You are on page 1of 2

Mariano Ponce National High School

Araling Panlipunan 10
Ikatlong Markahan - Ikalawang Lagumang Pagsusulit-

Pangalan: ____________________________Taon/Seksyon: _______________Petsa:___________Guro:_______________


A. GENDER CONCEPT. Tukuyin ang mahahalagang terminolohiyang may kaugnayan sa konsepto ng kasarian.
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa bilog bago ang bilang.

1. Ito ay tumutukoy sa anomang pag-uuri batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala , paggalang at pagtatamasa ng lahat ng kasarian sa kanilang karapatan at kalayaan.
A. Diskriminasyon B.Eksklusibo C. Karangalan D. Kasikatan

2. Ang batas na ito ay naglalayong mawakasan ang diskriminasyon sa LGBTQ community.


A. Anti-Homosexuality Act of 2020
B. Gender Fairness Bill of 2019
C. Gender Identity and Sexuality Bill
D. Sexual Orientation and Gender Identity Equality Bill

3. Ang sumusunod ay halimbawa ng saliwang diskriminasyon ( reverse discrimation) maliban sa isa:


A. Ang di- pantay na pagtrato sa paggawa ng desisyon para sa mga kalalakihan at kababaihan.
B. Ang pagkakaroon ng mga LGBTQ at kababaihan ng mas maraming pribilehiyo sa kanilang
hanapbuhay.
C. Ang pagpayag sa mga paaralan na magkaroon ng eksklusibong unibersidad para sa mga
kalalakihan lamang.
D. Mas maraming kababaihan ang nakakatanggap ng promosyon kahit na mas kwalipikado ang mga
kalalakihan.

4. Ang United Nation-Office of the High Commissioner for Human Rights (UN-OHCR) ay isang
pandaigdigang samahan na nagsusulong ng pantay na proteksyon ng mga Karapatang Pantao at
Kalayaan nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights. Alin sa sumusunod ang
nagpapahayag ng katangian ng Karapatang Pantao?
A. Ang mga Karapatang Pantao ay hindi sapilitan.
B. Ang mga Karapatang Pantao ay hindi naitatanggi.
C. Ang mga Karapatang Pantao ay para sa lahat ng mga tao.
D. Ang mga Karapatang Pantao ay hindi maililipat kaninuman.

5. Ang organisasyon na naglalayong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa lahat ng uri ng
kasarian.
A. Commission of Human Rights (CHR)
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discriminations Against Women (CEDAW)
C. Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR)
D. United Nations Development Fund for Women (UNIFEM)

B. GENDER FACTORS. Batay sa mga sitwasyon na ipinahahayag sa ibaba, tukuyin kung anong salik ang
dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian. Isulat ang malalaking letra o titik ng tamang sagot sa
loob ng bilog bago ang bilang.

A. Pisikal na Kaanyuan B. Edukasyon C. Relihiyon at Kultura D. Trabaho

6. Ang mga kalalakihan ay nagbibihis ng babae upang gampanan ang pagiging babaylan o lider-
ispiritwal.
7. Sa panahon ng ating mga ninuno, ang mga kababaihan ay itinuturing na pag-mamay-ari ng kanilang
asawa.
8. Ang mga babae ay mahihina ang katawan kaya hindi pwede sa pisikal na trabaho tulad ng
konstruksyon.
9. Ang mga kalalakihan ang dapat na naghahanap-buhay para sa pamilya.
10. Ang pagiging isang inhinyero ay para sa mga kalalakihan lamang.
11. Sa panahon ng mga Kastila sa bansa, ang mga kababaihan ay dapat laging nasa simabahan upang
magdasal lamang .

C. GENDER UNDERSTANDING. Isulat ang salitang SUMASANG-AYON kung ikaw ay pabor sa ipinahahayag ng
pangungusan at isulat ang salitang DI-SUMASANG-AYON kung ikaw ay hindi pabor sa pahayag.
12. Sapagkat marami pa ring bansa ang mas dominante ng kalalalakihan, may mga karapatan pa rin
ang mga kalalakihan na hindi ipinagkakaloob sa mga kababaihan.
13. Wala pa ring malinaw na batas na nagbibigay proteksyon sa LGBTQ community.
14. Ang grupo ng Gabriela ay naglalayong bantayan ang karapatan ng mga kababaihan at LGBTQ sa
bansa.
15. Ang verbal at pisikal na panliligalig ay isang halimbawa ng diskriminasyon.
D. GENDER REASONING. Tukuyin kung paano nagkaroon ng diskriminasyon sa bawat pangungusap.Isulat ang
inyong sagot sa loob ng kahon.

SITWASYON DISKRIMINASYON
15. Pinagkalooban ng bagong posisyon si Anna
Canton kahit isang buwan palang siyang empleyado
nito sapagkat kamag-anak niya ang kaibigang
matalik ng kanyang boss.
16. Nakuha ni Julian ang posisyon sa kanilang
kompanya sapagkat galit ang kaniyang manager sa
mga kalalakihan.
17. Mas mababa ang sweldo na tinatanggap ng mga
kalalakihan kumpara sa kababaihan kahit pareho
silang ng trabaho at kwalipikasyon sa isang
kompany.
18. Si Boss Manuel ay mas mabait sa kanyang mga
empleyadong lalaki kumpara sa mga empleyadong
babae.
19. Hindi tinanggap sa isang paaralan si Roxie
bilang guro sapagkat siya ay isang tomboy.
20. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kababaihan
ang pagsusuot ng pantalon sa kanilang opisina kahit
araw ng Biyernes.
21. Binawi ni Xander ang promosyon ni Ella
sapagkat hindi nito pinayagan ang binatang
manligaw sa kanya.
22. Hindi pinasok sa isang mall si Luke sapagkat ito
ay nakabihis pambabae.
23. Inalis sa pagiging cashier si Francine sapagkat
ito ay nagdadalang-tao o buntis.

E. GENDER ACTION. Magbigay ng iyong konkretong aksyon upang makatulong masugpo ang diskriminasyon sa
lipunan.

URI NG DISKRIMINASYON KONKRETONG PLANO

Diskriminasyon sa Kababaihan at Kalalakihan

Diskriminasyon sa LGBTQ+

PERFORMANCE TASK #2
GENDER ISSUES. Gumuhit o gumupit ng larawan mula sa dyaryo o magazine na nagpapakita ng isang
domestic violence. Lagyan ng 2 o 3 pangungusap ukol sa larawan.
Rubric sa Pagtataya ng Kaalaman

5 –20. Ang mga mag-aaral ay may buo at detalyadong pag-unawa sa paksa


4 – 16Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa paksa ngunit di ganap na detalyado
3 – 12.Ang mag-aaral ay may maling pag-unawa sa ilang impormasyon, ngunit may pag-unawa sa batayang
impormasyon
2 – 8. Maraming mali sa pag-unawa ng mag-aaral
1 – 5. Walang pasyang maibibigay tungkol sa pag-unawa ng mag-aaral

Inihanda ni: Iniwasto ni: Binigyang Pansin ni:

AMABHELLE R. DELA MERCED SUSANA F. CRUZ JULIETA P. BULOS


Dalub- Guro I Pang-Ulong Guro III Punong Guro IV
Kagawaran ng AP

You might also like