You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Ikaapat na Markahan

ANG MGA ISYUNG KAUGNAY SA KAWALAN NG PAGGALANG SA DIGNIDAD


AT SEKSUWALIDAD

BALIK-ARAL
Kahon ng Kaalaman

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong at isulat ang mga letrang bubuo
sa tamang sagot sa bawat kahon.

1. Ito ay tumutukoy sa labis na pag konsumo ng alak na kung saan ay nagdudulot ng masamang
epekto sa katawan ng tao.

2. Dahil sa paggamit nito ang isip ng tao ay nagiging blank spot, nahihirapan ang isip na iproseso
ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito.

3. Ito ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.

ARALIN
Panimula: Panoorin ang maikling video.
RATED SPG – Striktong Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
ABS-CBN Entertainment – Ipaglaban Mo – “Dignidad”
https://www.youtube.com/watch?v=eOD4JMiG3l8

❖ Ano-ano ang mga usaping nakapaluob pa sa maikling video?

ANG MGA ISYUNG KAUGNAY SA KAWALAN NG PAGGALANG


SA DIGNIDAD AT SEKSUWALIDAD
(Unang Bahagi)

Ano ang ibig sabihin ng salitang dignidad?


➢ Ang salitang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin
“karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Ang lahat ng tao, anuman ang
kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad.
➢ Ang dignidad ng tao ay tumutukoy sa pagkakaroon ng tao ng karapatan na respetuhin at
galangin siya ng ibang tao. Ang dignidad ng tao ay mas kilala rin sa Wikang Ingles bilang
salitang "dignity". Ang pagkakaroon ng dignidad ng tao ay importante upang magkaroon ng
maayos, matiwasay at mapayapa na buhay ang isang tao.

Kahalagahan ng pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao


➢ Ang dignidad ng isang tao ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ang yaman ng bawat tao. kahit
ano man ang katayuan nito sa buhay. kahit mawala ang lahat ang dignidad ang tumatayo o
ang nagpapatatag sa tao.

Mga Katangian ng Dignidad


• Ang dignidad ay hindi kinikita "cannot be earned".
• Ang dignidad ay hindi makukuha mula sa isang tao "cannot be taken away".
Lahat ng tao, ano man ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan, at kakayahan ay
may dignidad.

➢ Dahil sa dignidad, ang lahat ay nagkakaroon ng karapatang umunlad sa paraang hindi


makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang panggalang at respeto sa
kapwa tao o kahit kanino.

Ano ang kahulugan ng seksuwalidad?


➢ Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng
tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
➢ Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Ito ay
nangangahulugang magiging ganap kang tao at bukodtangi sa pamamagitan ng iyong
pagkalalaki o pagkababae.
➢ Bagama’t nalalaman ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang
kaniyang pagtanggap at pagganap sa kaniyang seksuwalidad. Ito ay nararapat na naaayon
sa tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya - ang pagkakaisa
ng katawan at espiritu.

❖ Ang bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad upang maging
ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki. Kung ang seksuwalidad at ang pagkatao ay
hindi mapag-iisa habang nagdadalaga o nagbibinata, maaaring magkaroon ng kakulangan
sa pagkatao sa pagsapit niya sa sapat na gulang o adulthood. Kapag nagkulang ang tao sa
aspektong ito, maaari siyang magpakita ng mga manipestasyong magdadala sa kaniya sa
mga isyung seksuwal. Sa panahon ngayon dumarami ang mga ito at kadalasan ay hindi
natutugunan.

Ano-ano ang Kahalagahan Ng Seksuwalidad?


➢ Ang itinakda o napiling kasarian ng isang tao ay isang instrument ng pagpaparami at
pagtiyak ng pagtuloy ng salinlahi.
➢ Ang kasarian din ay isang daan sa pagpapahayag ng pagmamahal.
➢ Ang tao ay nagiging handog sa kanyang kapwa.

Katangian Ng Mga Taong Tinatanggap Ang Kanilang Seksuwalidad


1. Ipinagmamalaki nila ang kanilang kasarian at hindi ito kinakahiya.
2. Ginagampanan nila ang kanilang tungkulin ayun sa kanilang kasarian.
3. Sila ay may paggalang sa kasarian ng iba.

➢ Ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ay


napakahalangang talakayin o pag-usapan ng pamilya lalo na sa panahong ito. Mahalaga ang
tamang pananaw sa sekswalidad dahil isa itong aspeto ng ating pagkatao na malaki ang
epekto sa ating buhay. Mahalaga ring maunawaan na ang dignidad ang pinakaimportante
kaysa sa ibang bagay.
➢ Ang dignidad ay ang pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang ng
kanyang kapwa. Natuklasan mo na napakamahalagang pangalagaan natin ito dahil isa ito sa
mga mahahalagang regalo sa atin ng Diyos. Marahil mahirap nga ang buhay sa panahong
ito, ngunit hindi solusyon ang pagbebenta ng iyong dignidad at seksuwalidad.

PAGSASANAY
Gawain 1: ACRONYM
Panuto: Gumawa ng acronym gamit ang mga salitang DIGNIDAD at SEKSWALIDAD batay sa iyong
pinag-aralan. Gawin ito sa isang buong papel.

Pamantayan
• Kawastuhan ng mga salitang ginamit – 5 pts
• Kaugnayan ng pahayag sa paksa- 5 pts
• Kalinisan at kaayusan ng paggawa- 3 pts
• Pagsunod sa panuto – 2 pts
Kabuuan = 15 puntos

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang bawat pangungusap kung ito ay tumutukoy sa seksuwalidad o dignidad.
Ilagay ang iyong sagot sa patlang bago ang numero.

__________________1. Ito ay tumutukoy sa pantay at patas lahat ang pagtingin walang kinikilala,
mataas ka man o mababa ang estado sa buhay.
__________________2. Ito ay galing sa salitang latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin
“karapat-dapat”.
__________________3. Ito ay tumutukoy sa isang malayang pagpili at personal na tungkulin na
ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa
kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
__________________4. Ang kasarian ay isang daan sa pagpapahayag ng pagmamahal.
__________________5. Ito ay tumutukoy sa karapatang umunlad sa paraang hindi makasasakit o
makasasama sa ibang tao.
Output 1
JOURNAL
❖ Gumuhit, gumupit o kumuha ng larawan mula sa dyaryo o internet ng isang larawan na
tumutukoy sa usaping Dignidad at Seksuwalidad. Ibigay ang iyong opinyon tungkol sa
larawan. Idikit sa bondpaper.

Mga Isyu kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad

1.Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex)


➢ Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging
manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata
(puberty).
➢ Subalit kahit siya ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi
nangangahulugang maaari na siyang makipagtalik at magkaroon ng anak.
➢ Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng
kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik.
➢ Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin
na ating hinihinga.
➢ Hindi kinakailangan ng tao ang makipagtalik upang mabuhay sa mundong ito.
➢ Maraming mga taong nagpasiyang mabuhay nang walang asawa tulad ng mga pari,
mga madre at mga kasapi ng 3rd orders, ang patuloy na nabubuhay nang maayos,
malusog at masaya.

2. Pornograpiya
➢ Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne”na may kahulugang
prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang
pagsulat o paglalarawan.
➢ Samakatuwid ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin,larawan o
palabas)na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
Ayon sa mga eksperto, ang epekto nito sa maraming tao ay nagsisimula sa mababaw
hanggang sa lumala at maging sugapa na dito.
➢ Batay sa pag-aaral ni Iyoob (2008), ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay may
kaugnayan sa pakikibahagi o paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalo na
ang panghahalay.
➢ Ang mga kalalakihang nanood ng palabas na malaswa ay nagkakaroon ng pagkamanhid sa
pananaw nila sa mga kababaihan. Nagiging animo’y mga bagay lamang ang mga ito.Nagiging
mababaw din ang pagtingin nila sa kasal.
➢ Ang pinakamalala, ang panghahalay ay hindi na nila tinitingnan bilang isang krimen. Ang
pornograpiya rin ang ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang
bibiktimahin.
➢ Ang pedophiles ay mga lalaki o babae na nasa hustong gulang na nagnanasa at bumibiktima
sa mga bata at paslit. Nilalason nila ang isipan ng mga bata sa pamamagitan ng
pornograpiya upang maging madali sa kanilang akitin ito na pumayag sa kanilang mga
seksuwal na pagnanais.

3. Mga Pang-aabusong Seksuwal (Sexual Abuse)


➢ Ang nangingibabaw na posisyon ay ang pang-aabuso ay isinasagawa ng isang nakatatanda
na siyang pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal.
➢ Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba,paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na
gawain at sexual harassment.
➢ Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad sarili na gumawa ng seksuwal na gawin
at pagkakaroon ng kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na
katawan, seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.
➢ Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay mga bata o kabataang
may mahihinang kalooban,madaling madala may kapusukan at kadalasan,iyong mga
nabibilang sa mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga magulang.
➢ Sa gitna ng kanilang pagiging mahina,pumapasok ang mga taong nagsasamantala,tulad ng
mga pedophile na tumutulong sa mga batang may mahinang kalooban subalit ang layunin
pala ay maisakatuparan ang pagnanasa.
➢ Dagdag pa rito, may mag magulang din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga
anak na gawin ito upang magkapera. Ilan sa mga ito ay sila mismo ang umaabuso sa
kanilang mga anak.
4. Prostitusyon
➢ Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang
pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera.
➢ Dito binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang
seksuwal. Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong gawain ay
iyong mga nakaranas ng hirap, hindi nakapag-aral at walang muwang kung kaya’t madali
silang makontrol.
➢ Mayroon din naming may maayos na pamumuhay,nakapag-aral ngunit marahil ay naabuso
noong bata pa. Dahil dito nawala ang kanilang paggalang sa sarili at tamang pagkilala kung
kaya’t minabuti na lang ipagpatuloy ang kanilang masamang karanasan.
➢ Ayon sa mga peminista,marapat lamang ang prostitusyon sapagkat ito ay nakapagbibigay ng
gawain sa mga taong walang trabaho lalo na sa mga kababaihan.
➢ Ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute ay maihahalintulad sa isang manunulat na
ibinebenta ang kanyang isip sa pamamagitan ng pagsulat.
➢ Kapag ang prostitusyon ay isinagawa ng isang tao na may pagkagusto o konsento, maaaring
sabihin na hindi ito masama.

Gawain 3
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat sa patlang ang mga Tamang Sagot.

1. Ang ___________ ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang


nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal.

2-3. Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay mga ________o__________


may mahinang kalooban.

4. Ang mga taong nagsasamantala, tulad ng mga___________na tumutulong sa mga batang may
mahinang kalooban subalit ang layunin pala ay maisakatuparan ang pagnanasa.

5. May mga ___________din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga anak na gawin ito
upang magkapera. Ilan din sa mga ito ay sila mismo ang umaabuso sa kanilang mga anak.

6. Ang _______________na sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng


panandaliang aliw kapalit ng pera.

7-10. Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa prostitusyon ay iyong
mga___________, __________at_________kung kaya’t madali silang makontrol. Mayron din namang
may_______________, nakapag –aral ngunit marahil ay naabuso noong bata pa.

Gawain 4.
Panuto: Hanapin at bilugan mula sa puzzle ang 10 mga salitang may kinalaman sa isyu ng
kawalan ng paggalang sa sekswalidad na tinalakay sa nakaraang aralin.

Output 2
Advocacy Campaign
Panuto: Bumuo ng isang Advocacy campaign laban sa pang-aabusong seksuwal. Ito ay gagawin sa
pamamagitan ng paggawa ng isang slogan na nagpapakita ng mga masasamang epekto ng
pang-aabusong seksuwalidad. Isulat ito sa isang short bond paper.

Halimbawa:

“Ang pag-aasawa ay hindi isang tulad ng kaning mainit na, maaaring iluwa kapag
napaso”

You might also like