. Gay
b. Lesbian d. Intersex
16. Ito ang tawag sa lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa
kaniya ay bakla, beki, bayot, bading, paminta, sirena, atbp.
a. Transgender c. Gay
b. Queer d. Intersex
17. Ito ang tawag sa tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung
ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay
transwoman, transman, atbp.
a. Transgender c. Gay
b. Queer d. Intersex
18. Ito ang tawag sa tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag
iiba o maaring hindi limitado sa dalawang kasarian lamang.
a. Transgender c. Body Integrity Identity o Dysphoria
b. Queer d. Intersex
19. Ito ay mas kilala sa tawag na transabled: kung saan ang isang tao ay may pakiramdam na
sila ay may kapansanang nakulong sa katawan ng malusog na indibidwal.
a. Transgender c. Body Integrity Identity o Dysphoria
b. Queer d. Intersex
20. Tumutulong din ______________ na malaman ng mga bata kung sino sila at kung ano ang
inaasahan sa kanila at habang nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang mga papel
batay rito.
a. gender c. gender role
b. sex d. sexual orientation

B. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng iyong sagot mula sa kahon
at isulat ito sa isang papel.

A. United States Agency for International Development (USAID)


B. R.A. NO. 9262 O ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT OF 2004
C. BREAST IRONING O BREAST FLATTENING (AFRICA)
D. General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action
(GABRIELA)
E. Myanmar's Kayan Lahwi tribe long-necked women
F. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
G. Paternity Leave o Republic Act 8187
H. Yogyakarta

1. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng


_________ na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga
LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at
maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay may mga kurso, propesyon, at
hanapbuhay na para lamang sa babae o lalaki.
2. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
3. Layunin nito na protektahan mula sa anumang uri ng karahasan ang lahat ng kababaihan
at kabataan.
4. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan
nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
5. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay nararapat na
ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
6. Nakapaloob dito ang tinaguriang Seven Deadly Sins Against Women.
IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA ARALING PANLIPUNAN 10
2023-2024

7. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang
pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
8. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng
babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga
gawain nagdidiskrimina sa babae.
9. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at
pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong
(7) araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo.
10. Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa
kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang
petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.

II. IDENTIPIKASYON
A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

(Bilang 1-7 )Tukuyin ang tinaguriang Seven Deadly Sins Against Women.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
(Bilang 8-10) Magbigay ng ilan sa mga tradisyon ng isang bansa na itinuturing na pang-aabuso
sa mga kababaihan.
8.
9.
10.
(Bilang 11-16) Ibigay ang kahulugan ng bawat kulay ng watawat ng LGBTQIA+
11. Red
12. Orange
13. Yellow
14. Green
15. Blue
16. Violet
Bilang 17-20) Magtala ng mga senyales / palatandaan na ang isang tao ay inaabuso.
17.
18.
19.
20.

You might also like