You are on page 1of 1

“Mga mahalagang elemento sa paggawa ng Moral na desisyon”

Isinulat ni Bb. Chrislee May P. Aragon

Lahat tayo ay nakaranas ng mga pagkabigo sa magagandang desisyon. May iba saatin napagtanto na
kailangan nating pagisipan muna kung ano ang hindi magagandang mangayayari saatin. Ang paggawa ng
desisyon sa moral ay talagang mahirap. Kaya't ngayong araw na ito, pag-uusapan ko ang iba't ibang mga
elemento na kailangan nating isaalang-alang kapag nakaharap sa ating landas. Bago ako magpatuloy sa ating
pangunahing paksa, nais kong ipakilala ang aking sarili ako nga pala si Bb. Chrislee May Aragon mula sa
seksyon Humility.

Ang unang elemento ay ang “Suriin ang mga katotohanan ng gawaing moral”. Totoo nga na ang Magandang
desisyon ay maaaring gawin lamang kapag mayroon tayong isang malinaw na kamalayan at pagtatasa ng
katotohanan. Kailangan nating pag-unawain muna ang mga gawaing moral na ating isasagawa. Ang
pangalawang elemento ay ang “Magtanong tungkol sa mga pamantayang moral na nakakaapekto sa iyong
kilos”. Ang mga desicion na ginagawa natin ay nakakaapekto hindi lamang sa ating sarili kundi sa iba pa.
Kapag nahihirapan ka sa paggawa ng magagandang desisyon, humingi ng gabay sa ating mga pamilya.

Ang ikatlong elemento naman ay ang “Isipin ang mga kahalili at bunga” o Imagine. Ang elementong ito ay
nagpapatunay na ang pagdesisyon ay pwede ring isipin kung ano ang mga hindi magagandang mangyayari
bago tayo makapagdesisyon. Kaya, kung tayo ay nakaharap sa mahirap na sitwasyon, kinakailangan pa nating
tatanongin ang ating mga sarili na, “Ano kaya ang mangyayari kung ito ang napili kong desisyon? May
masama bang mangyayari o may maganda bang mangyayari?”. Sa sitwasyong ito, upang masolusyonan itong
problema, dapat natin kilalanin muna ang mga kahihinatnan.

Ang ika-apat na elemento ay ang “Introspect, pakinggan ang iyong emosyon”. Marami satin ang nagsabi na
“Gamitin mo ang utak mo, huwag ang puso mo”, para sakin sa lahat lahat ng sitwasyon kinikailangan talaga
natin gamitin ang utak natin lalong lalo na kung ang sitwasyon na iyon ay ang tungkol sa iyong kinabukasan.
Halimbawa, nasa sitwasyon tayo na nahihirapan tayo pumili ng magandang kurso, kung pipiliin mo ba ang
iyong kagustohan o pagiging praktikal?. Para saakin, mas pipiliin ko maging praktikal dahil nakapokus tayo sa
kinabukasan at mayroon tayong pang-araw-araw na pangunahing pangangailangan . Kayo ba, alin ang pipiliin
niyo?

At ang panghuli na elemento ay ang “Implore, tulong ng Diyos sa panalangin”. Isa sa mga pinakaimportanteng
gawain ay ang pagdarasal sa Diyos. Upang gumaan ang ating mga sarili, huwag kalimutan na magdasal sa
panginoon, humingi ng at magpasalamat sa Diyos. Ang mga problema na nakatagpo satin ay bahagi ng ating
buhay. Lahat tayo ay gumagawa ng mga pagpipilian, ngunit sa huli, ang ating mga pagpipilian ay gumawa sa
atin. Ako nga pala si Bb. Chrislee May Aragon, ang pinakamagandang presentor sa araw na ito. Maraming
Salamat!

You might also like