You are on page 1of 11

WHOLE BRAIN LESSON PLAN

2nd Quarter
SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN GRADE: 10
UNIT TITLE: MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA WEEK: 1-2
LESSON TITLE: PAGHAHARAP SA HAMON NG GLOBALISASYON NUMBER OF SESSION: 5

I. LEARNING ENDSTATES
1. Learning TO THINK: Nasusuri ang mga konsepto at katuturan ng globalization.
2. Learning TO COMMUNICATE: Naihahayag ang sariling pananaw patungkol sa usaping globalisasyon.
3. Learning TO DO: Naisasabuhay ang katuturan ng pagiging mapanuri sa mga pagbabago dulot ng globalisasyon.
4. Learning TO INTUIT : Nailalarawan ang pakinabang na natamo sa pantay na kalakalan o trade fair.
5. Learning TO LEAD: Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang makapagsabayan sa pagharap sa mga hamon ng globalisasyon.
6. Learning TO FEEL: Napapahalagahan ang kamalayan ng pagiging sensitibo at aktibo tungo sa paglutas ng mga hamon ng globalisasyon.
7. Learning TO BE: Responsableng mag-aaral
. ETHICAL/MORAL FORMATION (MAKADIYOS/ MAKATAO (MORAL)
Maisagawa ang mga tungkuling gagampanan sa mga Isyung pang ekonomiya at makikibahagi ng buong puso na walang pag-aalinlangan at
walang tinatapakan para sa mas epektibo at kapakipakinabang na resulta sa pagpigil o paglutas sa mga isyu ng Globalisasyon tungo sa
maunlad na bansa sa hinaharap.

68
SOCIAL RESPONSIVENESS (MAKAKALIKASAN/MAKABANSA)
Magpapakita ng pagpapahalaga sa mga isyung Globalisasyon, Paggawa, at Migrasyon upang makamit ang maunlad at matatag na
ekonomiya ng bansa at maagapan ang malalang kahihinatnan.

II. ESSENTIAL QUESTIONS:


1. Ano ang globalisasyon?
2. Bakit mahalagang matututunan ng mga mamamayan ang konsepto ng globalisasyon?
3. Bakit mahalagang malaman ang mga pamamaraan sa pagsugpo ng suliraning dulot ng globalisasyon?
4. Paano mo masusukat ang kahalagahan ng mga mungkahing solusyon kung epektibo ba ito o hindi?
III. MATERIALS, METHODS AND ACTIVITIES TO ACHIEVE THE ENDSTATES
MATERIALS METHODS ACTIVITIES
LCD Projector/Smart TV Collaborative Learning Think-Pair-Share!
Mock Object Small-group Discussion Dyad Dapat!
Mounted Pictures of Products and Technologies Guess the LOGO using Quizizz Application
Map/Globe Paggawa ng Editorial Cartooning
Video Clips Window-Shopping
Guidebook Graphic Organizers Decision Diagram
Cellular Phones/Computers/Laptop Balangkas Kaalaman
Table Matrix
Cycle Information

69
IV. RUBRIC FOR ASSESSMENT
 Rubric para sa Editorial Cartooning

Krayterya Pamantayan ng Pagmamarka Kaukulang


Puntos
Pagsasaayos at Ang impormasyon ay inharap sa isang lohikal
pagkakabuo na pagakaksunod-sunod.
(10) Ang pag-uulat ay nagpapakita ng angkop na
saggunian
Nilalaman Ang pag-uulat ay naglalaman ng tumpak na
( 20) impormasyon
May mabisa at malinaw na konklusyon
bilang pagbubuod at pagtatapos ng ulat

Paglalahad Ang mga tagapagsalita ay may malinaw at


(20) angkop ng lakas at tinig ng boses.
Mahusay ang paggamit ng mga angkop na
salita
Ang haba ng pag-uulat ay nasa loob ng
itinalagang oras
Ang mga impormasyon ay mabisang
naipapaalam atnaiapapbatid sa mga
tagapakinig.

70
V. INSTRUCTIONAL PHASE
INSTRUCTIONAL PHASES LEARNING ACTIVITIES
ACTIVATE Sesyon 1
Gawain 1. GUESS THE LOGO!
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga produkto o serbisyo gamit ang sumusunod na logo. Ang mga logong makikita ay
mga produkto at serbisyong kilala sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Hatiin ang klase sa limang pangkat na may kani-
kaniyang Cellular Phone/Laptop. Gagamitin ang QUIZIZZ Application sa gawaing ito. (Learner’s Manual, pp. 154)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong kompanya ang kinakatawan ng mga logo?
2. Madali mo bang nasagot ang mga ito? Bakit?

71
3. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga produkto/serbisyong ito?
4. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa paksang globalisasyon?

Gawain 2. THINK-PAIR-SHARE! D&D (Dyad Dapat)


Hikayatin ang mga mag-aaral na pumili ng kanilang kapareha sa gawaing ito. Magkasama nilang sasagutin ang
kahong naitinakda bago mapagsama ang mga ideya. Samantala, ang dalawang kahong nasa gawing ibaba ay
sasagutan sa ibang bahagi ng aralin.

ACQUIRE Sesyon 2
PAGBASA NG TEKSTO. Basahin ang ibat ibang konsepto at kasaysayan ng globalisasyon alinsunod sa ibibigay na
sanggunian ng guro.

72
Gawain 3. TILAMSIK KAALAMAN
Punan ang graphic organizer na Balangkas-Kaalaman batay sa mauunawaan sa babasahing teksto. Isulat sa
unang kolum ang pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman ang
mahahalagang kaisipan kaugnay nito. Isulat sa ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na kaisipan sa bawat
pananaw.

Pamprosesong mga tanong:


1. Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang globalisasyon.
2. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba dito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

73
3. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay katanggap-tanggap?
Pangatuwiranan
APPLY, PRACTICE, Sesyon 3
FORMATIVE ASSESSMENT
Gawain 4.Window Shopping
Ang mga mag-aaral ay pupunta sa isang sari-sari store o grocery store, canteen at mga kauri nito. Sabihang maglista sila
ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Pumili ng lima sa mga produkto o serbisyong ito na sa kanilang palagay ay
makikita o ipinagbibili rin sa ibang bansa. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong produkto at serbisyo ang iyong natuklasan na ipinagbibili hindi lamang sa loob ng ating bansa
kundi maging sa iba pang bansa?

74
2. Sa anong mga bansa nagmula ang mga produkto o serbisyong nabanggit?
3. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng daigdig.
4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin? Pangatuwiranan.

Gawain 5. TUKLAS-KAALAMAN
Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa paksang globalisasyong ekonomiko. Gawin ang sumusunod.
1. Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng multinational at transnational companies sa Pilipinas gamit ang
aklat at internet.
2. Tukuyin alin sa mga ito ang may operasyon sa ating bansa at kung ito ay may kakompetensyang lokal na
namumuhunan.
3. Isa-isahin at ipaliwanag ang mabuti at di-mabuting epekto ng MNC’s at TNC’s sa ekonomiya ng bansa.
Pamprosesong Tanong:
1. Nakatutulong ba ang mga multinational, transnational corporations at outsourcing sa pag-unlad ng
bansa? Patunayan ang sagot.
2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing at multinational at transnational corporation sa ating
bansa?
3. Sa pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga pagbabagong nabanggit? Pangatuwiranan.

75
SUMMATIVE ASSESMENT, Sesyon 4. CYCLE INFORMATION
CLOSURE AND REFLECTION

___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

76
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di-mabuting dulot ang globalisasyon?
2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa.
3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?
Patunayan ang iyong sagot.

Sesyon 5

Gawain 7: Editorial Cartoon


Gumawa ng isang editorial catoon na nagpapakita ng mabuting epekto at di mabuting epekto ng globalisasyon sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Sa paggawa ng editorial cartoon gamitin ang powtoon at I post ito sa facebook at suriin ang
mga komento at ibahagi ito sa klase. ESource: https://www.powtoon.com/blog/editorial-cartoons/

Krayterya Pamantayan ng Pagmamarka Kaukulang


Puntos
Pagsasaayos at Ang impormasyon ay inharap sa isang lohikal
pagkakabuo na pagakaksunod-sunod.
(10) Ang pag-uulat ay nagpapakita ng angkop na
saggunian
Nilalaman Ang pag-uulat ay naglalaman ng tumpak na
( 20) impormasyon

77
May mabisa at malinaw na konklusyon
bilang pagbubuod at pagtatapos ng ulat

Paglalahad Ang mga tagapagsalita ay may malinaw at


(20) angkop ng lakas at tinig ng boses.
Mahusay ang paggamit ng mga angkop na
salita
Ang haba ng pag-uulat ay nasa loob ng
itinalagang oras
Ang mga impormasyon ay mabisang
naipapaalam atnaiapapbatid sa mga
tagapakinig.

78

You might also like