You are on page 1of 4

I.

Mga Layunin

 Pamantayang Pangnilalaman
 Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pang-araw-araw na Pamumuhay.
 Pamantayan sa Pagganap
 Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino
at maunlad na pangaraw-araw na pamumuhay.
 Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Naibibigay ang kahulugan ng produksyon
 Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at ang
implikasyon nito sa pangaraw-araw na pamumuhay
 Mga Layunin
 Nailalahad ang kahulugan at kabuluhan ng produksyon
 Napag-uugnay-ugnay ang mga hakbang sa daloy ng produksiyon.
 Naipapangkat ang mga salik ng produksiyon.
 Naipapaliwanag ang mga mahahalagang gampanin ng mga salik
sa produksiyon.

II. Nilalaman

A. Paksa:
Daloy at Salik ng Produksyon (Unang Markahan)
B. Mga Sanggunian:
Curriculum Guide (CG): pahina 191
Gabay ng Guro: pahina 45-52
Kagamitang Pang-mag-aaral: pahina 72-83
C. Iba pang kagamitang panturo:
Multimedia Presentation, Arts and Craft materials.
D. Pagpapahalagang Moral:
Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat salik ng
produksyon
E. Integrasyon sa ibang larangan ng pag-aaral:
TLE (Entrepreneurship), Arts (MAPEH) (Handicraft Making)
F. Metodolihya/Stratehiya sa Pagtuturo
Collaborative and Cooperative Learning
Inquiry-based
Technology Integration
Simulation
Graphic Organizers

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

a. Paghahanda

- Pagbati
- Pagdarasal
- Pagtala ng mga lumiban
- Pagpulot ng mga kalat
b. Balik-aral

Itanong sa mga mag-aaral:


1. Ito ay tumutukoy sa paggamit o pagbili ng produkto o serbisyo.
 Pagkonsumo
2. Ito ang batas na nagpoprotekta sa kapakanan ng mga
mamimili.
 RA 7394
3. Ito ay ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga
gamot at mga pinoprosesong pagkain.
 BFAD (Bureau of Food and Drugs)

c. Pagganyak

- Ibigay ang kahulugan ng produksiyon

GAWAIN: TRAIN TO BUSAN


Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakaayos ng paggawa
ng mga produkto.

Pamprosesong Tanong:

 Ano ang tawag sa mga hakbang na naganap mula sa una hanggang sa


ikatlong na larawan?
 Ano ang naging batayan mo sa pagsasaayos ng larawan?
 Paano nagkakaugnay-ugnay ang mga larawan?

*bigyang pugay/papuri ang mga mag-aaral na nakapagbigay ng wasto at may


katuturang kasagutan.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

 Pagtatalakay sa kahulugan ng Produkisyon at ang mga hakbang sa daloy


ng Produksiyon.
 Italakay ang mga uri ng input at output.

GAWAIN: RATED S.P.G (Sangkap sa Produksiyon, i-Grupo)

Ihanay ang mga sumusunod na larawan ayon sa kinabibilangan nitong salik.

Pamprosesong Tanong:

 Ano ang naging batayan niyo sa klasipikasyon ng iba’t ibang sangkap na


ginagamit sa produksiyon?
 Ano-ano ang mga salik ng produksiyon? Ipaliwanag ang ginagampanan ng
bawat salik sa proseso ng produksiyon.
 Ano ang kahalagahan ng produksiyon at ng mga salik nito sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay?

 Pagtatalakay sa mga Salik ng Produksyon at ang mga papel na


ginagampanan nito.

*bigyang pugay/papuri ang mga mag-aaral na nakapagbigay ng wasto at may


katuturang kasagutan.
2. Pagsasagawa

GAWAIN: MAG-PRODUCE TAYO!


 Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat
 Bawat isa ay bibigyan ng sari-saring mga arts and craft materials
 Gamit ang mga binigay na materyales ay gagawa ng kahit anong
produkto o handicraft ayon sa lawak ng inyong imahinasyon at sasagot
sa pamprosesong tanong ang bawat pangkat sa loob ng 10 minuto.
 Pagkatapos ay isa o dalawang kinatawan sa bawat pangkat ang
maghihikayat kung paano ibebenta ang produktong nagawa at iuulat
ang sagot sa bawat pamprosesong tanong sa loob ng 3 minuto sa bawat
pangkat.

Pamprosesong Tanong:

 Bilang isang entrepreneur. Ano ang produkto? Bakit ito ang naisipang
mong gawing produkto? Hikayatin mo ang iyong mga kaklase na bilhin
ito.
 Ilahad ang proseso o daloy ng produksiyon ng paggawa ng produkto.
Paano ninyo isinagawa ang produkto?
 Isa-isahin ang mga salik ng produksiyon na na nagamit mo sa paggawa
ng produkto. Ano ang papel na ginagampanan ng bawat salik ng
produksiyon sa paggawa ng inyong produkto?

Kraytirya/Rubrik
Kaayusan ng Pagkakagawa ng Produkto 50%
Pagkakasagot sa mga pamprosesong Tanong. 50%
100%

*bigyang pugay/papuri ang mga mag-aaral sapagkat nakagawa sila ng produkto at


nakapagbigay ng wasto at may katuturang kasagutan.

C. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat

- Ano ang Produksiyon?


- Ilahad ang daloy ng produksiyon.
- Ano ang mga salik ng produksiyon at ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa.

b. Pagpapahalaga

- Ano na lamang ang mangyayari kung ang isa sa mga salik ng


produksiyon ay wala? Ano ang kahalagahan nito?
- Bakit mahalaga na maisagawa ang produksiyon?

*Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon pa silang mga katanungan upang
mas mabigyang linaw ang aralin.

*bigyang pugay/papuri ang mga mag-aaral na nakapagbigay ng wasto at may


katuturang katanungan at kasagutan.
IV. Pagtataya

Tukuyin ang mga sumusunod, isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

____________________1.) Tumutukoy sa paggawa o paglikha ng produkto o serbisyo.


____________________2.) Ito ay ang Kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula ng
produksyon o isang negosyo
____________________3.) Mga salik ng produksyon na ginamit sa pagbuo ng produkto o
mga bagay na kinailangan upang mabuo ang produkto.
____________________4.) Tumutukoy sa lahat ng likas na yaman na pinagmumulan ng
mga hilaw na materyales o sangkap sa paggawa ng produkto.
____________________5.) Tumutukoy sa mga manggagawa na nagsasagawa ng
transpormasyon ng hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos
na produkto o serbisyo.
____________________6.) Tumutukoy sa mga mga bagay na nakakalikha ng mga
produkto tulad ng makinarya at iba pang teknolohiya.
____________________7.) Tumutukoy sa pagsama-sama ng mga input upang
maisagawa ang produkto
____________________8.) Tumutukoy sa tapos na produkto na nalikha sa pagsasama-
sama ng input.
____________________9.) Uri ng Input na napapalitan o nagbabago sa tuwing
magkakaroon ng produksiyon o nagagamit sa madaling
panahon
____________________10.) Uri ng Output na nahahawakan o nakikita.

Tukuyin kung anong uri ng Salik ng Produksiyon ang mga sumusunod. Isulat ang L kung lupa,
K kung kapital, P kung paggawa at E kung Entrepreneur.

Gatas Truck
Panadero Teacher
Oven Tubig
Bill Gates Bakal
Lucio Tan Makina

V. Takdang Aralin

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod

1. Demand
2. Supply
3. Consumer
4. Producer
5. Pamilihan

VI. Pagninilay

*Pasalamatan ang mga mag-aaral sa isang makabuluhang pag-aaral. Siguruhin na bago lumisan
ay maisaaayos muli ang silid-aralan at maihanda ito sa susunod nilang asignatura. Ibilin sa kanila
na panatilihin ang kaayusan at katahimikan habang naghihintay sa susunod na guro.

Mga Tala at Pagninilay


Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.
Kabuuan

Inihanda ni: FRANCIS LOUIE D. MENDOZA


Teacher I, Sto. Cristo Integrated School

You might also like