You are on page 1of 16

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY

San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023 10

LEARNING
ACTIVITY SHEETS
(LAS)
Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 4 – Modyul 2:
Wastong Pangangalaga sa Dignidad at
Sekswalidad
(EsP10PI-IVa-13.1, EsP10PI-IVa-13.2, EsP10PI-
IVb-13.3, EsP10PI-IVb-13.4)
Paunang Pagtataya
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang napiling titik sa
iyong sagutang papel.
Pagpipilian para sa bilang 1-6

a. kontrasepsiyon d. pre-marital sex f. sexual abuse

b. prostitusyon e. pornograpiya g. extra-marital sex
c. in-vitro fertilization

1. Ito ay tawag sa gawaing pakikipagtalik bago pa ang itinakdang araw ng pag-iisang

dibdib.
2. Siyantipikong paraan kung saan ang sperm cell at egg cell ay pinagsasama sa isang
dish upang makabuo ng bagong buhay.
3. Ang tahasang pagpapakita ng katawan na walang saplot, maging sa internet,
television, sinehan o mga babasahin.
4. Iba’t ibang sistema o paraan upang maiwasang mabuo ang buhay na nagiging
bunga ng seksuwal na relasyon ng babae at lalaki.
5. Ito ay maaaring paglalarawan sa paglalaro ng maseselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal
na gawain at sexual harassment.
6. Tawag sa relasiyong seksual sa labas ng kasal.
7. Sa paanong paraan matutukoy na ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay hindi
mabuti?
a. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad.
d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan.
8. Ito ay ang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit
ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
a. kasarian c. pagkakakilanlan
b. seksuwalidad d. dignidad
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
a. Si Nene ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi
ng kaniyang katawan.
b. Niyaya ni Nonoy ang matagal na niyang kasintahang si Mila na magpakasal
sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing
pagkalimot sa sarili ni Juliet at ng kaniyang boyfriend na si Romeo.
d. Maganda ang hubog ng katawan ni Rosario kaya nagpasiya siyang
magpaguhit nang nakahubad.
1
10. Ano ang tamang pananaw tungkol sa dignidad at seksuwalidad ng tao?
a. Dapat na makita na ang dignidad at seksuwalidad ay kapwa kaloob ng Diyos
at dapat itong pahalagahan sa lahat ng oras.
b. Dapat lamang na pakinabangan ang karapatang makipagtalik sa kahit na
anong paraan, lalo na kung ito naman ay kagustuhan ng may katawan
c. Ang dignidad at seksuwalidad ay maaring paghiwalayin lalo na kapag
kalayaan ang siyang magiging basehan nito
d. Kalayaan ng tao ang gawin ang kahit na anong naisin niyang gawin sapag
ang tao lamang ang makakasumpong ng sarili niyang kaligayahan
11. Bakit sinasabi na ang pagtatalik ay hindi pangangailangang bayolohikal tulad ng
pagkain at hangin na ating hinihinga?
a. Sapagkat mayroon o walang pagtatalik ay maaring mabuhay ng normal ang
tao
b. Sapagkat ang pagtatalik ay para lamang sa mga mag asawa
c. Sapagkat ang pagtatalik ay dakilang kaloob ng Diyos sa lahat ng tao
d. Sapagkat sa pamamagitan ng pagtatalik nabibigyan ng mukha ang pag-ibig
12. Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang seksuwal, ngunit ang ating
kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa paggawa lamang ng mabuti. Ang pahayag
na ito tungkol sa seksuwalidad ay __________.
a. Tama, sapagkat ang layunin ng seksuwalidad ay laging mapanagutan
b. Tama, sapagkat ito ang paraan upang makaiwas sa iba’t-ibang karamdaman
c. Mali, may kalayaan ang tao na gawin ano man ang naisin nito
d. Mali, sapagkat ang seksuwalidad ay hindi dapat makasarili
13. Alin sa sumusunod ang wastong pananaw sa patungkol sa pakikipagtalik?
a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.
b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay.
c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa
nito.
d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na
ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.
14. Sa tulong ng makabago at modernong kagamitan na ________ ay maari ng
matukoy ang kasarian ng isang tao bago pa lang siya isilang sa mundong ibabaw.
a. pangsikolohiya c. pangmedisina
b. pangsiyentiko d. pangekonomiya
15. Bakit kailangang maghintay ang mga magkasintahan na makasal bago magkaroon
ng seksuwal na relasyon?
a. Sapagkat sa pamamagitan ng kasal mas nakikita ang kahandaan at
responsibilidad ng dalawang taong nagmamahalan.
b. Dahil naapektuhan ng seksuwalidad ang buong katauhan
c. Ang tunay na pag-ibig ay kayang maghintay
d. Sapagkat sa pamamagitan ng sakramentong ito, may basbas ang Diyos at
bayan

2
Mga Layunin
Sa modyul na ito, ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

a. natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at

sekswalidad;
b. nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad;
c. napangangatwiranan na:
- Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng
paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga
isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa digniidad at sekswalidad ng
tao; at
d. nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at sekswalidad.

Pangunahing Konsepto
Sa tulong ng makabago at modernong kagamitan na pangmedisina ay maari ng
matukoy ang kasarian ng isang tao bago pa lang siya isilang sa mundong ibabaw. Sa
kaniyang pag unlad bilang isang katangi-tanging nilalang, siya ay nagkakaroon ng
malayang pagtanggap at pagganap sa kaniyang seksuwalidad.
Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na
ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang
kaganapan kaisa ang Diyos. Kaya naman, bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at
paunlarin ang seksuwalidad upang maging ganap ang ating pagkatao.
Kung ang seksuwalidad at ang pagkatao ay hindi mapag-iisa habang nagdadalaga
o nagbibinata, maaring magkaroon ng kakulangan sa pagkatao sa pagdating niya sa
hustong gulang o adulthood stage. Kapag nagkulang ang tao sa aspektong ito, maaari
siyang magpakita ng mga manipestasyong magdadala sa kaniya sa mga isyung seksuwal.
Sa kasalukuyang panahon, dumarami ang mga ito at kadalasan ay hindi natutugunan.
Sa anumang isyu ng seksuwalidad, lagi itong may epekto sa dignidad ng tao. Ang
pagkilala sa dignidad at seksuwalidad ay pagtanggap sa kabuuan ng buhay, ang
seksuwalidad ay hindi nangangahulugan lamang ng seksuwal na relasyon ng babae at
lalaki, kundi ito ay mahalagang sangkap ng personalidad. Higit sa anu pa man, dapat na
makita na ang dignidad at seksuwalidad ay kapwa kaloob ng Diyos at dapat itong
pahalagahan sa lahat ng oras.

Mga Isyung Moral sa Dignidad at Sekswalidad

1. In-vitro fertilization – Ito ay siyentipikong paraan kung saan ang sperm cell at egg
cell ay pinagsasama sa isang dish upang makabuo ng bagong buhay.
2. Same-sex marriage – tawag sa dalawang tao na pareho ang kasarian at
nagsasama bilang mag-asawa.

3
3. Prostitusyon – Ito ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain kung saan
ang isang tao ay nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera o pabor. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng
kasiyahang seksuwal.
4. Pornograpiya – Ang tahasang pagpapakita ng katawan na walang saplot, maging
sa internet, television, sinehan o mga babasahin.
5. Extra- marital sex – tawag sa relasyong seksuwal sa labas ng kasal.
6. Kontrasepsiyon – Iba’t ibang sistema o paraan upang maiwasang mabuo ang
buhay na nagging bunga ng seksuwal na relasyon ng babae at lalaki.
7. Ang pakikipagtalik bago ang kasal (pre-marital sex) – Kapag ang tao ay sumapit
sa wastong gulang ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty) siya ay nagkakaroon
ng kakayahan na makibahagi bilang kapwa manlilikha ng Diyos. Subalit, kahit siya
ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na
siyang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang siya ay hindi pa
tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik.
8. Pang aabusong seksuwal – Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro
sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang
bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment. Maaari rin
itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na
gawain at pagkakaroon ng kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa
mga hubad na katawan, seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na
isinasagawa ng iba.
Natukoy natin at nasuri ang iba’t ibang isyu tungkol sa seksuwalidad. Nalaman natin
ang iba’t ibang epekto sa mga taong sangkot sa mga ito gayundin ang iba’t ibang pananaw
na kaugnay ng mga isyung ito. Mahihinuha rin natin sa mga paglalahad na ang mga isyung
seksuwal na mga ito ay hindi nararapat gawin lalo na ng kabataan pa lamang. Ang
seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin
sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan kung
bakit nilalang tayo ng Diyos.

Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang seksuwal, ngunit ang ating
kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa paggawa lamang ng mabuti. Ang pakikipagtalik
nang walang kasal, pagbebenta ng sarili sa prostitusyon, pagbabasa at pagtingin sa mga
seksuwal na babasahin ay malaya nating magagawa, ngunit mabuti ba ang mga kilos na
ito? Kaakibat ng malayang kilos ay ang pananagutan na alamin kung ang mga ito ay mali
at kung may naaapektuhan ba o wala. Nararapat na tingnan ng tao kung ano ang
kalalabasan nito sa kaniyang sarili at sa iba kapag ito ay isinagawa.
Ang paglabag sa dignidad at seksuwalidad ay paglabag sa karapatang pantao sa
paggalang sa pribadong buhay at maaring mauwi ito sa hindi makataong pagtrato.

4
Gawain 1 Wika Nga!
Panuto:
1. Ayusin ang mga ginulong titik sa labas ng kahon upang mabuo ang mga salitang
may kaugnayan sa mga isyung moral tungkol sa seksuwalidad.
2. Matapos matukoy ang tumpak na salita, kopyahin sa sagutang papel ang graphic
organizer sa ibaba at isulat sa loob ng kahon ang maaring maging epekto nito sa
dignidad ng taong naging biktima ng pagmamalabis sa seksuwalidad.
3. Matapos maitala ang epekto, ilagay naman sa mga nakalaang guhit ang mga
suhestiyon upang makaiwas sa mga isyung ito.
4. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng gawain sa sagutang papel.

1. NYOPRGARAPIO EPEKTO SA DIGNIDAD NG TAO

________________________________________________________

Suhestiyon ________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

____________

2. TUSSTIPROONY EPEKTO SA DIGNIDAD NG TAO

5
3. AHAGAANPGSGA EPEKTO SA DIGNIDAD NG TAO

4. MUAHN CIINKRAFTFG
EPEKTO SA DIGNIDAD NG TAO

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Naging madali ba sa iyo na matukoy ang mga tumpak na salita?
2. Ano ang iyong naging damdamin habang isinusulat ang maaring maging epekto ng
mga isyung pagmamalabis sa seksuwalidad?
3. Bakit mahalaga na isaalang-alang ang dignidad ng tao kasabay ng seksuwalidad?

6
Gawain 2 Kwentong MMK
Palagi tayong may pagkakataon na makinig at tumulong sa ating kaibigang
nangangailangan lalo na kapag sila ay may suliranin.

Panuto: Basahin ang kwento ng magkaibigan sa ibaba, mag isip ng mga hakbang upang
mabigyan ng kalutasan ang kanilang suliranin at sagutan ang mga sumusunod na

Si Cherry at Loyda
Labis ang pagkabalisa ni Loida para sa matalik niyang kaibigan na si Cherry.
Sa sobrang close ng dalawa, walang sekreto ang hindi nila ipinapaalam sa bawat
isa. Isang linggong lumiban si Cherry sa klase at nabigla na lamang si Loyda ng
matapos ang pagliban ay natagpuan niyang tahimik at lumuluha ang kaibigan nito sa
isang sulok ng paaralan. Niyakag ni Loyda ang kaibigan patungong cafeteria upang
makausap ito ng sarilinan. Ilang saglit lang ay nagsimula ng magkwento si Cherry
kay Loyda. Sabi ni Cherry, “Hindi ko nagugustuhan ang itsura ko ngayon, hindi rin
ako naiintindihan ng aking ina. Kaya naiisip ko ng maglayas.” Batid ni Loyda ang bigat
ng nararamdaman ni Cherry at alam niyang may mas mabigat pa itong dahilan bukod
sa kaniyang sinabi. “Sa mga nakalipas na buwan at lingo, kung ano anong masasakit
at malalaswang salita ang natatanggap ko sa kasintahan ng aking ina, bukod dito,
maraming pagkakataon na hinihipuan niya ako at pinagsasamantalahan. Kaya
natatakot ako sa mga susunod pang maaring mangyari.” Ika ni Cherry. Sa
pagkakataong ito, naging emosyunal si Loyda dahil alam niyang inaabuso ang
kaniyang kaibigan at hindi makapagsabi sa ina nito dala ng takot. Pinayuhan ni Loyda
ang kaibigan na magtapat sa kaniyang ina. Di naglaon, nagkaroon ng pagkakataon
ang mag ina upang mag usap. Ngunit sinabi ng kaniyang ina na binibiro lamang siya
ng kaniyang nobyo, kaya huwag sana niyang seryosohin ang mga pangyayari .

tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga tanong
1. Ano sa iyong palagay ang maaring gawin ni Cherry?
2. Tama kaya ang kaniyang naging desisyon na ipaalam ang kaniyang sitwasyon sa
ina? Pangatwiranan
3. Kung ikaw si Loyda na kaibigan ni Cherry, ano ang iyong maaring gawin upang
tulungan ang kaibigan? Ipaliwanag
4. Sa ganitong sitwasyon, may nalalabag ba sa dignidad ng tao, daan upang masabi na
hindi nabibigyang paggalang ang seksuwalidad? Ipaliwanag
5. Upang maiwasan ang ganitong pang-aabuso sa seksuwalidad, anong mga hakabang
ang maari mong gawin higit na makatulong sa mga kabataang tulad mo? Magbahagi
ng kaalaman.

7
Gawain 3 Pagtatalaga ng Aking Sarili
Panuto:
1. Gabay ang graphic organizer sa ibaba, tukuyin ang mga isyung moral na may
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
2. Pangatwiranan ang maaring epekto ng mga isyung ito sa tao
3. Matapos ang mga tala ay bumuo ng mga posisyon o pasya upang maibalik ang
paggalang at pagpapahalaga ng tao sa kaniyang dignidad at seksuwalidad.
4. Gawin ito sa isang buong papel.

MGA ISYU TUNGKOL

SA SEKSUWALIDAD

Pangkalahatang epekto ng mga isyu sa Dignidad at Seksuwalidad

Mga posisyon o pasiya upang mapanumbalik ang paggalang sa pagkatao ng tao

at sa tunay na layunin nito

8
Pamantayan sa Pagmamarka

Iskor Kraytirya
20 Malinaw at detalyadong naitala ang sumusunod:
• Natukoy ang mga isyung moral na may kinalaman sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
• Napangatwiranan ang epekto ng mga isyung ito sa Dignidad at
Seksuwalidad.
• posisyon o pasiya upang mapanumbalik ang paggalang sa pagkatao ng
tao at sa tunay na layunin nito
15 Hindi gaanong malinaw at detalyadong naitala ang sumusunod:

10 Hindi malinaw at detalyadong naitala ang sumusunod:

Gawain 4 Akoy Mapanindigan

Panuto: Mag isip at lumikha ng awit, tula o spoken poetry tungkol sa iyong posiyon o
paninindigan bilang adbokasiya na tuwirang magwawaksi sa mga isyung moral
na hindi nagpapakita ng wastong paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
Isulat sa sagutang papel.

__________________________________________________________________________

9
Pamantayan sa Pagmamarka

Iskor Kraytirya
20 Malinaw at detalyadong naitala ang sumusunod:
• Ideya at impormasyon tungkol sa posisyon o paninindigan bilang
adbokasiya na magwawaksi sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad.
• Iba’t ibang detalye na naibahagi tungkol sa paksa.
15 Hindi gaanong malinaw at detalyadong naitala ang sumusunod:
• Ideya at impormasyon tungkol sa posisyon o paninindigan bilang
adbokasiya na magwawaksi sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad.
• Iba’t ibang detalye na naibahagi tungkol sa paksa.
10 Hindi malinaw at detalyadong naitala ang sumusunod:
• Ideya at impormasyon tungkol sa posisyon o paninindigan bilang
adbokasiya na magwawaksi sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad.
• Iba’t ibang detalye na naibahagi tungkol sa paksa.

10
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang napiling titik sa iyong
sagutang papel.

1. Sa paanong paraan matutukoy na ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay hindi

mabuti?
a. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad.
d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan.
2. Ito ay ang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit
ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
a. kasarian c. pagkakakilanlan
b. seksuwalidad d. dignidad
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
a. Si Nene ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi
ng kaniyang katawan.
b. Niyaya ni Nonoy ang matagal na niyang kasintahang si Mila na magpakasal
sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing
pagkalimot sa sarili ni Juliet at ng kaniyang boyfriend na si Romeo.
d. Maganda ang hubog ng katawan ni Rosario kaya nagpasiya siyang
magpaguhit nang nakahubad.
4. Ano ang tamang pananaw tungkol sa dignidad at seksuwalidad ng tao?
a. Dapat na makita na ang dignidad at seksuwalidad ay kapwa kaloob ng Diyos
at dapat itong pahalagahan sa lahat ng oras.
b. Dapat lamang na pakinabangan ang karapatang makipagtalik sa kahit na
anong paraan, lalo na kung ito naman ay kagustuhan ng may katawan
c. Ang dignidad at seksuwalidad ay maaring paghiwalayin lalo na kapag
kalayaan ang siyang magiging basehan nito
d. Kalayaan ng tao ang gawin ang kahit na anong naisin niyang gawin sapag
ang tao lamang ang makakasumpong ng sarili niyang kaligayahan

5. Bakit sinasabi na ang pagtatalik ay hindi pangangailangang bayolohikal tulad ng

pagkain at hangin na ating hinihinga?
a. Sapagkat mayroon o walang pagtatalik ay maaring mabuhay ng normal ang
tao
b. Sapagkat ang pagtatalik ay para lamang sa mga mag asawa
c. Sapagkat ang pagtatalik ay dakilang kaloob ng Diyos sa lahat ng tao
d. Sapagkat sa pamamagitan ng pagtatalik nabibigyan ng mukha ang pag-ibig

11
6. Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang seksuwal, ngunit ang ating
kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa paggawa lamang ng mabuti. Ang pahayag
na ito tungkol sa seksuwalidad ay __________.
a. Tama, sapagkat ang layunin ng seksuwalidad ay laging mapanagutan
b. Tama, sapagkat ito ang paraan upang makaiwas sa iba’t-ibang karamdaman
c. Mali, may kalayaan ang tao na gawin ano man ang naisin nito
d. Mali, sapagkat ang seksuwalidad ay hindi dapat makasarili
7. Alin sa sumusunod ang wastong pananaw sa patungkol sa pakikipagtalik?
a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.
b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay.
c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa
nito.
d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag
ng mag-asawa sa bawat isa.
8. Sa tulong ng makabago at modernong kagamitan na ________ ay maari ng
matukoy ang kasarian ng isang tao bago pa lang siya isilang sa mundong ibabaw.
a. Pangsikolohiya c. Pangmedisina
b. Pangsiyentiko d. Pangekonomiya
9. Bakit kailangang maghintay ang mga magkasintahan na makasal bago magkaroon
ng seksuwal na relasyon?
a. Sapagkat sa pamamagitan ng kasal mas nakikita ang kahandaan at
responsibilidad ng dalawang taong nagmamahalan.
b. Dahil naapektuhan ng seksuwalidad ang buong katauhan’
c. Ang tunay na pag-ibig ay kayang maghintay
d. Sapagkat sa pamamagitan ng sakramentong ito, may basbas ang Diyos at
bayan

Pagpipilian para sa bilang 10 -15

a. kontrasepsiyon d. prostitusyon f. in-vitro fertilization

b. pre-marital sex e. pornograpiya g. sexual abuse
c. extra-marital sex

10. Ito ay tawag sa gawaing pakikipagtalik bago pa ang itinakdang araw ng pag-iisang
dibdib
11. Siyantipikong paraan kung saan ang sperm cell at egg cell ay pinagsasama sa isang
dish upang makabuo ng bagong buhay.
12. Ang tahasang pagpapakita ng katawan na walang saplot, maging sa internet,
television, sinehan o mga babasahin.
13. Iba’t ibang sistema o paraan upang maiwasang mabuo ang buhay na nagiging
bunga ng seksuwal na relasyon ng babae at lalaki.
14. Ito ay maaaring paglalarawan sa paglalaro ng maseselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal
na gawain at sexual harassment.
15. Tawag sa relasiyong seksual sa labas ng kasal.

12
13
Paunang Pagtataya
1. d
2. c
3. e
4. a
5. f
6. g
7. b
8. b
9. b
10. a
11. b
12. a
13. d
14. c
15. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Brizuela, Mary Jean, Arnedo, Patricia Jane, Guevara, Goeffrey, Valdez, Earl, Rivera,
Suzanne, Celeste, Elsie, Balona Jr., Rolando, Yumul, Benedick Daniel, Rito, Glenda,
Gayola Sheryll. Edukasyon sa Pagpapakatao. Pasig City: FEP Printing Corporation,

14
Prepared:
Teacher-Developer: Brian E. Camansi

Checked:
Content Evaluator/ESP Head Teacher: Maria C. Lauden
LR Coordinator: Avegril A. Arpon
Language Evaluator: Jose Mari L. Durante
Layout Evaluator: Rachalle Ann F. Manaloto

Noted:

School Head: Engr. Danilo A. Casas

Principal IV

15

You might also like