You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Laguna
Luisiana Integrated National High School
Estrellado St. Brgy. Zone V Luisiana, Laguna

NAME:
_______________________________________________________________________________SCORE:________
________________
STRAND/LEVEL/SECTION:_______________________________________________________ DATE:
________________________

3rd PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 10

Panuto: Piliin ang Titik ng Tamang Sagot.

_____1.Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual B. gender C. transgender D. sex
_____2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
A. sex B. bi-sexual C. gender D. transgender
_____3. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit
_____4. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan
A. CEDAW B. Magna Carta for Women
B. VAWC D. Prinsipyo ng Yogyakarta
_____5. Ito ay isang malupit, maka-hayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa
A. Karahasan B. Diskriminasyon
B. Trafficking D. Torture
_____ 6. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang
kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki .
_____ 7. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng romantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag
na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
_____8.
_____9. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan
na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog C. Sexual Harassment
B. Pangangaliwa ng asawang lalaki D. Sex Trafficking
_____10. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
_____11. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing
layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
_____12. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Homosexual B. Heterosexual C. Sexuality D. Gender Identity
_____13.Babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng mga biktima ng pang-aabuso at
karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakakulong.
A. Women in Especially Difficult Circumstances C. GABRIELA
B. Marginalized Women D. Magna Carta for Women
_____14. Ang karapatan ng mga kababaihang babaeng Pilipino na makibahagi na makaboto sa eleksiyon ay naganap
noong anong panahon?
A. Panahong Pre-kolonyal C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Hapon
_____15. Ang mga kababaihan ay may mataas na posisyon na hinahawakan sa mga lipunan at mga relihiyosong
Gawain noong anong panahon?
A. Panahong Pre-kolonyal C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Hapon
_____16. Sa panahong ito, ang mga Pilipina ay may konserbatibong pamumuhay at partisipasyon sa lipunan.
A. Panahong Pre-kolonyal C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Hapon
_____17. Ito ang panahon kung saan ang mga Pilipina ay may malaking partisipasyon sa lakas paggawa at sa pag
angat ng ekonomiya ng ating bansa?
A. Panaho ng Kastila C. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Amerikano D. Kasalakuyang panahon
_____18. Empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalangtao. Bilang isang empleyado,
anong benespisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave B. Paternity Leave
C. Leave for Fathers D. Paternity Leave of Absence
_____19.Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal,
seksuwal; at malalim na pakikipagrelasyong seksuwal sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya , iba sa
kaniya, o kasariang higit sa isa.
A. Oryentasyong Seksuwal C. Katangian ng Sex
B. Katangian ng Gender D. Gender Identity
_____20.Isang prosesong pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong
medikal.
A. Female Genital Mutilation C. Acid Attack
B. Foot binding D. Ligation
_____21. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit
hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan
A. Female Genital Mutilation C. Acid Attack
B. Foot binding D. Ligation
_____22. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at
shaman.
A. madre B. diyosa C. diwata D. babaylan
_____23. Taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng
kaparehong atraksiyon sa katulad niya ng kasarian
A. Lesbian B. Asexual C. Bisexual D. Gay
_____24. Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki, may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na
parang babae
A. Lesbian B. Asexual C. Bisexual D. Gay
_____25. Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual, transgender, at mga di tiyak.
A. LGBTQ B. QUEER C. PRIDE D. LADLAD
_____26.Mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
A. Lesbian B. Bakla C. Heterosexual D. Queer or Questioning
_____27. Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa domestic violence?
A. Ito ay karahasan para sa babae lamang.
B. Ito ay karahasan laban sa mga kalalakihan.
C. Ito ay karahasan laban sa miyembro ng ikatlong kasarian.
D. Ito ay karahasang nagaganap sa isang relasyon; heterosexual at homosexual na relasyon.
_____28. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinaguriang bilang Seven Deadly Sins Against Women.
A. ANAKBAYAN B. WOMEN’S DESK C. GABRIELA D. LADLAD
_____29. Isa ring batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan laban sa anumang uri ng diskriminasyon,
itaguyod ang pagkapantay- pantay ng babae at lalaki sa lahat ng bagay.
A. Anti-Violence Against Women Act C. CEDAW
B. Magna Carta for Women D. Seven Deadly Sins Against Women
_____30. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang empleyadong lalaki maliban
sa:
A. pagkatapos ng kasal C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa
B. habang nagbubuntis ang legal na asawa D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa
_____31. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
_____32.Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
KUMILOS MGA KALALAKIHAN
Noel Cabangon
Titik at Musika
Kumilos mga kalalakihan
Makiisa laban sa karahasan
Maging kasama, kapatid, at kaibigan

Ano ang mensahe ng awit na ito?


A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa kababaihan.
B. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng kalalakihan.
C. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan
D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila dapat saktan at paglaruan
_____33. Anong oryentasyon mayroon si Erica kung siya ay nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa
kapwa niya babae?
A. asexual B. lesbian C. gay D. transgender
_____34. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “ LGBT Rights are human rights” ayon kay Ban Ki Moon , UN
Secretary General .
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao. C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao. D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa
karapatang pantao.
_____35. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay
mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang
iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.

_____36. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa
Yogyakarta Indonesia ang 29 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon at rekomendasyon sa LGBT laban sa pang-aabuso ,
diskriminasyon at karahasan.
_____37. Ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. karahasan B. diskriminasyon C. krimen D. kawalan ng hustisya
_____38. Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
I. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao,iniinsulto ka;
II. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan; 
III. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera,
saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
IV. hindi nagseselos .

A. I only B I and II C. III and IV D. I, II and III


_____39. Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
I. nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
II. pinagbabantaan ka na sasaktan;
III. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
IV pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban
A. I and II B. II and IV C. III and IV D. lahat
_____40. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magkamit ng lahat ng
karapatang pantao.
A. Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
B. Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
C. Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
D. Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
_____41. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong
nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay pantay
sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat
A. Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
B. Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
C. Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
D. Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
_____42. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa
anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang
parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong
gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
A. Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
B. Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
C. Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
D. Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
_____43. Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga
kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
A. Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
B. Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
C. Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
D. Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
_____44. Ang lahat ay may karapatang mag-aral nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
A. Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
B Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
C Prinsipyo 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
D. Prinsipyo 25 ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
_____45. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal,
lumahok sa pagbubuo ng mga batas.
A. Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY
B Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
C Prinsipyo 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
D. Prinsipyo 25 ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
_____46. Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga natutunan ko sa araling ito sa
pang-araw-araw sa pamamagitan ng
A. bukas ang isipan sa pag unawa ng pagkakaiba natin bilang tao.
B. Makikibahagi sa mga rally na nagtataguyod ng karahasan sa mga kababaihan
C. Mag post sa social network sites
D. Pakikipag debate sa karapatan ng bawat kasarian
_____47. Ang sumusunod ay maaaring idulot ng FGM maliban sa isa.
A. hirap sa pag-ihi C. labis na pagdurugo B. pagtubo ng cyst D. impeksiyon
_____48. Sino ang saklaw ng Magna Carta?
A. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan ethnicity.
B. Mga kababaihan na nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon.
C. Mga Kababaihan, LGBTQ at kalalakihan na nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon
D. Lahat ng nabanggit.
_____49. Ang mga sumusunod ay uri ng pang aabuso sa mga kababaihan maliban sa isa:
A. Sexual assault B. Pambubugbog C. Alcoholism D. force marriage
_____50. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-
aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong.
A. Women of The Society B.Special Women in Difficult Circumstances
C. Able Women of the Society D.Women in Especially Difficult Circumstances

You might also like