You are on page 1of 6

NORTHERN QUEZON COLLEGE INCORPORATED

Gabay sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan


PAMANTAYAN AT KARAPATAN NG ISANG MAMIMILI

Petsa: December 20, 2020


Baitang: Grade 9
Bilang ng Araw: (1)
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng m ag aaral ang pag unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang araw araw na pamumuhay.
Pamantayang sa Pagganap
Naisasabuhay ang pag unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang
araw araw na pamumuhay.

I. LAYUNIN
A. Panlahat
Naipapaliwanag ang mahahalagang pamamaraan at pamantayan sa paraan ng pamimili.

B. Tiyak na Layunin
1. Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili.
2. Naipagtatanggol ang mga karapatan ng isang mamimili.
3. Nakapagpapahalaga at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Pamantayan at Karapatan ng isang mamimili
B. Sanggunian: Modyul ng Mag aaral sa Araling Panlipunan 9
Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks
Aralin 5 64-66 pp.
C. Kagamitan: Laptop, (Power Point Presentation) mga larawan, video clip, Blutooth speaker.marker,manila paper.

III. PAMAMARAAN
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasa-ayos ng silid aralan
4. Pagtatala ng liban sa klase
5. Balik-Aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


 Base sa ating nakaraang pag aaral, na
patungkol sa Kahulugan ng Pagkosumo .
 Pagbabago ng Presyo

 Mag bigay ng ilang halimbawa tungkol sa


mga Salik na Nakakaapekto sa  Kita
Pagkonsumo.

 Mga Inaasahan

 Pagkakautang

 Demonstration Effect
B. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“MANONOOD TAYO”

 Magpapanood ang guro ng isang video


presentation tungkol sa paksa
(Mga Pamantayan at Karapatan ng
Mamimili)

 Naintindihan ba ang ipinakitang video?


 Opo. Naintindihan po namin.

 Tungkol saan ang inyong napanood?


 Tungkol po ito sa maayos,at makatwirang
pamamaraan ng pamimili.

 Batay sa inyong napanood ano kaya  Ang atin pong paksang pag aaralan
sa tingin ninyo ang pag aaralan natin ngayon ay tungkol sa mga pamantayan at
ngayon? karapatan ng mamimili o konsyumer.

2. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

 Batay sa napanood ng mga mag aaral gagawin ang


mga gawin sa ibaba.
 Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat.
 Bawat pangkat ay bibigyan ng kanya-kanyang paksa na
kailangang talakayin sa pamamagitan ng malikhaing
presentasyon.
 Ang bawat pangkat ay may limang (5) minuto para sa
presentasyon.
PRESENTASYON NG
BAWAT GRUPO
GROUP 1 (TALKSHOW) – Mga Bagay na dapat isa
alang alang ng isang mamimili.

GROUP 2 ( DRAMATIZATION) – Mahahalagang dulot


ng pag kakaroon ng Batas at proteksyon na dapat
makamit ng mga mamimili.
GROUP 3 ( SABAYANG PAGBIGKAS) – Mga
Karapatang dapat isaalang alang ng mga mamimili sa
pamilihan.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG GAWAIN:


PAMANTAYAN 4 3 2 1 PUNTOS
Nilalaman Nagpakita ng Nagpapakita ng Naipakita ang Hindi naipakita ang
mahahalagang mahahalagang ilang mahalagang mahalgang
Nagpakita ng sapat na impormasyon at impormasyon. impormasyon. impormasyon
impormasyon na nakapagbigay
kinakailangan karagdagan.

Deliberasyon Malinaw at maayos Maayos ang Malinaw subalit Hindi malinaw at


ang pag kakasunod pagkakasunod ng hindi sunodsunod hindi sunod sunod
Malinaw na naipahayag ang sunod ng mga pangyayayri. ang pangyayari. ang pangyayari.
bawat impormasyon at pangyayari at
naipakita ito sa maayos na mahahalagang
pamamaraan. impormasyon.
Pagkamasining Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita ng Hindi naging
kakaiba at magandang magandang maganda ang
Naging masining sa malikhaing presentasyon at lahat presentasyon presentasyon at
presentasyon at lahat ng gamit pesentasyon na ng props at costumes ngunit may ilang walang kagamitan
ay nagging akma sa Gawain higit sa ay nagamit. kagamitan na na ginagamit para
pati ang mga kasuotan kung ekspektasyon ng hindi nagamiit ng sa presentasyon.
kaya’ t ang buong klase ay guro sa maayos.
namangha sa kanilang pamamagitan ng
napanood. mga props at
costumes.

3. Pagtatalakay
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Mystery Box Relay”

Ang guro ay mag lalagay ng mga tanong sa loob ng isang box…

Habang ang “box” naman ay iikot sa loob ng klase,habang


sinasabayan ng “music”…

Kung sino ang matatapatan ng box pag huminto ang musika ay


sIya ang sasagot ng tanong sa Mystery Box…
Limang puntos (5) para sa makasasagot…
Handa naba kayo?! Opo
Music!

1.) Isang uri ito ng pamantayan sa pamimili kung saan ay Sagot : MAPANURI
Sinusuri ang produktong bibilhin.
Anong tawag sa Pamantayang ito?

2.) Uri ng Pamantayan kung saan ang mamimili ay walang Sagot : May Alternatibo o Pamalit
sapat na pera upang bilhin ang produktong dati ng
binibili. Maaari din nagbago na ang kalidad ng
produktong dati ng binibili. Anong tawag sa
Pamantayang ito?

3.) May pagkakataong ang mamimili ay mapapatapat sa Sagot : Hindi Nagpapadaya


isang tindero o tinderang may hindi magandang
hanagarin. Anong Pamantayan sa pamimili ang
nararapat ditto?

4.) Ito ay magandang kaugalian na matutukoy sa isang tao Sagot : Makatwiran


kapag mas pinili ng isang konsyumer na unahing bilhin
ang mga bagay na mahalaga kumpara sa mga luho
lamang. Anong Pamantayan ang tawag ditto?

5.) Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong Sagot : Sumusunod sa Badyet


konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay
ayon sa kanyang badyet. Anong Pamantayan sa
pamimili ang tawag ditto?

6.) Ito ay tinatawag na artipisyal na kakulangan na bunga Sagot : Hindi nagpapanic-buying


ng pagtatatgo ng mga podukto (hoarding) ng mga
nagtitinda upang mapataas ang presyo na hindi
ikinababahala ng isang matalinong konsyumer. Anog
tawag sa Pamantayang ito?

7.) Ang pag endorso ng mga produkto ng mga artista ay Sagot : Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang
matalinong konsyumer. Anong tawag sa ganitog uri ng
pamantayan?

4. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“GRAPHIC ORGANIZER”

 Hatiin ang mga mag aaral sa apat na grupo.

 Republic Act 7394,ang itatawag sa graphic


organizer na gagawin ng bawat pangkat.

 Ilagay sa graphic organizer ang apat (4) na


sumusunod na binibigyang pansin ng batas na
ito.

 Ipaliliwanag ng leader ng grupo ang kahulugan


batay sa naunawaan ng bawat miyembro.

GROUP 1 – kaligtasan at proteksyon ng mga


mamimili laban sa panganib sa kalusugan at
kaligtasan.

GROUP 2 – Proteksyon laban sa mapanlinlang


at hindi makatarungang gawaing may
kaugnayan sa operrasyon ng mga negosyo at
industiya.
GROUP 3 – Pagkakataong madinig ang
reklamo at hinaing ng mga mamimili.

GROUP 4 – Representasyon ng kinatawan ng


mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at
pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at
panlipunan.

5. Paglalapat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
FINDING NEMO

PANUTO :
Punan ang nawawalang letra sa isang buong salita.
Paunahan ang mga mag aaral sa pag sagot.
Kung sino ang unang makapag bubuo ng tamang kasagutan ay
siyang makatatangap ng mataas na puntos.

1.) Ito ay sinasabing Karapatan KARAPATAN SA MGA


sa sapat na _ANGU_AHING P_NG_NGAI_ANGA_
pagkain,pananamit,
masisilungan , etc.
2.) Ito ay sinasabing karapatan
upang mapangalagaan ka KARAPATAN SA
laban sa pangangalakal ng K_L_GTAS_N
mga panindang
makasasama o mapanganib
sa iyong kalusugan.
3.) Ito ay isang karapatan upang KARAPATANG
ang ibat ibang produkto at P_M_L_
paglilingkod sa halagang
kaya mo. Upang magkaroon
ka ng katiyakan sa
kasiyasiyang uri at halaga ng
podukto nila.

IV. PAGTATAYA

Panuto : Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.

1.) Ito ay Batas ng patakaran na nag bibigay proteksyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
a.) Republic Act 7394
b.) Repuclic Act 7349
c.) Repuclic Act 2345
d.) Repuclic Act 2373

2.) Ito ay tawag sa paraang tinitignan ng mabuti ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba.
a.) May alternatibo o Pamalit
b.) Mapanuri
c.) Hindi nagpapadaya
d.) Makatwiran

3.) Ito ay kaugnay sa pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga
bagay-bagay ayon sa kanyang badyet.
a.) Sumusunod sa badyet
b.) Hindi nagpapanic-buying
c.) Hindi nagpapadala sa anunsiyo
d.) Makatwian
4.) Ito ay karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isa alang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
a.) Karapatan ng Kaligtasan
b.) Karapatan ng Patalastas
c.) Karapatang dinggin
d.) Karapatan sa isang malinis na Kapaligiran

5.) May Karapatan sa “consumer education” nag tatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay
nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan. Anong karapatan ang tawag dito?
a.) Karapatan sa pangunahing pangangailangan
b.) Karapatan sa patalastas
c.) Karapatan sa pagtutuo Tungkol sa Pagiging Matalinong mamimili
d.) Karapatang dinggin

V. TAKDANG ARALIN

PANUTO: Basahin ang pahina 67 ng Modyul ng Mag aaral sa Araling Panlipunan 9 Mga Pangunahing Konsepto ng
Ekonomiks. At sagutan ang mga sumusunod sa kwaderno.

1.) Anu – ano ang limang pananagutan ng mga mamimili?


2.) Magbigay ng mga halimbawa ng consumer protection agencies?

Inihanda ni:
____MA.IRA L.SABADO_______
Student Teacher

You might also like