You are on page 1of 4

PALAR INTEGRATED SCHOOL

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong
ARALIN PANLIPUNAN 10Rehiyon
Sangay ng Lungsod ng Taguig at Pateros

IKATLO IKATLONG MARKAHANG


AT IKAAPAT NAPAGSUSULIT
LAGUMANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10
(MGA KONTEMPORARYONG ISYU)
S.Y 2022-2023
Pangalan: _____________________________ Iskor: ___________________ _______

50
Antas at Pangkat: _______________________ Guro: ___________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itiman ang bilog ng napiling sagot.
A B CD
1. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na
ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A B CD A. Gender Identity B. Heterosexual C. Homosexual D. Sexuality
2. Si Clara ay nakakaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal at malalim na
pakikipagrelasyong seksuwal sa taong ang kasarian ay maaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya o kasariang
higit sa isa. Ayon sa Galang Yogyakarta, Ano ang tawag sa nararanasan ni Clara?
A. Oryentasyong Seksuwal B. Heterosexual C. Homosexual D. Gender Identity
A B CD
3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng kasarian?
A. Wala itong kaibahan sa konsepto ng seks
B. Biyolohikal na pagkakaiba ng babae at lalaki
C. Pagkakaiba-iba ng pananaw ng babae at lalaki
A B CD D. Gampanin ng babae’t lalaki batay sa kultural at panlipunang alituntunin at sa konseptong reproduksyon ng tao
4. Anong sekswal na pagkakakilanlan mayroon si Ameer kung hindi pa siya tiyak o sigurado?
A. Bakla B. Heterosexual C. Lesbian . D. Queer or Questioning
A B C D 5. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga lalaki at babae.
A. Gender B. Bisexual C. Sex D. Transgender
A B C D 6. Isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang pagkakaloob ng Karapatan sa mga
kababaihan na makaboto at makilahok sa mga gawaing pampolitika.Sa anong yugto ng kasaysayan ng Gender
Role ito naganap?
A B C D A. Pre-kolonyal B. Panahon ng Kastila C. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Hapon
7. Sa panahon na ito, may mga Pilipina na nagpakita ng kanilang kabayanihan katulad ni Gabriela Silang.
A. Panahon ng mga Espanyol C. Panahon ng mga Pag-aalsa
B. Panahon ng mga Amerikano D. Panahon ng mga Hapones
A B C D 8. Ayon sa mga datos pang-kasaysayan, ipinapakita na ang mga kababaihan, maging ito man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga kalalakihan. Patunay dito ang mga binukot na isang
kultural na kasanayan sa Panay. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI hinggil sa mga binukot?
A. Pinapayagan silang makita ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga
B. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa
C. Itinatago sila sa mata ng publiko
D. Itinuturing silang prinsesa
A B C D 9. Ang Boxer Codex ay dokumento na tinatayang ginawa noong 1595. Ito ay pinaniniwalaang pagmamay-ari
ni Gobernnador Heneral Luis Perez Dasmariñas at napunta sa koleksiyon ni Propesor Charles Ralph Boxer.
Anong kalagayan ang ipinapakita nito sa mga kalalakihan at kababaihan noon?
A. Mas makapangyarihan ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan noon
B. Mas makapangyarihan ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan noon
C. Mas malaki ang tinatamasang karapatan ng mga kalalakihan noon
D. Mas malaki ang tinatamasang karapatan ng mga kababaihan noon
A B C D 10. Sa akdang “Position of Women in the Philippines”, inilarawan ni Emelina Ragaza Garcia ang posisyon ng
kababaihan sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Sinasanay para sa buhay at gawaing panrelihiyon
B. Pinagmumulan ng kapangyarihan sa pamilya
C. Maging sunud-sunuran sa mga kalalakihan
A B C D D. Sinasanay para maging ina
11. Ang FGM o Female Genital Mutilation ay ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil
sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ang mga sumusunod ay maaaring dulot ng
gawaing ito MALIBAN sa
A. Impeksiyon at pagdurugo B. Pagbubuntis C. Hirap sa pag-ihi D. kamatayan
A B C D 12. Tumutukoy sa anumang pag-uuri o restriksyon sa anumang kasarian pambabae. Panlalaki o LGBT na maaring
humantong sa hindi paggalang o pagkilala ng mga karapatan ng bawat isa.
A. Pananakit B. Karahasan C. Diskriminasyon D. Bayolente
A B C D 13. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan upang maitaguyod ang pamayanang may paggalang at
respeto sa kapwa tungo sa pagkakapantay pantay?
A. Pagtanggap sa mga tradisyunal na gender roles
B. Pagbibigay puna sa mga hindi sumusunod sa gender roles
C. Paghadlang sa mga lipunang pagbabago patungkol sa kasarian
D. Pagkakaroon ng kamalayan sa mga isyu, hamon at batas sa kasarian at lipunan
A B C D 14. Si Malala Yousafsai ay binaril habang nakalulan ng bus patungong paaralan dahil:
A. Ipinaglaban nya ang Karapatan ng mga batang babae na magkaroon ng pantay na karapatan sa pag-aaral.
B. Ipinaglaban nya ang kanyang Karapatan na makapag-aral.
C. Ipinaglaban nya ang Karapatan ng kanyang pamilya.
D. Nilabanan nya ang pamahalaan ng Pakistan.
A B C D15. Ang Anti-homosexuality Act of 2014 ay nagsasaad na ang same sex marriage ay maaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo. Ang batas na ito ay ipinasa ng bansang:
A. United States B. Uganda C. Pilipinas D. Pakistan
A B C D16. Bakit nagkaroon ng mga diskriminasyong pangkasarian sa kasalukuyang panahon?
A. Dahil mas mababa pa rin ang tingin sa kababaihan dahil sa pagiging mahina
B. Dahil hindi matanggap ng mga kalalakihan na mas mahusay ang mga kababaihan
C. Dahil naniniwala pa rin ang karamihan na ang lugar ng kababaihan sa lipunan ay sa bahay lamang
D. Dahil may lipunan na kulang ang kanilang kamalayan sa isyu, hamon at batas na may kaugnayan sa kasarian
A B C D 17. Isa sa mga kaugalian ng bansang China ay ang pagpapaliit ng paa ng mga batang babae hanggang tatlong
pulgada sa pamamagitan ng pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ito ay tinatawag na.
A B CD A. Breast Ironing B. Foot binding C. Female Genital Mutilation D. Female Infanticide
18. Ang mga kababaihan sa Panay ay tinatago sa mata ng publiko habang sila ay nagdadalaga. Ito ay upang:
A. Hindi sila makapag asawa ng maaga. C. Manatili silang karapat dapat sa pag-aasawa.
A B CD B. Mapanatili ang kanilang kagandahan. D. Maiwasan ang rape sa mga kababaihan.
19. Ang breast ironing o pagmamasahe ng dibdib ng babae sa Cameroon ay isinasagawa ayon sa kanilang
paniniwala
A. Maiwasan ang pagkagahasa. C. Maiwasan ang maagang pagbubuntis.
B. Maiwasan ang paghinto sa pag-aaral. D. Lahat ng nabanggit
A B C D 20. Batay sa survey ng National Statistics Office 2013, isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang
nakaranas ng pananakit sa edad na 15. Anim na porsyento naman ang mga babaeng 15-49 ang nakaranas
ng pananakit na sekswal. Ang mga karahasang ito ay tinutulan ng samahan ng kababaihan na tinatawag na:
A B C D A. GABRIELA B. UNESCO C. NGO D. AKBAYAN
21. Siya ang kauna-unahang transgender na nagsulong ng Anti-discrimination Bill sa kongreso.
A. Danton Remoto B. Ellen Degeneres C. Geraldine Roman D. Tim Cook
A B C D 22. Siya ay kilalang propesor kolumnista manunulat at mamamahayag. Ipinakilala niya ang pamayanan ng LGBT
sa pamamagitan ng pagtatag ng “Ladlad”. Sino sa mga sumusunod ang tinutukoy?
A B CD A. Danton Remoto B. Ellen Degeneres C. Geraldine Roman D. Tim Cook
23. Tinawag ni Hilary Clinton ang LGBT bilang invisible minority. Ito ay dahil sa kanilang:
A. Pagsawalang kibo na lamang.
B. Pagbibigay ng payo sa kapwa LGBT.
C. Paglihim at pananahimik dahil sa takot
D. Pangangalap ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng LGBT.
A B CD
24. Isa sa LGBT si Ellen Degeneres (lesbian) na nagpamalas ng kagalingan sa larangan ng pag-artista, manunulat,
at stand-up comedienne. Ano ang tawag sa kanyang pinakasikat na talk show sa Amerika?
A. The Ellen Degeneres Show C. The Ellen Degeneres Talk Show
B. The Ellen Degeneres Live Show D. The Ellen Degeneres Stand-up Show
A B C D 25. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay batas na nagbibigay proteksiyon sa mga
A. Kababaihan C. Kababaihan at kanilang mga anak
B. Kalalakihan D. Kalalakihan at kanilang mga anak
A B C D 26. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa “mga anak” sa ilalim batas ng Anti-Violence against Women
and their Children Act MALIBAN sa
A. Mga babaeng inabuso
B. Anak na wala pang labing-walong taong gulang lehitimo man o hindi
C. Hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga
D. Labing-walong taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili
A B C D 27. Si Linda ay pinagbabawalang magtrabaho ng kanyang asawa at gusto siyang manatili lamang sa bahay sa
kabila ng hindi pagbibigay sa kanya ng sapat na panggastos sa pang-araw-araw. Anong uri ng karahasan ang
nararanasan sa ganitong kondisyon?
A. Seksuwal B. Ekonomiko C. Pisikal D. Emosyonal
A B C D 28. Dahil sa nararanasang pananakit ng kanyang asawa, napagpasyahan ni Karen na wakasan na ang karahasan
na ginagawa sa kanya. Ano ang unang hakbang na dapat niyang gawin ayon sa RA 9262?
A. Magsumbong sa magulang
B. Pumunta sa istasyon ng pulis at ipahuli ang asawa
C. Mag-post sa social media ng nararanasang karahasan
D. Dumulog sa barangay at ipahayag ang kagustuhang magreklamo laban sa asawa
A B CD
29. Layunin ng batas na ito na alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
A. Magna Carta of Women C. Rape Victim Assistance and Protection Act
B. Prohibition on Discrimination Against Women D. Anti-Violence Against Women and their Children
A B C D 30. Ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o “primary duty bearer” ng
komprehensibong batas na ito.
A. Pulis B. Pulitiko C. Husgado D. Pamahalaan
A B C D 31. Si Marie ay biktima ng illegal recruitment, poprotektahan siya ng Magna Carta for Women dahil siya ay nabibilang
A. Priority C. Marginalized Women
B. Vulnerable D. Women in Especially Difficult Circumstances
A B C D 32. Ang mga maralitang taga-lungsod, migrante at mga kababaihang mangagagawa ay ilan lamang sa mga maituturing
na ________ ilalim ng RA 9710.
A. Priority C. Marginalized Women
B. Vulnerable D. Women in Especially Difficult Circumstances
A B CD
33. Ipinagbabawal ng batas na ito ang diskriminasyon bilang pagtupad sa ”terms and conditions” sa pagtatrabaho na
nakabase lamang sa kasarian.
A. RA 6725 B. RA 9262 C. RA 9710 D. RA 8505
A B C D 34. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagkilala sa Prohibition on Discrimination Against Women
MALIBAN sa isa.
A. Sa kabila ng mga balakid, nakapasok bilang isang pulis si Irene at ngayon ay mahusay niyang
ginagampanan ang kanyang tungkulin sa taumbayan.
B. Si Alice Eduardo ay tinaguriang “Philippines Woman of Steel” dahil sa kanyang husay sa pagpapatakbo
ng kanyang negosyo.
C. Si Alexandrei Sabio ay isa sa mga dalawampung babae na nagsipagtapos sa Philippine Military Academy.
D. Hindi napiling maging manager si Naureen dahil siya kadahilanang siya ay babae.
A B C D 35. Ang batas na ito ay nagdedeklara ng polisiya ng estado sa pagbibigay ng nararapat na tulong at proteksiyon sa
Mga biktima ng panggagahasa.
A. RA 6725 B. RA 9262 C. RA 9710 D. RA 8505
A B C D 36. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang nagagawa para sa kababaihan ng mga batas tulad ng Magna Carta
for Women at Anti-Violence Against Women and their Children Act?
A. Naitataguyod ang husay ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad
B. Naitataguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay
C. Nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak
A B CD D. Lahat ng nabanggit
37. Batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito.
A. R.A 7610 B. R.A 9710 C. R.A 8262 D. R.A 9262
A B C D 38. Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na
natamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
A B CD A. Comfort Women B. Gabriela C. Marginalized Women D. Powerpuff Girls
39. Siya ay itinalagang UN Goodwill Ambassador na nanguna sa Kampanyang “HEFORSHE”. Isa rin siyang aktres
mula sa UK na gumanap bilang Hermione Granger sa pelikulang Harry Potter Series.
A. Emma Watson B. Emma Generic C. Grace Roman D. Grace Santa Fe
A B CD
40. Batas na pangunahing tagapagpatupad na bibigyan ng proteksiyon ng pamahalaan ang mga kababaihan sa lahat
ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang karapatan.
A B CD A. R.A 9710 B. R.A 7610 C. R.A 9262 D. R.A 8262
41. Paano kaya magkakaroon ng malayang kalooban ang bawat taong kabilang sa LGBTQ?
A. Kung ang bawat miyembro ng pamilya ay nakakatunggali sa isang LGBTQ na kasapi
B. Kung ang LGBTQ ay palaging pinakikitaan ng kasamaang loob sa LGBTQ sa mga kasiyahan
C. Kung ang lokal na pamayanan ay nagpapakita ng pag-unawa at pagtanggap sa mga LGBTQ
D. Kung ang lokal na pamahalaan ay nagpapatupad ng ordinansang nagbabawal sa LGBTQ sa mga kasiyahan
A B CD
42. Ang mga sumusunod ay kinikilala ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women or CEDAW MALIBAN sa
A. The Women’s Convention
B. United Nations Treaty for the Rights of Women
C. The Women’s Rules and Regulations
D. Kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan para sa mga kababaihan
A B C D 43. Ipinahayag ni dating UN Sec. Gen. Ban Ki-Mon ang katagang “LGBT Rights are Human Rights” sa kadahilanang;
A. Lahat ng tao ay isinilang na Malaya at pantay sa dignidad at mga Karapatan.
B. Lahat ng tao ay isinilang mula sa iisang lahi o angkan.
C. Wala sa kulay, lahi o kasarian upang kilalanin ang Karapatan ng bawat tao.
D. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
A B C D 44. Isinasaad sa Prinsipyo Blg. 2 ng UDHR na “Ang Karapatan sa Pagkakapantay-pantay at Kalayaan sa
Diskriminasyon” ay naglalaman ng mga sumusunod MALIBAN sa isa:
A. Walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyon seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
B. Walang lalaki o babae o LGBT sa harap ng batas, lahat ay pantay-pantay.
C. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon
A B CD D. Dapat tinitiyak ng batas na walang diskriminasyon sa lahat ng tao
45. Ayon sa Prinsipyo Blg.4, “Ang Karapatan sa buhay” ng UDHR ay nagsasaad ng mga sumusunod MALIBAN sa:
A. Karapatan ng lahat ang buhay
B. Karapatan ng lahat ang magkabahay.
C. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity.
D. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay dahil sa oryentasyong seksuwal o
A B CD pagkakakilanlang pangkasarian.
46. Paano maitataguyod ang isang pamayanang may paggalang at respeto sa kapwa tungo sa pagkakapantay?
A. Galangin ang mga kultura ng bawat lipunan
B. Huwag suwayin ang mga pangrelihiyon na mga paniniwala patungkol sa kasarian
C. Pairalin pa rin ang mga tradisyunal na gender roles upang maiwasan ang mga alitan na bunga nito
D. Paigtingin ang kampanya para sa gender equality upang magkaroon ng kamalayan sa batas at hamon sa
kasarian
A B CD
47. Ayon sa Prinsipyo Blg.12 ng UDHR, “Ang Karapatan sa Trabaho”, ay naglalaman ng mga sumusunod MALIBAN
A. Lahat ay may Karapatan sa disente at produktibong trabaho.
B. Proteksiyon sa tamang pasahod at pagkakapantay-pantay ng benepisyo.
C. Lahat ay may Karapatan sa makatarungan at poborableng mga kondisyon sa paggawa.
D. Proteksiyon laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal.
A B CD
48. Ayon sa Prinsipyo Blg.16 ng UDHR, “Ang Karapatan sa Edukasyon”, ay nagsasaad ng:
A. Ang lahat ay may Karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
B. Ang lahat ay may Karapatan sa edukasyon na nakapag-aral hanggang kolehiyo ng libre ng walang
kinikilingang kalagayan ng mga mag-aaral.
C. Pantay-pantay ang lahat tungo sa kaunlaran sa pamamagitan ng edukasyon.
D. Pantay-pantay ang lahat sa usaping edukasyon
A B C D 49. Bilang isang mag-aaral ng Ika-10 baitang at isang responsableng mamamayan ng iyong pamayanan, paano
kaya masosolusyunan ang lumalalang antas ng karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan, kabataan at
LGBTQ?
A. Ang kaalaman, pakikilahok at pakikialam ng lahat ng sektor ng lipunan at mga mamamayan tungkol sa isyu
ng kasarian at diskriminasyon ay kailangan upang masugpo ang karahasan at diskriminasyon sa lipunan
B. Ang pamahalaan ay dapat bumuo ng malakas na batas upang masugpo ang mga karahasan at
diskriminasyon sa mga kababaihan, kabataan at LGBTQ.
C. Ang karahasan at diskriminasyon ay dapat gawing isang paksa sa lahat ng mga asignatura sa elementarya at
hayskul upang mapalawak ang kanilang kaalaman
D. Ang mga kababaihan ay dapat bumuo ng mga organisasyong magsusulong sa pagkakaroon ng mga batas
upang sila ay maprotektahan
A B CD
50. Ayon sa Prinsipyo Blg. 25 ng UDHR, “Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko”,ay naglalahad na ang
lahat ng tao ay maaaaring lumahok sa mga sumusunod maliban sa:
A. Usaping publiko C. Lumahok sa pagbubuo ng kapasyahan
B. Mahalal o ma-elect D. Umupo bilang electoral board sa eleksiyon

You might also like