You are on page 1of 9

Annex 1C to DepEd Order 42, s.

2016
Paaralan ABANON NHS Dibisyon San Carlos City Markahan Ikatlo

Asignatura APan 10 (Mahabang Linggo 8


Guro Pagsusulit)
GRADES 1 to KERVY D.
12 Pang- DELA CRUZ
Araw-Araw na
Tala sa Baitang/ G10 – MFC, MOM, MTA Marso
Pagtuturo AGOSTO V. Antas 25 at
CAYABYAB 26,
Prinsipal Petsa 2024

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na
Pangnilalaman may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong
Pagaganap ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
C. Pinakamahalagang
Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs)
D. Mga Kasanayan sa Nasasagutan ng buong husay ng mga mag-aaral ang inihandang pagsusulit.
Pagkatuto (Isulat
ang code ng bawat
kasanayan)
E. Integrasyon ng alinman Katapatan, Integridad, Mapagkakatiwalaan
sa mga sumusunod;
Values, GAD at CSE
II. NILALAMAN Ikatlong Markahang Pagsusulit
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan 10 pahina 58

1. Gabay ng Guro
2. Kagamitang Pang-mag-aaral Araling Panlipunan 10
Modyul para sa Mag-aaral
3. Teksbuk

4. Karagdagang kagamitan mula


sa Portal ng Learning Resource
(LRMDC)
B. Iba Pang Kagamitang
Panturo DepEd TV, Laptop, Word Document

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
o Pagsisimula ng Bagong Aralin:

B. Paghahabi sa Layunin sa Layunin sa araw na ito na masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
Aralin: pamamagitan ng pagsusulit.
C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa
Bagong Aralin:
D. Pagtalakay ng Bagong Pagtalakay sa mga panuto.
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #1
E. Pagtalakay ng Bagong Pagsagot ng mga mag-aaral sa pagsusulit.
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative
Assessment)
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-
Araw-araw na Buhay

H. Paglalahat

I. Pagtataya ng Aralin ARALING PANLIPUNAN 10


IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan: ______________________ Seksyon: ______________ Iskor: _____

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa patlang.

___ 1. Ano ang kahulugan ng gender?


A. Ito ay tumutukoy sa kasarian kung lalaki o babae.
B. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.
C. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakdang lipunan para sa mga babae at lalaki.
D. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosiyonal, sekswal, at ng malalim na
pakikipagrelasiyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa
kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
___ 2. Taong nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga katulad na kasarian.
A. Bakla B. Heterosexual C. Homosexual D. Tomboy
___ 3. Bata pa lamang si Ramon ay mahilig na siyang magsuot ng pambabaeng
kasuotan. Sa pagtungtong niya sa kolehiyo, nagsimula na siyang uminom ng pills
upang unti-unting baguhin ang kaniyang sarili, dahil para sa kaniya isa siyang babae
na nakulong sa katawan ng isang lalaki. Ano ang kasarian ni Ramon?
A. Asexual B. Bisexual C. Homosexual D. Transgender
___ 4. Ito ay isa sa siyentipikong katangian ng sex.
A. Ang karaniwan sa mga babae ay maalaga sa bahay, ang lalaki ay hindi.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla, ang mga lalaki ay
hindi.
C. Ang karaniwan sa mga mga babae ay naglilinis ng bahay, ang mga lalaki
ay
hindi.
D. Ang karaniwan sa mga babae ay nagdadamit ng mahaba samantalang
lalaki ay hindi.
___ 5. Tawag sa mga taong nagnanasang sexual sa miyembro ng kabilang kasarian,
mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at babae gusto naman ay lalaki.
A. Bakla B. Heterosexual C. Homosexual D. Tomboy
___ 6. Ano ang kahuluhan ng SOGI?
A. Sexual Organization General Identity
B. Sexual Orientation at Gender Identity
C. Sexual Obe-gyne Interaction
D. Sexual Or-Gen Incorporated
___ 7. Bakit mahirap tanggalin ang diskriminasyon sa mga LGBT sa ating bansa?
A. Dahil sa kultura B. Di-sapat na edukasyon
C. Taliwas sa relihiyon/paniniwala D. Lahat ng nabanggit
___8. Tawag sa mga babaeng itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang
prinsesa, ngunit di sila pinapayagang umapak sa lupa at makita ng kalalakihan
hanggang sa magdalaga. Kultural na kasanayan ito sa Panay.
A. Bigay-kaya B. Binukot C. Boxer codex D. Dowry
___ 9. Dokumentong nailimbag noong 1595, na nagsasabi na ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaari niyang patayin ang
kaniyang asawang babae sa sandaling mahuli niya itong may kasamang ibang lalaki.
A. Bigay-kaya B. Binukot C. Boxer codex D. Dowry
___10. Noon, limitado ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga
Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dala nila sa bansa kung saan sa kanilang
batas mas mataas ang tingin sa kalalakihan kumpara sa kababaihan. Alin sa mga
sumusunod ang nangyari sa panahong pre-kolonyal?
A. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging isang ina o paglilingkod ng
buhay sa diyos.
B. Sa panahong ito, ang kababaihan ay kabahagi ng kalalakihan sa
paglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
C. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa
kababaihan
at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang
nakapag-aral.
D. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandalling
makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
___11. Sa panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya na lamang ni Gabriela Silang. Sa aling panahon naganap ang
pangyayaring ito?
A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Espanyol
C. Panahon ng Hapones D. Panahong Pre-kolonyal
___ 12. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban
noong Ikalawang DigmaangbPandaigdig. Sa aling panahon ito naganap?
A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Espanyol
C. Panahon ng Hapones D. Panahong Pre-kolonyal
___13. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki
ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ano ang pinapahiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang
tinatamasang
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
___ 14. Sa panahong ito, maybahay o may karera at mas malawak na ang
Karapatan
ng kababaihan.
A. Kasalukuyang Panahon B. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Hapones
___ 15. Siya ang kauna-unahang transgender na miyembro ng kongreso at
nagsulong
ng Anti-Discrimination Bill sa kongreso.
A. Geraldin Roman B. Geraldine Roxas
C. Maricel Tan D. Rosel Romano
___ 16. Isang kilusang politikal na nagmumula sa Afghanistan kung saan maraming
karahasan ang ibinabato sa kanila gaya ng human trafficking at iba pa.
A. Abbusayap B. Gangsters C. Mafia D. Taliban
___ 17. Sino ang nagsasabi na ang mga LGBT ay tinatawag na “Invisible Minority”?
A. Eleonor Roosevelt B. Hillary Clinton
C. Malala Yousafzai D. Margarett Thatcher
___ 18. Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa
pinakamatagumpay na talk show sa Amerika.
A. Charo Santos Concio B. Ellen Degeneres
C. Marillyn A. Hewson D. Oprah Winfrey
___19. Basahin ang bawat impormasyon. Alamin kung tama o mali ang bawat
pahayag.
Pahayag I: Si Charice Pempengco (lesbian) isang Pilipinong mang-aawit na
nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag
ni
Oprah Winfrey na ‘The Talented Girl in the World’. Isa sa sumikat niyang
awit ay pinamagatang “Love Yourself.”
Pahayag II: Marillyn A. Monroe (babae) chair, presidente at CEO ng
Locheed
Martin Corporation na kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at
panseguridad at iba pang makabagong teknolohiya.

A. Ang dalawang pahayag ay parehong tama.


B. Ang dalawang pahayag ay parehong mali.
C. Ang unang pahayag ay tama at pangalawang pahayag ay mali.
D. Ang unang pahayag ay mali at pangalawang pahayag ay tama.
___ 20. Siya ay isang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iphone, ipad at iba pang
Apple products.
A. Anderson Cooper B. Danton Remollo
C. Parker Gundersen D. Tim Cook
___ 21. Siya ay binaril sa ulo habang lulan ng bus patungong paaralan ng isang
miyembro ng Taliban noong October 9, 2012.
A. Aziza Al Yousef B. Eman Al -Nafjan
C. Kailash Satyarthai Balikan D. Malala Yousafzai
___ 22. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng
kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. Bullying B. Diskriminasyon C. Karahasan D.
Stereotipikasyon
___ 23. Ito ang tawag na ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang
sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan.
A. Foot binding B. Foot enlargement
C. Foot massage D. Foot shortening
___ 24. Anong batas ang ipinasa sa bansang Uganda na nagsasaad na ang same-sex
relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo.
A. Anti-Discrimination Bill B. Anti-Homosexuality Act of 2014
C. Anti-VAWC D. SOGIE Bill
___ 25. Si Alex ay isang mag-aaral sa Grade 12, nais niyang mag-aral sa isang
unibersidad sa kursong Nursing”. Subalit, hindi siya pinayagan ng kaniyang mga
magulang dahil para sa kanila ang kursong kaniyang napili ay mas mainam sa mga
kababaihan. Anong salik ito ng diskriminasyon?
A. Edukasyon B. Relihiyon at Kultura
C. Pisikal na Kaanyuan D. Trabaho
___ 26. Sa isang gym, may isang lalaki na may kapansanan sa paa na nais sumali sa
grupo ng fitness. Ngunit, hindi siya pinayagang lumahok sa mga aktibidad, dahil
hindi daw niya kayang makipagsabayan. Aling salik ng diskriminasyon ang
ipinapahiwatig nito?
A. Edukasyon B. Relihiyon at Kultura
C. Pisikal na Kaanyuan D. Trabaho
___ 27. Sa isang paaralan, may isang mag-aaral na nagmula sa isang katutubong
tribo. Madalas siyang tinitignan ng ibang mag-aaral na kakaiba dahil sa kanyang
tradisyonal na kasuotan at mga kaugalian. Hindi siya iniimbita sa mga sosyal na
kaganapan at madalas na tinatawag na "iba" ng kanyang mga. Anong salik ng
diskriminasyon ang tinutukoy?
A. Edukasyon B. Relihiyon at Kultura
C. Pisikal na Kaanyuan D. Trabaho
___ 28. Si Nana ay nagdadala ng pagkain tuwing biyernes para sa kanyang mga
kasama sa opisina. Napansin ng iba, na kapwa Katoliko niya lamang ang kaniyang
binibigyan, at hindi rin isinasali sa mga simpleng okasyon ang mga kasama nilang
Muslim. Alin sa mga salik ang tinutukoy nito?
A. Edukasyon B. Relihiyon at Kultura
C. Pisikal na Kaanyuan D. Trabaho
___ 29. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga ulat galing sa United Nations
Development Programme, States Agency for International Development, United
Nations Human Rights Council, at ng Europe patungkol sa isa sa mga
napapanahong isyu hindi lamang sa isang bansa kundi buong mundo.

I. Ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa


serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon.
II. Patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan
sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at pang-aabuso.
III. Noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008-
2012.
IV. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na nagsasaad na ang
same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.

Mula sa mga ulat na nabanggit, ano ang yong nahihinuha?


A. May pantay na karapatan ang mga LGBT sa lipunan.
B. Naisusulong ang mga batas na makabubuti sa mga LGBT.
C. Nabibigyang-pansin ang hinaing ng iba’t-ibang kasarian ukol sa
kanilang
mga karapatan at kalayaan.
D. Sa kabila ng mga hakbang o batas na naisulong at isinusulong pa lang
sa maraming bansa patuloy paring nakararanas ng diskriminasyon
at
karahasan ang komunidad ng LGBT.
___ 30. Ito ang dokumentong nailimbag sa bansang Indonesia na naglalaman ng
karapatang pantao na may kinalaman sa pangkasarian at oryentasyong sekswal?
A. CEDAW B. GABRIELA
C. Magna Carta for Women D. Prinsipyo ng Yogyakarta
___ 31. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan.
A. Anti-Violence Against Women B. CEDAW
C. Magna Carta for Women D. VAWC
___ 32. Si Hilda ay isang tomboy. Gusto niyang pumasok sa politika dahil gusto
niyang makilahok sa proseso ng paggawa ng batas na makatutulong sa lahat ng
kasarian. Sa kabila ng pagiging parte ng LGBT, sinuportahan siya ng napakaraming
tao. Anong karapatan ang natamasa ni Hilda?
A. Karapatang lumahok sa Buhay-Pampubliko B. Karapatan sa Buhay
C. Karapatang sa Edukasyon D. Karapatan sa Trabaho
___ 33. Anong Prinsipyo ng Yogyakarta ang tumatalakay sa mga karapatang
magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat
sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian?
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2 C. Prinsipyo 12 D. Prinsipyo 16
___ 34. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa paglalarawan sa CEDAW?
A. International Bill for Woman
B. United Nation Treaty for the Rights of Women
C. Convention of the Rights of the Child
D. The Women’s Convention
___ 35. High School lamang ang tinapos ni Martin, hindi na siya nakapag-aral ng
kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sinubukan niyang mag-aaply ng trabaho sa isang
factory, subalit tinanggihan ang kaniyang aplikasyon dahil walang siyang “College
Degree.” Anong karapatan sa ipinagkait kay Martin?
A. Karapatang lumahok sa Buhay-Pampubliko B. Karapatan sa Buhay
C. Karapatang sa Edukasyon D. Karapatan sa Trabaho
___36. Nilalayon ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng CEDAW upang wakasan ang lumalalang
isyung ito?
A. Kakasuhan ang sinumang mang-aabuso sa mga LGBT.
B. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan.
C. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag
sa karapatan ng kababaihan.
D. Hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype,
kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.
___ 37. Ang turo ay ayos lang na maging parte ng LGBT basta huwag ka lang
makipag-relasyon sa kaparehang kasarian. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang
tinutukoy ng pahayag?
A. Heteronormative B. Misrepresentation ng LGBT
C. Morality Issues D. Queer Standardization
___ 38. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa Kulturang
heteronormative, maliban sa ISA.
A. Ang pagiging LGBT ay normal lang.
B. Ang pagiging LGBT ay isa lamang “phase” o yugto.
C. Naniniwala sila na lahat ng tao sa buong mundo ay “straight” at ang mga
LGBT ay nalilito lamang.
D. Kung ika’y ipinanganak na lalaki, kahit anong mangyari ikaw ay isang
lalaki, at sa babae lamang dapat magkagusto.
___ 39. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Misrepresentasyon sa mga LGBT,
maliban sa ISA.
A. Bakla na nahuhulog sa straight na kaibigan.
B. Tomboy na laging nakadamit panglalaki lang.
C. Lahat ng gay o bakla ay parang babae kung kumilos.
D. Karamihan sa mga tao ay ginagawang katatawanan ang mga gay
pageants.
___ 40. Ang GABRIELA (General Assembly Binding women for Reforms, Integrity,
Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
ibang uri ng karahasang nararanasan ng kababaihan. Ang mga sumusunod ay
kabilang sa tinaguriang Seven Deadly Sins Against Women, maliban sa ISA.
A. Pakikipagtalik
B. Panggagahasa
C. Sexual Harrasment
D. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso
___41. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Alamin kung tama o mali ang
ipinapahayag ng bawat impormasyon.
Pahayag I: Ang turo sa ilang relihiyon ay ayos lang na maging parte ng LGBT
basta huwag ka lang makipag relasyon sa kaparehang kasarian.
Pahayag II: Ang heteronormativity ay isang paniniwala na ang gender
identity ng isang tao ang primary determinant ng sexual orientation.

A. Ang dalawang pahayag ay parehong tama.


B. Ang dalawang pahayag ay parehong mali.
C. Ang unang pahayag ay tama at pangalawang pahayag ay mali.
D. Ang unang pahayag ay mali at pangalawang pahayag ay tama.
___42. Ano ang SOGIE Bill?
A. Pantay na Pagtugon at Karapatan B. Pantay sa Edukasyon
C. Pantay sa Serbisyo D. Pantay sa Trabaho
___ 43. Ano ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan sa
buhay?
A. CEDAW B. Magna Carta for Women
C. Marginalized Women D. Women in especially difficult circumtances
___ 44. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na
katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso.
A. CEDAW B. Magna Carta for Women
C. Marginalized Women D. Women in especially difficult circumtances
___45. Isang permanenteng Hakbang ang Anti-Discrimination Bill, subalit hindi
madaling tanggalin ang diskriminasyon dahil nakaugat na ito sa ating kultura. Alin
sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga bagay na dapat gawin ng gobyerno
upang maalis ang diskriminasyon.
A. Parusahan o ikulong lahat ng tao na nagdidiskrimina sa mga kapwa nila.
B. Tulungan ng mga tao na baguhin ang isipan at nararamdaman nila sa iba.
C. Pagalingin ang puso ng biktima ng diskriminasyon na nahirapan
tratuhinng iba nang patas.
D. Magkaroon ng mga lider na patas sa lahat at pagkaisahin ang lahat ng
indibidwal sa buong mundo.
___46. Tinatawag na “Marginalized Women” ang mga babaeng mahirap o nasa di
panatag na kalagayan. Alin sa mga sumunod ang hindi halimbawa nito?
A. Katutubo B. Prostitute
C. Kababaihang Moro D. Maralitang Tagalungsod
___ 47. Basahin at unawain ang bawat impormasyon. Alamin kung tama o mali ang
binabanggit ng bawat pahayag.

Pahayag I: Anti-VAWC ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban


sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang
parusa sa mga lumalabag dito.
Pahayag II: Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008
upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan.

A. Ang dalawang pahayag ay parehong tama.


B. Ang dalawang pahayag ay parehong mali.
C. Ang unang pahayag ay tama at pangalawang pahayag ay mali.
D. Ang unang pahayag ay mali at pangalawang pahayag ay tama.
___48. Ang batas na ito ay nag-uutos sa lahat ng sangay o departamento ng
pamahalaan na maglaan ng kaukulang bahagdan sa lahat ng proyektong
pinondohan para sa mga kababaihan at may mga kinalaman sa usaping
pangkasarian.
A. RA 7192 B. RA 7877 C. RA 9262 D. RA 9710
___49. Layunin ng Reproductive Health Law na ipatupad ang Family Planning o
pagpaplano sa pamilya. Ang mga sumusunod ay mga benepisyong maidudulot ng
matagumpay na family planning, maliban sa ISA.
A. Problemang pinansyal
B. Mas planadong pagbubuntis
C. Maayos at masayang pamilya
D. May kakayahan ang mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga
anak.
___ 50. Basahin at unawain ang bawat impormasyon. Alamin kung tama o mali ang
binabanggit ng bawat pahayag.

Pahayag I: Ang Republic Act No. 7877 (Anti-Sexual Exploitation Law of


1995) ay nagdedeklara bilang krimen at nagtatakda ng kaparusahan sa
gumagamit ng kanilang posisyon para sa kanilang hangaring sekswal.
Pahayag II: RA 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive
Health Act of 2012 Layunin lamang ng RA10354 na tiyakin na ang mga
kababaihang mangangailangan ng kalinga para sa komplikasyon na may
kinalaman sa aborsyon ay tratuhing makatao at hindi mapanghusga.

A. Ang dalawang pahayag ay parehong tama.


B. Ang dalawang pahayag ay parehong mali.
C. Ang unang pahayag ay tama at pangalawang pahayag ay mali.
D. Ang unang pahayag ay mali at pangalawang pahayag ay tama.

J. Karagdagang Gawain para sa


Takdang-Aralin at Remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY/
REPLEKSYON
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga mag-aaral


nangangailangan ng iba pang Gawain para
sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang
ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


nasolusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa guro?
Inihanda ni: Iniwasto ni: Binigyang pansin ni:
KERVY D. DELA CRUZ MARK F. CAGUIOA MISHEIL C. RABILAS, Ed.D.
Gurong Sinasanay Gurong Tagapagsanay Ulo ng
Departamento – APAN/TLE

Pinagtibay ni:
AGOSTO V. CAYABYAB
Punong Guro III, Abanon National High School

You might also like