You are on page 1of 6

Lesson Plan in Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)

Name of Teacher: Brea R. Coyoca Grade/Year Level: Grade 9


Learning Area: Araling Panlipunan Quarter: 2
Lesson No. 4: Ang Pamilihan at Iba’t ibang Istraktura Nito Duration: 1 hour

Layunin

I. Pangkalahatan
Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istraktura ng pamilihan
(ArPan9, Q2, W6-7, MELCs, 2020)

II. Tiyak

Knowledge: *Naibibigay ang kahulugan ng pamilihan at iba’t ibang


estruktura nito;
*Naiisa-isa ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan;

Skills: *Nasusuri ang mga produkto, serbisyo at kompanya na kabilang sa


partikular na estruktura ng pamilihan;

Values: * Napahahalagahan ang kompetisyon bilang salik upang maging mas


maganda ang produkto at serbisyo sa pamilihan.

Materials Needed: laptop, projector, cartolina paper, markers and strips of paper

Resources Needed: Aklat “Ekonomiks, Mga Konsepto at Aplikasyon”, Balitao, et. al.
pp. 254-270, Ekonomiks (Gabay sa Pagturo) pp. 198-207, AP9 Q2 Modyul 4-LMS,
ArPan9, Q2, W6-7, MELCs, 2020

Methodology: (WIPPEA Model)

I. Warm-up (5 min)
 Panalangin (optional)
 Pagbati
 Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin at pagpapakilala sa bagong paksa
sa pamamagitan ng “Pictullage”

Gawain 1: Pictullage (Picture-Collage)-Dyad


Panuto:Tuklasin at suriing mabuti ang pinagdidikit na mga
larawan at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
Pumili ng kapareha at ibahagi ang inyong mga sagot sa isa’t
isa.
Mga Tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
Sagot:

2. May pagkakapareha o pagkakahalintulad ba ang


mga katangiang taglay ng mga larawang
ipinakita? Bakit?
Sagot:

3. Alin sa mga larawan ang may higit kang


kaalaman at madalas kang nagkaroon ng
ugnayan? Ipaliwanag.
Sagot:

II. Introduction (5 min)


Ipakita sa mga mag-aaral ang mga layunin ng aralin na dapat nilang
matutuhan gamit ang Powerpoint Presentation.

Layunin

A.Pangkalahatan
Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istraktura ng pamilihan
(ArPan9, Q2, W6-7, MELCs, 2020)

B.Tiyak

Knowledge: *Naibibigay ang kahulugan ng pamilihan at iba’t ibang


estruktura nito;
*Naiisa-isa ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan;

Skills: *Nasusuri ang mga produkto, serbisyo at kompanya na kabilang sa


partikular na estruktura ng pamilihan;

Values: * Napahahalagahan ang kompetisyon bilang salik upang maging mas


maganda ang produkto at serbisyo sa pamilihan.
 Pagkatapos ipresenta ang mga layunin ay tanungin ang mga mag-
aaral tungkol sa kanilang pangunahing kaalaman tungkol sa bagong
paksa at ilista ang mga ito sa blackboard/whiteboard.

III. Presentation (15 min)


Powerpoint Presentation-Teacher Led Discussion. Ibahagi sa
mga mag-aaral ang Powerpoint Presentation tungkol sa konsepto ng
pamilihan at iba’t ibang istraktura nito. Magkaroon ng talakayan
tungkol dito.

Nilalaman ng Powerpoint Presentation


1.Konsepto ng Pamilihan
2.Mga Estruktura ng Pamilihan
2.1 Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
2.2 Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon
a.Monopolyo
b.Monopsonyo
c.Oligopolyo
d.Monopolistic Competition
3.Kahalagahan ng Kompetisyon sa Pamilihan

IV. Practice (15 min)

Gawain 2: GRAPHIC ORGANIZER (Group Activity)

Panuto:Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at bigyan ng paksa ang bawat


pangkat. Isulat ang sagot sa isang graphic organizer. Maaring pumili at
gumamit ng kahit na anong graphic organizer ang pangkat.Iulat ang ouput sa
klase.

Unang Pangkat- Kahulugan ng Pamilihan at Dalawang


Estruktura nito

IkalawangPangkat-Apat na Uri ng Pamilihang May Hindi Ganap na


Kompetisyon.Magbigay din ng tig-iisang halimbawa ng produkto, serbisyo o
kompanya na nabibilang dito

Ikatlong Pangkat-Kahalagahan ng Kompetisyon sa Pamilihan

Mga Halimbawa ng Graphic Organizers


Gawain 3. PABILI O PATAWAD (Group Activity)
Panuto:Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama
ang mensahe ayon sa mga salitang nakasalungguhit.Sa gawaing ito bibigyan
ng pirasong papel ang bawat grupo na may nakasulat na PABILI o
PATAWAD.Itaas ang salitang PABILI kung tama ang mensahe at PATAWAD
kung ito ay mali.

1.) Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang


konsyumer at prodyuser. (PABILI)
2.) Nagaganap ang sistema ng pamilihan dahil lahat tayo ay may kakayahan
na mag-supply. (PATAWAD)
3.) Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may
ganap na kompetisyon. (PATAWAD)
4.) Ang langis ay isang halimbawa ng produkto na ipinagkakaloob sa
oligopolyong pamilihan. (PABILI)
5.) Iisa lamang ang nagtitinda sa monopolyong pamilihan. (PABILI)

V. Evaluation (5 min)

Gawain 4: Maramihang Pagpipilian (Individual Activity)

Panuto:Unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng wastong sagot sa
inyong sagutang papel.

1.Isang lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda ng produkto.
A.paliparan B.pamahalaan C.pamilihan D.parke

2. Estruktura ng pamilihan na kung saan ang sinumang negosyante ay malayang


pumasok at maging bahaging industriya.
A.Ganap na Kompetisyon B. Monopolyo
C.Hindi Ganap na Kompetisyon D. Oligopolyo

3. Sa estrukturang ito maaaring maganap ang sabwatan sa pamamagitan ng kartel ng


mga negosyante.
A.Monopolyo B.Monopsonyo C.Oligopolyo D.Monopolistic Competition

4.Ang kuryente ay isang halimbawa ng produkto na ipinagkakaloob sa pamilihang


___________________.
A.Monopolyo B.Monopsonyo C.Oligopolyo D.Monopolistic Competition

5.Bakit mahalaga ang kompetisyon sa pamilihan?


A.upang malugi ang ibang kompanya
B.upang siraan ang mga produkto at serbisyo ng ibang kompanya
C.upang maibenta ang mga produkto at serbisyo sa mataas na halaga
D.upang magkaroon ng de-kalidad na produkto sa mababang halaga

VI. Application (15 min)


Maglista ng limang pinakaimportanteng produkto/bagay na kailangang ihanda
bago darating ang isang bagyo. Tukuyin kung anong estruktura ng pamilhan
nabibilang ang mga nailistang produkto o serbisyo. Isulat ang inyong sagot sa
kuwaderno.(Individual Activity)

Halimbawa:

Limang Pinakaimportanteng Produkto/Bagay na Kailangang Ihanda


Bago Dumating ang isang Bagyo
Produkto/Bagay Estruktura ng Pamilihan
1.tubig Monopolyo
2.
3.
4.
5.

Pagkatapos ng gawain sasagutan ng mga mag-aaral ang ang tanong na ito.


1. Bakit kailangan ang paghahanda sa tuwing may bagyo o kalamidad na
darating?

VII. Assignment

Gawain 5: Malikhaing Presentasyon (Group Activity)


Panuto:Lumikha ng isang malikhaing gawain tungkol sa paksang nasa ibaba.Ipakita
ito sa pamamagitan ng:
1.tula 5.awit
2.sayaw 6.sanaysay
3.poster 7. dula
4.slogan 8. at iba pa

*Pumili lamang ng isa sa mga malikhaing gawain.

Paksa: Ano ang mabuting dulot ng kompetisyon sa iyong buhay bilang isang
mag-aaral at miyembro ng lipunan?

Pamantayan sa Malikhaing Presentasyon


Mga Batayan 5 3 1
1.Nilalaman Naibibigay ng May kaunting Maraming
buong husay ang kakulangan ang kakulangan sa
hinihingi ng nilalaman na nilalaman na
takdang paksa sa ipinakita sa ipinakita sa
pangkatang pangkatang pangkatang
gawain. gawain. gawain.

2.Presentasyon Buong husay at Naiulat at Di-gaanong


malikhaing naipaliwanag ang naipaliwanag ang
naiulat at pangkatang pangkatang
naipaliwanang gawain sa klase. gawain sa klase.
ang pangkatang
gawain sa klase.

3.Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas ng Naipapamalas ng


buong miyembro halos lahat ang ng iilang
ang pagkakaisa sa pagkakaisa sa miyembro ang
paggawa ng paggawa ng pagkakaisa sa
pangkatang pangkatang paggawa ng
gawain. gawain. pangkatang
gawain.

4.Takdang oras Natapos ang Natapos ang Di natapos ang


pangkatang pangkatang pangkatang
gawain nang gawain ngunit gawain.
buong husay sa lumampas sa
loob ng takdang oras.
itinakdang oras.

Kabuuang 20 pts.
Puntos

Prepared by:

BREA R. COYOCA
Teacher 3

Checked by:

ANTHONY S. ALDAY
School Head

You might also like