You are on page 1of 6

3RD QUARTERLY EXAMINATION - AP 10 –CONTEMPORARY ISSUES

1/8-10/2020

ISULAT ANG TITIK NG INYONG SAGOT

1.Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual C. gender B. transgender D. sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex B. gender C. bi-sexual D. transgender
3. Alin sa mga sumusunod ang tugmang katangian ng sex?
A. Ang lalake ay may obaryo gayundin ang mga babae.
B. Ang lalaki ay may testicle at ang babae ay nagtataglay din nito.
C. Ang babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang lalaki ay hindi.
D. Ang mga babae ay may testosterone samantalang ang mga lalake ay may estrogen.
4. Bakit nakulong si Aziza Al Yousef ng Saudi Arabia?
A. dahil sa paglabag sa R.A. 9262
B. dahil sa hindi pagsusut ng burka
C. dahil sapagkain ng karneng baboy
D. dahil sa paglabag sa Women Driving Ban.
5. Batay sa mga sumusunod a sitwasyon, alin sa kanila ang bisexual?
A.Si Gandoy na may gusto kay Benjar.
B. Si Sarelle na may gusto kay Fernzene.
C. Si Joana na girlfriend ni Mhike sa Grade 12.
D. Si Reymart na may boyfriend sa Grade 9 at may girlfriend din sa grade8.
6. Mula sa mga pahayag, uriin kung sino ang transgender.
A. Ako si Maria nang ipanganak ngunit tumitibok ang puso ko kay Diana
B. Ako si Mario kapag umaga ngunit nagiging Maryjane ako sa gabi
C. Ako si Jane nang ipanganak ngunit ako na ngayon si Juaquin pagkaraan ng surgery operation.
D. Ako si Juan at Juan pa rin hanggang sa ngayon na naghahanap ng isang Juana na magbibigay sa akin ng mga
Juanito’t Juanita.
7. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam
din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
8. Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na simbolo?

A. Babae, lalaki, PWD


B. Babae, lalaki, LGBT
C. Babae, lalaki, special child
D. Babae,lalaki, senior citizen
9. Ano ang tawag sa mga taong nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa parehong kasarian?
A. bisexual b. heterosexual c. homosexual d. transsexual
10. Masasabing ag isang tao ay Asexual kapag….
A. may crush siya sa katulad na kasarian
B. kapag wala siyang nararamdaman sa kahit anong kasarian
C. kapag nagkakagusto siya sa magkabilang kasarian
D. Kapag nagkakagusto siya sa kabilang kasarian
11. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang
tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa
isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.
12. Sa panahon ng pag-aalsa sa Pilipinas nagbago ang gampanin ng mga kababaihan, sila’y naging mga palaban at
sumuong sa pakikipaglaban. Sino sa mga sumusunod ang babae mula Ilocos na magiting na nakipaglaban sa mga
Espanyol nang mamatay ang asawa?
A. Imelda Marcos B. Gabriela Silang C. Josefa Llanes Escoda D. Melchora Aquino
13. Sa pagdating ng mga kolonyalistang ito, dinala nila sa Pilipinas ang ideya ng kalayaan, karapatan at pagkakapantay-
pantay. Sino sila?
A. Amerikano b. Espanyo C.Hapon D. Tsino
14. Alin sa mga sumusunod ang totoo sa gampanin ng kababaihan sa panahon ng Espanyol?
A. sinasanay sa pagiging ina at gawaing panrelihiyon
B. Kumikita para pansariling gastusin
C. Lumalaban sa mga asawa kapag naaapi
D. tanging bumubuhay sa mga anak dahil nasa digmaan ang asawa
15. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas.

_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang
kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa
mga Hapon.
_______ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna
Carta of Women.
_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga
lalaki.
A. 1,2,3,4,5 B. 3,2,4,5,1 C. 2,3,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2
16.Bago dumating ang mga kolonyalista sa Pilipinas, nakasaad sa boxer codex na mayroon nang hiwalayan(annulment o
divorce) na nagyayari dito. Paano winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon?
A. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi
sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama.
B. kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-
aari.
C. kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang
pagkiling sa mga lalaki.
D. A,B at C
E. wala sa nabanggit
17. Sa kasalukuyang panahon sino sa mga sumusunod na larawan ang bakla?

A. B. C. D.
18. Paano umiral ang konsepto ng LGBT sa Pilipinas?
A. mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT
na nakaranas mangibang-bansa.
B. sa pamamagitan ng Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na
inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia
C. sa pamamagitan ng sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A Different Love: Being Gay in the Philippines
noong 1994.
D. sa pamamagitan ng di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong
Marso 1992
19. Mula sa paglalarawan ni Emelina Ragaza Garcia sa mga Pilipina sa panahon ng mga Espanyol, ano ang mahihinuha
mo dito?
Reared and trained primarily for motherhood or for the religious life, her education principally undertaken under
the supervision of priests and nuns. Being economically dependent on her men folk, she had to be subservient to them.
Held out as an example was the diffident, chaste, and half-educated woman, whose all-consuming preoccupation was to
save her soul from perdition and her body from the clutches of the devil incarnate in man. (Garcia, 1965)
A. limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol.
B. Malaya ang mga babae noon.
C. Mas mataas ang katayuan ng mga babae noon
D. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noon
20. Bago dumating ang mga espanyol sa Pilipinas, sino ang tinaguriang mga unang bakla?
A. mga alipin b. mga babaylan c. mga bagani d. mga datu
21. Kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa?
A. dekada 50 B. dekada 70 C. dekada 80 D. dekada 90
22. Bakit nagbabalatkayong babae ang mga Asog sa Visayas?
A. upang makapanlalake
B. upang hindi malilang ang mga masasamang espiritu
C. upang maging epektibo ang kanilang pagpapanggap
D. upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
23. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba.
Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?

A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay

24. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh
kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang kalalakihan ay dominante
at naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng
sarili, at mahilig sa kuwento.

25. Bakit isinasagawa ang Female Genital Mutilation o FGM sa Africa?


A. dahil sa benepisyong medical
B. dahil sa basehang-panrelihiyon
C. dahil sa paniniwalang kultural na maganda ang maidudulot nito sa katawan
D. sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal
26. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya.
Ang magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang ganitong tradisyon ay
ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Anong batas ipinatupad kaugnay nito?
A. India Penal Code B. Anti-Dowry Law C. Nine-point checklist D. Violence – against Dowry Law
27. Ano ang tawag sa grupo ng mga taong ito na walang mga pangalan, at ang mga babae at mga lalaki ay kapwa
maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat?
a. Arapesh B. Igorot C. Mundugumur D. Tchambuli
28. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China
isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada gamit
ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang
Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan.
Ano ang tawag dito?
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry
29. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso C. pagsasamantala B. diskriminasyon D. pananakit
30. Bakit nagpasa ng batas ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad
na ang same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. dahil ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT
B. dahil sa kagustuhan nilang makilala ang bansa na pinakaunang bansang nagkaroon ng batas para sa LGBT.
C. dahil magbibigay kalayaan ito sa lahat na magladlad sa totoong kulay nila.
D. dahil sa mga kaso ng pagpatay sa mga LGBT
31. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan
ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at
‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult
circumstances?
A. Maralitang tagalunsod B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
32. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na karahasan sa kababaihan sa bansang China?
A. FGM B. breast ironing c. foot binding d. suttee
33. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
A. CLIC B. CEDAW D. Ladlad D. Magna Carta
34. Ayon sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan. Alin sa sumusunod ang mga “kababaihang” tinutukoy ng batas na ito?
A. tumutukoy sa hindi kailanmang nakarelasyon o dating asawang babae
B. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki
C. babaeng nagkaroon ng anak sa iba
D. lahat ng mga babae
35. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog B. Pangangaliwa ng asawang lalaki C. Sexual Harassment D. Sex Trafficking

36. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. South Africa B. Pakistan C. Uganda D. United Arab Emirates
37. Saang parte ng mundo ang nagsasagawa ng karahasan sa kababaihan na kung saan pinagbabayo ang suso ng isang
nagdadalagang babae sa pamamagitan ng bato, martilo o mainit na spatula?
A. Africa b. America d. Guatemala d. Germany
38. Ayon sa R.A. 9262 o Anti- Violence Against Women and their Children Act, Sino-sino ang posibleng magsagawa ng
krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?
A. mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki,
mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
B. mga kasalukuyan at dating asawang babae, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki,
mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or datingrelationship” sa babae.
C. mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na anak,
mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or datingrelationship” sa babae.
D. mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki,
mga lalaking nagkaroon ng anak sa anak, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or datingrelationship” sa anak.

39. . Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

“LGBT rights are human rights”


Ban Ki – Moo

A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.


B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
40. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.

41. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang
relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan
ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.

42. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima ng
Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
43. Kapag nasa paaralan ka at nakasaksi ka ng pambu-bully sa kapwa mo estudyante na bakla, ano ang pinakamainam
mong gawin?
A. iwasan ko para di ako pagbalingan.
B. isumbong ko sa guro o principal
C. isumbong ko sa mga pulis
D. isumbong ko sa mg aka-pederasyon niyang bakla para maresbakan.
44. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa
Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
45. Ano ang paliwanag sa unang prinsipyo ng Yogyakarta na “ ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG
MGA KARAPATANG PANTAO”?
A. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
B. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-
uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
C. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa
anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
D. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
46. Makatarungan baa ng pahayag na, AYAW KITANG I-HIRE BILANG EMPLEYADO KO DAHIL TOMBOY KA?
A. Oo dahil immoral siya
B. Oo dahil may karapatan siyang pumili ng empleyado
C. Hindi dahil wala siyang karapatang sabihin ito sa kahit sino
D. Hindi dahil lahat ay may karapatang magtrabaho anuman ang kasarian nito
47. Sino ang mga “anak” na pinu-proteksiyunan ng R.A. 9262?
A. mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi
at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili,
kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
B. mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang dalawampong (20) taong gulang, lehitimo man o hindi
at mga anak na may edad na dalawampong (20) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
C. mga anak ng lalaking inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi
at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili,
kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

48. Bilang lider ng Araling Panlipunan Club, naatasan kang gumawa ng malikhaing hakbang na magsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam mong gawin?
A. role playing b. storytelling c. symposium d. lecture
49.Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
D. mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo at mga anak
na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na
rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

KUMILOS MGA KALALAKIHAN


Noel Cabangon
Titik at Musika

Kumilos mga kalalakihan


Makiisa laban sa karahasan
Maging kasama, kapatid, at kaibigan
Ano ang mensahe ng awit na ito?

A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa kababaihan.


B. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng kalalakihan.
C. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan
D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila dapat saktan at paglaruan

50. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata
pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.

You might also like