You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 3rd Quarter Test

Name:
Section:

I. Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay konsepto na tumutukoy sa pagiging babae o lalaki.


A. sex C. gender identity
B. gender D. sexual orientation
2. Ang pangkalahatang tawag sa gampanin ng isang indibidwal sa lipunan tulad ng masculine o feminine ay tinatawag na
_________________.
A. sexual orientation C. gender
B. gender identity D. sex
3. Ang magkaibang katangian ng kalalakihan at kababaihan sa kanilang pisikal na pangangatawan tulad nang buwanang dalaw
para sa mga babae at pagkakaroon ng testicle sa mga lalaki ay isang pagpapaliwanag sa kahulugan ng
__________________.
A. sexual orientation C. gender
B. sex D. gender identity
4. Ito ang bansa sa Asya na hindi pinahihintulutan ang kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
A. Pakistan C. Saudi Arabia
B. United Arab Emirates D. Africa
5. Siya ay kilalang tagapagtaguyod ng kampanya laban sa hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan at kalalakihan.
A. Aiza Yousaf C. Aziza Haffan Yousef
B. Aziza Al Yuosef D. Aziza Housef
6. Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at
pakikipagrelasyon sa taong kapareho o kasalungat na kasarian.
A. sexual orientation C. sex
B. gender identity D. gender
7. Ang mas malalim na pagkilala sa sarili na maaaring tugma o hindi tugma sa kanyang sex nang siya ay ipanganak ay
tinatawag na _______.
A. sexual orientation C. sex
B. gender identity D. gender

8. Ito ay pagtalakay sa sekswal na pagnanais sa kabilang kasarian.


A. heterosexual C. gender identity
B. homosexual D. sexual orientation
9. Sila ay mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki.
A. gay C. bisexual
B. lesbian D. transgender
10. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, siya ay tinatawag na __________________.
A. asexual C. bisexual
B. transgender D. homosexual

11. Ang mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki.


A. lesbian C. bisexual
B. gay D. transgender
12. Ang mga tao na nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
A. asexual C. bisexual
B. transgender D. homosexual

13. Isa itong kaugalian sa Panay kung saan ang mga babae ay itinatago sa publiko at itinuturing na prinsesa.
A. binukot C. bikunot
B. dinukot D. dakunot

14. Anong dokumento ang nagsasaad na ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa?
A. Boxer Codex C. Codex Boxer
B. The Boxer D. The Codex
15. Siya ang sumulat ng akdang Position of Women in the Philippines na nagpapahayag sa katayuan ng mga kababaihan sa
Pilipinas.
1
A. Emelina Ragaza Garcia C. Riza Hontiveros
B. Emelda Driscoli D. Imee Marcos

II. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag mula sa mga panaklong.

__________1. Ang responsibilidad bilang mga magulang sa isang pamilya. (gender, sex)

__________2. Ang mga babae ay may buwanang dalaw samantalang ang mga lalaki ay
wala. (gender, sex)

__________3. Ang konsepto na ang babae o lalaki ay nagmamahal sa kabilang kasarian o kaparehong kasarian. (gender identity,
sexual orientation)

__________4. Ang mga lalaki at babae ay may karapatang pumili ng kanilang naising trabaho. (gender identity, sexual orientation)

__________5. Ang mga indibidwal na walang pagnanasa sa kahit anong kasarian. (asexual, bisexual)
__________6. Ang mga babaeng may pagtatangi sa kapwa babae. (lesbian, gay)

__________7. Ang mga kalalakihan na may pusong babae. (lesbian, gay)

__________8. Ang mga indibidwal na may pagtatangi maging sa lalaki o babae. (asexual,
bisexual)

__________9. Ang mga babae ay may sekswal na pagnanasa sa kanyang kaparehang kasarian o ang mga lalaki sa kanyang
kapwa lalaki. (heterosexual, homosexual)

__________10. Ang mga lalaki ay may sekswal na pagtatangi sa kabilang kasarian gayundin
ang mga babae ay may sekswal na pagtatangi sa mga kalalakihan. (heterosexual, homosexual)

III. Panuto: Ayusin ang salitang may salungguhit upang mabuo ang kaisipan ng mga sumusunod na pangungusap. Ilagay
ang sagot sa patlang.

_______________1. Ang XES ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng pagkakaiba ng lalaki at babae.
_______________2. Ang DENERG ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawaing itinakda ng lipunan para sa
babae at lalaki.
_______________3. Si FESUOY LA AZIZA ay kilalang tagapagtaguyod ng kampanya laban sa pagbabawal ng kababaihan na
magmaneho ng sasakyan.
_______________4. Ang LAWSKES NGOYSATNEYOR ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian
ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya o sa kasariang higit pa sa isa.
_______________5. Ang YTITNEDI REDNEG ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian
ng tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak.
_______________6. Tinatawag na NAIBSEL ang mga babae na may damdaming panlalaki at kumikilos na parang lalaki.
_______________7. Ang LAUXESORETEH ay ang mga taong nagkakaroon ng sekswal na karanasan sa miyembro ng ibang
kasarian. Ang nais nilang makatalik ay miyembro ng kabilang kasarian.
_______________8. Sila ang mga taong walang nararamdamang atraksyong sekswal sa anumang kasarian. Ang tawag sa kanila
ay LAUASEX
_______________9. XUALESIB ang tawag sa taong nakakaramdam ng atraksyong sekswal sa dalawang kasarian.
_______________10. Ang mga YAG o bakla ay nakakaramdam ng atraksyon sa kapwa nila lalaki, may iilan sa kanila na
nagdadamit ng pambabae at nagsasalita na boses babae.

IV. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad sa bawat pangungusap.

__________1. Si Danton Remoto ay kilala bilang isang online fashion retailer.


__________2. Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine Gay Culture sa Bansa.
__________3. Ang Ladlad ay isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng Gay Community.
__________4. Magkakaiba ang gampanin sa lipunan ng mga kababaihan at kalalakihan sa pangkat ng Tchambuli.
__________5. Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula sa Pakistan.
__________6. Ang Arapesh ay kilala rin sa tawag na Biwat.
__________7. Ang mga lalaki sa pangkat ng Tchambuli ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa kwento.
__________8. Ang mga babae at lalaki sa pangkat ng Mundugamur ay bayolente, matapang, agresibo at naghahangad ng
kapangyarihang o posisyon.
__________9. Ang asexual ay ang mga taong walang pakiramdam o atraksyong sekswal sa anumang kasarian.
__________10. Dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas.
__________11. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay ang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan, bata man o matanda
na walang benepisyong medikal sa bansang Africa.

2
__________12. Sina Reo Fortune at Margaret Mead ay mag-asawang antropologo na nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua
New Guinea noong taong 1990.
__________13. Taong 1993 itinatag ang ProGay Philippines.
__________14. Isa sa mga kaugalian sa China ay ang tinatawag na Female Genital
Mutilation.
__________15. Bisexual ang tawag sa mga taong nakakaramdam ng atraksyong sekswal sa parehong kasarian.

You might also like